Chapter 106 Mike Hindi ko akalain na aakitin ako ng asawa ko sa gitna ng biyahe namin, kaya napahinto ako ng sasakyan sa tabi ng talahiban at doon iniraos namin ni Jasmine ang pananabik sa isa't isa. Pagkatapos naming mag-s*x ay nagbiyahe na ulit kami papuntang hacienda. Habang sa biyahe kami ay panay naman ang tingin niya sa akin na nakangiti. "Honey, kailangan luto na ang s**o pagdating natin, ha?" lambing niya sa akin. "Sinabi ko na kay Mang Dany na kapag nakakita siya lutuin niya na, pero baka malason ka no'n, Hon?" pag-alala kong tanong sa kaniya. "Paanong malason? Kinakain naman 'yon," aniya. "Saan mo ba nakita na kinakain ang s**o?" tanong ko habang nagda-drive. "Sa palabas sa tv sa cooking channel," sagot naman niya at nagbukas siya ng itlog na nilaga para kainin iyon. M

