1. Ang Banta ng Manghuhula

1471 Words
Kapanahunan iyon ng tagsibol sa distrito ng geumjong, busan. Tumitingkad ang ganda ng cherry blossom sa sikat ng araw na ngayo'y namumukadkad sa harap ng bintana ni hannya. Ring -- ring! tonog ng kanyang cellphone na inilapag niya kagabi sa kanyang tabi bago siya natulog. " haay!! dyusko naman! sino ba tong baliw na tumatawag sakin sa ganitong oras? ang aga- aga pa ". Wika niya habang inaabot ang cellphone at tinatakpan ang mukha sa unan.Nagulat na lamang siya nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Si aijo, ang highschool classmate niya. Kaka- graduate pa lang nila sa highschool at ang babae'ng iyon ang madalas niyang kasama ah hindi madalas na bumubuntot sa kanya. Subalit hindi pa naman sila masyadong close, si hannya kasi ang tao'ng mahirap intindihin. Minsan ang bait niya, mukhang innocente, minsan naman napakabaliw niya umasta parang hindi babae. Pero kahit ganun, gusto'ng-gusto ni aijo na mapalapit sa kanya. Para kay aijo si hannya ang tipo niyang kaibiganin, nakakaaliw siya,totoo sa sarili,hindi maarte at higit sa lahat mabait siyang tao. Hindi maiwasa'ng magtaka ni hannya kaya nasabi niya sa sarili, " Teka , teka, mantika to'ng isang 'to kung matulog ah ba't tumatawag to ng ganito kaaga? hmmm.. parang masama 'ata ang kutob ko dito. " bulong niya sa sarili habang nakatingin sa pader. Nang may bigla siyang importante'ng naalala at napabalikwas siya ng bangon. "Oh! hindi! nakalimutan ko! ngayon nga pala ipapaalam ang resulta ng exam ko! baka may liham pra sakin sa post office!" pasigaw niyang sabi sa sarili habang ginugulo ang buhok. " At parang alam ko na ngayon kung bakit tumatawag to'ng gonggong na to, siguro pumasa siya sa exam ta's ako hindi. Eh ano naman ngayon kung matalino sila at ako hindi! marami nmn akong talento wala nga lang akong mga magulang.." malungkot niyang sabi sa sarili atsaka tumayo para magbihis nang bigla niyang naamoy ang kape mula sa kusina. "Ow! ang sarap talaga ng amoy ng kape! sigurado ako'ng dumating na si chen. Akala ko ba sa isang linggo pa ang balik niya ba't naging maaga yata? Hahay, dadaan na naman ako sa bintana nito siguradong di niya ako papayaga'ng lumabas ngayon." Buntong hininga niya habang sinusout ang kanyang jacket. Biglang may boses syang narinig mula sa kusina. "Hannya ! gising ka na ba! halika sabay tayo magkape! " aya ni chen mula sa kusina. "Haayy heto na talaga, " buntong hininga ni hannya sarili " Oo, lalabas na !" sagot niya dito. Si chen ay isang matandang dalaga, siya na ang nagmamay-ari ng maliit na bahay rentahan nila sa busan kung saan ngayon naninirahan si hannya. Ang kanyang ina na pumanaw nung isang taon ang umampon kay hannya anim na taon na ang nakakalipas.Mabait si chen, at tinrato niyang parang isang tunay na kapatid si hannya. Minsan nga lang siya bumibisita sa busan dahil isa siyang reporter sa seoul. Lumabas si hannya sa kanyang kwarto na parang galing sa sabunutan panay ang tawa ni chen na ngayo'y hawak ang tasa ng kape sa isa niyang kamay. " hahahhah! ano bang nangyari diyan sa buhok mo! chaka ya'ng eyebags mo grabe nakakatakot tingnan hindi ka ba natutulog?" patawa'ng tanong niya dito. " Haay akala ko ba sa isang linggo pa ang balik mo? ba't naging maaga yata? " tanong niya dito at bahagyang umupo. " Grabe naman to akala ko pa naman magiging masaya ka sa pagbabalik ko, di ka ba naiinip mag-isa dito sa bahay? " tanong ni chen na ngayo'y nakaupo sa harap niya. " Haaysh! pa'no ako maiinip eh ang ingay-ingay nga ng mga rumerenta dito sa bahay mo!, yu'ng matanda sa ibaba palaging nambubugbug ng aso yun! chaka 'yung matandang dalaga sa kabilang kwarto pag nalasing yun, kumakatok iyon kahit saan dito sa bahay kung ano-ano ang kinakanta niya sa napaka sentonado niyang boses! " Sagot niya kay chen. " Hahahaha! ganun ba? eh mabuti naman hannya , dahil sa kanila hindi ka naiinip dito. Siguro hindi ko muna sila pababayarin ng renta ngayo'ng b'wan pasasalamat ko " pabiro'ng sabi ni chen. " Ano?? teka teka, parang may mali sa mukha mo ah, parang ang saya mo 'ata may nangyari ba?? " pagtataka ni hannya dito. Madalas kasi niyang nakikita'ng stress sa trabaho si chen, isa ito'ng matandang dalaga. Minsan nga, nag-aalala si hannya na baka siya ang dahilan kung bakit hindi ito nag-asawa, ngayon parang may iba sa kanyang mukha. Kasiyahan. Inilapag ni chen ang kanyang kape sa mesa, at ikinulong ng dalawa niyang kamay ang kanyang kanang palad. " Hannya, ito na yata ang pinakamasaya'ng araw sa buhay ko pero kung ano man ang nangyari, mamaya ko na sasabihin. Pabulong nito'ng sabi sa kanya. " ows? bakit naman? alam ko na yan! nakahanap ka na siguro ng boyfriend ano! wag kang maniwala do'n manloloko ya'ng mga lalake na yan! " pabiro niyang sabi dito. Sabay lang silang tumawa at ininom ang kanilang kape. " Ah nga pala , may pupuntahan ako sandali babalik ako kaagad pangako." paalam ni hannya. " alam ko na yan hannya, maglalakwatsa ka na naman sa kanto kasama 'yong mga ulila at kung anong kalokohan ang ginagawa ninyo." Sagot ni chen sa kanya habang nakataas ang isang kilay. " Hah! hindi ah! importante talaga ito chen babalik ako kaagad! bye!" Pasigaw niyang sagot at bahagyang tumakbo papalabas ng bahay. " Haay ,, 'tong bata'ng to kailan ka ba magma- mature? Sana maging masaya ka sa magiging bago'ng mundo mo." bulong ni chen sarili habang hinahaplos-haplos ang kumikintab na wedding ring na kinuha palang niya sa bulsa nga kanyang coat. " Haay! bakit makulimlim ang langit ngayon? akala ko ba magiging maganda ang panahon? nakalimutan ko pa nama'ng magdala ng payong!." wika niya sa sarili habang nakatingala sa langit nang may narinig siya'ng boses ng matandang babae. " Uulan ng nyebe ngayon ihja" " huh? sino 'yun??" lumingon siya para hanapin kung saan nanggaling ang boses at nakita niya ang isang matandang babae nga nakaupo sa isang sulok. Nakasoot ito ng itim na balabal, mahahaba at matutulis ang kanyang mga kuko. Subalit hindi naman iyon ang ikinagulat ni hannya, kundi ang nagliliwanag niya'ng bolang krystal na nasa kanyang harapan. " Napakaliwanag na pag-ibig kagaya ng mga bituin sa gabi at napakaganda nito na parang isang namumukadkad na bulaklak sa panahon ng tagsibol. Subalit, ang hapdi nito ay kasing init ng nagliligablab na apoy. Mamatay ka" Wika ng matanda habang nakaturo ang isa niyang hintuturo kay hannya. " huh? ano bang nangyayari sa kanya??" pagtataka ni hannya. " Pero ang bola'ng iyon!" Hanga niya sa kumikintab na bola sa harapan ng matanda at nagmadaling lumapit para maigi itong tingnan. " ngayon lang ako nakakita ng ganito , talagang nakakahanga nagliliwanag pa!" Nagulat ang matanda sa biglaan nitong paglapit at napatayo. " Ang babae'ng ito, para hindi natatakot sa mga banta." bulong ng matanda sa kanyang sarili habang nakatitig kay hannya na ngayo'y maigi'ng tinititigan ang bola'ng krystal. Tumingala si hannya sa matanda at sinabing. " Lola , isa ka bang - salamangkera ! " " lola? tinawag mo'kong lo-la?" sagot nito na parang nagugulat sa paraan ng pagtawag niya dito. " huh? bakit po? may mali ba doon? ano bang gusto niyo itawag ko sa inyo? di naman pwedeng ate kasi ang tanda niyo na." pabiro'ng sagot ni hannya. " ano! salbahi ka'ng bata ka! hindi ka ba nag-aalala sa kinabukasan mo! ang sabi ko mamatay ka ! ba't parang wala lang sayo!" pasigaw na sagot ng manghuhula. " ba't naman ako mag-aalala? diyos po ba kayo? siya lang ang nakakaalam ng kinabukasan ko noh! pero naniniwala naman ako'ng isa po kayo'ng salamangkera kakaiba kasi ang bola niyo." masungit niyang pagsagot. Hindi na nakasagot pa ang matanda dahil may nakita siya sa likod ni hannya na sobra niyang ikinagulat. Isang napakalaki at napakabangis na puti'ng aso na kung sa unang tingin ay para itong lobo na naninirahan sa antarctica. " Nandito na naman ang halimaw na ito! yung pasaway na binata'ng iyon! " pasigaw niyang sabi habang nakahawak ang dalawang kamay sa kanyang ulo. Nagmadaling pumunta ni hannya sa tabi ng matanda at sa takot niya ay nasabi niyang, " Ang laki naman ng bibig niya! anong klase'ng aso ba yan! lola parang mali yata 'yong hula mo na mamatay ako, kasi sa tingin ko parang tayong dalawa ang mamatay ngayon! tingnan mo yang aso'ng yan! isang kagat lang siguradong bali-bali boto natin niyan!" " Ano!! sinasabi mo bang mali ako! wala ka talaga'ng galang sa mga matatanda! buti pa umalis ka na!" sigaw ng manghuhula na ngayo'y nag-aapoy na sa galit. " Oh sge po lola! aalis na po ako! ingatan niyo po ang sarili niyo ! paalam! " tumakbo si hannya ng napakabilis papalayosubalit hinabol siya ng aso. " Ikaw ang mag-ingat sa sarili mo bata!! Hahahahaha!" pagtatawa ng manghuhula. ***itutuloy***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD