Chapter 102 Mike Makalipas ang isang araw ay narito na kami sa Maynila. Nagpasalamat kami kina Uncol Nestor at Ante Josefina at Ate Silvia sa mainit nilang pagtanggap sa amin sa Capiz. Inihatid pa nila kami sa Airport at maluha-luha pa silang nagpaalam sa amin. Gano'n rin ang asawa ko na si Jasmine. Mahigpit niyang niyakap si Ate Silvia at si Ante Josefina. Pinadalhan pa kami ni Uncol Berto ng maraming bignay para sa asawa ko. Mhirap kasi hanapin ito sa Maynila. Saka nilutoan niya rin ng kuhol si Jasmine. Ang problema ko naman nito, saan ako hahanap ng kuhol sa Maynila? Ang naisip ko na lang na solosyon kapag maghanap pa ito ng kuhol ay iuwi ko na lang muna siya sa Hacienda hanggang matapos ang paglilihi niya. Nang nasa mansyon na kami ay tuwang-tuwa naman siyang sinalubong ni Tita

