Episode 61

1505 Words

CHAPTER 61 MIKE Bigla naman akong nakaramdam ng selos sa sinabi niya. "So, type mo 'yong ka-date mo na 'yon? Lalakiro ka ba talaga? Baka nakalimutan mo kasal tayo," paalala ko sa kaniya. "Alam ko. Kaya nga magpapa-annule na tayo, 'di ba?" sabi niya na lalo kong kinaiinis. "At sa tingin mo papayag ako na mangyari 'yon? Naririnig mo ba ang sarili mo? Huwag mo akong pilitin na tuluyan ka ng manirahan sa Islang ito!" inis kung banta sa kaniya. "At bakit naman hindi ka papayag? Eh, dati nga gustong-gusto mo ma-annule ang kasal natin," aniya at tumaas pa ang kilay. "Hindi ko alam at wala akong maalala. At kung totoo man 'yon! Puwes, noon 'yon at hindi na ngayon! Hindi ka ba naawa sa mga anak natin? Gusto mo ba magkaroon sila ng broken family? Gusto mo ba iparanas iyon sa kanila?" wika ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD