Kinagabihan nagluto ako agad nang hapunan namin ni mama, gaya nang dati sinabawang upo ang niluto ko. Sana magustuhan ni mama. Pagkatapos magluto ay nanood naman ako nang TV habang gumagawa nang mga takdang aralin. Bigla namang may kumatok sa pintuan, kaya agad akong pumunta sa pinto para pagbuksan ito at baka si mama na. Nang mabuksan ang pinto isang guwapong nilalang ang bumungad sa akin, kimpy hair, naka reading glasses ito, nakajacket na itim, naka black short na may six pocket, naka white rubber shoes at as usual naka headset na nakasabit sa leeg, grabe ang guwapo talaga. Hindi ako nakakilos kasi andito ang crush ko, at anytime andito na din si mama baka abutan kami.
"A..a.. ano, anong ginagawa mo dito?" utal kong pagsasalita, nabigla kasi ako.
"Hindi ako magtatagal, sinilip lang kita kung maayos kang nakauwi, bali aalis na din ako" seryosong sagot nito na naka cross arms pa.
"Ah ganun ba, ito ok naman ako." at nginitian ko nalang ito. Gusto ko sabihing wag ka muna umalis at dito ka muna, kaso hindi maaari dahil anytime andito na si mama baka ano isipin kapag nakita kaming dalawa lang ni Ivan ang nasa bahay.
"Sige alis na ako" wika ni Ivan at tumalikod na.
Sinundan ko ito nang tingin hanggang makapasok sa kanya kotse. Maya maya pa ay humarorot na ito paalis. Nalungkot ako bigla namiss ko siya nang sobra at gusto ko sanang pigilan ito para makapag usap pa kami pero hindi talaga pwede, isa pa ok na siguro yung medyo layuan ko na din siya para hindi masakit kung sakaling malaman kong girlfriend na niya si Claire.
Nang makaalis na si Ivan ay agad naman dating ni Mama kaya naman sinalubong ko na ito pagbaba ng tricycle. Nang makapasok na nang bahay niyaya ko na din kumain para makapagpahinga na din kami.
Kinabukasan wala pa din kaming pasok kaya naman paggising ko nang umaga ay naligo agad ako para maipagluto ko nang pagkain si mama bago ito pumasok. Pagkatapos maligo nagbihis na ako bago lumabas nang kuwarto at dumeretso sa kusina.
6 o'clock na nang umaga nang gisingin ko si mama para makapag asikaso na natuwa naman ito sa ginawa ko. Sinabayan ko na din ito kumain.
"Ma, musta na kaya si papa nagtetext po ba sa inyo?" tanong ko kay mama, nagtaka naman ako na parang nagulat siya matapos ko iopen si papa sa kanya.
"Si papa mo? ok naman siya." at binaling muli ang atensyon sa pagkain.
"Namimiss ko na po kasi siya. Matagal na din siyang hindi tumatawag sa atin, tumawag na po ba siya sa inyo?" muling tanong ko kay mama.
"Hindi text palang last week, oh sige na anak aalis na ako ikaw na bahala dito ah" paalala nito sa akin.
Inihatid ko naman si mama sa labas ng bahay at hindi iniwan hanggat hindi nakakasakay ng tricycle. Nang makasakay, agad na din akong bumalik sa bahay para mag asikaso muli ng mga gawain sa bahay.
Sa kabilang banda nag uusap sina Trina at Kenneth sa phone, balak nilang dumalaw sa bahay ni Layka.
"Pards gala tayo kela Layka" sabi ni Trina.
"Tara kaso ang problema hindi ko alam bahay ni Layka ikaw ba?" sagot ni Kenneth sa kabilang linya.
"Hindi din pards eh, tanongin kaya natin si Ivan kung alam niya?" suhuwestyon naman ni Trina.
"Kung tayo nga hindi natin alam siya pa kaya? mindset ba pards mindset" sabi ulit ni Kenneth
"Sabagay may point ka, pero try pa din natin malay mo diba"
"Edi ikaw magtanong, teka may number kaba ni Ivan?"
"Ay wala din pala, ano bayan" inis ng dalaga.
"Tara gala nalang tayo kahit saan or samahan mo ako mag grocery" sabi ni Kenneth.
"Ok sige kita tayo sa kanto hintayin kita pards" at ibinaba na ni Trina ang phone.
Nagkita ang dalawa sa sinabing location ni Trina, at agad naglakad ang dalawa papuntang grocery.
"Teka pards, pards!" sabay hila ni Trina sa damit ni Kenneth
"Ano ba kasi yun mapupunit mo na ang damit ko eh" sabay lingon nito kay Trina.
"Diba si Ivan yun?" sabay turo sa direksyon ni Ivan.
"Aba oo nga tara" yaya ni Kenneth
"Teka ano gagawin mo?"
"Edi tatanong natin ang bahay ni Layka" sagot nito. Agad namang sinang ayunan ni Trina ang binabalak ng binata.
Agad silang lumapit kay Ivan na ikinagulat naman nito.
"Ivan tara gala tayo sa prinsesa ko" sabay akbay nito kay Ivan.
"Alam mo ba ang bahay ni Layka?" tanong naman ni Trina dito.
"Ngayon na?" tanong ni Ivan sa dalawa.
"Oo sana after mag grocery" sabi naman ni Kenneth.
"Ok sige" at yumuko na ito para tingnan ang kulang sa pinamili.
Nagulat naman ang dalawa dahil sa ibinigay na sagot ni Ivan.
"Ibig sabihin alam mo ang bahay nang prinsesa ko" gulat na tanong ni Kenneth habang si Trina naman ay nakatakip pa nang bibig.
"Hmmm oo" napataas pa ang kilay nito sa dalawa.
Hindi na nakapagsalita ang dalawa dahil umalis na si Ivan para tapusin ang pinamimili. Ang dalawa naman ay namili na din habang may pagkagulat pa din sa mga ito, tila hindi makapaniwala sa narinig.
Matapos makapamili at ayusin ang mga ito para ilagay sa likod nang kotse ay agad namang sumakay ang dalawa dahil sa utos na din ni Ivan.
Habang nabyahe, gulong gulo pa din ang dalawa at hindi makapaniwala sa nalaman, hindi nila inakala na alam nito kung san nakatira si Layka.
"Lilinawin ko lang Ivan ah, talagang alam mo kung san nakatira si Layka?" tanong ni Kenneth
"A.. oo nga alam mo talaga? paano nangyari?" kahit nasasaktan ay lakas loob pa din nagtanong si Trina.
"Sinundan ko siya after nung incident sa CR" paliwanag naman ni Ivan na katingin pa din sa harapan habang nagmamaneho
"Edi dumadalaw ka lagi sa kanya?" muling tanong ni Kenneth.
"Sometimes kapag may free time ako" paliwanag uli ni Kenneth sa binata.
Nagtuloy tuloy ang usapan nang dalawang lalaki, habang si Trina ay tahimik lang sa likod at tila naiiyak sa mga nalalaman, hindi naman siya pwedeng magalit sa kaibigan dahil alam naman nyang lalaki ang nagkakainterest dito at hindi ang kaibigan kaya tinatak nalang niya sa kanyang isip na kung sakali maging sila nang babaeng kaibigan at nang lalaking mahal na mahal niya magiging masaya nalang siya dito. Mahirap ang magmahal nang isang tao kung hindi ka naman ang mahal nito.
Nakarating ang magkakaibigan sa bahay ni Layka, agad bumaba si Trina at Kenneth upang puntahan si Layka.
"Laykaaaa!!! bhest andyan kaba?" sigaw ni Trina
Pagbukas nang pinto, bumungad ang ngiti sa mga labi ni Layka nang makita ang mga kaibigan. Napatingin pa siya sa pinakalikod kung saan nakasandal ang isang lalaki sa kotse walang iba kundi si Ivan.
" Tuloy kayo, pasok pasok " sabi ko sa mga kaibigan ko. " pasensya na ah maliit lang bahay namin." sabi ko sa dalawa.
" Naku bhest hindi naman bahay ang pinuntahan namin kundi yung tao " at ngumiti ito sa akin. Ang bait talaga nang bhest ko. Napansin kong wala si Ivan sa bahay kaya naman nagpaalam muna ako saglit sa dalawa para tingnan sa labas si Ivan. Pagsilip ko sa pintuan nasa labas pa nga ang mokong.
" Hoyyy halika na dito " sigaw ko mula sa pintuan, ngunit tila walang narinig ito. Kaya lumapit na ako.
" Uy Van hindi kaba papasok sa bahay? " tanong ko dito.
" hindi, andyan ang manliligaw mo magalit sakin yun " sagot nito sa akin.
" manliligaw ka dyan ang arte mo wala ako manliligaw. " paliwanag ko naman dito.
" So, pwede ako manligaw? " biglang sabi nito sa akin. Tumibok ang dibdib ko agad agad na parang nakuryente ako sa sinabi niya, bigla akong nataranta pero hindi ko pinahalata sa kanya. Inisip ko nalang na nagbibiro ito, majoke kasi ito kung minsan.
" Pwede ba tumahimik ka dyan, tara na naghihintay ang dalawa sa bahay " at hinila ko na ang kamay niya. Nagpati anod pa ito sa paghila ko, kung hindi lang ito gwapo pababayaan ko ito sa labas.
Sa loob nang bahay nadatnan namin ang dalawa na naglalabas nang pinamili,
" Princess lutuin mo to oh, fries " sabay abot sakin nang fries ni Kenneth
" Sige dito muna kayo magluluto lang ako. " at iniwan ko na sila.
" Kahapon nakita ko yan si Layka sa palengke nakatayo sa isang botique nakatingin sa damit. Yun ata sana gusto niyang bilhin na damit para sa darating na Play next month. " Kwento ni Kenneth sa dalawa, at saka inilabas ang phone para ipakita ang damit.
" wow ang ganda naman niyan magkano? " sagot ni Trina.
" 20 thousand, ang mahal nga eh kala ko nga mga 1 thousand lang or two thousand bibilhin ko para sa prinsesa ko"
" can I see? " sabay liyad nito ng kamay kay Kenneth. Nang makita ibinalik na muli ni Ivan ang cellphone.
Tumayo si Ivan para puntahan ang dalaga sa kusina. Pagkapasok sa kusina huminto ito sa likod nang dalaga. Tinangka niyang yakapin ang dalaga dahil sa sobrang miss talaga niya ito, ngunit naisip niyang baka matakot ito kaya binaba nalang niya muli ang mga kamay, saka lumabas ng kusina nang dahan dahan.
Maghapong nagkwentuhan ang magkakaibigan, Nang sumapit ang hapon ay nagkayayaan na itong umuwi.
" paano bhest alis na kami " sabi Trina
" bye prinsesa ko nag enjoy kami sa serbisyo mo haha " sabi naman ni Kenneth.
" loko serbisyo talaga " at nagtawanan kaming tatlo.
Lumakad na ang dalawa papuntang kotse. Naiwan naman si Ivan sa tabi ko, kaya naman nilingon ko ito para magpaalam.
" Ingat sa pagdadrive " wika ko dito. Akala ko hindi ako lilingunin, humarap ito sa akin at tumitig sa mga mata ko. Nagkatitigan kaming dalawa saglit saka siya nagsalita.
" Ingat ka dito wala kang kasama, " wika niya na nakapamulsa pa.
" oo naman " sagot ko at saka niya ginulo ang buhok ko, naglakad na ito papuntang kotse at lumilingon lingon pa maya't maya sa akin. Nakangiti lang ako dito at kumakamay hanggang sa makasakay ito nang kotse.
" Ingat kayo! " sigaw ko nang paharurutin na ni Ivan ang kotse.
Sa byahe:
" Pres saan banda yung botique na pinuntahan niyo ni Layka. " tanong nito kay Kenneth
" Deretso mo lang tapos kaliwa kapag nasa dulo kana " sabi ni Kenneth.
Nang masunod ang dereksyon agad tinuro ni Kenneth ang botique. " ayan ayan hinto mo dyan." saka huminto ang sasakyan.
" Ang gaganda nang damit " sabi ni Trina na nakadungaw sa bintana nang kotse.
" yang puti na yan ang gusto nya, yan sana bibilhin ko kahapon kaso 20 thousand " turo nang binita sa damit habang nakadungaw din sa bintana nang kotse.
Lumabas naman si Ivan pero nasa pinto lang ito at nakatayo, para makitang maigi ang damit.
" sure? yang puting yan? " tanong ni Ivan mula sa labas nang kotse.
" oo tol " pagkompirma naman ni Kenneth.
Pumasok na muli si Ivan sa loob at pinaandar na muli ang kotse.
" Pag sinuot nya yun nako ang ganda nun. Mala prinsesa ang dating " sabi ni Kenneth
" Bakit maganda naman talaga ang bestfriend ko kahit hindi manamit nang bongga " sagot naman ni Trina dito. Nagpalitan pa nang kuro kuro ang dalawa habang si Ivan naman ay nakafocus lang sa pagdadrive at inaalala ang pangalan nang botique para pag uwi nya isisearch nya ito.
Hinatid ni Ivan ang dalawa sa terminal dahil iisa naman ang way ng dalawa kompara sa kanya na iba naman ang way.
"Sige tol salamat ingat ka " sabi ni Kenneth.
" Bye Van " paalam naman ni Trina.
" ingat kayo " tanging wika lang ni Ivan sa dalawa at agad na nito pinaharurot ang sasakyan.
Sumakay ang dalawa sa jeep, napansin ni Kenneth na malungkot ang katabing dalaga. Sa pag aakalang napagod lang ito kaya hindi na nya pinansin pa at nagfocus nalang sa cellphone nya. Ang totoo nyan ay nasasaktan si Trina sa mga nalaman at sa mga nakita kanina sa pagbisita nila kay Layka, kung paano ito tratuhin ng binata, na sana sya nalang yung tinatrato ni Ivan nang ganun. Nilabas nalang ni Trina ang cellphone para malibang dahil nararamdaman nya ang panunubig ng mga mata.
Sa mansion nang Mcfiled, nang makarating ay agad pinark ni Ivan ang kotse, at nagmamadaling pumasok nang mansion, hindi na nya nilingon ang mga katulong na nakayuko sa pagdaan nya at bumati sa kanya, nagderederetso lang ito papuntang opisina sumunod naman ang mayordomo. Pagpasok sa opisina ay agad nyang inutusan ang mayordomo na ipagtimpla ito nang kape, sumunod naman ang mayordomo.
Walang inaksayang oras si Ivan, agad nyang sinearch ang botique at walang kahirap hirap na nahanap ito. Dinial nya ang contact number nito para tawagan ang may ari nang botique. Nang magring ang kabilang linya ay agad namang may sumagot dito.
" Hello this is Ivan Mcfiled " sagot ni Ivan sa kabilang linya
" oh Mcfiled yes sir ano pong maipaglikingkod ko? " sabi naman nang boses matanda sa kabilang linya.
Nag usap sila nang matanda sa kabilang linya, naabutan pa ito nang mayordomo bitbit ang kapeng hiningi nang amo.
Nang matapos makausap ang may ari agad naman itong nag asikaso para maligo. " Ilapag mo nalang dyan at makakaalis kana " utos nito sa mayordomo, agad naman sumunod ang mayordomo pagkayuko nito sa amo ay agad din itong lumabas.
Ginawa ni Ivan ang mga business papers para hindi ito magtambak. Habang nagtitipa sa computer ay biglang nag ring ang phone nito. Nang makita ang numero na natawag at mukhang familiar naman ito ay agad nya itong sinagot.
" yes this is Ivan " sagot nito, " ok ok thank you sir bali sa next week po ipick up ko..bago dumating ang araw na kukunin ko sir pa send nalang po nang image sa account ko na ibinigay sa inyo kanina thank you again sir " at ibinaba na ito ang call.
Kinabukasan maagang nagising si Layka para makapagluto para sa kanila nang ina.
" Ma kain na po " yaya nya sa ina. nagulat ito nang makitang bihis na ang ina.
" Mukhang maaga po ulit kayo ngayon ma " sabi ko habang naghahain na sa hapagkainan.
" oo nak saka hindi ko alam kung makakauwi ako mamaya, mag text nalang ako ulit kay joy ah kapag hindi ako makakauwi. " sabi naman nang ina
" opo ma wag po kayo mag alala sa akin ok lang naman po ako. " nginitian ko ang aking ina para hindi ito mag alala kahit nasa trabaho.
Matapos kumain ay inihatid ko na si mama sa sasakyang tricycle na nakaabang sa labas at nang makasakay ay agad na akong pumasok nang bahay para mag asikaso.
Umalis ako nang maaga dahil maglalakad pa ako pa kanto para makasakay nang jeep, nang makarating ako sa kanto, nakita ko ulit ang kotse ni Ivan na nakapark sa gilid ng daan at ang gwapong lalaking nakasandal dito. Tumakbo na ako papalapit sa kanya na nakangiti.
" Goodmorning " ngumiti ako habang binabati sya.
"Goodmorning, Let's go?" aya nito sa akin. Agad naman akong tumango at pumasok na sa kotse matapos nya akong pagbuksan nang pinto.
Nang makarating sa paaralan, ganun at ganun pa din, madaming babae ang nakaabang na sa gate palang ng iskul parang artista ang dating nang crush kong ito. Bumaba na ako nang kotse pagkapark ni Ivan. Pagkatapos ayusin ang setting ng kotse ay bumaba na din ito bit bit ang bag namin. Nang kukunin ko na ang bag ko sa kamay nya, inilayo nya sa akin ang kamay nyang may hawak ng mga bag, sa halip gamit ang isa nyang kamay hinawakan nya bigla ang kamay ko at saka kami naglakad, laking gulat nang mga babae sa paligid, natahimik ang mga ito sa nasaksihang paghawak ni Ivan sa kamay ko kahit ako din ay nagulat at hindi nakapagsalita.
" Anong ginagawa mo? " bulong ko dito habang naglalakad kami na magkaholding hands. Pero parang walang narinig si Ivan sa paligid at nanatiling deretso ang tingin nito sa daan. Nang makalagpas kami sa mga maiingay na babae at marating ang hagdan pataas saka nya binitawan ang kamay ko.
" Ako na magdadala nang bag mo " wika nito sa akin.
Napangiti naman ako na kinikilig. Kaya naman umakyat na ako sa hagdan at sumunod naman ito sa akin. Nang makarating nang silid aralan. Nakita ko si Trina at Kenneth na nag uusap. Parang galit pa nga si Trina.
" Anyare? " tanong ko sa dalawa habang si Ivan naman ay nag deretso sa upuan nya at isinabit ang bag ko sa upuan ko.
" Kailangan na nating mag practice kaso itong si Trina ayaw naman, " paliwanag ni Kenneth. " Kung ayaw mo magpractice tumulong ka nalang sa mga props.
" oo dun pwede siguro " pag sang ayon nito kay kenneth.
Tumayo si Kenneth para mag announce sa buong klase na kailangan na namin mag practice sa loob nang isang linggo at gaganapin ito sa park mamaya pagkatapos nang klase.
Agad namang nag si ayunan ang mga kaklase namin kaya naman nang sumapit ang hapon walang inaksayang oras ang mga ito. Ang iba ay gumagawa na nang mga props at ang mga main character naman ay nag sisimula nang mag practice, dahil ako at si Kenneth ang main character, todo ang practice namin para matapos agad. Natapos ang practice namin nang alas syete na nang gabi. Kanya kanya nang uwian ang mga ito. Ako naman ay nag aasikaso pa nang gamit ko nang lapitan ako ni Kenneth.
" Prinsesa ko tara hahatid na kita " sabi nito sa akin na nakangiti pa.
" Bhest andyan na sundo ko si daddy mauna na ako ah " sabi naman ni Trina.
" mag iingat ka bhest ah " at nagwave lang ako nang kamay dito.
" Tapos kana? tara alis na tayo " sabi naman ni Kenneth nang biglang mag ring ang phone nito.
" Hello, oh tol.. bakit... nasa labas kayo?.. e kasi..__" lumingon ito sa akin kaya naman ang ginawa ko ay umiling nalang sa kanya para ipaabot na kaya ko naman mag isa wag na nya ako ihatid pa.. "Hello tol sige papunta na ako " saka baba sa phone nito.
"Princess paano mauuna na ako, sorry ha kung hindi kita mahatid andyn kasi ang tropa " paalam nito sa akin.
" Ok lang walang problema kaya ko naman. " at nagpaalam na din ako dito, saka sya umalis na tumatakbo pa palabas ng school.
Naglakad na ako palabas ng gate, napasilip pa ako sa parking lot kung andun pa ang sasakyan ni Ivan pero wala na ito, siguro umuwi na nang mainip ito kanina sa practice namin. Paglabas ko nang gate nang iskul, laking gulat ko nang makita si Ivan na nakatayo sa gilid nang kotse nya na nasa labas lang nang gate, ibig sabihin hinintay pala ako nito. Natuwa naman ako kasi may makakasama ako pauwi. Nang pagbuksan na ako nang pintuan tumakbo na ako para makasakay na. Hindi nagtagal sumakay na din si Ivan sa drivers sit saka pinaandar ang sasakyan.
" Napagod ka? " tanong nito sa akin habang nakatingin sa kalsada.
" oo eh ganun talaga kapag main character. " paliwanag ko dito
" kain muna tayo bago kita ihatid pauwi, ayyy.... hindi nga pala pwede no hindi kapa nakapagpaalam sa mama mo baka pagalitan ka. " pag aalala nito sa akin.
" hmmm hindi daw makakauwi si mama ngayon baka bukas na dw ulit." sagot ko
" ganun ba edi kumain muna tayo kahit saglit " yaya muli nito sa akin. Mabilis naman ako napa oo kasi gusto ko pa sya makasama.
Pinunta nya ako sa isang restaurant, nailang naman ako sa suot ko kaya nung bumaba sya hindi ako bumaba nang kotse, ang pinagtaka ko iniwan nya ako sa kotse hindi man lang nya ako niyaya. Kaya naman nanatili ako sa loob nang sasakyan habang hinihintay sya, siguro sya nagpapakabusog na sa loob ako naman ito nandito at gutom.
Ilang minuto pa ang lumipas at bumalik na sya na may dalang plastik bag.
" Tapos kana kumain? " tanong ko dito.
" Anong tapos, nag take out lang ako kasi may ipapakita ako sayo " sabay kindat nito sa akin. Napa cross arms naman ako sa inasta nya. Nang mapaandar na ang makina nang sasakyan ay agad nya itong pinatakbo para makarating agad sa lugar na sinasabi nya.
Nang makarating halos mahigit 30 minuto din kami nag byahe. Parang liblib ang lugar at may matataas na damo, parang bagong tayong subdivision na wala pang bahay sa paligid. Pumasok kami sa loob nang subdivision. Medyo kinakabahan ako sa gagawin ni Ivan bakit nya ako dadalhin sa ganitong lugar. Nang makarating sa dulo ay iniliko nya ang sasakyan sa damuhan, dahil bago palang ito tanging ang ilaw lang namin ay yung sa kalsada lang na medyo may kalayuan sa pwesto namin pero nasisinagan pa din nang ilaw na aabot sa likod ng sasakyan, bandang harap ay madilim na.
" Asan tayo? ano ginagawa natin dito? " tanong ko dito na hindi man lang ako nililingon, deretso lang ang tingin nya kaya naman napatingin na din ako sa harap.
Nabighani ako sa nakita parang mga christmas light ang ilaw nang syudad, kitang kita ang buwan na bilog na bilog. Sa sobrang ganda lumabas ako nang sasakyan para makita pa ito kung gaano kalawak.
" Wag kang lalayo bangin na banda dyan" wika ni Ivan na nasa loob pa din nang sasakyan.
Nanatili akong nakatayo, inilagay ang mga palad ko sa dibdib at lumanghap nang sariwang hangin, malamig ang paligid kaya naman pumikit ako para damhin ito. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, pumuwesto si Ivan sa likod ko at unting unti iginapos ang mga braso sa baywang ko, at ipinatong ang ulo sa balikat ko. Hindi ako nakagalaw sa ginawa nya parang gusto ko din ang ganito na nakayakap sya sa akin. Utos nang utak ko itulak ito pero sabi nang puso ko, ok lang yan mahal mo naman.
" Please let me hug you, namiss lang kita" sabi nito nang humigpit pa ang pagkakayakap sa akin habang nakapatong pa din ang ulo sa balikat ko kaya naman hinayaan ko nalang sya. Siguro may problema din ito at gusto nang may masasandalan.
" May problema ka ba Van? pwede mo ikwento sakin " tanong ko dito. Pero tanging pag iling lang ang isinagot nito sa akin.
" hmmm siguro hindi kapa handa magsabi, hihintayin ko nalang kung kailan ka magiging handa huh wag ka mahihiya sa akin " wala padin ito imik kaya naman nanahimik na din ako at hinayaan syang nakayakap. Pinagmasdan ko nalang ang magandang view na nakikita ko ngayon sa harap ko.
" Paano ba ako iiwas sa lalaking ito. Lam kong may mahal na sya at hindi ako yun. Sa tuwing lalayo ako sya naman itong lapit ng lapit nahihirapan tuloy ako hindi ko na alam gagawin ko. Sa tuwing makikita ko sila ni Claire ako naman ang nasasaktan pero pilit naman niya sinasabi na hindi nya ito girlfriend. Ano ba talaga Ivan? " sabi ng isip ko na ngayon ay nangingilid na ang luha sa aking mga mata habang nakatanaw sa malayo at dinadama ang pagyakap nito sa akin. Nawala tuloy ang gutom ko napalitan nang kaba at pananakit sa dibdib dahil sa pakiramdam na hindi maintindihan.
Matapos namin tumambay ay inihatid na ako ni Ivan sa bahay. Pilit pa nya, mag istay daw sya sa bahay dahil wala daw akong kasama pero hindi na ako pumayag kasi kaya ko naman. Nagpaalam na ako sa kanya at kabilin bilinan ko na kapag may problema wag mahihiyang magsabi sa akin dahil handa akong makinig. Tumango naman ito kaya naman nginitian ko nalang sya.
Pumasok na ako nang kwarto ko para makatulog na pero sa kasamaang palad hindi ako makatulog. Gising na gising ang diwa ko, walang ano mang bahid nang pagkaantok. Kaya naman pumunta ako nang kusina para magtimpla nalang nang gatas.
Sa mansion ng Mcfiled, Nasa kwarto na din si Ivan at nakatambay sa terrace nakatanaw sa langit habang umiinum nang wine.
" señorito nakahanda na po ang inyong gamit para bukas, natawagan ko na din po ang adviser nyo na magbabakasyon po kyo nang isang linggo dahil sa isang emergency " sabi nang mayordomo habang nakayuko ito.
" sige makakaalis kana " utos ng binata dito.
" isa pa pong balita señorito, bukas po ang dating nang inyong pinsan na si Kaijoo pinasasabi po nang inyong ama " muling balita nang mayordomo.
" Si Kaijoo? hanggang kailan daw sya dito? " tanong ng binata sa mayordomo
" ang sabi po nang inyong ama ay dito din dw po mag aaral ang inyong pinsan, kung saan ka din dw po napasok señorito " sagot nang alalay.
" Ano kaya nasa isip nang ama ko? cge jefferson salamat makakaalis kana " utos nya dito na agad namang sinunod nang mayordomo.
Muling tumingin ang binata sa malayo na may malalim na iniisip. Naiinis sya kasi hindi man lang sya nakapagsabi sa dalaga na aalis n sya bukas dahil biglaan ang pagpapatawag nang tyuhin na nasa ibang bansa. Tumawag ito kanina pagkatapos nang practice nila sa play kaya naman wala na sya magawa, kahit walang kasiguraduhan kung kailan ang balik nya.
Pumasok na ito nang bahay para matulog na, ngunit hindi talaga sya makatulog nakokonsensya sya sa pag alis nya nang hindi man lang nagpapaalam sa dalaga. Siguro pag uwi nalang nya sya magsasabi. Naguguluhan din sya sa plano nang kanyang ama at pinapunta pa ang pinsan nyang si Kaijoo dito sa manila para mag aral, siguro may nagawa na namang kalokohan ang pinsan nya kaya pinatapon sa manila.
Bulakbol na binata si Kaijoo ka edaran lang nya ito, minsan hindi sila magkasundo nang pinsan nya, pero madalas ok naman sila. Sabay din sila lumaki sa iisang bubong, itong lang nang nagsilakihan sila humiwalay ang landas nilang mag pinsan, dinala si Kaijoo nang ama nito sa probinsya para doon na magpatuloy nang pag aaral nito at matuto nang tamang pag uugali.