I never thought of running away from my problems. I just can't stand seeing people having split opinion about me. I was advice not to talk about the issue publicly. I was also advice not to post anything from then on so the issues will die down immediately. I agreed.
Naipabalita na ito sa dalawang tv station bago pa maturndown ang video. Netizens are demanding for apoligies from Vanessa Liberon. She was being dragged down by a lot of people who watched the video.
Maraming nagpatunay sa matagal na naming pagkikita ni Damon at nagpahayag ng obserbasyon nila. They saw how Damon took care of me in everywhere we go. Crazy people even collage a picture and videos of us together doing our usual routine, but they made it look like it is a very sweet thing in the world. Kahit ang matagal nang post ni Damon ng picture ko sa IG niya ay naungkat at nakilalang ako iyon. It was too fast. Too fast that in that one day of being absent from school, the video was released and trended, the day after that my family filed a case against Vanessa, and another day I went to Batangas.
Tanaw ko ang dagat habang nakatayo sa puting buhangin ng Batangas. Galing dito ay tanaw ang lupaing binili ko mula sa matandang nakilala sa maynila. It was a lowcost 600 sqm land near the beach. Walang nagmamay-ari ng parte ng beach na ito kaya malaya kang makakapasok at makakalabas.
"Ineng, are'y napakainet! Pumarine ka muna't masunog ang makinis mong balat!" Tawag sa akin ng matandang lalaki, asawa ni Aling Lolit.
"Sige po. Pinagmasdan ko lang po ang dagat." Ngiti ko pabalik.
"Mukhang hilig mo ang pagbabad sa dagat, ineng." Pinaupo ako nito sa upuang kahoy.
"Opo. Tinuruan po akong lumangoy no'ng bata pa ako kaya natutunan na ring mahalin ang tubig."
"Ganiyan talaga kapag lumaki kang sa ganiyang buhay, ineng. Kami nga't bata pa'y laking dagat na. Pangingisda ang ikinabubuhay ay ire. Hirap iwanan ang ganireng buhay." Pagsabat ni Aling Lolit.
Tumabi sa akin si Ate Margie at ang Asawang si Kuya Ren.
"Bakit niyo ho ba ibibenta ito, hindi pa po pala kayo handa." Tanong ni Ate Margie.
"Ay ineng, matatanda na kami. Ganireng hindi na ako makapangisda. Ireng Lolita naman e madalas na rin ang pagsakit ng balakang. Mainam na magmaynila nalang kami." Saad ni Tatang Ernie.
"Napagtapos naman na ang anak. Pwede na ang pension at ang maliit na kinikita sa pinatayong apartment sa maynila para buhayin kaming magkabiyak. At isa pa'y malapit na rin kaming lumisan." Ngiti ni Aling Lolita.
"Ilang taon na kayong kasal?" Tanong ni Tatang Ernie kanila Ate.
"Three years palang ho." Sagot ni Ate.
"Ay ka-tamis ng ganiyang pag-ibig sa ganiyang panahon, di ga?! Kaming 48 years nang kasal ay ka-pait!" Anas ni Tatay Ernie, nakatanggap ng kurot kay Aling Lolit, "Ga ay totoo naman! Masasanay kang kasama ang kabiyak pero... ay ka-hirap!"
"Ka-hirap dahil sa katigasan ng ulo mo! Ay sow! Tigilan mo ako, Ernesto. Uumpisahan mo ng ganireng usapan! Siya'y lapitin ng babae!"
"Syempre. Ako ga'y ka-tikas at gwapo." Ngisi nito. Tumango-tango ako dahil kung walang kulubot sa katawan ay gwapo ito.
"Mukha nga, ho." Saad ni Kuya Ren.
"Ay siguradong ikaw rin! Habulin ng dilag ang matitikas at malalakas na lalaki!" naghigh five pa ito at si Tatang Ernie.
"Ay, siya! Ireng bahay ay bagong pagawa ang bubong at nilipad ng dumaang bagyo. Kainaman namang mga puno ay hindi naputol. Tagharvest na ang mga buko rine." Paliwanag ni Aling Lolit.
Ang likuran ng bahay at malawak na bakuran ng lupain nila ay may mga nakahilerang puno ng niyog. Patungo iyon sa dagat. Ang harap ng bahay ay nakatapat sa kalsada. Hindi liblib ang bayan na ito kaya madalas ang pagdaan ng mga tao.
"Ireng bakuran ay palatandaan ng sukat ng pagaari natin. Hanggang riyan lang din ang mabibili. Sigurado na ba kayo?"
"Bibilhin ko na po, Aling Lolit." Saad ko.
"Ay ang buong akala ko'y ang magasawa!"
"Ako po." Kumamot ako sa aking batok. Rights lang naman kaya mababa kumpara sa presyo sa maynila.
"Ay ka-inaman naman! May ganire kang kalaking pera, ineng? Estudyante ka palang?" Tanong ni Tatang Ernie.
Opo. Gold digger kasi ako sabi ni Vanessa...
"Nakapag ipon ho ako sa kinikita sa paglabas sa TV." I smiled.
"Oo nga't nakita kitang sumayaw sa TV isang beses. Kagaling!" Masayang bati ni Aling Lolit.
Maya-maya rin ay umalis na ang magasawa saka naiwan kaming tatlo nila ate.
Nakapunta na dito sila ate noong nakaraan kasama si Kuya Vince. Napaayos na ang ibang kailangang ayusin at patibayin ngunit gusto nilang ipagiba ang bahay.
"Wala pa akong budget pampa-giba dito, Kuya Ren. Sa susunod na kapag sumasahod na rin ako kahit sa internship lang."
Ang mga katre ay pinalitan namin ng foam at unan para mahigaan. Pinaplano nila mama na dito magpalipas ng Christmas para tahimik at sa tabing dagat.
"Iyong sa pagharvest nalang siguro ng buko, Kuya. Tuloy ba bukas?" Tanong ko.
"Sabi nung sampung nakausap ko, tuloy daw. Pupunta nalang sila ng maaga." Sabi ni Kuya Ren.
"Susunod daw dito si Vince para magsupervise." Singit ni Ate Margie habang pinapalitan ang kurtina.
Apat na kwarto at isang master's bedroom. May kusina at maliit na common toilet and bath sa labas, dining area at living area. May terrace rin sa labas kung saan kami tumambay kanina malapit sa malawak na bakuran. Ang harap ay may lanai at paradahan ng mga nasa anim na kotse.
"Kapag malaki ang nakuha sa harvest, gusto kong ipagawa ang bermuda grass."
Sa pagod sa araw na iyon agad akong nakatulog. Nagising na lamang ako nang may mga naririnig na nagsisigawan sa likod. Sensitive ako sa ingay kaya kahit konting kaluskos ay nagigising ako.
Alas-siyete na pero kanina pa pala nagumpisa ang pagha-harvest. Mabilis lang naman daw iyon dahil 40 trees lang naman ang puno. Rinig ko na rin ang boses ni Kuya Vince at Kuya Lando sa paligid.
I went outside to take a bath, eat my breakfast and brush my teeth.
"Gising na pala si Rapunzel. Anong gagawin sa mga buko at niyog, kamahalan?" Asar ni Kuya Vince.
"Ibebenta? Gagawing delicacy? I'm not sure, what do you think?" I asked back.
"Tama! Actually, may tinurong taga-benta at taga-luto ng coconut jam ang mga tao dito. Meron pa nung ginagawang charcoal tapos kung ano-ano pa. Ibibenta lang natin sa kanila yung naharvest tapos sila na bahala."
"Ay hindi pwede 'yung magbabayad tayo ng gagawa tapos sila magbibenta pero sa atin ang kita?"
"Walang ganon, beh." Sarkastikong si Kuya Vince, "Wala kang factory at wala kang tauhan."
"Settle with this for now. Sa susunod ay gagawin natin 'yang business, I'll help you." Ate Margie said, the businesswoman.
"Nga pala, Rapunzel. Ang prince charming mo, dalawang beses nagpunta sa bahay kahapon para hanapin ka. Kakausapin ka daw." saad ni Kuya Vince nakapamaywang.
Si Kuya Ren naman ay biglang humalakhak. Nang lingunin ko ito ay sumipol-sipol na lang.
"Hindi mo pinapansin, Francy?" Ate Margie asked.
"Eh. Nandoon siya nung paalis na ako noon e. He asked me kung sinaktan ko ba ang Vanessa na iyon instead of asking me what happened." Nakanguso kong saad.
Ang kamay kong may benda ay nakita ko na naman. Ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok ng Friday.
Tumawa lang si Ate Margie at Kuya Ren samantalang si Kuya Vince ay nginiwian ako.
"Ang prinsesa niyo, inaabot ng toyo." Sipol ni Kuya Ren. Hmp!
"Wala naman siyang kinalaman sa bangis noong babaeng 'yon na nangaway sa'yo. Kawawa naman 'yung binata na 'yon." Natatawang sabi ni Ate Margie.
"Oo. Parang nababaliw na hindi nakikita at nakakausap si Francy. Nung unang punta sabi ko umalis ka. Aba biglang bumalik kinagabihan. Sabi ko nagpalamig ka lang dahil sa issue." Umiiling si Kuya Vince.
"Lintik na pag-ibig, parang kidlat. Puso ko'y tahimik na naghihintay, bigla mong ginulat." pagkanta ng sundalong nagwawalis ng sahig habang prente akong nakaupo.
"Lieutenant Colonel Renney Solano, magwalis ka lang diyan." Saad ko sa may awtoridad na boses. Humalakhak lang ito.
Mabilis natapos ang pagharvest dahil sa dami ng bilang ng nagtulong-tulong sa pagharvest ng niyog at buko. Naibenta din ang lahat at nabayaran din at napakain ang mga nagtrabaho.
Umuwi kami sa umaga ng Monday para makapasok. I went to school of course. Malapit na ang exam at hindi na pwede mag absent. Naghihilom na rin ang sugat sa kaliwang kamay kaya ayos na rin siguro ito.
Maraming nakatingin pero inabangan ako ng 8balls sa gate para samahan sa paglalakad papasok sa school.
"Gagi. Kumusta kamay mo? Second degree burn ba? Nagagalaw mo?" Overacting na tanong ni Erick.
"First lang, OA mo." Hinampas ko ito gamit ang kaliwang kamay na may injury.
"Kahit ganiyan ka sa'kin, poprotektahan pa rin kita." Saad nito.
"Nga pala. Kumusta ang lupa natin sa Batangas? Maayos na ba ang rest house natin?" Tanong ni Ralph.
"Natin? Kasosyo kita?" Tanong ko na tinawanan ni Andrei.
"Hindi! Syempre, pag naayos na 'yon edi doon na tayo magsi-swimming! Parang may private resort tayo!" saad ni Ralph.
"Oo nga! Tapos magpapa-beach body na 'ko para makapagpost ng hot pics. Aakitin ko si bartender boy. Friend ko na siya sa facebook." Tawa nitong si Nica.
"Wow. Speed!" Nakipaghigh-five si Angelo kay Nica.
Parang balik sa dati ang buhay maliban sa maraming lumalapit na kaibigan upang tanungin kung ayos lamang ba ako. Pati ang mayamang nerd girl na niligtas ko dati ay lumapit para magtanong kung may kailangan sa kaso. Handa daw tumulong ang pamilya niya.
"Nako! Wag na! Tapos naman na 'yung atin, Shaina. Wala kang utang na loob sa akin." I smiled at her.
"No. My family wants to help, Ate. You were the first person who protected me. Gusto nilang suklian." She said, "Don't worry, Ate. It's nothing much of help. We just made sure no one will block the case."
"Okay. Basta walang bayad 'yan, ha! 'Di kita afford." Biro ko at nagsitawanan sila Ralph ganoon din ang mahiyaing si Shaina.
"No worries ate."
Kahit sila Tin at ang iba pa ay lumapit, nangumusta lang at hindi nagungkat ng kung anong nangyari.
"Mukhang okay ka naman. Ayos na 'yan! Party na ulit!" Walang kwentang Travis.
"Wala ka talagang kwenta kahit kailan!" sigaw ni Andrei. Binatukan siya ni Travis kaya naghabulan ang mga ito.
"Magsi-uwi nga kayo sa department niyo! Lumayas kayo rito!" pagpapalayas ni Andrei.
"Guard, may baliw!" Sigaw ni Steve at tinuro si Andrei.
Tawanan lang ang nakuha ko sa mga 'to. Alam ko namang sinasadya nilang magbiruan para pasayahin ako. They know how secretive I am. Spilling news about my personal life is a big thing for me. All they can do is to cheer me up.
From Sevi Marasigan:
I got all the videos down except the videos saved on all people's phone. I'll keep an eye on all sns to delete all new posted vids of it. Don't worry. I deleted bad comments about you too. No one can ever talk s**t about the queen. Stay hydrated, Cine.
I sighed and nodded. Delborja or anyone else's team were fast enough to pay the two TV stations to delete the posted news but were too slow to delete videos on social medias so I asked someone to do it for me.
The issue died because of that. Ang mga memorya na lamang ng mga ito ang makakaalala. I can go on with my life, not because everything's fine now but because I am not at fault. I can get sued if I pour her the miso soup though, but it wasn't shown on the video that I touched the pot. The owner of the ramen house was interviewed and said that I dined in alone and wasn't expecting anyone to sit with me. In short, she intruded and tresspassed my private place.
"Tara, sirendeep?" Rose asked over the phone.
"Na nanadya ka ba?" I asked, "Iniiwasan ko nga 'yung tao, e!"
"Alam mo kasi, hindi ko makita 'yung dahilan bakit si Damon 'yung nagsa-suffer sa'yo!" Balik na sigaw nito. Rose's with Cara, Mich, Queency and Kris.
Kavideo-call ko sila ngayon dahil papunta sila ng Sirendeep80, monday na monday.
"I still remember the look in his eyes! Hindi niya pa alam ang buong kwento inaakusahan na agad ako!"
"Kahit naman kami! Unang tanong talaga namin anong ginawa mo." Sabat ni Queency.
"Ang kailangan mo lang talaga doon ay ipaliwanag sa kaniya 'yung nangyari which is hindi mo ginawa." singit ni Kristen. Nakatanggap ng papuri sa iba dahil first time magadvice, "Learn from the expert."
"Yabang!" sigaw ko sa kabilang linya.
"Sige na kasi! Punta ka na dito! Wala naman pasok bukas at wednesday e!" Pagaanyaya ni Mich na nagda-drive.
"Hindi na kasi 'yan tropa. Lagi na lang 8balls kasama niya." Ani Cara na halatang nagpapasaring para matrigger ako.
"Oo na! Pupunta na! Maghahanap lang ako ng damit sa kotse!" Labag sa kalooban akong nagma-martsa papuntang parking lot habang magbubunyi ang nasa kabilang linya.
"Bilisan mo, ha! Susunduin lang namin si JC at Viviene, dederetso na kami doon!" sabi ni Rose.
"Si Crissa?"
"Tanungi mo kung gusto tas sunduin mo na rin! On the way mo naman 'yung agency no'n 'diba?"
"Nasa school ata 'yon pero, kahit saan naman nasa way ko pa rin. Sige, I'll drop the call."
"Did I heard I'll drop jakòl?" Rinig ko ang boses ni Viene sa kabilang linya. Nasundo na siguro nila ito.
Pinatay ko na ang tawag at naghanap na ng damit sa trunk ng sasakyan. Mom, me, and kuya Lando have clothes here for emergency purpose, biglaang overnight o palit ng damit.
I took a simple black skinny pants and white crochet halter top. These clothes hugged the curves of my body. Nagfaded denim jacket lang ako para mapagtakpan ang pinagbabawal na revealing clothes sa catholic schools.
I just hope he's not there. I sighed.
Nang maihatid ako at si Crissa ni Kuya Lando, sinabihan ko ito na 'wag na uuwi dahil mabilis lang ako. Magpapakita at makikisaya lang talaga ako pero walang balak magtagal.
Nakipagbeso kami sa mga kaibigan saka naupo sa nakuha nilang VIP seat sofa.
"Okay, nagpaalam na ako sa bouncer. No boys allowed tayo." Saad ng kakaupo lang na si Chase.
"Gusto niyo papasukin ko si Kuya Lando para bantayan tayo?" I asked. They agreed so I called Kuya Lando.
While I was on the phone, I saw a badboy looking guy looking at me in shock. I forgot who he is but he's very familiar. Very familiar that he looks like one of Damon's cousin.
Oh, shoot. He really is Damon's cousin. Nakarating na si Kuya Lando. Narito lang ito sa katabing gilid nakaupo at may hawak nang beer.
Nagchi-chismisan tungkol sa kung anong bagay nang lumapit ang lalaki sa pwesto namin. Agad itong nilapitan ng bouncer at binulungan. Tumayo rin si Kuya Lando pero agad na tumango ang lalaki saka umalis ito.
"Tapos, si girl nakita naming pumasok sa dressing room ni guy. Well, we don't want to jump into anything but when the girl walks out of the room and talked to us... mga sis y'all can't believe this!" Crissa exclaimed exagerately, "Her hair have a bit of the guy's cùm! And I can smell it from her!"
"Bakit? Nakaamoy ka na ng gano'n in real life?" Chase.
"Hindi! But you know! The usual explanation of how it smells. Grabe talaga! Kaya pala ang bilis niyang nakapasok." Crissa rolled her eyes, "She's not so pretty and not a model type of a body unlike the other girls she won over pero ayan! Siya ang nasa spotlight as new recruit! Kawawa naman iyong iba na mas deserving."
"Minsan diyaan talaga nagkakatalo, e. Palakasan ng backer, ng kapit, o ng talent sa kung saan. I've heard a lot of people in this industry with that same business," saad ni JC, "Gagamitin ang katawan for fame? Mapababae o lalaki, may gan'yan talaga."
"They're just desperate to get into the top when they can just start from the bottom and wait for their turn to shine. Nakakaawa ang mga natatapakang diamonds." Ngiwi ko saka nilagok ang Cuervo.
We're now celebrating JC's group's liquor ban getting lifted. Kakabalita lang ni JC last week bago ako maissue at heto ngayon, nagiinom na agad. Although hindi pa rin nali-lift ang dating ban nito, ayos na ito sa amin. We can now party completely.
We are so lost of the talks and drinks. Halos hindi na magkamayaw ang pagtawa at pag uusap namin dahil sa mga chismisang malala pati na rin sa mga naging experiences namin sa mga nakaraang araw na nakakatanga o ang bobo. Pinagtawanan na rin namin ngayon ang nangyaring issue at nagtrend na video noong away namin ni Vanessa sa restaurant.
"Lumabas pagka-virgo ni Francy, e! Warla kung warla talaga!" Tawang tawa na si Viene.
"Alam mo, kulang pa nga 'yun e. Dapat kinaladkad mo pa! Kapal ng mukha pagsalitaan ka e wala namang ambag sa buhay mo!" Cara.
"Hoy, Cara! Mga advice mo, hindi pang public figure! Sayang career ni Francy kapag sinira niya lang para doon sa Vanessa na 'yon." Irap ni Queency na tumatawa.
"Well, guys. Pabayaan niyo na 'yung Vanessa na 'yon. Iba talaga sa feeling 'yung parang all this time, you were there for him tapos nakakilala lang siya ng isang babaeng hindi mo naman makita kung anong nakita niya at bakit nahulog doon, magwawala ka talaga!" Ani Chase.
"But if you know how to think rationally, kung ikaw talaga ang gusto simula pa nung una. Kahit sino pang dumaan sa buhay ng isang lalaki, ikaw pa rin ang babalikan at hindi lilingon sa iba." Ani JC.
"And to think that they're off age already. Kung siya talaga ang gusto ni Damon, dapat noon palang sila na e. Hindi na ako makakasingit pa sa picture if in the first place, kasama talaga si Vanessa sa frame." saad ko.
"E hindi! Kasi ikaw lang ang pinapasok sa frame!" si Kristen, "Haba ng hair, kapal ng mukha!"
"Siraulo 'to!" Nagtatawanan na kami dahil sa pagaaway namin ni Kristen.
I was about to lash out when half of the circle turned silent. Napaangat ako ng tingin sa aninong tumatakip sa ilaw na nang gagaling sa dancefloor.
"Francy," Damon was so serious looking at me.
"Damon," I was so surprise that I called his name when I recognized him. There's a guy at his back. He's the guy who's shockingly stared at me earlier.
I turned and saw my friends staying silent watching us. It's not right if Damon and I stay here and talk.
I pick up a shot glass with cuervo inside and drink it. I stood quietly, a little bit fast that it made me feel dizzy.
"Gotta go." Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko. Tumango naman ako kay Kuya Lando, "Wait for me in the car, Kuya."
I stared at Damon who's... staring darkly at me but didn't talk. He walked pass me and I think he wants me to follow him so I did.
Nakarating kami mezzanine part ng bar. Isang staircase ang nakita ko papunta sa room na sa tingin ko ay office nila. There's another door but I don't think I still have time to curiously think of it.
He left the door open. I went inside and saw him drinking a liqour from an unknown glass. Humalukipkip ako at hinayaan siyang matapos. Hindi niya ako inutusang maupo sa sofa kaya nanatili akong nakatayo.
The interior is pure black, grey and white. It was too minimal that it made me want to sleep. Nakatayo lang din ako kahit gusto kong maupo sa mukhang malambot na black leather sofa.
"Care to explain why you ignored me?" He asked in a deep strained voice.
I did not talk. I don't know what to say! Now that he's infront of me asking this question, I don't know if I should tell him.the reason. It even made me feel that my actions were all immature and unreasonable.
I only blinked after he asked me that. Nanatili siyang nagantay ng sasabihin ko pero nang mapansing tahimik ako ay nagbuntong hininga na lang.
"I tried to fix what happened back there. I tried to pay the people who saw the commotion, they all promised but still the video got leaked. I talked to Vanessa what happened and she said you started it. I don't believe her," He explained, "Pero dahil hindi mo sinabi sa'kin kung ano talagang nangyari, I have to look for the cctv footage to see what really happened. I watched the video posted on sss and saw how Vanessa really started it."
Nangingig ang kamay kong may hawak ng purse ko at ang isang kamay ay nakakuyom sa galit.
"I tried to call you multiple times to ask you if you're okay." He said now in a calm voice.
Damon slowly walk towards me. I stepped back but was not enough to walk away. He held my left hand and caressed my palm.
"You were hurt, the owner of the restaurant said. You touched the hot pot?" He asked in a calm voice, worried.
"Oo, ibubuhos ko sa baliw na 'yon." I rolled my eyes and pulled my hand away from him.
He sighed and held it again. Malambot pa rin ang pagkakahawak niya ngunit hindi ko na mabawi.
"Did you put right treatment on this?"
"Yes, you don't have to ask. I know how to take care of my self."
"I was so worried." He said huskily, still caressing the scar on my palm, "Nasaktan ka pa ba sa ibang parte ng katawan mo?"
He asked that in a sincere voice. He even scanned me from head to toe.
"You really think, I'll let her scar me? Nagulat lang ako sa pagtapon niya ng shake sa akin kaya nakalagpas! Hindi ko naman alam na ganoon ka-immature ang babae mo!" I tried to pull my hand but it's not use.
"She's not my woman—"
"Oh, sure thing!" I said sarcastically, "Asking me to go to your office when you have a date with her pala?"
"I was with mommy and Kathleen, I didn't know she was also right there."
"Lokohin mo na lahat 'wag lang ako!" I successfully pulled my hand away, "At hindi ko kayang palagpasin ang sinabi mo sa akin no'n! You believed that I started it—no! You accused me I started it!"
"Sorry, it was a slip of words. I was shock and—"
"I don't care! Magsama kayo! Mga highclass plastic!" I shouted and pushed him.
He was too calm and smooth that my simple push, he was pushed back. That gave me a chance to walkout and got out of the door. I went pass all VIP seats and dancefloor, I went straight my car. Kuya Lando's right there waiting for me.
"Sinusundan tayo." Saad ni Kuya Lando habang nagda-drive, "Bilisan ko ba? Kaso sports car 'yun."
Kita ko ang kotse ni Damon na nakasunod sa amin.
"No, drive safely. Slowdown na rin." I sighed.
Nakarating kami sa bahay na nakasunod siya, I stood right there waiting for Damon to walkout of his car. Its almost 10 palang ng gabi.
"Go home. Matutulog na 'ko."
"Let's talk first. You have lots of issues inside your head—"
"I'm tired, Damon. Bukas na lang or next time. 'Wag ngayon—"
"I can't sleep without fixing this, baby, please. Mabilis lang," he held my elbow.
"Bukas na, I think you're also drunk. Let's talk when we're both sobber."
"I'm fine! Magaantay ako dito hangga't kausapin mo 'ko!" He said with finality.
Walang tao sa kalsada at kami na lang. Nasa loob na rin si Kuya Lando.
"Ang tigas ng ulo mo! Bahala ka! Bukas na nga, e!" Tinalikuran ko ito at umakyat na. Nakita ko pang kinausap siya ni Kuya Lando pero hindi ko na pinansin.
I went to take a simple bath sana pero naging pagbabad sa bathtub. I almost slept, naalimpungatan lang ako dahil naalala ang sugat sa kamay na baka magsariwa.
"30 minutes na pala akong nasa CR, dafuq." I said to myself. I went out and lazily clothed myself.
From Restarea Crissa:
A badboy-looking handsome guy is asking where you are and Damon. Should I say you're both out?
To Restarea Crissa:
Nope. I went home. He's home too, I think. Gotta sleep
I was so drained. Ngayon palang ako napagod pagkatapos ng ilang araw sa Batangas. I don't know how long I've been sleeping when I heard my phone ringing from a call.
11:12pm? Nakakailang minuto palang akong tulog? And who's number is this?
"Who's this?" I answered it lazily.
"Ahmm. Is this Francy's phone?" A woman's voice. Automatic napamulat ang aking mata nang marinig ang boses.
"Tita Elise?"
"Yes, hija. Sorry to disturb you, Damon's out and Liam said you're with him..." Tita said on the other line.
"Kanina pa po 'yon. I'm at home na po." I said.
"Ah! Oh! Okay, sorry to disturb you! We prepared a party for his birthday today, kaso mag12 na wala pa siya!" Tita laughed awkwardly, "We thought you've been spending time with him since it's his birthday..."
It's his birthday today?! Napabangon ako sa gitna palang ng pagsasalita ni Tita Elise.
I heard a knock on my room's door so I said my goodbyes to Tita.
"No worries! Sorry for calling you this late." She said before I ended the call.
"'Yung lalaki hanggang ngayon, nasa labas. Mayaman, nilalamok na roon sa gutter nakaupo. Hindi mo ba lalabasin?" Sunod-sunod na sabi ni Kuya Lando, "Umaambon na pa naman."
"What? Andito pa rin siya?" Nagsuot ako ng oversized hoodie jacket at naglakad pababa.
"Pinapapasok ko, ayaw, e. Hindi mo pa daw kasi siya pinapapasok sa bahay kaya baka ayaw mo raw."
My heart was shattered in pieces when I saw him sitting on the gutter. Nakatungo ito at palingon-lingon sa gate. Hinihimas ang braso na naaambunan. His big and tall built, his menacing aura doesn't suit his place right now. Tears about to form on the corners of my eyes.
I opened the gate, that's when he turned his head back into it. Nagliwanag ang mata nito at napatayo nang makita ako.
"I told you to go home, why didn't you? Ang tigas talaga ng ulo mo!"
"I told you, hindi ako uuwi hangga't hindi tayo naguusap." He sound so defeated and tired, "Let's talk, please. I'm sorry."
"Pumasok ka!" Galit at kunot-noo kong pinapasok ito.
It's his freaking birthday and he's here, pleading me to forgive him! Kung alam ko lang ay pinalipas ko ang araw na itong hindi kami nagaaway! It was a slap for me for not knowing his special day. How unfair of you, Francy! Stupid!
Kuya Lando's holding a small white towel on his hand. I snatched it to him. Agad namang tumango ito at itinuro ang kwarto nila ng pamilya niya rito sa ground floor.
"Let's go upstairs." I commanded Damon. I opened the door to enter and see the living area.
Nang makapasok ako ay hinarap ko ito at pinunasan ang braso niya at kamay.
"Ako na. You'll strain your hand," pinilit niyang bawiin sa akin ang towel ngunit naiiwas ko iyon papunta sa mukha niya.
I wiped the bits of rain on his face and on his hair. He was too tall that I have to slightly tiptoe to dry his hair comfortably. He held my waist while staring deeply at me, still puzzled why I'm taking care of him.
I want to cry. Paulit-ulit kong pinipigilan ang pagngiwi ng mukha sa nagbabadyang luha sa mata.
"Kumain ka na?" I asked him. He shooked his head and gulped.
Bullshit. He went straight to me, when that Liam told him I'm in his bar.
I sighed and look for left over foods. I saw beef steak and garlic rice so I microwaved it. Nilingon ko si Damon na nakatayo sa living room.
"Sit on the sofa or here, you choose." Saka lang ito kumilos. Naglakad ito palapit sa akin, sa dining table.
Kalkulado ang galaw nito, tila inaantay kung ano ang sasabihin ko o ang gagawin ko saka lang din siya kikilos. He was too careful not to do anything to pull him out of the house. The house is big but feels suffocatingly small because of the deafening silence between us.
Tumayo lang ako nang tumunog ang microwave. Inilabas ko ang pagkain at hinain sa kaniya.
"Eat." I said. He looked at me first.
"We will talk after I eat?" He asked carefully, I nodded. Agad itong kumain.
Kumuyom ang kamay ko sa pagiging masunurin nito. Paulit-ulit niyang pinagmamasdan ang kinikilos at expression ko. Binilisan niyang kumain.
"Eat slowly, Damon." I said in pain. Maybe I look bored. Tinignan ko ang oras.
11:52pm
"You never told me your birthdate. Hindi ko tuloy alam na birthday mo ngayon." Tunog nagtatampo ang boses kong sabi nang matapos na siya kumain.
Napasinghap siya at yumuko ng bahagya.
"I thought of planning a birthday date but it didn't go according to my plan."
"Birthday date when your family is waiting for you. You have a party in your house, Damon. You ditched it for this?" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha.
"This is much important—"
Padabog akong tumayo at pumunta sa ref. I remember ordering a small blueberry cheesecake as my stress reliever. Inilabas ko ito at sinindihan ng gamit na birthday candle.
Pinunasan ko ang luha ko at humarap sa kaniya na hawak ang cake. When I saw him shocked, it made my tears fall down again.
I breathed in as I place the cake on the table.
"I have a cake here. Blow it and make a wish." I said with a sob.
His eyes were bloodshot now as he look at me cry infront of him. Pilit ko itong pinunasan.
"Don't cry please." He tried to wipe my face.
"Blow the candle and wish, Damon!" I shouted at him, still crying. He nodded and did it.
"Happy birthday, Damon."