Episode 105

1605 Words

Chapter 105 Jasmine Makalipas ang limang araw ay nagtungo kami ni Mike sa Hacienda. Dalawa lamang kami ang nagtungo roon dahil may pasok ang tatlong bata. Si Mommy at Daddy na muna ang bahala sa mga kambal. Pati si Josh ay iniwan na rin namin at si Tita at Manang Lourdes naman ang nag-aalaga sa kanila. Pero bago kami pumunta sa Hacienda ay dinalaw muna namin ang puntod nila Mommy at Daddy. Nanghihinayang ako dahil hindi man lang nila makikita ang magiging pang-apat nilang apo namin ni Mike na mag-aanim na buwan na sa sinapupunan ko. Pagkatapos namin mag-alay ng bulaklak sa puntod nila Mommy at Daddy ay nagbyahe na kami papunta sa Pangasinan. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang ako na nakatanaw sa labas ng kotse. ''Hon, ang lalim yata ng iniisip mo? Nagugutom ka na ba? Gusto mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD