Prologue

834 Words
Prologue 5 year's ago. 3rd Pov "Jasmine, tingnan mo ang mga baby mo ang lulusog nila," ngiting sabi ni Dr. Maurine kay Jasmine. Nakahiga ito sa kaniyang kama sa apartment ni Dr. Maurine. Sa halip na tingnan ni Jasmine ang kaniyang mga anak ay ikinubli niya ang kaniyang mukha . Ayaw niyang makita ang mga kambal na kaniyang iniluwal. Natagpuan ni Dr. Maurine si Jasmine sa kalsada na walang malay sa Hacienda ng mga Buenaventura. Kaya tinulangan siya ni Dr. Maurine. Dahil wala itong matutuluyan noong lumayas siya sa Hacienda Buenaventura. Naawa sa kaniya ang doktor kaya kinupkop siya nito at ang tatlong sanggol na iniluwal niya. Isang babae at dalawang lalaki. Itinakwil ng mga magulang niya si Jasmine dahil sa inakala ng mga ito na nagtaksil si Jasmine sa kaniyang asawa na si Mike Buenaventura. Magkaibigang lubos ang mga magulang ni Jasmine at ni Mike. Spoild brat si Jasmine at iba-iba ang nagiging boy friend nito. Nagkita si Jasmine at Janzel sa bayan at nagpunta sa hotel dahil naroon ang best friend niyang si Cristy na asawa ni Janzel ngayon. Si Janzel ay ang panghuling boy friend ni Jasmine bago sila ikinasal ni Mike. Ngunit naghiwalay sila ni Janzel nang malaman ni Jasmine na may gusto pala ang best friend niyang si Cristy kay Janzel. Nagparaya si Jasmine dahil may nangyari na sa dalawa. Nakita ni Mike ang pagkikita ni Jasmine at Janzel sa bayan at ang malala pa ay nagtungo si Jasmine at Janzel sa hotel. Ang akala ni Mike ay nagkabalikan ang dalawa at pinagtaksilan siya ni Jasmine. Si Janzel naman ay kapatid ni Dr. Maurine. No'ng mga panahon na sa pangangalaga ni Dr. Maurine si Jasmine ay nasa Amerika naman si Cristy at Janzel at nalaman na lang nila na hiwalay na si Jasmine sa asawa nito na si Mike at nagluwal pa siya ng tatlong sanggol. "Dok ayaw ko ilayo mo sila sa akin. Ayaw ko sila makita," mahinang sabi ni Jasmine. "Pero Jasmine hindi mo puwedeng hindi makita ang mga anak mo. Tingnan mo oh! Ang gaganda nila." Pangungumbinsi pa ni doktora kay Jasmine. "Ayaw ko! Ilayo mo sila sa akin!" Sigaw ni Jasmine at nag-histerical na ito. Siya namang nag-iyakan ang mga munting sanggol. "Ok, ok, tahan na. Ilalayo ko na sila sa 'yo," sabi pa ni dok. Hinila niya ang kuna na may gulong at ipinalabas kay Tita niya Ann ang tatlong munting anghel. "Jasmine, mga anak mo sila kaya parang awa mo na. Huwag mo silang itakwil tulad nang ginawa ng mga magulang mo sa'yo. Gusto mo ba maranasan ng mga anak mo ang ang naranasan mo?" Mahinahong sabi sa kaniya ni Dr. Maurine. Tumingin naman ito kay dok. "Dok, ayaw ko. Ayaw kong mawalay sila sa akin. Sila na lang ang mayroon ako ngayon. Ang mga anak ko." Iyak pa ni Jasmine at yumakap ito kay Dr. Maurine at napahagulhol ito. "Jasmine, alam ko mahirap ang kalagayan mo ngayon. Kaya huwag kang mag-alala. Dahil tutulungan kitang mag-alaga sa mga anak mo. Kaya mahalin mo sila dahil sila na lang ang kayamanan mo sa mundong ito," sabi pa ni dok kay Jasmine. "Ang mga anak ko. Tama ka dok, dapat alagaan ko sila dahil ako na lang rin ang mayroon sila." Iyak pa ni Jasmine kay doktora. Kumalas na ito mula sa pagkayakap sa doktor at pinunasan niya ang mga luha niya sa mata. " Salamat, Dr. Maurine. Paano na lang kung wala kayo? Paano ko harapin ang mga pagsubok na dumating sa buhay ko," iyak pa nito. " Jasmine, lagi ka lang magpakatatag at ipakita mo sa mga tao na umapi sa'yo na kaya mong mabuhay na hindi kailangan ang tulong nila. Pero kapag dumating man ang araw na magkita kayo ng mga magulang mo at ng asawa mo ay matoto ka magpatawad," wika ni dok. Hindi kumibo si Jasmine. Naroon pa rin ang sakit na kinikimkim niya sa kaniyang puso. Kahit anong gawin niyang kalimutan ang nakaraan ay hindi pa rin mawala sa isip niya kung paano siya itinakwil ng mga magulang niya. At kung paano siya binali wala ng asawa niya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Ngunit namuhay siya ng payapa kasama ang mga kambal. SInikap niya itong buhayin. Hanggang sa ilang taon ang nakalipas ay muling pinagtagpo sila ng tadhana ng asawa niya at mga anak. Sa muling pagtagpo ng landas nila Jasmine at ang kaniyang asawa na si Mike ay lalong nasaktan si Jasmine. Hanggang sa nanganak ulit siya sa pang-apat nilang anak ni Mike. Nagkaroon ulit ng depression si Jasmine habang pinagbubuntis niya ang pang-apat nilang anak ni Mike. Hanggang sa nanganak na si Jasmine nagkapatawaran sila at nagbalikan ni Mike. Subalit ang akala niya ay gano'n lang kadali iyon pero naroon pa rin pala ang sakit sa damdamin niya sa lahat ng ginawang pasakit nang kaniyang asawa. Ang buong akala niya ay napatawad niya na si Mike. Hanggang sa na-realize niya na masakit pa rin isipin ang lahat ng kasamaang ginawa ng asawa niya sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD