Chapter 54: Battle Against Fear and the Burning Sword of a Warrior

2059 Words

"SIGURADO na ba kayo sa desisyon n'yo?" tanong ni Asuna kina Yumi at Tobi. Napagdesisyunan kasi ng dalawang umalis na para mag-report sa kanilang headquarters. Isa pa, wala silang permiso mula sa Guild na sumali sa Battle of Heroes. Sigurado sila na mapaparusahan sila pagbalik. "Sigurado na kami Asuna," sagot naman ni Yumi at bahagya pang niyakap ang dalaga. Sa maikling panahon kasi ay kahit paano'y naging malapit na sila. Tulad nga rin ng partners nila. "P-pero paano ang battle natin?" singit na tanong naman ni Nigito. Ngumiti si Yumi. Mabilis niyang hinugot ang kanyang espada at itinutok sa leeg ni Nigito. Napataas naman bigla ng kamay ang binata. "Sa sunod, maglaban tayo. Hindi porke rank 12 ka ay madali mo akong matatalo... Isa pa, dapat ay manalo ka para sulit ang pag-atras ko."

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD