Chapter 16: Four Down

2133 Words
AGAD ngang sinalubong ng malakas na atake ng nagbabantay sa ikatlong palapag si Nigito sa pagdating niya rito. Mabuti na lang at agad siyang nakailag matapos tumalon pakaliwa. Bumungad nga ang isang player na medyo matangkad sa kanya. Hawak nito ang dalawang matalas na scythe. Bakas nga rin sa mukha nito ang pananabik sa pakikipaglaban. "Matagal-tagal na rin nang huli akong makipag-duel. At mukhang hindi ka ordinaryong player dahil natalo mo ang naunang mga bantay dito," wika nito na kinikilatis ang kanyang bisita. "Sin'werte lang ako sir!" Napatawa nang bahagya si Nigito. Paano nga ba niya natalo ang mga 'yun? "Kakaiba ka nga... Bihira akong makakita ng mga umaabot sa akin na nagagawa pang tumawa. Pero ito ang trabaho ko... Ang labanan at talunin ang mga nagnanais makadaan dito! Laban na!" pahayag nito at kumislap pa ang talim ng sandata nito. "Mike Takeji: Level 60 has challenged you for a duel! Accept [x] Cancel [o]" Biglang napaligiran ang buong arena ng kuryente matapos itong i-accept ni Nigito. "Malaki ang kabawasan sa HP mo sa oras na mapadikit ka sa kuryenteng iyan..." paalala pa ni Mike. Una na ngang sumugod si Nigito. Sinubukan niyang patamaan ito ngunit nadepensahan ito ni Mike. Umalingawngaw nga sa paligid ang salpukan ng kanilang mga sandata. "Y!" Umikot bigla ang katawan ni Mike na parang trumpo. Tumama kay Nigito ang talim ng scythe nito nang subukan niya itong depensahan. Masyadong mabilis ang galaw niyon kaya't maraming damage na natamo si Nigito. 68.07% agad ang HP niya sa paunang skill ng kalaban. Tumalon si Nigito palayo at pinatamaan ito ng Dagger ngunit na-dodge lang ito. Nag-Blink ang kalaban sa likuran niya at doon ay gumamit ito ng 3rd skill. "No Mercy". 25 straight hits na sunod-sunod ang nagawa noon dahilan upang tumilapon si Nigito palayo. Muntik pa nga siyang dumikit sa kuryente, mabuti na lang at sinwerte pa siya at hindi nangyari iyon. 6.5% na lang pala ang HP ng binata. Talagang minamadali ng kalaban ang duel na ito. At papatayo pa lang si Nigito ay agad din siyang sinugod nito. "Omni Spin!" Nagulat si Nigito dahil gagamitin na naman ni Mike ang first skill nito. Mabilis pala ang cooldown ng skill na iyon na may mataas na damage. Tumakbo agad ni Nigito palayo habang naka-activate ang Phase Boots. Sa oras na maabutan siya nito ay siguradong katapusan na niya. Nagpaiba-iba si Nigito ng direksyon sa pagtakbo, hinihintay niyang matapos ang skill na iyon ngunit talagang mabilis si Mike. No choice na siya kundi ang sumabay rito. "Black Sword... Ikaw na ang bahala!" Tumalon si Nigito sa ere upang salubungin ito. Nag-iwan ng itim na guhit sa hangin ang dulo ng espada niya at buong lakas na iniwasiwas sa papalapit na si Mike. Isang pagsabog ang biglang kumawala mula roon. Eksakto ang timing ni Nigito at napatigil niya ang pag-spin ng kalaban. Hindi pa nga doon natapos si Nigito, isang malakas na pwersa ang biglang pinakawalan ng espada niya. Tinamaan nito ang mga haligi na naglalabas ng kuryente at agad itong nawasak. "Wow!" naibulalas na lang ni Nigito. Ano'ng klaseng kapangyarihan 'yun? Posible ba ito para sa isang permanent weapon? At ang isa pa niyang ipinagtataka ay ang pag-iiba ng kulay ng kabilang talim ng kanyang espada. Naging kulay pula ito. Pero nagpasalamat siya rito dahil tumataas ang chance niyang manalo kahit malaki ang level gap ng kalaban. Bago pa makabawi si Mike ay inunahan na niya ito sa pag-atake na naging dahilan upang tumalsik ang isa nitong karit. Sinundan ko pa niya ito ng dalawang sunod na atake at tinamaan niya ang katawan ng kalaban. Mabilis nga itong lumayo dahil drop agad sa 18.8% ang HP nito habang unti-unti namang nadadagdagan ang kay Nigito dahil sa Lifesteal. Hindi na rin nga hinayaan ni Nigito na makapag-heal ang kalaban. Agad siyang nag-Blink sa harapan nito na sinundan agad ng isang s***h na direktang tumama sa katawan nito. Bumagsak si Mike matapos mag-critical hit ang huling atake ni Nigito. Natigilan na lang ito sa bilis ng mga pangyayari. Alam nga ni Nigito na ayaw pa nitong mamatay kaya agad nga itong sumuko. Pinadaan siya nito at umakyat na si Nigito sa sunod na palapag. Ngunit bago pa iyon, may itinanong muna si Mike kay Nigito. "Bago ka umakyat... Isa ka bang beta tester? O isang cheater?" Napahinto si Nigito sa mga narinig. Nakangiti niyang hinarap ito. "Hindi sir, isa lang ako sa mga player na na-trap dito. Gusto kong hanapin ang XRG13... Tapusin ito at sama-sama tayong babalik sa real world." Seryosong winika ni Nigito na naging dahilan upang mapangiti ang nakaupong si Mike. "Sige Mr. Kuzuna... Naniniwala ako sa mga sinabi mo. 'Wag kang mag-alala dahil tutulungan kita kung sakaling kailangan mo ng back-up." Hindi lubos maisip ni Nigito kung bakit nandito sina Arthemis at Mike upang maging gwardiya kay Zac. Nakikita kasi niyang mabubuting players ang mga ito. Ramdam niyang hangad rin nila na makalabas dito at ito ang lalong nagpaalab ng damdamin niya. Ang kagustuhan niyang talunin ang XRG13! Tinahak na ni Nigito ang daan patungo sa huling bantay. Hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng  kanyang swerte. Ang espada niya... Palaisipan pa rin ito sa kanya at ang mabilis niyang pag-level. Matapos nga niyang matalo si Mike ay heto na siya at isa ng level 44. Sa pagpasok niya sa 4th floor arena ay bumulaga sa kanya ang isang player na may malapad at malaking espada sa likuran. Napapaligiran ito ng sampung mid-level monsters, mga level 35 na Wild Boar. "Magaling bata... Nakaabot ka dito sa akin. Mukhang may itinatago ka ring galing. Rahahahaha!" sambit ng player na nasa dulo. Hindi alam ni Nigito kung dapat ba siyang matuwa sa sinabi ng maskuladong player na iyon. Malakas kasi ang pakiramdam niyang hindi na basta swerte ang kailangan niya upang matalo ito. Labing-isa laban sa isa! Mahigpit ngang hinawakan ng binata ang kanyang espada. "Konte na lang at makukuha ko na ang Revival Stone," bulalas ni Nigito matapos niyang i-accept ang duel invitation ni Argus Swordi (Level 65). Agad na rin siyang inatake ng mga AIs na naroon. ***** PINAGTULUNGA si Nigito ng mga AIs pero walang binatbat ang mga ito sa bilis niya at sa talim ng espada niya. Sa loob ng 30 seconds ay napatay niya ang lima sa mga ito ngunit hindi lang mga monsters ang kinakalaban niya dahil pati si Argus ay inaatake rin siya. Umatake si Argus at dahil may mga AI pa siyang nilalabanan, nagawa siyang matamaan nito nang ilang beses. Nabawasan tuloy ang kanyang HP. Ginamit pa ni Argus ang skill nitong Impale. Na-stun si Nigito ng 3 seconds dahil dun ay bagsak agad sa 43.72% ang HP niya dahil tinamaan na naman siya ng kalaban. Saglit siyang umatras upang puntiryahin ang mga monsters na natitira at upang maka-lifesteal. Naubos nga niya ito ng walang kahirap-hirap pero kasunod noo  ay ang pagbulaga ni Argus sa kanyang harapan. Mabilis siyang inatake nito. Sumabay si Nigito dito. Nakipagsabayan siya sa mga atake nito subalit napapaatras siya dahil sa laki at lakas ng sandata nito kumpara sa kanya. Umaalingawngaw ang salpukan ng kanilang espada sa buong paligid. Kahit malaki ang lamang ni Argus ay hindi pa rin nagpatalo si Nigito. Matapang pa rin niya itong sinabayan. Nagpalabas si Nigito ng malakas na pwersa mula sa espada niya upang sindakin ang kalaban subalit iwinasiwas lang ni Argus ang sandata nito para salagin iyon. Muli silang nagpalitan ng mga atake. Sunod-sunod iyon, at walang tigil. Kahit isa sa kanila ay hindi na kumukurap dahil pareho silang desididong manalo. Pareho rin silang may Lifesteal pero nagtataka si Nigito kung paano niya nasasabayan si Argus. Sabay na nagtama ang kanilang mga espada nang bumira sila ng isang malakas na atake dahilan iyon upang tumilapon sila palayo. Bumagsak sila pareho na nakatayo at humihingal pa nga dahil sa tindi ng kanilang laban. Nagawa pa nilang magngisian sa tindi ng palitan nila. "May ibubuga ka nga pero tingnan natin kung makakaya mo ang lupit ng 3rd skill ko..." Biglang may lumitaw na napakalaking aura ng phoenix sa likuran ni Argus. Tumalon din ito pataas upang makabwelo. "Phoenix Attack!" Napakabilis ng mga pangyayari. Umiwas si Nigito pero nahagip pa rin siya sa tagiliran. Tumilapon siya palayo at nagpagulong-gulong. Sa ganda nga ng kanilang laban ay hindi niya napansing 35% HP na lang pala ang meron siya bago tamaan noon. Nanlalabo na ang vision ni Nigito. Nanghihina ang tuhod niya na pinipilit makatayo. Pumupula na ang HP Gauge niya. Ito pala ang pakiramdam ng may natitirang 1% na HP. Naaninag niya ang pag-Blink ni Argus sa kanyang harapan. Mukhang papatayin na siya nito at hindi pa rin nga siya nakakabangon. "Yahh!" bulalas pa nito habang papalapit na nang papalapit ang malaking espada nito kay Nigito na napapikit na ang mga mata. ***** UMALINGAWNGAW ang malakas na tunog ng mga nagbanggaang talim. Nabigla si Nigito sa kusang paggalaw ng kanang kamay niya. Nagawa niyang salagin ang atake ni Argus kahit nawawalan na ng malay. Parang kusang pinagalaw ng espada niya ang kanyang kamay. Dahil nga doon ay nagawa pa ngang makatayo ni Nigito. Nadaragdagan din ang HP nito kaya bumabalik sa normal ang kanyang vision. May halo nang panggigigil ang mga atake ni Argus subalit sinasalag lang ang mga ito ni Nigito nang walang kahirap-hirap. Dahil dito ay unti-unti na ring nare-regen ang HP ng binata at naging pagkakataon iyon upang makatalon siya palayo. Nakahinga si Nigito nang maluwag sa mga nangyari. Akala niya ay katapusan na niya, pero hindi pa pala. Napatingin na lang siya sa kanyang espada. Ano nga kaya ang nangyayari sa espada niya? Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang bigla siyang sugurin ni Argus, talagang ayaw na nitong patagalin ang laban. Nakipagsabayan muli si Nigito rito. Naging malakas at matindi ang naging palitan ng dalawa. Nagawa nga ni Nigito na mapaatras si Argus dahil 3x na nagcritical damage ang kanyang espada. Pero bago pa man ito makalayo ay pinatamaan na niya kaagad ito ng Dagger at agad siyang nag-Blink sa likuran nito. Subalit nautakan ni Argus ang binata, ginamit nito ang Impale kaya na-stun na naman si Nigito ng 3 seconds. Libreng atake na naman ang magagawa ni Argus sa sa binata kaya nakalamang na naman ito. Kaya nga nang mawala ang stun ay mabilis umatras si Nigito. Mababa na naman kasi ang kanyang HP. Habang tumatagal nga ay kinakabahan siya sa kanyang espada dahil parang mapuputol na ito. Saglit silang naglayo upang makahinga nang ayos. "Dapat kanina pa kitang na-PK. Humanda ka dito!" Mukhang cooldown na ulit ang Phoenix Attack ni Argus. Tumalob uli ito sa ere. 18% na rin lang ang HP niya kaya tiyak na wala na siyang lusot kapag tinamaan siya nito. Agad nga niuang pinatamaan ng Dagger si Argus sabay Blink dito. Sunod ay ang fast activation ng Phase Boots at Madness. Mabilis kong inatake sa Argus habang nasa ere. Isang paikot na s***h ang kumawala mula sa katawan ni Argus. Kasunod noon ay ang pagkawala ng hangin mula roon. Pagkalapag ni Nigito ay lumitaw ang maraming slashes sa katawan nito. Kasunod noon ay nahulog ito pababa nang hindi na naituloy ang gagawing skill. Napaluhod si Argus dahil 1% na lang ang natitira sa HP nito. Dahan-dahang lumapit si Nigito rito. "Ano pa'ng tinitingin-tingin mo? Tapusin mo na ang buhay ko... Ayaw ko nang magtagal pa dito sa death game na ito!" Seryosong sinambit ni Argus. Natahimik si Nigito nang marinig iyon. Nawalan na marahil ng pag-asang makalabas sa game na ito si Argus. Agad ginamit ni Nigito ang isang Healing Salve sa kanya at isa para kay Argus. Nagulat nga ito sa ginawa niyang iyon. Totoo raw ba ito o panaginip lang? Isang kalaban ang nag-heal sa kanya? Ilan lang ito sa mga naglalaro sa isip ni Argus nang mga oras na iyon. Ngayon lang niya naranasang tulungan ng nakatalo sa kanya. Sa tagal na niyang nag-lalaro ay ngayon lang may gumawa sa kanya ng ganito. Si Argus, isang player na hinagad lumakas upang magkamit ng respeto mula sa iba. Isa siyang player na piniling maging bantay ni Zac. Heto nga, nakilala at nakalaban niya si Nigito. Hindi niya maintindihan, pero dahil dito ay nagkaroon muli siya ng pag-asa, pag-asang muling makabalik sa real world. "M-maraming salamat. Iingatan ko na ang aking buhay." Kusang umagos ang luha ni Argus matapos mapuno ang kanyang HP. "B-balang araw ay makakabalik din ako sa asawa't mga anak ko." Naalala ni Nigito ang kanyang mga magulang. Na-miss niya ang mga ito.  Sino ba'ng mag-aakala na isa palang mabuting ama si Argus? Muli ngang nadagdagan ang dahilan ni Nigito para lalong magpatuloy sa game. Para mas gustuhin niyang mapatay ang virus na sumira rito. ***** PATUNGO na si Nigito sa 5th floor kung saan makikita niya si Zac Humpries. Hindi na ito biro, kahit na natalo niya ang unang apat na bantay ay 'di pa rin siya nagpapakakampante. Imposibleng magpatalo agad sa kanya ang isang rank 12 sa gaya niya. Pero kung gusto talaga niyang mabawi ang Revival Stone, dapat ay magtiwala siya sa kanyang sarili. Para ito kay Yuri! Kung gusto niyang mabuhay muli ito... Dapat talunin niya si Zac kahit Rank 12 pa ito! TO BE CONTINUED!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD