Chapter 7

4045 Words
The drill happened to last like it will be like this forever. Nakakapagod din pala ang ganitong set up. Hahabol, magpapahabol. Gugustuhin kong makipag usap pero sa dulo ay mabibigo at mas masasaktan lamang. Naipon na ang nagawa niya at mas tinutulak ako ng mga ito palayo sa kaniya. After the incident in Lerepos, I saw him drinking in Sirendeep80 alone in a long sofa. So many people tried to strike a conversation with him but he insisted on sitting alone. Nakatulala ito at madalas ang pagyuko, tila lasing na. He opened his phone and stared at it for a moment. He typed something and when he's done, my phone beeped. Napasinghap ako doon at na realize na ako ang problema niya. I sighed heavily. Nasa dancefloor at kung saan saan ang 8balls. Ako na lamang ang natira sa table namin nang sabihin kong tinatamad ako sumayaw at gusto na lang maginom. From Damon Delborja: I hope it'd not too lste for is to talk, I looked up to him and saw him closed his eyes. Isinandal niya ang likod at ulo sa back rest ng sofa saka tumingala. I typed my reply to stop him from drinking. To Damon: Give me time, Damon. You hurt my feelings. At parang tinamaan na rin ng alak ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang maitype iyon para sakaniya. I breathed out to suppress a tear. Sa lakas ng tugtog, sa nagliliwaliw na mga ilaw, sa sigawan, sa sayawan at kaguluhan ng paligid namin ay nandito kami, nakatitig sa aming mga cellphone. Isang punyal ang tumusok sa puso ko nang nagmadali itong bumangon nang dumating ang mensahe ko sakaniya. From Damon Delborja: Let me explain it fir yoy, plesse. I'lk do my bedt to maje yoir heart oksy pleade Tinungga nito ang bote ng Jack Daniels matapos magtype. To Damon Delborja: Just give me time, Damon. Where are you? From Damon Delborja: Ar my bar. Hownmuch timr do you beed? tell me I scratched my eyebrow, gettibg stressed on how I should read his drunk messages To Damon Delborja: Go home, Damon. I think you're drunk. Give me time. Ako lalapit sa'yo kung ayos na ako. But now, go home first please Nakita ko itong tumitig sa cellphone niya. Bumuntong hininga ito at nag angat ng tingin sa palid. Ang pamumula ng tainga at bandang dibdib nito na kita dahil sa bukas na tatlong butones ng polo. From Damon Delborja: Wull yoi let me talk to you, uf I"m well restrd? To Damon Delborja: Yes. I tyoed without hesitation. Makakalimutan niya din ito bukas. Ireremove ko na lang ang mga sinagot ko sakaniya upang hindi niya malaman ang mga ito kapag naging maayos na siya. Malapad ang ngisi nito at tila pinag igihan ang pagtatype titig na titig ito sa cellphone habang nagtatype ng kung ano. From Damon Delborja: Okay. I'll go home now. I missed you, baby He rested his back again and smiled with eyes close. Sa gulat ko ay nalunok ko ang hanging ibubuga sana. Ramdam ko ang init na kumalat sa buong kalamnan ko. Nagwala ang mga paru-paro sa tiyan. Nanginig ang kamay kong nakatitig doon. I looked up to him and saw him chugging the last drop of the Jack Daniels. He's drunk. What he typed right now is out of his normal state. Far from what he will tell me if he is sane. But I am drunk too. I want to, at least, put my heart out this time... To Damon Delborja: I missed you too, Damon I bit my lower lip after I hit the send button. Dahan dahan ang pag angat ang tingin ko kay Damon. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya nang umilaw ang cellphone. Dahan dahang nanlaki ang mata nito at malapad na ngisi ang gumuhit sa mga labi niyang mapupula. Tumayo ito bigla at.. at hinalikan ang cellphone niya! What the f**k?! Napatingin ako sa paligid at nakita ang ibang babae na nakatingin kay Damon, na wi-weirdo-han siguro sa inaasal nito. To Damon Delborja: Go home Damon, please Nakita ko pa itong kumuha ng tatlong shot at inisahang lagok lang ang mga ito. Napailing na ako nang hindi na maalis ang ngiti sa labi nito. From Damon Delborja: Yes po, baby Sinubukan niyang humakbang ngunit tila umalog ang paligid nito at napa upo. Nahulog ang cellphone nito sa kung saan kaya naman hinagilap niya pa ngunit hindi mahanap. I sighed and walked near him. "Parang tanga. Bawas angas, Damon Delborja." Bulong bulong ko habang umiiling sa sarili. Nang makalapit ako ay narinig ko pa ang bulong nito. "My phone. Where is it? My baby's chat. I have to reply." He murmored. Sinilip niya sa ilalim ng sofa ngunit wala ito doon. He groaned when he saw nothing. Pinulot ko ang umiilaw sa ilalim ng table at nakuha ko ang cellphone saka ko ibinulsa. Napansin niya ata ang taong nasa harap niya kaya napatingala siya. "Shit." He groaned. He closed his eyes and opened it only to see me starring at him. He closed his eyes again and open it. "Oh, God. I'm seeing an angel in front of me. I can't believe this." Kinusot niya ang kaniyang mata, "Are you taking me, beautiful Angel?" He looked straight into my eyes with his drunk brown eyes. Init lamang ng katawan ko ang nararamdaman ko ngayon pati na rin ang naglalarong kiliti sa tiyan ko. Diyos ko. Why is he like this when drunk? "I-I'm taking you home, Damon. Let's go." I said. "Francy." He finally said. He reached for my right hand. He held it like it's his last strand to continue his dear life. He placed my hand over his cheeks. "Are you real? Please, don't fade." He reached for my other hand and kissed the top of it and placed it on his cheeks as well. "I'm real and we're going home. Come." I pulled him lightly but he shook his head. "No... Baka bigla kang mawala kapag umuwi ako. Di mo na naman ako papansinin." Sa baritono nitong boses at sa laki ng pangangatawan nito, tila ito'y nagtatampo sa akin sa way ng pananalita niya. I freed my right hand and pulled out his phone. Luckily, it's open so I have the chance to scroll his contacts. I saw his brother, Cal's phone number so I dialed it. "Kuya." "Cal, this is Francy." "Ow!" "Nasa siren kami. Your brother is drunk, get him out of here." "Anong ginawa mo?" Napataas ang kilay ko sa tanong nito. Napalingon ako sa umaagaw ng phone. "Who are you calling? Eyes on me, please." Damon said while pulling my hand with his phone away from my ears. "Oh, s**t! He's wasted! Anong ginawa mo kay Kuya?!" Anas nito nang marinig siguro ang nagsalitang Damon. "Wala! I just saw him in this state! Get him already!" Iniwas ko ang cellphone sa kamay ni Damon. "You should be talking to me. Only me, please." "Okay. I'll be there. Wait for me. Don't let him go baka kung anong gawin!" Halatang nagmamadali na ito, "Tangina, Kuya." Ibinaba ko na ang cellphone niya saka napatingin sa lalaking titig na titig sa kin. "Vanessa was never an ex lover to me. We never had a thing. My grandfather tried to but I declined." He shook his head, "We're in the same field and they are a stock holder so I have to meet her everytime damn time. But, I never see him as a woman or a potential partner." I just stared at him while he explains himself. He sighed looking defeated. He is seated and I'm standing in between his spread thighs. He's holding my left hand and my right hand is on his shoulder. If anyone could see us in this position, they will definitely think we're doing green things. "I respect women but I don't want to get involve with their emotions. That's hassle and totally f****d up." He looked up to me, "I really don't f*****g understand why I want you to understand me." Hinigpitan niya ang hawak sa kaliwang kamay ko at inilapag iyon sa banda kung nasaan ang puso niya. "This is beating fast. I don't understand. Do you know what's the meaning of this?" Tila napapaso kong inilayo ang aking kamay nang maramdaman ko ang lakas at bilis ng t***k ng puso niya. Nanlalaki ang mga mata napasinghap ako sa naramdaman. "Tell me what you want me to do, please? You want me to ignore her? I'll do it!" "That's impossible! You just said that she's a stock holder—" "I'll remove her then. Just don't get mad at me anymore." I sighed. He did the same thibg while looking at me. Papikit pikit na ang mga antok na mata nito. Sigurado akong hindi niya uto maaalala bukas. "How about the girl you were kissing here the last time I saw you?" "I was... I was just..." Naghahanap ng salita, "Trying to understand my feelings. I don't— I can't understand myself." "Uhuh." "Believe me! I thought, kissing someone would stop me from this craziness. I'm not like this! I don't chase, but heck! When I saw your eyes?! I knew I f****d up!" He pulled me for a hug and let me sit on his left lap. My right hand placing on his shoulder is now my whole arm. "I don't understand, Francy. I'm not like this before." He murmored on my neck. He was like that until his brother came. "What a view!" At mukha pang ayaw nito kaming istorbohin nang ngumisi ito sa akin at naghalukipkip. "Kunin mo na. Hindi ako makawala." I said. Malalim na ang paghinga ni Damon kaya iniisip kong tulog na ito. Laking gulat ko nang bigla itong mag angat ng tingin. Mapungay ang mga matang tumitig sa akin. Bahagya itong ngumiti at yumuko ulit sa aking balikat. "What the f**k, Kuya. Bawas angas 'to! Nakakahiya ka." Sunod sunod na anas ni Calder. Natatawa na lang din ako nang inaya ito ni Cal na patayuin ngunit iwinaksi lang ang kamay ni Calder. "Kayo na ba?" "No." "Bakit ganiyan ayos niyo?" Kamot nito sa tungki ng ilong niya. "I don't know?" Sagot ko ulit. Inaalis ko na rin ang pagkakahawak ni Damon sa akin ngunit mas gumihigpit lamang ito. "Kuya, let's go! Pagtatawanan ka talaga ng mga pinsan at mga kaibigan natin." Hinatak ni Calder ang kamay nito sa waist ko, "Parang tanga naman e." Hindi ko na napigilan ang pagtawa. Tila nabawasan din ang tinik sa aking puso na magaan ang pakiramdam ko matapos ang usapang iyon. "Let's go home?" Matamis na bulong ko sa ears ni Damon. Tumingala ito sa akin tila may namamanghang mga mata. "Am I forgiven?" Napasinghap ako at napalingon kay Calder. "Oo ka na lang. Sorry talaga." He whispered, almost mouthed the words. "Yes. You are forgiven." Nagliwanag ang mukha nito at malapad na ngumisi sa akin, "Can we go now?" Agad agad itong tumayo at hinawakan ang kamay ko. "I'll just get my purse sa table ko and susunod ako sa inyo. Sumama ka na kay Calder." I said. Sa tingin ko ay nakuha naman ni Calder ang ibig kong sabihin. Inilapag ko ang cellphone ni Damon sa mesa at pumihit na patalikod. "Susunod ka?" Pahabol pa nito. "Yup." I nodded and waved at him and Calder. "Okay. We'll wait inside the car." Akala mo'y matino na ito magsalita. Nang malingunan ko ang dalawa ay pa suray suray pa silang maglakad. Parehas lang sila ng tangkad at laki ng panganagatawan ni Calder. Kaya naman tinulungan sila ng mga bouncer upang masamahan at maalalayan ang may ari ng bar na ito. Naglalakad ako pabalik ay nakikita ko ang mga nakatingin. Wala naman akong napansing may hawak ng phone kaya hinayaan ko na lang. I'm sure they won't get this filmed because they only want themselves to have this attention and not me. Sunod sunod na nilagok ko ang tatlong tequilla shots sa aming table nang makarating ako doon. I relaxed a bit but it didn't happened because my mind eat me. He misses me? He wants me to understand him? His heart beats fast because of me... why? I shooked my head and drank another shot. I received a message from Calder. From Calder Delborja: We came home safe. I'm so sorry for the mess. Hindi naman ito naglalasing ng ganito e. He will not remember whatever happened today so I'm really sorry. I sighed. Life sucks, huh? How about me? I'm totally sane and still kicking. It's very clear to my mind. How unfair. To Calder Delborja: Okay. Thank you. From Calder Delborja: You don't to fulfill your promises to him earlier. Hindi naman niya maalala. Hindi ko alam kung anong pinag awayan niyo but I think it's not that easy to forgive my brother so it's okay if tomorrow, you're still mad at him. Anw, thank you for taking care of my brother, Francy! Wow. Okay? Kinabukasan ay parang wala nga talagang nangyari. Except sa nagkaroon ako ng meeting kaninang umaga para sa dance troupe namin dahil sa gaganaping competition between Universities. "I heard gossips about last night." Bulong ni Andrei habang naglalakad kaming dalawa pabalik sa Arki department. "Chismoso ka na ngayon?" I know what it is, I'm not dumb. Itinaas nito ang folder na hawak malapit sa ulo ko upang maprotektahan ako mula sa tirik na tirik na araw. "Nagpakachismoso kasi dawit pangalan mo." aniya, "Lasing si Damon tapos ikaw daw yung nag alaga. Totoo ba?" "Wow. That is facts, not gossip! Nakakatuwa naman." Tumawa pa talaga ako. "Idinadagdag ka na sa listahan ng flings ng Damon na 'yon." "Sino?! Sinong nagsabi niyan at babaklasin ko ang bungo?!" Sigaw ko saka humarap kay Andrei tila naghahamon ng away. "Hindi ako! Tangìna chill! Ingay mo!" Pasigaw na bulong nito at hinila ako palayo sa mga taong napalingon. "Hindi ako fling ha?! Masyadong mataas ang beauty at brain ko para matawag akong fling! Hindi ako pang fling lang!" Kinurot kurot ko si Andrei sa braso. "Aray! Hindi nga ako!" Napalayo siya sa akin nang itulak ko siya, "Ano ba?!" "Gano'n ba tingin mo sa akin, Andrei?! Ang kapal naman ng mukha mo!" Hinampas hampas ko siya. Mahina lang naman dahil pinagtitripan ko ito. Nang umakto itong isa akong demonyo at nag sign of the cross sa harap ko saka nagkunwaring si Goku ay tumawa na ko ng malakas. "Ka... me... ha... me...... HAAAAAAAA!!!" Sinabayan ko siya sa kabaliwan niya. To think na nasa gitna kami ng Hallway ay mas nakakahiya. I always look uptight and very serious in school but when I do random and crazy things, all people could do is to laugh. Kaya nang mapalingon kami ay may nga nakigaya pala. Nakipag high five pa ang sira ulong si Andrei sa mga ito kaya napailing na lang ako. "Papasok palang tayo, pagod na ako." I sighed. He laughed. "Pero seryoso nga. Kung maididikit ang pangalan mo sa lalaking iyon, ayos lang naman sa amin e." He said seriously before entering our room, "Pero hindi yung ganito. Hindi namin 'to tanggap." I nodded. "Either you pull yourself out of his life, or you fix things and make it all clear to people around us. Public figure na rin tayo, Francy. Our life story is their entertainment, tandaan mo 'yan." "I know. Thanks." I tapped his back. Tila hindi nga nakaka alala si Damon sa kung anong nang yari kahapon dahil wala itong text or chat mula makauwi ito kagabi. I went straight home after our class ended. I decided to do live on my t****k account. "Hello, Bbs! This is Francy I, and welcome to my playground!" I greeted my fans and started my routine for todays live. "So far, puro serious and busy live ganap natin 'di ba? So for today's video, maglalaro na lang tayo." I saw some of the comments talking what they saw last night. How did that spread so fast? Comment: I saw ate Fran in Siren last night with the ex univ bball player. I was there too! the guy's name is Damon. He's the owner of Sirendeep80 I'm a fan of Kuya Damon. When I heard about the news, pumunta agad ako dito. huhu I hope it's true A friend told me they saw them together in one of Delborja's restaurant. They are surely dating Damon never gets serious over a girl. I hope he's not playing Ate Fran. Kukuyugin talaga siya ng mga fans Ate's reading our comments. stop with your nonsense chismis And many more. Nanahimik ako ng bahagya para mabasa ang comments. It spreads fast, huh. From Rose: Whatever it is, wag mo na pansinin. Continue with your game. Pasimple ko rin itong binasa saka nanahimik na at ipinagpatuloy ang larong inumpisahan. Hindi ko na lamang pinansin ang mga comments tungkol doon. But to think about it, this is alarming. I am being associated to him as one of his flings. I am not and I refused to be one. Dumating ang dalawang araw na napapansin ko na rin ang mga tingin ng mga tao. Someone spread a picture but it was taken down immediately. Pero syempre, may mga nakakita at nakapag screenshot na nito. What's worse is that, the headline is saying we're dating. Sa ilang araw na dumaan ay walang paramdam kay Damon kaya naman hindi ko alam kung may alam ba siya sa nangyayari. I posted several pictures on my i********:, not minding the comment section, just basically being my self. My family and friends who are active on social media are worried about the comments, and I'm not even a bit worried. Except for the fact that he is silent about this. I know he is silently active on my socials. Hindi niya malalaman ang ibang detail tungkol sa akin kung hindi niya ako sinusundan sa mga ito. Bumuntong hininga ako at hindi pinansin ang mga tao sa paligid. Pinagigitnaan ako ng 8balls hanggang sa makarating sa parking space. "Hinahanap ka nila Cal, Craig, at Adi kahapon nung nasa Backlor kami." Panimula ni Ralph. "Bakit daw?" "Kinakamusta ka. Sila ata nagpatake down ng mga nagkakalat ng chismis e." Sagot ni Erick. "Iba talaga pag may pera." Anas ni Andrei na sinisipa ang naka kalat na lata. So they want the news to die down? Why can't they just deny it then? Ayaw pala nila machismis ng ganoon e. "Pero tahimik si Damon e. Ba't kaya?" Tanong ni Gelo pero nakatingin sa akin. "Na nahimik din naman ako. Patas lang." Sabi ko, "Dito na ako." I bid goodbyes to them. Nag kanya kanya rin ang mga itong nag part ways na. I am not guilty, I just don't want to put up another fire to an ember. Imbis mamamatay na ito, ay mas lalo pang mabubuhayan at maglalagablab. Hindi naman ako celebrity but I am familiar with many because of side by side interviews and multiple collaborations with other artists. Limang araw na simula nang mang yari iyon pero may ilan ilan pa ding pinagmamasdan ako tuwing naglalakad. Pero hindi na kagaya noong una na marami pang nag uusap tungkol doon. He is a retired non showbiz basket ball player of UP, Summa Cumlaude. Gwapo, matalino at mayaman. No wonder, majority knows him. Being associated to a guy like him with... ehem naughty background, is very scandalous. Given the fact na sikat rin pala ito sa business world dahil successor ng mga Delborja... aba naloko na talaga. It was not a bomb like the other dating news. But because he's someone elite and basket ball fan knows and I am someone tiktokerists and vlogger follower knows, it was like a talk of the town. "Damon posted a story on IG. Nasa office. Overtime daw." Nica na updated. "Legit ba?" "Yup. After the issue, now he posted a busy video. Kapal ha! Habang stress ka dito at itinatago, siya nasa loob lang ng office niya nagpapayaman!" She's sulking. Her rosy cheeks are shouting cuteness. "Hayaan mo na. At least, mga chismoso na lang ang iiwasan ko today, hindi na siya kasali." Iniligpit ko ang mga gamit ko at nagpasyang umalis na. Pupunta akong Lerepos, walang makakapigil sa akin kahit chismisan pa ng nga pakialamero 'yan. I went inside and saw few people. Some smiled at me and scanned me and my soul. I scanned them as well with my judging eyes. Kala mo papakabog ako? Pinalaki ako ng s*x bomb 'no! I went to my fave spot. Inilapag ko ang mga gamit ko kasabay ng paglapit ng waiter. "Long time no see, Ma'am." Anito sa matigas na ingles, "Ang tagal po kitang hindi nakita, Ma'am." "Busy dahil sa exams at practice." I scanned the menu. "Ay malapit na pala competition niyo, ma'am! Grabeng busy mo siguro!" He laughed so I laughed slightly too. I said my order and he immediately disappeared. He came back with my order. When he saw my eyes sparkled with joy, he laughed. "Na miss mo ata ang luto rito, ma'am!" Puna nito, "Nung nakaraan kasi, ang bilis niyo lang ho dito." I remembered that day. Iyong ipinakilala sa akin ang Vanessa na iyon. "Yeah. Ang tagal din last time kumain ako dito nang maayos." I smiled at him. "Pinasarap pa po namin 'yan! Na miss ka din daw ng mga staffs, ma'am e." Kaya naman ay napatingala ako at nakita ang mga matang nakatingin sa akin. May mga ngiti ito sa labi. Dahil malapit ako sa counter kung nasaan din ang kitchen ay mabilis kong narinig ang mga pahabol nitong salita. "Welcome back, ma'am!" "Blueberry cheesecake, ma'am Francy? Libre ko na oh!" "Ako din sa Blueberry milkshake, basta regular ka na ulit, ma'am!" Marami pa silang sinabi at sigurado akong nakikinig ang maraming tao. "Wag niyo kong biruin, pumapatol ako sa libre!" I laughed with them. "Alam po namin yung mga pinaparatang sainyo, ma'am. At nasubaybayan din naman namin kayo." Salita nito sa akin, "Kaya, ma'am, 'wag kang magpapa apekto sa kanila! Kami ang mga nakakita!" "Shhh. Ang ingay niyo!" I laughed lightly to ease the tension. "Kaya sa mga nandito na hinuhusgahan si ma'am Francy, malayong malayo siya doon! Ayusin niyo desisyon niyo sa buhay!" Sigaw ng manager, "Yun lang, happy..... eating!" Ginaya namin ang gesture nila kaya nakitawa ang mga ito. Patuloy pa ang pakikipag usap ko sa mga ito at todo kain pa ako ng mga binibigay nilang pagkain kaya naman hindi ko napansin ang oras. Ako na lamang ang naka upo at paalis na rin ang iba. "Magclose na pala 'no? Take out ko na 'to para makapag pahinga na kayo." Sabi ko at ginilid ang natirang mga pagkain. "Sige lang po, kain ka lang po. Maya maya pa kami magclose." Saad ng isang waitress, "May mga nagte take out pa sa ganitong oras minsan." I nodded and continued eating. Baka nga sa mga kauuwi lang galing school o trabaho ay kailangan na lang itake out. Napapalibutan ng condo at apartment ang Lerepos kaya naman marami ang bumibili. Nag kling ang pintuan hudyat na may pumasok sa pinto. Maaga pa naman ngunit late na rin sa usual na oras na bukas ng cafe. Halos mapatalon ako nang may umupo sa harap ko at sinakop ang ilong ko ng mabango nitong amoy. Nang maiangat ko ang tingin ay halos mapatakbo ako nang makita ko kung sino ito. "I-I saw stolen pictures of yours while dining here. I thought I could take this as a chance to talk to you." Inilipat lipat ko ang tingin sa mga pagkain. Gusto ko na tumakbo, kaso paano ang mga ito? Ang dami pa, sayang... "Don't leave, please." Maagap niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa mesa. "What do you need ba? I don't care about your explanations whoever that Vanessa is!" "But I told you about it already. You said I'm forgiven... Was it a lie?" Maingat nitong tanong. Nanlalaki ang aking mga mata at napasinghap sa sinabi ni Damon sa harap ko. Nang mapansin niya ang gulat ko ay parang may naintindihan siya. "I was drunk to the point I cannot walk straight, but not to the point I will forget all the things happened." He sighed and warmed my hand, "Now hear me out already, baby, please."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD