Nang makarating kami sa paaralan, ipinark ni Ivan ang kotse, at nauna na ako bumaba habang inaayos pa niya ang set up ng sasakyan.
"Bhest!" sigaw ni Trina habang papalapit sa amin.
"Uyy bhest kakarating mo lang?" tanong ko sa kanya.
"Oo bhest ano tara na?" aya nito sakin "goodmorning sayo" bati naman niya kay Ivan.
Nag senyas lang si Ivan nang palad na nakaangat at ibinaba agad. Bakit ganun madaldal ito sa akin at palabati pero sa ibang tao hindi. Naglakad na kami ng sabay ni Trina habang nasa likod namin si Ivan. Sikat talaga itong lalaking to kahit sang pasilyo kami mapadaan halos nililingon siya nang mga babae at halos kinikilig pa.
Nang makarating kami sa room, nakasalubong namin si Kenneth papalabas sana nang room.
"Uyy goodmorning sa inyo, pasensya na ah may gagawin lang ako tawag kasi ako nang adviser natin dyan muna kyo" at tumakbo na ito palayo.
Naupo naman kaming tatlo sa upuan namin. Kami naman ni Trina tulad ng dati nagkukwentuhan habang wala pang klase. Si Ivan naman ay nagsubsob na naman sa desk niya.
Lumipas ang 30 minuto dumating si Kenneth na may hawak na papel saka pumunta sa harapan at mukang may sasabihin.
"Ok guys, announcement, bali next month na ang mga event natin, isa na dito ang playing the role of Cinderella book of Charles Perrault yun daw ang atin sabi nang teacher natin sa English."
Naexcite bigla ang buong klase.
"Class president dapat pagbotohan natin kung sino ang gaganap na Prince at Cinderella" suhuwestyon ng isang mag aaral.
"Kung si Prince Kit Charming lang naman andito ako pwede ako gumanap bilang Prince para walang hirap. Bali ang need ko nalang ay magiging partner ko na gaganap na Cinderella." Sagot ni Kenneth sa suhuwestyon nang kaklase.
Madaming nag taas nang kamay dahil gusto din nila ang main role. Ang sabi nang iba idaan nalang daw sa botohan, kaya naman nagbotohan na sila.
"Class president si Trina at Layka" sabi nang kaklase naming babae na kahelera namin nang upuan. At nagtawanan ang mga babaeng klasmeyt namin.
Nagulat ako at hindi nakapagsalita. Nang matauhan ay agad akong tumayo.
"Bali...ano... class president tingin ko kasi hindi ko magagawa ang role na Cinderella baka pwedeng wag na ako isali sa pagbobotohan."
"Kaya mo yun Layka tiwala ka lang" sabi ni Kenneth
"Ano kaba bhest hindi naman sure kung mapipili tayo kaya maging kalmado ka lang dyan, saka wala tayong budget sa mga costume na yan hindi gaya ng mga rich nating kaklase na afford nila" bulong naman ni Trina sa akin nang mapaupo na ako.
Tama siya hindi pa naman sigurado kung mapipili ako, kaya dapat maging kalmado lang.
Nagsimula ang botohan at binanggit isa isa ang mga nakalistang pangalan sa Pisara. Nangunguna ang nagngangalang Lorraine na may 20 puntos. Nung pangalan ko na ang binanggit ni Kenneth umabot din ito sa 20 puntos na ikinagulat nang ibang mga babae..
"What?! ayos lang ba kayo boys? si Lorraine na sana ang panalo kaso nagtabla pa." sabi nang isang babae.
"Kulang ang bilang ah sino hindi nag taas ng kamay?" tanong ni Kenneth sa klase.
"Si Lorraine nalang po class president mukang ___" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napansin kong nagtaas nang kamay si Ivan.
"One vote for Layka" sambit nito.
Napanganga nalang ako sa ginawa ni Ivan at hindi na nakaimik pa.
"Ok, Layka win, ikaw ang Cinderella Layka" at nag hiyawan ang mga lalaki habang ang mga babae naman ay mga na disappoint sa naging resulta.
Dumating ang breaktime naghahanda na ako para bumaba nang lapitan ako nang nagngangalang Lorriane kasama ang 5 kaibigan nito.
"Ang poor naman nang gaganap na prinsesa" sabi nang kaibigan nya.
"Oo nga eh goodluck nalang sa magiging costume mo" sagot ni Lorriane.
"Baka kumot na pinagtagpi tagpi" sabay tawa nilang 5 habang lumalakad palabas nang Room.
Nanatili akong nakayuko bakit hindi ko naisip yun. Paano nga yung magiging costume ko? baka magmukhang commedy ang play imbis na fantasy and romance.
"Hoy" wika ni Trina na nasa tabi ko lang. "wag mo intindihin ang mga yun tara na" yaya niya sa akin. Nginitian ko nalang ang besty ko at tumayo na ako para sumama sa kanya sa canteen.
Paglabas nang pintuan bumungad sa akin si Ivan na nakasandal sa pinto at naka crossarms. Sa kabilang side naman ay si Kenneth na ngayon ay papalapit sa amin.
"Hello my Princess let's go" yaya ni Kenneth sa amin, akmang aakbay na sana sa akin si Kenneth nang bigyan ito ni Ivan nang nagliliyab na tingin, nagkibit balikat lang ito nang mapansin at sabay sabay na kami nitong naglakad pababa para pumunta sa canteen.
"Ano gusto niyo treat ko na" sabi ni Kenneth sa amin nang makarating kami sa canteen.
"Sa akin yung sopas at sandwich" sagot ni Trina.
"Ok sige, ikaw ba my princess ano gusto mo?" sabay lingon sa akin ni Kenneth.
"Gatas lang" sagot ko
"Wala kana ba ibang idadagdag?" tanong nito sa akin.
"Yun lang" sagot ko ang totoo wala akong gana kumain dahil iniisip ko ang costume. Nagpalinga linga ako sa paligid kasi parang kanina ko pa hindi nakikita si Ivan. Kaya habang hindi pa nakakabalik si Kenneth nagpaalam muna ako kay Trina na lalabas lang ako saglit.
Nang makalabas na nang canteen pumunta ako sa mga lugar na pwede nya puntahan, hindi ako nagkamali nakita ko si Ivan at may katawagan sa phone. Sa hindi kalayuan nakita ko naman si Claire na papalapit dito, hindi kaya tinawagan ni Ivan si Claire para makipagkita? siguro namimiss niya ito, ay hindi may tiwala ako kay Ivan.
Lumapit pa ako nang konti para marinig ang usapan nila.
"Musta kana?" tanong ng Claire
"Anong kailangan mo?" ani naman ni Ivan.
"Nabalitaan kong may nagugustuhan ka na daw?" sabi ng babae
Bigla ako nagulat parang gusto ko malaman kung sino ang nagugustuhan ni Ivan.
"Yup meron" sagot nito
"Kilala ko ba sya?"
"Maybe"
"Paano na tayo?" tanong nang babae
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae bakit nililigawan ba siya talaga ni Ivan noon?
"Walang magbabago sakin ganun pa din ang gagawin ko." sabi niya na kinagulat ko ulit.
Ibig sabihin ipagpapatuloy niya ang panliligaw dito dahil wala naman kasiguraduhan kung liligawan niya ang babaeng natitipuhan niya, ganun kaya ang ibig niyang sabihin? ganun nga siguro, ang sakit naman nun parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib at napanghinaan din ng loob sa narinig. Dahan dahan ako umalis at bumalik sa canteen.
"Walang magbabago sakin ganun pa din ang gagawin ko ang iisang tabi ang nararamdaman mo para sa akin, kasi kahit kailan hindi ako naging interesado sayo. Saka sana wag ka magpakalat ng fake news na girlfriend kita maliwanag? sige na aalis na ako" sagot ng binata sa dalaga. Umalis na ito upang pumunta sa canteen matapos makausap ang mga client nito about sa company at kay Claire.
"May araw ka din sakin Ivan" sambit nalang ni Claire matapos siyang kausapin ni Ivan. Naka cross arms pa ito habang nakatingin kay Ivan na papalayo.
Dumating si Ivan sa canteen at umupo nalang ito katabi ni Layka na ngayon ay hindi siya nililingon. Sabay dating naman ni Kenneth na nanggaling sa CR kaso pagbalik niya nasa pwesto na niya si Ivan.
"Hey hey ako d'yan" sabi nito kay Ivan.
"Not anymore" sagot nito sa binata.
"Tsk bossy ka talaga, hindi mo ba alam na ang prinsipe at prinsesa ay kailangang lagi magkatabi, hindi mo ba ramdam na ikaw ang humahadlang sa amin" daldal ni Kenneth kay Ivan. Hindi naman ito pinansin ni Ivan at nanatiling nakatukod ang siko nito sa mesa habang ang ulo nito ay nakahiga sa kamay. Napangisi naman si Trina at si Layka sa pinagsasabi ni Kenneth."Hanggang kailan mo kami balak paghiwalayin hindi kaba naaawa sa amin?" dagdag pa nito.
"Tumahimik ka na nga" suway naman ni Trina kay Kenneth. Kung hindi ko lang alam na magkaibigan itong dalawang ito mapagkakamalan ko silang mag nobyo. Panay naman ang sipsip ko sa gatas na binili kanina ni Kenneth para sa akin habang nalingon kay Ivan na nakaharap sa akin habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa kamay nitong nakatukod sa mesa.
Oras na nang uwian at nag asikaso na ako para iligpit ang mga gamit ko. Sa pagliligpit ko napahinto ako nang maalala ko ang sinabi ni Ivan na narinig ko sa park kaninang breaktime. Nang matauhan ay dahan dahan na muli ako nagligpit saka naglakad na palabas ng room.
"Ano ba ito, bakit ganito nararamdaman ko? hindi naman kami eh, umayos ka nga, bali wala naman sayo kung sino ang mamahalin niya eh, lucky girl nga kung sino yun" sabi ng isip ko kaya naman tinuk tukan ko ang ulo ko ng mga kamao ko para magising.
"Bhest iniwan mo naman ako" sabi ni Trina na ngayon ay naghahabol nang hininga dahil sa pagtakbo.
"Pasensya na bhest, tara na" yaya ko dito.
"Teka asan si Ivan? hindi ba kyo magsasabay ngayon?" pagtataka nito
"A... siguro may gagawin yun nauna na kasing lumabas kanina eh" sagot ko, pero hindi ko talaga alam kung nasaan ito, ang tanging naaalala ko lang ay lumabas agad ito after marinig ang bell na hudyat nang uwian.
"Ganun ba? hmm o siya tara na para hindi tayo gabihin, maglalakad ka lang ba o sasakay?" tanong ulit nito sa akin.
"Maglalakad ako bhest hindi kasi ako nakahingi nang baon kay mama kanina, late na kasi nakauwi" sagot ko dito.
"Ok bhest" at naglakad na kami pababa nang building.
Sa hall way, napahinto ako nang makita si Claire at Ivan na nag uusap sa court. "Parang ayaw ko umuwi parang gusto ko siyang tawagin at sabihing tara na! uwi na tayo, kaya ba nagmamadali siyang lumabas nang classroom? at kapag may natawag sa phone niya ibig bang sabihin si Claire yun at tinatawagan siya para makipag kita dito? sabagay ano nga ba ang laban ko kay Claire na isang mayaman, maganda sa gaya kong lumaki sa hirap at walang wala. Bagay nga silang talaga", sabi ko nalang isip, napakagat labi nalang ako para pigilan ang mga nangingilid kong luha.
Napansin ni Trina na huminto ang kaibigan kaya naman imbis na tawagin ang kaibigan sinundan niya kung saan ito nakatingin. Nang makita si Ivan at Claire na magkasama agad niyang tinapik ang kaibigan sa balikat para iparamdam na aalis na sila. Kahit hindi sabihin ni Layka sa kanya na may gusto ito kay Ivan ramdam naman niya sa kinikilos nang kaibigan. Kaya naman hanggat maari ayaw niya nasasaktan ito kapag nakikita sina Claire at Ivan na magkausap.
"tara na bhest" yaya ni Trina sa kaibigan
Tanging pagtango lang ang ibinigay na sagot ko dito. Baka mahalata kasi ako na pagaralgal ang boses ko ramdam ko kasi ang paghapdi nang lalamunan ko.
"May sasabihin nga pala ako sayo bhest." at lumingon ako dito " umamin pala ako kay Ivan na gusto ko siya. "
"Huh? talaga? ano sabi niya sayo?" nabigla ako sa sinabi niya.
"Wala bhest eh ginusot lang niya yung ulo ko tapos sabi niya salamat, ang weird no hahahaha" tawa nito sa akin pero parang naramdaman ko ang lungkot nito sa pagtawa parang pilit lang. Lam kong nasaktan ito.
"Kailan ka umamin bhest?" tanong kong muli.
"After ng gulo natin sa fans member ni Ivan, galing kaming Guidance noon, sinamahan niya kasi ako para sa statement sa nangyari. Noong pupuntahan kana namin sa clinic nagkaroon ako ng pagkakataong umamin sa kanya ng nararamdaman ko kasi halos walang tao sa paligid namin. Walang makakarinig kung umamin man ako" kwento nito sa akin.
Namangha ako sa tapang niya, ang lakas nang loob niyang umamin sa lalaking mahal niya.
Naghiwalay na kami ni Trina nang makarating kami sa gate ng school. Nagsimula na akong maglakad, habang naglalakad nang dahan dahan, napapaisip pa ako na bumalik nalang sa school at hilahin si Ivan para sabay kami ngayon sa paglalakad pauwi, baka kasi mabrainwash ito ni Claire at malalaman ko nalang na sila na kinabukasan, siya din siguro yung tinutukoy ni Ivan na gusto niyang ligawan sa usapan nila kanina sa park tapos ngayon nakita kong kasama ni Ivan si Claire, sumasakit na ulo ko kakaisip. Nakakapagod mag isip.
Nakauwi na ako nang bahay pero wala pa si mama, agad na akong nagluto nang hapunan, para pag uwi ni mama ay may pagkain na. Konti lang ang sinaing ko kasi busog naman ako at ang ulam na niluto ko ay gisang gulay.
Pumasok na ako nang kuwarto ko, ewan parang pagod na pagod ako at gusto ko nang ihilata ang katawan ko sa higaan. Daming nangyari masakit kaya naman para makarelax ay ipinikit ko ang mga mata ko. At nag isip muli pero hindi sa nangyari sa school na about kela Ivan, kundi ang isusuot kong costume sa darating na event. Nakakainis kasi si Kenneth kung hindi ako sinali doon edi sana wala akong problema ngayon. Pinikit kong muli ang mga mata ko sa pagkakataong ito nakatulog na ako at hindi na namalayan ang pagdating ni mama. Hindi ko na ito pinagbuksan pa nang pinto kasi may sarili naman itong susi na, na pinagawa niya malapit sa pinagtatrabahuan niya.
Sana bukas lahat nang naging problema ngayon ay mabura para hindi ko na isipin pa. At ikakalma ko nalang ang sarili ko na hindi talaga pwedeng maging kami ni Ivan, una sa lahat may nagugustuhan itong iba which is si Claire at pangalawa malayo ang agwat nang aming pamumuhay. Kaya never magkakagusto ang isang perpektong lalaki na gaya ni Ivan sa gaya kong mahirap lamang at panget.
Kinabukasan, paggising ko naligo agad ako para pumunta sa labas at magwalis, Maaga namang pumasok si mama mga 6 am palang nang umalis sya dahil importante daw na maaga sila dahil may lakad ang kanyang mga amo, walang pasok ngayon kaya naman makakapag relax ako sa mga isipin, mamaya siguro pupunta nalang ako sa mga ukay baka sakaling makakita ako ng costume pang prinsesa kaya naman dali dali akong nagwalis, pagkatapos naghugas na din ng mga pinagkainan, mukhang general cleaning na nga ito, halos buong bahay nilinis ko na. Pagkatapos ko maglinis dumeretso na ako sa kwarto para icheck kung may gagawin akong mga takdang aralin. Napalingon ako sa kama, sinariwa ko ang mga sweetness ni Ivan, ang paglalagay nito ng headset sa akin para hindi marinig ang mga pagkulog at iba pa. Napailing ako bigla dahil hindi ko nga pala dapat sinasariwa ang mga ganung bagay. Kinuha ko ang picture frame ng tatay ko at pinakatitigan ito. "Sana umuwi na po kayo" nangingilid ang luha ko habang kinakausap ang picture nang tatay ko, hinalikan ko ito bago ibinaba sa mesa ko.
Sa bahay nang mga Mcfiled maagang umalis ang mag asawang Mcfiled. Si Ivan ay nanatiling tulog since wala naman itong pasok. Tanghali na nang magising si Ivan, dumeretso ito sa banyo para makapaglinis nang katawan. Habang naliligo hindi maalis sa kanyang isipan si Layka. Naiinis siya kasi hindi man lang siya nito hinintay para sabay silang umuwi. Kaya ngayong araw balak niyang puntahan ang dalaga dahil sa totoo lang namimiss niya ito, kahit isang araw lang na hindi niya ito makita namimiss niya na. Nagmadali itong magbihis pagkatapos maligo. Suot ang black t-shirt, maong shorts na lagpas tuhod ang haba at headset na isinabit lang sa leeg.
"Nay Lumen alis muna ako" ani nito habang bumababa sa hagdan.
Tumakbo naman ang katulong papunta sa baba nang hagdan." mag iingat po kayo señorito" at yumuko ito.
"Señorito saan po ang punta niyo?" tanong naman nang mayordomo habang nakayuko ito.
"May pupuntahan lang ako" sagot nito
"Ipagpatawad niyo po pero hindi po kayo maaring umalis. Marami na pong nakatenggang business papers sa opisina at obligasyon niyo po itong tapusin sa araw na wala po kyong pasok señorito"
"Pero saglit lang naman may kakamustahin lang" paliwanag nang binata.
"Hindi po patalaga maaari señorito, mahigpit na bilin po iyon nang inyong ama " nanatili pa din itong nakayuko
Walang magawa ang binata kundi ang sumunod dito, umakyat siyang muli para tunguhin ang opisina at masimulan na ang dapat tapusin.
Nang makapasok sa opisina, nagdabog pa ito nang pinto sa pagsara.
"Ano na kaya ginagawa niya? hayyysssss.... bakit kasi.... hayyss, puntahan ko nalang siya kapag nakatapos ako dito" at sinumulan na ang pagpirma sa mga business papers.
Habang gumagawa hindi mapakali ang binata sa pag aalala sa dalaga kung nakauwi ba ito kahapon nang hapon. Mas nagiging panatag kasi ito kapag siya mismo ang naghahatid sa tuwing matatatapos ang kanilang klase. Kaso hindi niya nagawa kaya ngayon ay labis ang pag aalala sa dalaga. Kaya sisiguraduhin niyang pag natapos ang ginagawa niya sa opisina ay bibisitahin niya ito.
Sumapit ang hapon at naisipan ni Layka mamasyal sa palengke, nagbabakasakali na makakita nang isusuot sa gaganaping play sa paaralan.Pumasok ito sa iba't ibang ukay ukay pero wala siyang makita.
Napadaan ito sa botique kung saan patahian talaga ng mga magagandang gown. Napahinto siya dito at pinagmasdan ang mga gown na nakadisplay sa malaking salamin.
"Ang ganda naman nito" sambit nito habang tinititigan ang mga damit.
"Gusto mo?" wika ng isang lalaki na ngayon ay nakapantay sa kanya.
"Uy Kenneth ano ginagawa mo dito?" gulat nang dalaga dito.
"Namalengke kasi ako tapos napadaan ako dito, at heto nakita kita. Hmm gusto mo yung damit? mukhang yan ang binabalak na isuot ng prinsesa ko sa play ah" ngumiti lang ito sa kanya.
"Oo sana kaso panigurado mahal yan." sabi ng dalaga na may lungkot sa pagmumukha.
"Tara tanungin natin" at hinila niya ang dalaga papasok sa botique.
Nang makapasok ay agad sila dumeretso sa lalaking nananahi ngayon sa dulo nang tindahan.
"Excuse me po boss magtatanong lang ho" bigay galang ni Kenneth nang makapasok ito sa botique.
"Ano sa inyo?" tanong nang matanda.
"Tatanong lang po namin kung magkano po yung gown na white na nasa salamin?" tanong nang dalaga na medyo kinakabahan pa.
"Ah 20 thousand iha" sagot nang matanda.
Nanlaki ang mga mata nilang dalawa sa presyo nang damit kaya naman hindi na sila nagtagal. Agad na silang nagpaalam saka lumabas nang botique. Nakuha pang pikturan ni Kenneth ang damit pagkalabas nila dito.
"Grabe ang mahal" sabi ni Kenneth
"Halata naman kasi sobrang ganda naman talaga nang damit " sagot naman ng dalaga.
"Tara uwi na tyo" yaya nang dalaga sa binata at naglakad na sila pauwi.