Chapter 13

5000 Words
"Do you have a blanket with you? Nilalamig ako sa kaba." I said as he chuckled. He slowed down his car and reached for a blanket under the passenger's seat. He placed it on my lap and held my hand, still eyes on the road. "You'll win this. Don't be nervous." He said with an assuring voice. Nginuso ang aking labi at napainom sa hydroflask ko. Sinundo ako ni Damon sa bahay mas maaga sa napagusapang oras. We will be having our breakfast together. Susunod na lamang daw ang pamilya ko mamaya. Today is the d-day of University's Dance Troupe Competition. Hindi ko alam at hindi ko maipaliwanag kung gaano ako ka-kaba ngayon. Ito ang unang beses na manunood si Mama ng live sa competition ko. Kahit sa mga guestings ko sa tv or collaborations ko with other tiktokers or youtubers, nanonood lamang siya kapag nakalipas na at hindi live. Kinakabahan daw kasi siya para sa akin at baka himatayin pa siya. That's funny but somehow, that made me disappointed and hurt for not feeling the support I needed. They're afraid I'll lose so they won't watch my competition unless the result is out and we won, instead of being my support mechanism in a time like that. Anyways, nasanay naman ako. Ngayon lamang ako kinabahan ng ganito dahil live na at makikita ko pa talaga harap-harapan. "Bukod pa sa first time ni Mama manood ngayon, first time mo rin." I said in my usual tone. "First time ko? Parang hindi naman." He answered with a smirk. Nahahawa na siya sa paraan ng pagsasalita ko. "Oo? Pero baka nanood ka na, 'no? Pero ibang babae sinusuportahan mo." Pang-aakusa ko sa kaniya. Ang ngisi nito ay nandoon pa rin habang umiiling pa. "That's not true." "Sus. Kahit nga sa cheerdance e. Who's Dianne from the UP pep squad, then? Clara from another cheerdancers? And many more, right?" Inirapan ko siya kahit hindi naman ito nakatingin sa akin. "You're a red flag!" Pagaakusa nito sa akin, "You said the other week that you like me tapos nagalit ka lang sa akin, hindi mo na agad ako gusto. Ngayon naman nagpapaka-possessive ka!" "Are you saying I'm giving you mix signal?" Nasa loob kami ng BMW niya at nagaaway tungkol sa walang kwentang bagay. Malapit na kami sa venue ngunit heto kami at nagaaway pa rin. "Yes." I saw the hint of happiness plastered his face. I gasped, "Wow! Just wow!" Nagpupuyos na ngayon ang damdamin ko na kanina lang ay kinakabahan. Napabalik tuloy ako sa mga nakaraang pagkikita namin at paguusap. "Maybe you told me you like me because I was feeling down that time. You said those words to lift up my mood, but you don't really mean it." "I don't! Sinasabi ko lang kung anong nararamdam ko!" sigaw ko rito habang kalmado itong nagmamaneho. "Ano ba nararamdaman mo?" "Na I like you so much!" Parang may humugot nang sapilitan sa puso ko at tinaktak ang nasa loob noon upang makita kung sino ang laman nito. Ang malawak na ngisi nito sa labi at ang gwapo nitong pagtawa ang nagpabalik sa akin sa realidad. Anong sabi ko? "Ah, I feel like flying right now. Ito pala feeling no'n." he chuckled, "Magustuhan ng babaeng nililigawan niya." "Did I just said that loudly?" I asked. Mahinahon na ngayon at tila hindi pa rin makapaniwala sa naibulalas kong mga salita. "Uh-huh." "That's supposed to be a secret..." napalabi ako at siya naman ay tumawa na ng malakas. Tumigil ang kotse sa isang stop light kaya nagkaroon siya ng oras upang lingunin ako. "Don't worry. Your secret is safe with me. Ako lang to oh." Pang aasar niya. Hinampas ko siya sa braso gamit ang kaliwa kong kamay. He only laughed at it and held my hand that slapped him. Pinagsalikop niya ito at ang kamay niya. "Happy 6th monthsary." Anito at hinalikan ang likod ng aking palad. Ang masaya nitong mata ay nakatitig sa akin habang ginagawa iyon. "Sixth month ng panliligaw mo." Natatawa na ako ngayon. Tumango lang siya dahil ang labi ay nasa kamay ko pa rin. "Let's eat breakfast near the venue then we'll go there together." Sabi niya kaya tumango ako. Humalik ulit ito sa kamay ko. "Iiwan kita sa seats ng audience. Kailangan ko pumunta sa backstage with my teammates." He nodded with a smile. He placed my hand on his cheek, our hands still intertwined. Nakakagulat na sa daming pagkakataon na may fans niya at fans ko na nakakakita sa aming lumalabas magkasama ay hindi kami nahuhuli o naipapabalita. Hindi kami nagt-trend sa twitter. May mga mangilan-ngilan na nagsasabi at may picture pang kasama ngunit hindi naman nabibigyang pansin. Mas convinced kasi ang fans na si Ralph talaga ang boyfriend ko at nag aantay lang sila ng confirmation galing sa amin. "Right, Damon. May isa pang competition mamaya. Iyung dalawa lang kami at may ka-partner ako." "Nasabi mo na 'yan sa akin." Saad nito habang kumakain. "Yeah. But I haven't told you about our dance." saad ko. "Wha about it?" tumigil ito sa pagkain. "Madaming hawak sa katawan at buhat sa akin. Duels ang theme pero ayun..." Nagsasalita ako habang inoobserbahan. Tuluyan na itong tumigil sa pagkain at binitawan na rin ang kubyertos. "Was it... seductive?" "Nope. But it's like a fight between two people in a romantic relationship but ended up hurting each other in the middle of the duel." I explained. "Naiiba na ang theme niyo. Before it was just so pure. Sweet life theme and wave theme, right?" I was shocked that he knew. Madaming siyang ginagawa sa buhay. At sa dami rin ng aktibidad ko sa buhay, hindi ako magugulat na marami siyang hindi alam sa mga ginagawa ko. But he knew about it all already. "I knew you were a stalker before I met you." pinang singkitan ko siya ng mata. He frowned, "Your videos are all over my feeds. You are the talk of the town, especially with my basketball varsity batch and other people in the u-belt." "But that's not enough info unless you watched it." tinaasan ko na siya ng kilay ngayon habang hindi na siya nakakakain. "I have watched some..." He revealed. I clapped my hands to celebrate that I'm right. "I knew it!" I grinned at him as he shook his head and started eating again. Nang matapos na kaming kumain ay kinabahan na ulit ako. I'm wearing a windbreaker jacket covering our costume inside. I put my hands each of the pocket, hiding my trembling hands. Sabay kaming pumasok sa entrance ni Damon. Tumigil lamang kami nang makarating upuan ng audience. "Goodluck. I'm sure you'll win." He said. "Mas lalo lang akong kinabahan." I pouted. He chuckled. He pinched my cheek and bid goodbye. He's with Kuya Keifer. One of the varsity player of another university in Damon's batch. Matalik na kalaban ng University nila Damon. Who would think they are best of friends pala? Wala. Nalaman lang ng lahat nang makagraduate ang dalawa at magpicture na magkasama. "The rivalry of these two best basketball players of their time. Who would've thought they're best of friends?" I said to myself as I shook my head. Kumaway ako kay Kuya Keifer. He is the eldest brother of JC kaya kilalang kilala ko ito. I remember hating on all of Kuya Keifer's rival because I thought Kuya Keifer was the best among everyone. Tapos naging manliligaw ko 'yung isa... funny. Malabo ang mata ko pero may mga naririnig akong sumisigaw sa paligid ng pangalan ko. Hindi ko kita dahil sa dilim nito. Kumaway lang ako sa mga makikita kong kumakaway sa akin. May barricade sa paligid ng seats kaya walang nakakalapit sa akin sa stairs. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko nang tumabi sa akin si Travis. Ang partner ko sa sayaw. Naghiyawan ang paligid. "Wow. What a show travis." I said. Inakbayan ako nito saka bumulong, "You know, it's a big issue after the three months of break up with my ex girlfriend, I'm seen with you walking and dancing together." Siniko ko ito kaya napahiwalay ito sa akin at tumatawang iniinda ang tagiliran. "Tigilan mo 'ko, nandiyan pamilya ko." Sabi ko. "Nabalian ata ako ng buto. Wala na. Injured na 'ko. Ayaw ko na sumayaw." Nagmamaktol ito na parang bata. Nasa gitna na kami. Sa baba ng mga seats at sa baba ng stage. sa gilid ng stage ang daanan papuntang backstage. Inirapan ko ito at iniwan. Nang makarating ako ay hindi lang kami ang nandoon. Pati na rin ang members ng ibang dance troupe sa ibang universities. May mga upuang provided para sa bilang ng members bawat university. Agad ang paglingon nila sa akin kaya nilapitan na ako ni Andrei habang si Travis ay nasa likod ko. "Deliks ka, tol. Nakapag-CR ka na ba bago pumunta dito?" Tanong ni Andrei. I nodded. Lumapit din si Tin sa amin at kinawit ang braso sa akin. "Uumbagin ko kahit sinong lumapit sa'yo, mapababae o lalaki, tomboy o bakla." Bulong nito sa pinabibilog na boses. "Barumbadong bakla pero nagt-twerk." Pangaasar ni Travis kay Tin. Ang tomboy kong kaibigan na si Tin ay humiwalay sa akin at hinabol si Travis, babatukan ito. "Wag ka na magCR ha. Maraming may galit sa'yo." bulong ni Andrei. Tumango lang ako para hindi halatang may pinag uusapan kaming seryoso. From Damon Delborja: Do you need anything? Water? Food? Me? I chuckled at Damon's text. Sa mga nakaraang competition na may nanliligaw sa akin, sa kaniya lang ako naging panatag nang ganito. To Damon Delborja: None. And the last option is not part of the menu. From Damon Delborja: I heard from Keif that you had a crush on him before What? Kailan ang before na 'yan? Wala akong maalala. Naghe-headcount ang coach namin ngunit wala akong pake. Nakatutok lang ako sa cellphone habang nagkakagulo sila sa paligid ko. "Mars, tara na daw." kalabit sa akin ni Via. To Damon Delborja: When? As far as I can remember, I always call him Lolo Keifer before Gotta go. The compet's about to start po. Don't get jealous. Wish me luck Damon From Damon Delborja: Goodluck, baby. Have a safe win! You can do this! Tumayo na ako at sumabay sa mga teammate. Nakakapit na naman sa akin si Tin at si Via naman ay tumatawa lang. Nasa tabing gilid si Andrei at Travis. Si Steve ay nasa unahan dahil siya ang leader. Nakapaligid sa amin ang ibang members, making sure na hindi kami mahuhuli o mauuna. Iginigitna kami palagi. Marami nang nangyari noon na napagtulungan kami ng ibang teams. Nacorner ako noon sa loob ng CR at binalaan, sinubukan din akong patirin tuwing naglalakad para mainjure. Si Tin ay ganoon din pero pumalag. Si Via na mayaman ay inofferan pa ng pera para ipatalo ang team. Si Travis ay muntik lumpohin. At ang isang member namin ay ginupit ang damit. Simula nang mapagtagpi-tagpi namin ang mga iyon, pinagbawalan na kaming makipagusap o makipagkilala sa ibang teams. Ito lang si Travis ang bobo na jinowa pa ang member ng kabilang team. "Anong feeling lokohin at gamitin ng jinowa mo?" Tanong ni Tin kay Travis, nang aasar. "Tangina. Isa pa, tatadyakan kita." Sagot ni Travis. "Alam mo bang masakit ang lokohin at gamitin ka para magsnitch sa teammates mo?" hindi sumagot si Travis, "Hindi mo alam 'no? Sarili mo lang kasi iniisip mo." Dahil doon ay tumawa kaming mga nakarinig sa sinabi ni Tin. Si Via ay tinakpan pa ang bibig ni Tin, pinaghiwalay si Travis at Tin dahil baka magbugbugan pa ang dalawa. "He's smart enough to know he's just being used though. Ayos na iyon, at least hindi tayo nilaglag." Sabi ko pampalubag-loob. "Kuyog siya kung sakali." Saad ni Coach kaya tawa agad kami. Nakatayo kami sa stage para sa National anthem, prayer at pagpapakilala ng bawat representatives ng Universities. Inikot ko ang paningin at nakita ang banda kung nasaan ang pamilya ko katabi ang Restarea. Sa likod nila ay si Kuya Keifer at Damon kasama si Sir Jim. Sa gilid ni Sir Jim ay ang 8balls at iba pang mga kaklase. Ang mga sigawan ng pangalan ay rinig sa paligid habang pinapakilala ang mga judges. Nang universities na ang pinapakilala, sigawan na ang maririnig sa paligid. Nakakabingi at nakakakaba. "Ngayon ay may one thousand five hundred audience tayo rito sa stadium! Grabe naman talaga!" Sigaw ng baklang host, "Ganito karami ang pamilya niyo?" Nagtawanan kaming lahat at ang mga audience. "Marami rin ang nanonood sa live! Kaway naman kayo sa ating mga camera!" Dati ay hindi sikat ang dance troupe competition kumpara sa cheerdance. Simula lang nang maipakita ko sa t****k at kumalat ang mga videos namin sa sss at yt ay nabigyang pansin ito. Naging commercial model rin ako at si Andrei ng isang tv station para maraming manood sa live. "Ngayon. Bago magumpisa ang lahat. Pwede ba namin malaman ang concept ng bawat grupo sa dalawang competition?" Isa-isang nilapitan ng host ang mga leaders. "Ang concept namin for todays by pair competiton ay 'The Duels'. At sa team competition naman ay 'Angas exit walk'." Pagexplain ni Steve. The croud went wild. Gwapo naman kasi talaga ang leader naming si Steve. "Angas walk? Anong meron sa angas exit walk?" "Lakad ng sure win." Sagot ni Steve kaya nagsiwagawan ang mga tao pati kami, "Biro lang pero marami kayong aabangan sa Angas walk na gawa ni Francy." "Wow! May bago na naman palang pauso si Francy. Hindi na kami magtataka kung sa'yo talaga nanggaling ang mga highlights!" Saad ng Host. "We worked hard for this! Pinagsabay ang pagaaral at practice. Kaya abangan niyo at panoorin nang maayos! LET'S GO, CHAMPS!" Sigaw ni Steve at sinabayan namin ito. "Daming fans ang team na ito, ah! Pero syempre wala sa criteria ang audience impact kaya nasa mga judges pa rin ang resulta! Let the game begin!" Nagumpisa na ang competition para sa by pair. Ang kabang nararamdaman ko ay parang tambol sa puso ko. The Duel by Charity and Andres (World of Dance) Hingal namin at ang hiyawan ng mga tao ang maririnig sa paligid. Travis and I bowed together. No errors and no injury. Wow! Lumipad-lipad, gumulong at umikot-ikot na ako sa paligid ng stage kanina. "Panalo na 'to!" We high-five. Sa by group ay nakita na nila ang sinasabing Angas walk. We are dancing in a cool but wild way. Maangas at mayabang kaming sumayaw sa harap ng lahat. I hear people shouting and screaming in every dance moves that even the judges laughed, clapped and cheered for us. Ang ginawa kong eksperimento sa grupo ay nagawa nang maayos. We danced in sequence. Transition of places in sequence. Lumalakad ang paa habang may ikinikilos ang kamay. Dumadating ang patapos ng kanta at natapos rin ang sequence sa isang maangas na walk out. Taas ang balikat, taas ang noo, at maangas na nakangiti o nakatitig sa audience at judges habang naglalakad pa-exit. Nang tuluyan na kaming makaalis sa stage ay nagsigawan kami sa likod. "Wow! That was so maangas! Pero bumalik muna kayo sa stage para sa interview!" Tawag ng host. Nagtatawanan kaming bumalik. "Ganoon pala um-exit ang maangas, 'no??" Tanong ng Host. "Well, tinuro lang po namin sakanila kung paano." saad ni Andrei na naabutan ng mic. "Matanong lang namin kung anong inspiration ni Francy sa sayaw na ito." Inabot sa akin ni Andrei ang mic. Nanginig pa ang kamay ko sa kaba. Nandito ang pamilya ko at ang future boyfriend ko. Diyos ko naman. "Actually, nakuha ko 'tong idea na 'to sa walk ni Marvin, our freestyler, tuwing pauwi na kami galing practice." "Asan si Marvin— Ay! Daddy!" Malanding saad ng Host kaya nagtawanan. Simula sa gilid ay naglakad si Marvin papunta sa gitna kung nasaan kami. Ang lakad nito at ang maangas na badboy look nito ang nagpatili sa audience. Ayan. Nabibigyan ng spotlight ang bawat members. "And syempre, ang facial expression at ang sequence ng steps ay inspired naman sa foot steps ni Shaira." Pagpapakilala ko kay Shaira. Marvin and Shaira, the new Travis and Francy. Ipinapakilala na namin ang dalawa para mapaghandaan ng lahat. Labasan na ng result at kinakabahan akong nakatingin kay Mama. She's this scared. Nakadalawang CR na ito at sa tingin ko'y para tumae sa kaba. Nabanggit na ang dalawang University na nakatanggap ng second and first award for the pair competition. "And for the Champion for 2022's year end winner of Dance pair competition is none other than..." at parang alam na ng croud kung sino ang panalo, "Falcon Dance Crew! Francy and Travis pair!" Naghiyawan ang lahat. Tumayo kami ni Travis at kinuha ang trophie, cash price, at medal. "And for the Champion for 2022's year end winner of Dance Troupe Competition is none other than... kilala niyo na ba?! Sino ang hula niyo?!" Sigawan ng mga tao. We surely win this again for fifth time but we are humble enough to think about the possibilities. Maraming hindi makakaappreciate ng sayaw namin. "Falcon Dance Crew! CONGRATULATIONS!" Tili, talon, iyak, at yakapan ang nangyari sa paligid ko. I'm hugging Steve right now. "Napanalo ulit natin!" Ginulo nito ang buhok ko. I grinned at him. "Syempre! Ang galing mong leader! Salamat Lead!" Lahat kami ay hinawakan ang ulo niya para sa picture. Isa-isang medal rin para sa lahat, trophie, at cash price. We are so happy that after the picture taking and videos, I went down running to the audience's seat. Agad akong lumapit kay Mama at Papa saka isinabit sa leeg nila ang dalawang medal ko. "Congratulations!" Bati nila Mama at Papa, ate Marian at Kuya Vince sa akin. Lumapit din ang Restarea para makabati at makipicture sa akin. Still wearing my costume and windbreaker jacket, I smiled at Damon who's with the 8balls. "Ito ba manliligaw mo?" Kuya Vince asked na nakaturo kay Damon. Nahuli niya akong nakangiti kay Damon. "Hala lagot ka." Bulong ni Chase sa tabi ko. Si JC, Vien at Rose naman ay parang tumigil ang mundo. "Opo. Pa, Ate, and Kuya. Si Damon po." Nakipagkamayan si Damon kanila Kuya. Ang palabirong si Kuya ay seryoso ngayon, "Navy reservist ako, Lieutenant Colonel ang asawa ni Ate Margie, at Army Reservist ang asawa ni Ate Marian. Blackbelt teakwondo and judo si Papa. Huwag ka na tumuloy sa panliligaw kung duwag ka." Lumipat ang tingin ni Damon sa akin at napalunok. Gusto kong matawa. Hindi ko nasabi ang parte na yan tungkol sa pamilya ko. He cleared his throat. "Army reservist din po ako at trained po ako ng MMA. Galing sa mayamang pamilya kaya kailangan marunong ipaglaban ang sarili." Explain nito na parang naka-tikas pahinga. "Gagi, sis. Ang pogi." Anas ni Nica na nasa likod ko pala. Mahinang tumawa si Vien at Crissa. "Mabuti kung gano'n. Pumunta ka sa bahay sa birthday ni Mama next month. Magiinuman tayo." Saad ni Kuya bago naglakad palayo, "Francy, uwi na." "Kuya naman!" Parang nagmamaktol pa ako kaya nagtawanan ang mga kaibigan ko. Hindi ako pinansin ni Kuya at naunang umuwi kasama ang pamilya ko. "Kinabahan ka?" Tawa ni Andrei at tinapik sa dibdib si Damon, "Kung alam mo lang takot namin sa unang pag-apak sa bahay nila Francy!" Nilapitan ko si Damon at tinapik ang likod nito. Nginisian ko siya habang siya'y bumuntong hininga lamang. "Kaya pala ang tapang mo umaway ng bully, Francy. Puro matatapang pala nasa pamilya mo!" Turan ni Architect Jim. "Francy Ignacio po, Architect, taekwondo and Aikido black belter." naglahad pa ako ng kamay kay Sir Jim kaya nagsi-"oh!!!" ang mga ito. "Pati pala ikaw, e!" The days went on fast because of the back-to-back interviews, guestings and ofcourse, makeup classes and exams. We're too lazy to do makeup classes but at least we survived. It's my Francy-day today. Magisa akong nagpunta sa mall para bumili ng mga damit. Kuya Vince gave me 10k plus my share from the cash prices, marami akong nabili sa mall. Inilapag ko muna ang mga paper bag sa kotse kung nasaan si Kuya Lando habang kumakain ito ng take-out galing sa Zarks. "Hindi ka kumain sa loob, Kuya Lando? Enough naman for a fine dining ang binigay ko." "Gusto ko nito e. Saka iuwi ko na lang 'tong pera. Idate ko girlfriend ko." Tinanguan pa ako nito. Tinawanan ko ito bago umalis. From Damon Delborja: Punta ka dito sa office? Visit me, I need energy Napailing ako at sa elevator ay tumayo ako. To Damon Delborja: I'll be eating my late lunch first saka ako pupunta diyan. Makarequest ka kala mo girlfriend mo na ko From Damon Delborja: Hindi pa ba? :D To Damon Delborja: Ewan. Hindi ka pa naman nagtatanong Let's talk later. Let me have some peace eating my ramen I put my phone inside as I went out of the elevator and went straight inside a ramen house. Kilala na ako ng Japanese na babae at Korean na lalaking mayari nito, magasawa sila. I bowed at her and booked me a table for one. Naglapag ang waitress ng side dishes and tea sa aking mesa habang naghahanap ako ng makakain sa menu. I sip on my tea while I order, "One tonkatsu, karashibi spicy miso ramen, spicy jokbal, nakji bokkeum, and one pitcher of watermelon shake." Nang dumating and order ko, I took a picture of it and posted it on my story FrancyI.8: Me time! As soon as I posted it, ang dami na agad ang heart at reply doon. Bahala sila. I will enjoy my food. I had my soup from miso ramen, it was so spicy but just enough to wake up my sleeping heart that pushes away my stress and frustrations. Ah, what a stress reliever. I had a bite of my tonkatsu, totally enjoying my freetime and... of course, planning on how will I make Damon ask the question. Or... tinatanong pa ba 'yon? O baka gayahin ko na lang 'yung mga way ng pagsagot ng mga babae sa manliligaw nila? "Anong date ngayon?" "38." "Edi next month 38, monthsary na natin?" Yuck. Ayaw ko ng gano'n. Nakakakilig pero hindi ko kayang gawin 'yon. Baka pa hindi magets ni Damon. Matalinong tao pero natatanga pag ako ang kausap. "Pssst. Magpaalam ka na sa mama mo, lalabas tayo. Sabihin mo magdidate lang kayo ng girlfriend mo." No. Very eww. Hindi ko magagawa yan. Parang senior highschool naman kasi! Hays. Dapat iyong mature tignan. "Damon, I think I fell inlove with you. Sinasagot na kita. Oo, tayo na." Napainom ako sa watermelon ko at parang gusto kong mamilipit sa pandidiri. Hindi ko talaga kaya! s**t! May mga special occasion kaya? Or yayain ko siya makipag date saka ako magsasabi? Tapos bahala na kung paano ko sasabihin sa kaniya. Isa pa ito. Paano kung pagkatapos ko siyang sagutin ay maghiwalay din naman kami agad? Napatigil ako sa pagiisip nang may maingay na humatak ng upuan papunta sa mesa ko at pabagsak na naupo. "Hi! The assumera is here pala! What's this? Damon's treat? Or you got Damon's black card and use it everywhere?" Malakas na sabi nito. Ang mga mapayapang kumakain sa paligid ay napalingon sa bahagi ko, maski ang magasawang mayari ay napatigil sa pakikipag usap sa ibang costumers. "You seem enjoying your time here in a fine dining japanese-korean restaurant. Magkano ang perang ibinigay sa'yo ni Dame? Naiaangat mo na ang buhay mo mula sa kahirapan." Tuloy-tuloy nitong salita. Ako naman ay tahimik lang na kumakain at hinahayaan siyang magdaldal. Maraming tao, mayroon at mayroong magvi-video diyaan. Let them hear what she's trying to accuse me. Let my fans slap my vlogging and dancing salary to her face. "Oh! Why can't you talk? It's true, right? Huwag mo na kasing isiksik pa ang sarili mo kay Damon dahil hindi lang ito ang salitang maririnig mo sa akin at sa ibang tao." Peke itong ngumisi sa waiter na dumating at inilapag ang spaghetti sa mesa ko at ang avocado shake nito. "Get me a glass of wine, now!" Sigaw nito sa waiter na tila nagulat at kinabahan, "Tss. They have a bad service here. Ang kupad at cheap! No wonder you're here." Unti-unti nang kumukulo ang dugo ko nang makita ang sakit sa mga mukha ng mayari ng restaurant na ito. I gulped my irritation. I pulled out money from my wallet and place it under my plate para hindi mapansing nakapaglapag na ako ng bayad. I'm ready to go. Uubusin ko lang ang mga naiwang pagkain at ang ramen ko. "What? Talk to me, college girl! Wake up with your non-existence fairytale life! I'm sure you're smart enough to know your stand!" Binitawan ko ang chopsticks at tinitigan siya. "Smart enough to know how a successful beauty is insecure of me. Too bad, the guy she likes the most love me so much, right?" Mahinahon at mahina kong saad kay Vanessa. I don't want the people to see and hear how I banter. Sapat na maraming nagsasabi na masama ang ugali ko. "How dare you!" "Desperate motherfucking cheap b***h insecure of college girl. How pathetic, right?" "Are you referring to me?!" "Oh no, Ate! That's not what I meant!" Pinagmumukha kong nakakaawa ang mukha ko. Nagpupuyos sa galit si Vanessa sa harap ko. Nanginginig pa ang kamay na nakahawak sa mesa. Ganoon din ang nararamdaman ko. Sobra-sobra pa. "But it very simple, Ate Vanessa. If the shoe fits, wear it." Bulong ko dito sa may nakakaawang mukha ngunit may ngisi sa labi. Hindi ko na nasundan ang galaw nito nang abutin nito ang avocado shake niya at itinapon sa akin. Naiiwas ko pa ang aking mukha ngunit basa na ang buong dibdib ko hanggang powder white knee-length dress. Isinabay ko ang galit ko at ang pagtayo ko upang magisip. Magwo-walkout o gaganti? "Always remember this, Francy! You'll stay where you are! A slump rug! I'll make sure you'll never taste even the slightest bit of success! You and your cheap family will never—" And that's it. Kinuha ko ang baso ko na may watermelon shake at itinapon sakto sa mukha niya. Binuksan ko ang pitsel na may lamang watermelon shake at itinapon ulit sa kaniya. Nagsisisigaw lang siya doon walang tumutulong, walang lumalapit na mang awat. "What the f**k! You're crazy!" Kinuha ko rin ang pitsel ng kaniyang avocado shake at itinapon din sa kaniya. Hindi pa ako doon natatapos. Umikot ako sa mesa at tumabi sa kaniya. Ang hindi nagagalaw na spaghetti na inorder niya ay kinuha ko at inginudngod ko sa mukha niya. "Don't you ever talk s**t about my family, b***h!" "Francy!" I heard a woman's voice coming from somewhere. Hinawakan ko ang kumukulong miso ramen ko at ibubuhos ang laman nito sa katawan niya at ihahampas ang kaldero sa ulo niya. Ramdam ko ang init at pagkapaso sa kaldero. Bumuntong hininga ako at binitawan iyon. "Pasalamat ka, mabait pa ako!" Gusto ko itong kaladkarin, iflying kick, at balian ng buto. Pinulot ko ang purse ko at pumihit paalis. I was about to walkout when I saw Tita Elise, Damon's mom, who's too stunned to walk near us with a shock expression. Kathleen, Damon's cousin is there too. I cleared my throat. Nilapitan ko ang magasawang may-ari. "Tita, tito. I'm sorry for causing a fight. I doubled my payment for the food and for the trouble." "It's okay. Are you okay?" The old man asked. I nodded as I can't talk anymore until I walk pass them. "Tita! You've seen what she did to Van? Ang sama talaga ng babaeng 'yan! Cheap and warfreak!" Nagsisisigaw ang bruhang si Kathleen habang inaalo ang babaeng kulay red at green sa buong restaurant. I nodded to Tita Elise and walk pass her. I'm about to breakdown. I can't cry here. I stopped walking when I saw Damon on the doorway. Too stunned to walk near me too? What's this? A date with the women of his life? Ramdam ko ang pagtulo ng natunaw na avocado shake sa katawan ko. "Dame! Help Vanessa here! She's much hurt." Sigaw ni Kathleen sa titig na titig na Damon sa akin. I have to walk near him to finally walkout. Nagmartsa ako palapit sa pinto at lalagpasan na sana ngunit hinawakan ni Damon ang kamay kong may paso. "What did you do? You hurt Vanessa?" Parang gatilyong baril na ipinutok sa aking puso, nawasak ito sa mga salitang binitiwan niya. He's accusing me? Oo nga pala. He've heard a lot of stories about my warfreak moves that no one will believe me if I say I did that to take revenge from talking s**t about my family. "Yes, I did. Now leave me alone." "She said it already, Dame. Now leave her! We don't need a cheap—" Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ng Kathleen na iyon nang umalis ako at iwan sila. Buti na lang ay magisa ako sa elevator. I breathed out and let my tears down as I put my walls up from frustration and heartbreak. I cried my heart out inside the car and inside my room. Walang tao sa bahay kaya walang nakakaalam bukod kay Kuya Lando ang tungkol sa pagiyak ko. I've received a lot of calls from Damon. Gusto ko man itong sagutin ngunit hindi ko kaya. I don't know. I'm hurt. Vanessa spoon fed me bad words about my self. She talked s**t about my family. Kathleen saying and calling me words I cannot accept and Damon... Damon believing I started it and even accused me of hurting Vanessa... I looked at my burned left hand. Awang-awa ako sa sarili kong ibinuhos ang luha sa gabing iyon hanggang sa makatulog. Umagang-umaga nang makareceive ako ng messages sa pagtrending ng posted videos sa nangyari kahapon. And my family, with a lawyer Ate Marian, they filed a case against Vanessa. Taking the video and the restau's owner as evidence and witness. Long weekend, five days walang pasok at isang araw na hindi ako pumasok ay ang pagpunta ko sa lupang binili ko sa Batangas. I did not answer Damon's call starting from that day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD