CHAPTER 7 A BULLY MAN

5000 Words
Kinabukasan maaga ako nagising muli para ipaghanda si mama nang almusal. Anytime andito na sya kaya naman nagmadali na ako. Nagluto ako nang sinabawang sardinas na may miswa, sa araw araw na ginagawa ko ito natututo ako nang iba't ibang recipe na hindi ko naluluto noon. Nang matapos ako sa pagluluto, may nag busina sa labas, busina yun ng tricycle ibig sabihin dumating na si mama kaya naman dali dali ako pumunta sa labas para tulungan si mama sa bitbitin. Nang makapasok na kami sa bahay sinabihan ko agad si mama na kumain na kasi ako mag aasikaso na dahil baka tanghaliin na ako. Nag oo naman ito sa akin kaya naman dumeretso na ako sa banyo para maligo. Matapos maligo at magbihis, nagpaalam na ako kay mama na aalis na para pumasok. Humalik ako kay mama sa pisngi at saka umalis na para pumasok. Habang naglalakad inaasahan ko na may sasakyang itim na nakaparada sa kanto, kaso nagkamali ako pag dating ko sa kanto walang sasakyang itim at walang gwapong nilalang na nakaabang sa kanto. Nagtaka naman ako kasi ngayon lang pumalya si Ivan sa pagsundo. Naisip ko na baka busy lang ito or natrapik kaya naman naghintay pa ako nang 30 minuto. Makalipas ang 30 minuto walang dumating na Ivan kaya naman naisipan ko nang sumakay nang sasakyan at baka malate na ako at kung sakali malate ito nang pasok sasabihin ko nalang na nauna na ako. Nang makarating sa paaralan naabutan kong nakaabang ang mga babae at binabae sa entrance gate ng paaralan. Nakita pa ako nang ilang babae na bumaba nang jeep at heto na naman sila bulungan na naman kaya naman hindi ko na inintindi at naglakad na ako. Maya maya pa napahiyaw ako nang biglang may humintong motor na Black Yamaha YZF R1 1000 ABS sa gilid ko at muntik na akong masagasaan nito napatingin naman sa akin ang mga babaeng kanina pa nakaabang sa entrace gate. Kaya nung bumaba ang sakay ng motor agad ko itong nilapitan para pagsabihan. " Hoy ikaw hindi ka nagdadahan dahan muntik mo na ako masagasaan ah " sigaw ko dito habang sya ay nag tatanggal nang lock ng helmet sa kanyang baba. Nang tanggalin na nito ang helmet isang gwapong nilalang ang nakatingin ngayon sa akin. Naka brush up ang buhok na kulay black at my highlight na kulay cream, my hikaw ito sa kanang tenga, medyo singkit ang mata, maputi, kissable lips, matangos ang ilong at ang kinis nang balat. Mga mayayaman nga naman alaga lagi sa balat. Saka ako natauhan nang marinig ang hiyawan ng mga babae grabe narindi ako. " Hoy ikaw saan ang guidance nyo dito?" tanong nito sa akin. Gwapo sana pero wala palang galang sa mga babaeng gaya ko. Turn off. " Sumunod ka ituturo ko " sagot ko na nakasimangot, ngumiti ito sa akin na parang pang asar na ngiti saka ko na sya tinalikuran at pumasok na sa loob. Habang sya naman ay pumasok na din pero dumeretso muna sa parking lot para iparada ang motor kaya hinintay ko pa ito nang kaunti. Nang maipark na ang motor agad itong tumakbo sa pwesto ko, at sabay na kaming naglakad papuntang guidance. Naiilang pa nga ako kasi panay ang sulyap nito sa akin na may nakakalokong ngiti. Siguro natutuwa sya sa itsura kong kanina pang nakasambakol. Nang makarating kami sa guidance agad ko na ito iniwan dahil malelate na ako. Dali dali na ang takbo ko dahil medyo may kalayuan pa. Nang makarating sa silid aralan hapong hapo ako sa hingal, sumalubong naman sa akin si Trina at Kenneth. " Anyare sayo " tanong ni Trina sa akin. " Wala tumakbo kasi ako dahil malelate na ako " sagot ko dito. " Pasok na prinsesa ko " sabi naman ni Kenneth, pagpasok ko parang iba ang atmosphere, nakatingin kasi ang grupo ni Lorriane sa akin animoy mga mababangis na aso, anytime pwede ako lapain. Pag upo ko sa desk ko napansin kong wala pa si Ivan kaya naman nagtanong ako sa dalawa pero ang tanging sinagot lang nila sa akin wala pa at mukhang hindi ito papasok. Nalungkot ako bigla sa narinig. Maya maya pa ay pumasok na ang aming guro sa unang aralin. " Makinig makinig, si Mr. Ivan Mcfiled pala ay nasa bakasyon ngayon dahil sa isang family emergency sa ibang bansa at hindi pa alam kung kailan makakabalik, kaya naman bibigyan nalang namin sya nang special exam kung sakaling makaabot man sya sa darating na Prelim. Sabagay matagal pa naman yun." paliwanag nang teacher. Nabigla ako sa balitang iyon, kaya siguro niyaya nya ako at gusto ako masolo kagabi, at higit sa lahat ay hinintay talaga ako para sya ang maghatid sa akin pauwi dahil yun na pala ang huli naming pagsasama dahil aalis pala ito kinabukasan, napayuko ako sa lungkot at nangingilid ang luha, bakit hindi ito nagpaalam man lang tanong ko sa sarili ko. Parang wala na ako naririnig sa paligid ko at iniisip ang nangyari nung gabi, kung alam ko lang na ganito na aalis sya ay nakapagpaalam sana ako at pumayag na sa amin na sya matulog kung alam ko lang sana. Tuluyan nang pumatak ang luha ko pero agad kong pinunasan baka kasi may makakita. Natauhan lang ako nang may tumawag sa akin mula sa harapan. " Miss sambakol face!" tawag nito. Nang maiangat ko ang mukha ko nakita ko ang lalaki kanina na sinamahan ko pa guidance. Hindi ako nakakilos at hindi din ako nakapagsalita. Nagsimula na ang guro namin na ipakilala ang bagong istudyante. " Ito si Kaijoo Kaizen, 22 years old nanggaling pa sa japan at umuwi dito sa pinas para dito na mag aral with the guidance of Mr.Mcfiled meaning to say pinsan sya ni Ivan. " pagpapakilala nang guro. Hiyawan na naman ang mga babae sa silid aralan at sumama na din sa hiyawan si Trina, ako naman nakatingin lang sa lalaki na ngayon ay nakatingin na din sa akin na may pang asar na ngiti sa labi kaya naman sinalubungan ko ito nang kilay habang hindi inilalayo ang mga titig sa kanya. " Sige na iho umupo kana " sabi nang teacher namin saka naglakad papunta sa pwesto ko. "Sir dito nalang ako sa likod nang babaeng ito." sabi nya habang nakatitig pa din sa akin. " Pogi dito ka nalang sa tabi ko may nakaupo na kasi dyan si Ivan. " yaya naman ni Lorriane kay Kaijoo. " Nope gusto ko dito " sabay upo sa bangko na nasa likod ko. Pinagtawanan naman ng mga ka klase namin si Lorriane dahil sa isinagot ni Kaijoo dito. Kaya naman nang irap lang ito nang tingin sa akin. " May nakaupo dyan sabi dun ka nalang kay Lorriane " pagtataboy ko kay Kaijoo pero imbis na sundin ako ay ngumiti lang ito habang nakapikit at nakayuko. " Pag sinabi kong gusto ko dito gusto ko dito maliwanag? " pagbanta nito sa akin. Kapal talaga nang mukha nakakapanggigil. Sumapit ang breaktime at hindi ako sumama kela Trina at Kenneth sa pagpunta sa canteen dahil wala akong gana kumain at pahanggang ngayon ay iniisip pa din si Ivan kung kailan uuwi. Habang nakaupo at nakatingin sa bintana, nanonood sa mga istudyanteng nagsasaya sa baba ay may tumabi sa akin na ngayon ay nakaupo at nakatingin din sa bintana. Agad akong napatingin sa kanya na may pagtataka sa mukha. " Ang lalim nang iniisip mo, may problema kaba? saka masungit kaba talaga? " tanong nito sa akin habang sumusubo nang turon at nakatingin sa malayo. " Wala ito, saka hindi naman ako masungit kaso nakakainis lang kanina muntik mo na ako masagasaan tapos hindi ka pa humingi nang sorry man lang. Ganyan kaba kabastos sa mga babae parang wala kang respeto. " prangka kong sagot dito. Tumawa sya at tumingin sa akin saka hinawakan ang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. " Sorry na po Miss sambakol face " sabi nya na nakangiti, ang ngiti nyang iyon ay parang ngiti ni Ivan na nagpaalala sa akin kaya naman agad akong napayuko. Napansin nya yun kaya nagulat sya sa inasal ko. Pilit nyang sinisilip ang mukha ko. " Hmmm nagugutom kaba? " tanong nito sa akin. " Hindi may naalala lang kasi ako. Sige na sorry accepted na kung may gagawin ka pwede kana umalis at iwan mo na ako dito" sabi ko sa kanya habang nakayuko pa din. Namimiss ko si Ivan sa mga ngiting yun. Hindi ko inaasahan ang pag-akbay nito sa akin at hinila na ako palabas ng room. " Hooy ano ba bitawan mo nga ako " galit na utos ko dito. " Bababa lang tayo boring kaya sa classroom " sabay ngiti nito sa akin. " kung naboboring ka edi ikaw nalang bumaba dadamay mo pa ako " sambakol ko na naman na mukha. Akmang lalakad na ako pabalik nang hawakan nya ang braso ko. Bagay na nagpaalala na naman sa akin kay Ivan, madalas kasi nya gawin sakin yun dati ngayon ay hindi na mangyayari pa. Hinila nya ako papalapit sa kanya pero nanatili akong nakayuko. Tinangka nyang iangat ang mukha ko, nagulat sya nang makita ang mga mata ko na may luha at salubong ang mga kilay na nakatingin sa kanya, pakiramdam nya parang ibig sabihin nang mga titig na yun ay pabayaan mo ako. Agad naman nya ako binitawan, nang mabitawan ay agad akong tumakbo papuntang classroom at dali dali nagpunas nang luha, baka kasi may biglang pumasok at makita pa akong umiiyak. Sabihan pa akong OA. Dumating ang oras nang uwian, ang lahat ay nasa park at nagpapractice. Matapos ang line ko umupo muna ako sa gilid para magpahinga. Nilapitan naman ako ni Kaijoo para siguro mangulit na naman. " Para saan itong ginagawa nyo? " tanong nito. " Para sa gaganaping play, next week na kasi yun. " sagot ko dito. " hmm nga pala hindi pa kita kilala pwede bang malaman ang name mo? " tanong muli nito. " sige ipapakilala ko sayo mga kaklase natin, una sa lahat ako si Layka Villa Ruiz, yun naman ang best friend ko si Trina, yung lalaking nakatayo at nagcocommand ayun naman ang ating class president si Kenneth. Yung nag aya naman sayo nang upuan ayun naman si Lorriane " at nagtuloy tuloy pa ang pagpapakilala ko sa mga kaklase namin. Natuwa naman sya sa ginawa ko. May kabaitan din pala itong tinatago kasi nagkusa na syang magtanong kay Kenneth kung ano ang pwede nyang gawin sa play. Ini assign nalang sya ni Kenneth sa paggawa ng mga Props. Bagay na sinang ayunan naman nito. 8 o'clock na nang matapos kami sa practice at ang lahat ay nagsiuwian na. Sumabay naman ako kela Kenneth at Trina pa gate ng school, si Trina ay sinundo ng kanyang ama, si Kenneth naman ay ang kanyang Ina dahil may dadaanan daw sila, ako gaya nang dati mag sosolo sa pag uwi. Sinimulan ko na maglakad para makauwi agad dahil medyo malayo layo pa ang uuwian ko. Kung bakit naman kasi hindi ako nakahingi nang baon sa mama ko ito tuloy naglalakad ako pauwi. Nagulat ako nang may bumusina mula sa likod ko kaya naman napahinto ako. Nang mapadaan ang nakamotor sa gilid ko, nilingon ako nito at nang makilala ako saka sya huminto sa harapan ko. "Sakay kana miss sambakol" yaya nito sa akin pero hindi ko ito pinansin at nakayuko akong dumeretso at nilagpasan sya, nang maiangat muli ang aking ulo sa harapan na daan napahinto ako nang makitang madaming tambay sa dadaanan ko at mga lasing pa kaya naman bumalik ako kay Kaijoo. " amm pwede ba? " tanong ko dito na ngayon ay parang nagmamakaawa akong ihatid nya dahil nakakatakot dumaan sa ganung sitwasyon nang kalsada. " Sure miss sambakol sakay kana " at hinawakan na ang kamay ko. Saka ako umangkas sa likod nya. " Kapit ka ah " sabi nito, kaya naman humawak ako sa balikat nito. " Hindi dyan, dito " sabay turo sa baywang nya. " Manyak! bakit ako kakapit dyan? " tanong ko dito, narinig ko pa ang pagtawa nito nang bahagya. " Ayaw mo? " tanong ulit nito sa akin. " Ok na dito sa balikat! " sigaw ko nalang, at tumawa pa din sya. Nang maikabig ang motor sabay break, napahiyaw ako kasi para akong malalaglag kaya naman napakapit na ako sa baywang nya. Ngumiti ito saka inayos na ang pwesto nya bago magpaandar. " Kapit ka lang " sabay harurot sa motor. Sobrang bilis nya magpatakbo na kala mo sya lang ang sasakyan sa kalsada, para kaming nasa karera nauunahan ang mga motorista na nasa harapan namin. " Grabe ang bilis mo magpatakbo " nakatago ako sa likod nya dahil wala naman akong helmet kaya nasasalo ko ang hampas ng hangin tapos nakapikit nalang ako kasi natatakot ako sa patakbo nya. " San kaba bababa? " tanong nito sa akin. " Sa kanto nang Visayas St. sa Money changer " sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya kasi bumagal nang bahagya ang takbo namin. Nang matapos sya dito ay agad ulit nya pinaharurot ang motor. Sana makarating na kami natatakot na ako. " Dito na tayo " sabi nito sa akin Napamulat naman ako nang mata at bumitaw na sa pagkakayakap sa kanya. " Grabe ang bilis " tanging salita na lumabas sa bibig ko. Kaya naman bumaba na ako para magpasalamat. Nang humarap ako sa kanya bigla nalang itong tumawa nang malakas. Napakunot noo naman ako sa ikinilos nito. " Bakit ka natawa? " tanong ko sa kanya. Pero hindi ako nito inintindi sa halip tumawa lang nang tumawa. Kaya naman napatingin ako sa side mirror ng motor nya nagulat naman ako sa itsura ko sabog sabog ang buhok ko kaya naman inayos ko agad ito saka ko sya hinampas sa mga hita. Tumigil naman sya sa kakatawa ng bahagya at nagpupunas na ngayon nang nangingilid na luha sa kakatawa. " Sorry hindi ko lang kasi mapigilan natawa lang ako sa itsura mo, sorry din wala pala akong helmet na pwedeng ipahiram sayo isa lang kasi helmet na dala ko and Sorry again about kanina muntik kita mabunggo at yung nahila kita palabas ng room. Hindi ko intensyon gawin ang ganung bagay pero kung may problema ka wag ka lumimot na may mga kaibigan ka na pwede mong sabihan mas makakagaan kasi yun miss sambakol face. Hindi na ako nakaimik sa kanya nanatili akong nakatayo habang sya naman ay nakaupo pa din sa kanyang motor. Nagulat ako nang biglang may umilaw at nang tingnan ko nag selfie pala ito at isinama ako, susme naman. " paano aalis na ako, teka malayo paba yung inyo mula dito? baka malayo pa ihahatid na kita. " alok muli nito " Hindi na ok na dito kayang kaya naman na lakarin saka safe na din dito. " sagot ko " oh sige aalis na ako " paalam nito saka pinaandar na ang motor sabay harurot muli rito. Ako naman naglakad na para maaga pa din makarating sa bahay. Sa mansion nang Mcfiled. Nakahelera ang mga katulong sa entrance door nito at inaabangan ang pagdating ni Kaijoo. Nang makarating si Kaijoo agad ito pumasok nang gate at maya maya ay bumaba na nang motor. Ibinigay nito ang motor sa tagapangalaga nang mga sasakyan ng mansion at agad syang pumasok sa loob. " Maligayang pagdating señorito Kaijoo" sabay sabay na bati nang mga katulong, mayordomo at mayordoma. " Magandang gabi, pwede na po ba akong kumain nagugutom na po kasi ako " tanong nito sa mayordoma ng mansion. " opo señorito nakahain na po ang pagkain sa mesa nakahanda na din po ang inyong kwarto at mga damit na susuotin " sagot nang mayordoma. " Ah sige maliligo muna ako bago kumain, salamat " sabi ng binata. " masusunod po señorito " sagot muli nang mayordoma. Agad na umakyat nang hagdan si Kaijoo para makaligo at makakain na. Nang makapasok na sa kwarto ay agad itong dumeretso sa banyo para maligo. Habang nag shashower hindi malimutan ng binata ang mukha ni Layka dahil sa tuwing ipipikit nito ang mga mata ang inosenteng mukha ni Layka ang nakikita. Kaya naman napapangiti sya kapag naaalala nya ang mga nangyari kanina. " miss sambakol face " sabay ngumiti ito nang bahagya. Nang matapos maligo ay nagbihis na agad ito saka bumaba para makakain na nang hapunan. Sa hapag kainan habang kumakain naisipan nyang kamustahin ang pinsan na si Ivan. "Jefferson kailan pa umalis si Ivan? " tanong nito. " kanina lamang pong madaling araw señorito " sagot nito. " hmmm tawagan ko nga. " sabay open nito nang messenger at tinawagan ang pinsan na si Ivan. Pagka ring, hindi naman nagtagal at may sumagot sa kabilang linya. "uyy tol musta ka dyan? kala ko aabutan kita dito sopresahin sana kita kaso pagdating ko sa resthouse kagabi nagpahinga na ako tapos kinabukasan ito nga nag enroll ako sa school mo. And guess what saang room ako? hahahahha sa room mo tol, alam mo bang may nakilala agad ako dun kakaibang girl tol hahahahaa napaka simple nya tol sobra tapos palaban, nag ka interest tuloy ako sa kanya. " kwento nito sa pinsan. " kahit hindi mo naman sabihin sa akin alam ko naman na yan agad ang hahanapin mo pagpasok kahit sino ata papatulan mo " sagot ni Ivan sa kabilang linya. " Hindi tol iba to, napaka interesting nya tol promise pagbalik mo dito ipapakilala kita sa kanya sa ngayon kikilalanin ko muna sya. Nga pala musta ka dyan? " wika ni Kaijoo. " Ito nasa meeting mamaya pa naman mag uumpisa. Sige pag uwi ko ipakilala mo sa akin ah for sure maarte yan " sabi ulit ni Ivan. " uyy hindi napakasimple nga nya eh yun ang nagustuhan ko sa kanya ibang iba sya tol sa mga nakilala ko sa japan na ang daming brololoy sa katawan tapos puro make up pa hahaha " kwento nito habang sumusubo nang pagkain. " Sige na mag sisimula na meeting dito" pag papaalam ni Ivan. " Kailan uwi mo tol " tanong naman ni Kaijoo " baka next week tol sige na " at ibinaba na ang tawag. Nagkibit balikat nalang ito at tinapos na ang hapunan para makatulog na din. Kinabukasan maaga muli nagising si Layka para makapasok nang maaga balak nitong maglakad para makapag exercise na din. " Ma alis na po ako " paalam ko sa ina. Habang naglalakad napadaan muna ako sa bilihan nang pandesal para may manguya ako habang naglalakad. Pagkatapos makabili naglakad na akong muli. Kumuha ako nang isang pandesal para kainin kaso biglang may humablot dito, pagtingin ko si Kenneth pala. " Sige sayo na yan! " sigaw ko dito sabay ngiti. Huminto ito para hintayin ako, nang makarating ako sa pwesto nya agad naman nya ako inakbayan kaya sabay kami ngayong naglalakad habang nakain nang pandesal. " three days from now nalang ang practice natin prinsesa. Dahil sa monday na ang play, alam mo bang kinakabahan ako sa pwede mangyari hahahaha na eexcite ako na kinakabahan kaya pag nasa stage na tayo tulungan mo ko mawala ang kaba ko ah " sabi nito sa akin na hinila pa ang leeg ko gamit ang braso nyang nakaakbay sa akin. " Oo sige, teka nasasakal mo na ako! " sagot ko dito sabay hampas sa dibdib nya. Agad naman nya niluwagan ang pag akbay sa akin habang natawa. Hindi namin namalayan na malapit na pala kami sa paaralan. Naaliw kasi kami masyado sa kulitan namin sa kalsada. Sa entrance gate nagkakagulo na naman ang mga babae hindi dahil kay Ivan dahil wala naman ito, kundi dahil kay Kaijoo na nakatayo sa entrance gate. Napatingin kaming dalawa ni Kenneth sa pwesto ni Kaijoo at nagkatinginan pa kaming dalawa na parang nagtataka kaya naman agad kaming lumapit dito. " Tol tara pasok na tayo sa loob " yaya ni Kenneth dito. Ako naman ay nakatingin lang kay Kaijoo na nakapikit pa din. " Tara na Kaijoo " yaya ko din dito saka sya nagmulat nang mata at tumingin sa akin. Nagulat naman ako nang alisin nya ang kamay ni Kenneth tapos saka nya ipinalit ang braso nya, naghiyawan ang mga babae at ang iba naman ay nagbulungan. " Tara na class president " sabi nito kay Kenneth at sabay hila nito sa akin, ako naman ay nagpati alon nalang dahil nakaakbay ito sa akin. Si Kenneth naman ay nanatiling nasa likod namin habang halata naman sa mukha na may bahid nang pagtataka. Nang makarating kami sa room nagkatinginan ang mga babae naming kaklase maging ang mga lalaki. Si Trina naman ay agad sumalubong sa amin na may ngiti sa mga labi. " Goodmorning bhest " lika dali magpapaturo ako sayo, hi Kaijoo, Kenneth " bati nito sa amin. Sumunod naman si Kaijoo at umupo na din sa desk si Kenneth naman ay pumunta sa harapan para sabihin ang binabalak na practice para mamaya after school. Ako naman tinuturuan ko si Trina nang gagawin para sa math dahil hindi daw nya maintindihan. Sa hindi kalayuan nakatingin sa amin si Lorraine ganun din ang grupo nito. " Ang landi talaga nang babaeng yan nakakainis " sabi nang isa naming kaklase. " Sinabi mo pa tingnan lang natin kung hanggang saan ang panglalandi nya " sabi naman ni Lorraine sa mga kasama nya. " Naku girl kung ako sayo sasabunutan ko na ang babaitang yan. Poor girl na nga pero kung makalandi nang lalaki sagad. Hays na ha high blood ako sis " sabi naman ng bakla nilang ka grupo. Sumapit ang breaktime at nagkayayaan ang magkakaibigan na kumain sa canteen. " Prinsesa tara kain tayo " sabay lapit ni Kenneth sa akin na nakangiti pa. " Bhest masarap ang menu sa canteen tara na " aya din ni Trina sa akin. " Opssss sa gusto mo at sa gusto mo sasama ka " sabay akbay sa akin ni Kaijoo. " Anong sa gusto mo at sa gusto mo? ano? walang choices? baliw haha " at nagtawanan kaming tatlo habang sya ay napakamot nalang sa ulo. " Teka teka pakialis nga nang iyong braso sa prinsesa ko " akmang tatanggalin na nito ang kamay ni Kaijoo pero agad na kinabig papunta sa dibdib nya ang kanyang braso kaya naman napadikit ako sa dibdib nito. Nagulat naman ako sa ginawa nya hindi ko yun inaasahan. " Let's go! " at lumakad na kaming dalawa. " Ho....hoyy.. bitawan mo ang prinsesa ko " habol ni Kenneth sa dalawa na ngayon ay naglalakad na palabas. Tumatawa naman si Trina na sumunod sa tatlo. Nang makalabas ang apat. Sinundan naman nang tingin nang grupo ni Lorriane ang mga ito na tipong nanlilisik ang mga mata sa galit. Pagdating sa canteen, agad nagtungo si Kaijoo sa mga pagkaing nakadisplay sa harap habang akbay pa din ako. " Tol hanap na kami ni Trina nang mauupuan! " sigaw ni Kenneth sa amin. " Geh! " sagot nito na pasigaw na hindi man lang nilingon si Kenneth. " hmm anong gusto mo kainin? " tanong nito sa akin na nagpapalit palit nang tingin sa mga menu at sa akin. " cake nalang saka gatas " sagot ko na medyo ngalay na sa kakaakbay nya kasi naman ang bigat nang braso. " Sige yung dalawa kaya ano gusto ng mga iyon " tanong nito habang naghahanap nang oorderin nya. " teka tanungin ko nalang " suhuwestyon ko habang nakatingin sa kanya. " ok sige " pagpayag nya kaya naman umalis na ako para tanungin ang dalawa. Sa paglakad ko bigla ako nadapa dahil sa natabig ko ang paa na humarang sa lalakaran ko. Pagtingin ko si Lorraine ang nasa upuan na nagharang nang paa sa daan ko. Nagtawanan ang mga kagrupo nya. " Ayan kasi hindi tumitingin sa dinadaanan " sabi ni Lorriane. Nagtawanan ang mga istudyanteng nakakita sa pagkadapa ko sa sahig, todo din ang tawanan ng mga babae at bakla sa table ni Lorriane. Agad namang lumapit si Trina at Kenneth sa akin para tulungan akong tumayo. " Bhest ok ka lang " tanong nito sa akin. Tumango lang ako bilang sagot sa kaibigan. " Lorriane may kinalaman kaba dito? " tanong ni Kenneth sa malditang babae. " Wala po class president, aanga anga kasi siya kaya siya nadapa." sagot nito sabay tawanan ulit ang mga kasama nito sa table. " Class president nakita ko pong inilabas ni Lorriane yung paa nya kaya natabig ni Layka sinadya po ni Lorriane yun. Plano po kasi nila yun narinig ko po yung usapan nila sa classroom" sigaw nang kaklase naming babae. " hoy maritess anong pinagsasabi mo dyan wala akong kinalaman sa pagkadapa ng walang utak na babaeng yan, kaya sya nadapa kasi aanga anga sya! " sabi ni Lorraine sabay ngising nakakainsulto ang mukhang pinakita nya sa amin. " Opsss natapon " sabi ni Kaijoo pero sinadya nyang itapon ang lugaw sa babaeng maldita. " waaaaaa ...ahhh, look! what have you done. arrrrr " sigaw ni Lorriane dito. " sorry hindi ko talaga sinasadya. Kayo dyan tulungan nyo leader nyo madumi na, kasing dumi nang ugali nya " sabi ni Kaijoo na may seryosong mukha at may kasamang panlilisik sa mga mata kaya naman natakot ang mga ito saka nagsipulasan habang hila hila si Lorriane palabas nang canteen. " Ok ka lang ba? " tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa tanong nya. " Tol dalhin mo na to sa pwesto natin bibili lang ako ulit nang lugaw." utos nito kay Kenneth " cge tol " sabay kuha sa tray na may lamang pagkain. " ay oo nga pala ano ba bibilhin ko sa inyo ni Trina? " tanong nito. " Si Trina sopas at softdrinks, sa akin sandwich saka softdrinks na din. " wika nito. " cge " at nagtungo na muli sa harap para bumili. Sa pwesto namin kita ko ang pag aalala ni Trina at Kenneth. " Ano ba kayo ok lang ako sanay na ako na binubully." at tumawa nalang ako para ipakita na ok lang ako. " parang noon nabully ka dahil kay Ivan ngayon na bully ka dahil kay Kaijoo kawawa ka naman bhest. " sabi nito na may lungkot sa mukha. " naku baka mabully ka nang dahil sa akin prinsesa kaya siguro lalayuan muna kita ah para hindi mangyari yun " sabat naman ni Kenneth. " kapal din nang face mo as if naman may fans club ka gaya nila Ivan at Kaijoo " sabay irap nito kay Kenneth. " we didn't even know " sabay siko nito kay Trina pero hindi naman malakas parang sundot lang. " Tumigil na nga kayo hahaha" suway ko sa dalawa. Maya maya pa ay dumating na si Kaijoo bitbit ang pagkain nang dalawa at umupo na sa tabi ko. Kumain na kaming apat habang nagkakakwentuhan sa pinanggalingan ni Kaijoo kung bakit sa pinas naisipang mag aral samantalang maganda naman ang mga paaralan sa Japan. " Guys magtatime na pala bilisan nyo na " sabi ni Kenneth sa amin. Kaya naman tinapos na namin ang mga pagkain namin saka umalis para hindi malate. Dumeretso kaming tatlo sa room samantalang si Kenneth naman ay dumeretso sa adviser namin na nasa office para kunin ang gagawin namin ngayong hapon. Pagpasok nang room nakayuko lang akong nagtungo sa upuan ko. Nasa gilid ko naman si Trina at nasa likod ko naman si Kaijoo na nakapamulsa. Ramdam kong nakatingin ang grupo ni Lorriane sa side namin, pero wala akong pake may karma naman sa mga ganyang tao. Sumapit ang uwian at oras na naman ng practice kaya ang lahat ay nagtungo na sa park. Habang ako ay nahuli sa paglabas. Nakaabang naman si Kaijoo at Trina sa pinto ng room at nag selfie na naman kasama ako at si Trina. " Panay naman picture mo halika na nga " suway ko dito " syempre may magagandang babae akong kasama eh " sabi nito. Sa harap namin bumungad naman si Kenneth na kalalabas lang nang pinto ng office ng adviser namin. Tumakbo naman si Trina dito at nang mapansin kami kumaway ito at sumabay na sa amin papuntang park. Gaya nang dati walang pinalampas na oras ang buong klase, maging sa mga nakatoka sa props ay may mga natatapos na din paunti unti. Ako habang nakaupo iniisip pa din ang damit na susuotin ko sa darating sa Play dahil kapos kami sa pera siguro manghihiram nalang ako sa mga kapitbahay. Siguro naman may naitatago silang gown kahit papaano. Tumabi sa akin si Trina at napatingin sa mukha ko. " mukhang malalim ang iniisip natin ah" sabi nito sa akin. " hindi naman bhest haha " sabi ko nalang para hindi ito mag alala. Lumapit din si Kaijoo sa amin at inabutan kami nang tubig " thank you " wika naming dalawa kay Kaijoo. 8 o'clock na nang gabi nang matapos kami sa practice. Gaya nang kahapon hinatid ulit ako ni Kaijoo pero sa pagkakataong ito may helmet na syang dala para sa akin. Hindi talaga mawala ang takot ko kapag humarurot na sya. Sobrang bilis kasi nyang magpatakbo. Hindi nagtagal ay nakarating agad kami sa kanto sa amin. Bumaba na ako saka nagtanggal nang helmet pero hindi ko pa natatanggal ang helmet hinila nya ako para sya na ang magtanggal dito. Nang matanggal ang helmet ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko din ito. " Salamat ingat ka sa pagdadrive " sabi ko nalang, saka sya sumakay muli sa motor at nag selfie muli kasama ako pero sa pagkakataong ito nag peace sign na ako. Maya maya nagsuot na sya nang helmet at nag wave na sa akin saka pinaandar ang motor. Ako naman ay nagsimula na maglakad pauwi. Sa mansion. Kakarating lang ni Kaijoo na agad ipinark ang motor saka ito pumasok at dumeretso agad sa kwarto para mag asikaso at makaligo. Nang matapos maligo uminom muna ito nang wine habang may mga ngiti sa labi dahil sinasariwa ang mga nangyari kanina at habang tinititigan ang picture na kuha nya kanina sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD