Chapter 101 Jasmine Habang nakatitig sa akin si Mike ay pinaliitan ko naman siya ng mata. "Sabihin mo na sa akin? Paano nalaman ni Ate ang number mo?" excited akong malaman kung paano siya na contact ni Ate Silvia. "Tumawag siya sa bahay at nakita pinagmumura nga ako. Akala ko nga ay wrong call lang o baka nangti-trip lang. Noong sinabi niya ang pangalan mo nabuhayan ako ng dugo. Hinanap niya raw ang number sa mansyon sa directory," ani Mike. "Talagang matandang dalagang iyon. Hindi ko alam na 'yon pala ang ginawa niya," sabi ko. "Honey, huwag ka na magalit kay Ate Silvia. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil nakita kita. Alam mo bang bawat gabi na hindi kita nakikita ay parang isang taon na ang katumbas no'n?" aniya sabay kabig sa akin. "Ikaw kasi, lagi mo ako inaaway." "Hi

