Chapter 60 MIKE Unti-Unti ko ng naalala ang lahat habang bumabalik ako sa rest house ay napapangiti ako. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa silid namin ni Jasmine. Tulog na tulog ito. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Para akong nakukuryente sa tuwing sumasagi ang mga balat naming dalawa. Sa lahat ng babae na dumaan sa buhay ko ay kakaiba ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ako ganito ka baliw sa isang babae noon. Kaya totoo siguro ang sinasabi ni Daddy na ako ang pumilit para pakasalan siya. Kung ano man ang nangyari sa amin noong nakaraan ay siguro hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay kasama ko siya kahit hindi ko pa naalala ang lahat. Ganito siguro ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil ina siya ng mga anak ko na siya namang kinatutuwa ko.Tumabi ako sa a

