I breathed out and ask the bouncer to help me take care of my guy friends while I handle Nica. I don't want anyone touching my girl firiend. When we're all inside, I made sure we're all seated and settled.
I put down all the phones and wallets above the car's dash board.
"You can drive?" I asked Andrei while his eyes are close, maybe trying his best to put back his senses. "We can just sleep sa condo. It's a bit far but at least, hindi ka na magdrop by sa kung saan saan."
"Condo, then. Do you have Nica's key card?"
"I have Nica's bag. I'll check." I breathed out and opened Nica's bag.
"Did you invite that guy or something? Maybe you want to bid goodbye to your dear friend?"
Napataas ang tingin ko at lingon kay Andrei nang matanto na ako lang naman ang pwede niyang kausapin dahil puro tulog ang nasa likod.
Nginuso niya ang nasa labas ng kotse kaya napalingon ako. Tinted ang kotse kaya hindi niya makikita ang pagtingin ko sa kaniya. Matagal kong tinitigan si Damon na nakatayo sa labas, napasok ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa. Ngumuso ako at tinitigan pa ito lalo.
"Hayaan mo siya." Iwinaksi ko ang naiisip, "I found the key card na. Let's go."
Isasarado ko pa lamang ang bag ni Nica nang makatanggap ako ng mensahe sa cellphone ko.
From Damon Delaborja:
Are you fine there? Can he drive safely?
Pinaandar na ni Andrei ang kotse at inalis ito sa pagkakapark.
Alam kong madilim at sigurado akong hindi niya ako nakikita kaya matapang ko ring tinitigan siya. Ngunit ang mga mata nito ay parang tumatagos sa salamin ng kotse at nakikita niya ako mula sa loob.
Nawala lamang tingin nito sa akin ng bumusina si Andrei ng dalawang beses saka naman siya tinanguan ni Damon.
"I think you have an unfinished business with him." Ipinagpipilitan pa ang nakita.
"Wala na." Wala sa ayos kong balik rito.
"If you have an unfinished business with—"
"Sino may business? Sino nagpatayo ng negosyo?" Singit ni Louis na biglang lumitaw ang ulo sa gitna ng mga inuupuan namin ni Andrei.
I shook my head and look outside. I watch the trees, cars and light post pass by us. I watch the night sky. The brightest stars of this night.
I feel numb and... heartless. Parang nabubuhay na naman ako na humihinga lang and not directly because my heart is beating. Namamanhid at hindi nararamdaman ang sariling emosyon. Hindi makaiyak at hindi rin naman makatawa nang lubusan. I'm not lost or heart broken. I'm just... breathing because life must go on.
Monday na nang maisipan kong kumilos. I just had my normal routine on sunday. Nagpasundo lang sa driver ni Papa at nag antay na mag lunch at dinner dahil buo ang pamilya.
I have three siblings. Ate Margie ang panganay, Ate Marian ang pangalawa, at si Kuya Vincent ang pangatlo. Two sisters and one brother. Medyo malayo ang age gap ko sakanila kaya naman may mga pamilya at anak na ang mga ate at si kuya ay nagtatrabaho sa isang hindi kalayuang probinsiya habang ako ay nasa kolehiyo pa rin. Nagtatrabaho pa rin ang mga ate kahit may mga anak na.
Sila mama at papa ay nagma mayari ng tatlong branches ng water refilling station sa kalakhan ng metro manila. Sa katandaan ay kinailangan ni papa ng driver upang maihatid siya sa mga branches at mabantayan ang nangyayari sa mga iyon.
Hindi kami mayaman pero sapat na para mapag aral kami sa mga matataas na unibersidad.
I had a long sigh when I entered the school. May mga bumabati sa akin na mga hindi ko kilala at mukhang galing sa ibang department. Nginingitian ko lamang ang mga ito.
Nasa room na raw ang mga baliw at nakikitulog na doon. Dahan dahan ang pagpasok ko sa room dahil pumasok kami sa room ng nagkaklaseng irregular students. Kakaonti lamang ang mga ito, sinakop lang hanggang second row kaya naman natutulog ang 8balls sa likod.
We had a sleepless night yesterday, sunday, because of an unplanned and sudden project given by our beloved prof. Akala mo walang personal life, makapagbigay lang kahit sunday at tuesday agad ang pasahan, wagas.
Pinapayagan ako at si Chris matulog sa classroom ng mga prof dahil kasali kami sa university dance troupe, pero hindi sila kasali. At lalong lalo na, hindi ngayon, dahil next month pa ang start ng practice.
Pero suguro'y naging estudyante rin si sir Jim at pinagbibigyan rin raw siya ng kaniyang mga prof noon upang matulog sa classroom, hinahayaan niya kami.
I received a message while laying down on the floor.
From Damon Delborja:
I got your schedule for today. Can we talk?
Huh? Paano? Kanino?
"Malungkot ka?" Tanong ni Chris na katabi kong nakadapa.
"Hindi. Ba't naman?" I denied.
"You look sad." He whispered.
"I always look like this." I whispered back.
"You can always tell us, you know. We care for you." Paalala ulit nito dahil sa tingin niya siguro ay nakakalimot ako na lagi lang sila nandiyan para sa akin.
"I know. I'll tell you if I'm really sad." I smiled genuinely and patted his head.
Naramdaman ko ang paglapag ng jacket palibot sa thigh part ko pababa sa aking tuhod. Hinatak pa ito ng kaunti para matakpan pa ang ibang bahagi ng ibabang katawan ko.
"Thank you." I whispered to any of our friends who put jacket on my thighs. Mayroon rin si Nica, nandoon naman siya sa kabilang banda.
Nakapikit akong pinapakinggan ang sinasabi ng Prof, tila inaalala kung napag aralan ba namin 'yan o hindi.
"Tulog ba 'ko nung inaral natin yan?" Bulong ni Chris.
Natawa ako. Sigurado ako, hindi niya rin na aalala ito. Course ito na pre-requisite ngunit pang sophomore pa.
"Iba kasi prof natin niyan noon." saad ko na tila nasagot nito ang tanong niya, tumango ito.
"Naka base talaga sa prof hindi sa libro yung kung ano yung matututunan natin o hindi. Gaya niyan, nasa libro naman ata ng course yan pero hindi natin matandaan." Singit ni Ralph na biglang na upo. Kaniyang paa pala ang malapit sa tabi ko.
We chatted more until their class ended, meaning, our class starts. Naupo na kami sa respected seats at nakinig na.
Kuya Lando:
Pransi, nsa parkeng n aq. Pnta k nlang d2 bili lng aq tubig. Aral mabuti
"Dito na driver ko. Papahatid pa 'ko sa mall."
Naki usyoso pa ang mga ito kung saang mall ako pupunta, may balak pa atang sumama. Nang matigil ang mga ito ay nagsi alisan na rin.
"I'm here, Kuya Lando!" Tawag ko kay Kuya Lando na nasa tuhog tuhog pa.
Nasa thirties pa lamang ito. Medyo matipuno ang katawan, maitim at medyo matangkad rin. Siya na rin ang nagsisilbing bodyguard ko o driver ko. Anak siya ng driver ni Papa na pinag aral nila papa hanggang Senior High School. Marunong mag karate at taekwondo at batak ito noon sa pagtatanim kaya ganoon ang pangangatawan.
"Punta tayong mall, kuya."
"Kailangan mo ng kasama sa loob?" Tanong nito, "Pwedeng sa labas na lang ako?"
"Kakain sana ng lunch, Kuya." Sabi ko habang binababa ang gamit ko.
"Bilhan mo na lang ako ng take out tas sa bahay ko na kainin, kumain akong chicken balls."
Tawa at tango lang ang naisagot ko rito dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Nakalabas na ng parking space ang kotse nang masagot ko ang tawag ni Nica.
"Asan ka na, sis?"
"Nasa tapat ng langit."
"Yung totoo nga! Malayo ka na? Hindi pwede umikot?"
"Bakit ba?" I looked outside. Traffic sa pabalik na lane, walang galawan ang mga public at private vehicles.
"Nakalayo na ba kayo?" Tila kinakabahan at natataranta ito.
"Hindi naman masyado pero mahirap na bumalik." Nagkatinginan kami ni Kuya Lando sa center mirror.
"Andito si Damon, inaantay ka! Naka BMW na gold pa!"
Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap. Bumabagal din ang takbo ng kotse nang napapansin siguro ni Kuya Lando ang mga reaksyon ko.
"Nagtatago kami dito sa gilid dahil baka makita kami nito sa labas." Natataranta na naman ito, "Hindi ka ba talaga makakabalik."
"Walang traffic sa lane na to. Nakalayo na kami." Sabi ko. I sighed.
"May atraso ka ba dito? Pinagtataguan mo ba to? How about utang?" Sumighap ito at bahagyang tumili.
"Hindi ba tayo nakapagbayad sa bar nung saturday? Baka sinisingil na tayo?! Ipapakulong ba tayo?!" Sunod sunod na tanong nito. Rinig ko pa ang nagkakagulo sa background ni Nica.
Napapikit ako at napahawak sa sintido.
"Tigil ko ba o balik tayo?" Tanong ni Kuya Lando.
"Bawal tumigil dito at... mahihirapan din naman tayong bumalik." sabi ko. I tapped my foot and bit my finger, "I-deretso mo na."
"Sa kabilang gate na kayo lumabas kung ayaw niyo siyang harapin. Pero wala akong atraso diyan sa taong yan. Nagbayad din tayo at wala siyang karapatan magpakulong." Tuloy tuloy kong saad.
Inantay kong huminahon ang kabilang linya saka ko pinatay ang tawag. Doon ko lamang napansin ang tatlong mensahe galing kay Damon.
From Damon Delborja:
I'm going to your school. I'll wait till you're out.
From Damon Delborja:
Can we talk over lunch? Katatapos lang ng 3 hrs meeting ko
From Damon Delborja:
They said this is your usual gate you use when going out of the school. Are you out already?
From Damon Delborja:
Maybe I got your schedule wrong? Akala ko isa lang class niyo for today. Hindi pa ata.
From Damon Delborja:
I saw a friend of yours. Via is it? I saw on your t****k vids. She said you're out already.
From Damon Delborja:
Maybe you're busy. Sorry for disturbing you.
I sighed in disbelief. He started messaging me an hour and a half minutes ago. Kanina pa siya naantay?
Nangilid ang luha ko at parang gustong pumatak habang nakatitig ako sa mga mensahe nito.
His image of kissing women flashes on my mind while my eyes turn blurry because of the moist coming out of my eyes.
Pasimple ko itong pinunasan upang hindi mapansin ni Kuya Lando at nagtipa ng mga salita para kay Damon.
To Damon Delborja:
I'm out already. You don't have to go to my school and see me. You don't owe me explanation.
Sa nanginginig na kamay ay nakapagtipa ako ng ganoon kahaba. Marahan ang pagsinghot ko para hindi marinig at baka makarating kanila mama.
Milyun-milyong pana ang tumusok sa puso ko nang mabasa ang mensahe.
From Damon Delborja:
Oh okay :)) Maybe next time then? Tomorrow or on thursday? I just want you to hear me out. Enjoy the rest of the day, Francy :)
I heaved a sigh. This same old feeling. Yung awa sa tao matapos akong durugin nito. Hindi ko alam saan nang gagaling ang konsensya at awa sa puso ko gayong ako ang sinaktan. Na minsan ay naisip kong itong nararamdaman kong ito ay pagkagusto o pagmamahal sa taong iyon pero hindi.
Maaawain lang ako. Kailanman wala ni-isa sa mga nanloko sa akin ang nagustuhan ko. I may have become so attached to them once but that was it. Attachment is far from liking or loving them. At walang pinagkaibahan si Damon sa kanila.
"Ateng, si Arki, pinaliguan ko kanina." Paalam ni Betty sa akin nang makauwi akong walang lakas at lutang, "Ayos ka lang ateng?"
Betty, or I call her Betty boop or Boop, is a fourth degree cousin from my mother side. Kinupkop lang ni mama dahil nakiusap ang namatay nitong ina. Ang ama nito ay naunang namatay noong 13 palang siya at pagkatapos ng dalawang taon ay ang ina naman. Now that she's 20, both her parents our gone, living with us. Pinapag aral din siya ni mama ng kolehiyo ngunit kumuha lamang ito ng two years program at ngayon ay graduate na. Gusto na lamang nito magsilbi rito sa bahay.
"Pag nagkamansyon ka na din, ateng! Sama ako ha! Ako mayordoma at magaalaga sa baby mo! Pero dito muna ako kay Auntie Macy at Uncle Bats." Boop once said. She settled with her life just like that. Like dedicating her life to our family after giving her shelter and education.
"Ayos lang naman. Nagshopping ako kaya pagod." Humiga ako sa sofa sa loob ng kwarto ko, "I bought you clothes. Open the two black paper bags sa dulo."
Sa loob ng bahay namin ay binigyan kaming apat na magkakapatid ng sari-sariling kwarto. At sa kwarto na yon ay kumpleto. Living area, kitchen and dining area, bedroom with walk in closet and toilet and bath. I designed each of our respective rooms fairly and equally with complete spaces. Although may sari-sariling bahay na ang mga ate, dito pa rin ito nagsisi uwi sa bahay tuwing saturday night hanggang pumasok sa work ng monday morning.
"Stress ka nga. Ubos na naman pera mo. Lagot ka kay Auntie." Saad nito at excited na lumapit sa paper bags. Binuksan nito ang sa kaniya at nagpasalamat. Binuksan na rin nito ang akin at nilagay na sa labahan.
"Hoy, ateng! Bangon diyan! Mag linis ka muna ng katawan bago matulog. Mamaya makatulog ka diyan sa sofa." she tapped my leg. When I didn't move, she pulled my feet out of the sofa.
"Betty boop, ano ba?!" Sigaw kong tumatawa.
"Tamad mo mag linis ng katawan, di ko alam ba't andaming nagkakagusto sa'yo!"
"Kasi mabango at maganda ako kahit walang ligo!" I laughed while she just rolled her eyes.
She tickled my feet and waist and stopped until I'm out my breath.
"Ayan. At least tumawa ka na. Kanina ka pa walang emosyon mata mo." Saad nito na parehas kaming nasa carpet. Ako na naka dapa at siya ay naka upo.
"Nagka boyfriend ka na ba, Boop?" Pag iiba ko.
"Ay! Ateng naman ih!" Maarte at malandi nitong saad, hinampas pa ako, "Oo... Ay! Ba't ba ganiyan tanong mo, ateng! Nanunumbalik!"
Sumabay ako sa pagtawa nito.
"Seryoso nga?!"
"Oo pero nagbreak din kami." Ngumuso ito at pinagdiskitahan bunutin ang mabalahibong carpet. Pinitik ko ang kamay niya.
"Bakit?"
"Noong una, nakita ko siyang may kasamang babae, sabi niya dahil daw hindi ko naibibigay ang puwang na kailangan niya bilang lalaki." she pouted almost crying, "Kaya binigay ko."
"Tangìna, Boop? Akala ko ba na-briefing ka ni mama tungkol sa maynila?!"
"Oo nga ateng! Pero wala e! Mahal ko at akala ko dapat ganon. Isang beses lang naman."
"Oh, tapos?" Hinilot ko ang sentido ko.
"Nahuli ko kasi siya noon na may kasamang babae, naghahalikan." My eyes widened while she smiled sadly, "May kaya siya kaya malamang ay ikinakahiya ako noon kaya sikreto ang relasyon namin. Tago rin naman ang pakikipaglandian pero nahuhuli ko pa din."
"Okay. What the fvck?" My critical comment is for two reasons, what the fvck because I didn't know that happened and what the fvck because that's also happening to me.
Less the they're in a secret relationship because we aren't.
"Sinabi ko sakaniya yung nakita ko at pinilit niyang magexplain. Hays," she sighed exagerately, "Hindi ko pinakinggan at nakipaghiwalay sakaniya. Hanggang sa makapagtapos."
"Last year ko lang nalaman na naanakan niya yung babaeng yon at pinilit silang ipakasal dahil intrimitida ang mahirap na pamilya noong babae."
Ang matambok nitong pisngi ay lalong nadepina sa pagnguso nito na tinatabingan naman ng parang singsing nitong kulot na buhok. Ang pilantok ng pilik mata ay tinawid ng luha nito hanggang sa pumatak.
"Warm hugs, Betty Boop." I hugged her, "Don't worry, it's his lost. Nagkaroon na nga siya ng ganoong klaseng babae, pinakawalan niya pa ang big booty na si Betty Boop!"
"Ateng naman e! Seryoso ako e!" Aniya at hinampas sakin ang unan ko, "Lagi mo 'kong binubully."
Patuloy ko siyang inasar ng gabing yon hanggang mapagod at mapikon siya sa akin kaya umalis na.
I got the guy's name and where he's currently working. I'll make sure to do something about this. No one can bully my Betty Boop.
Hindi siguro kami swertihin sa college love. Pati sila ate hindi rin nakatuluyan ang mga college boyfriends nila. Walang pag asa 'to.
Tuesdays and Thursday became hectic na hindi na ako sumasabay kay Ate Marian dahil nagpapasundo na lang ako para mapa aga ang pag uwi.
We cannot even go out to party. Finals na ng first semester at malapit na ang break kaya sinisiksik na ang mga plates.
"Exam week walwal tayo." Ani Ralph habang nakikipag titigan sa laptop.
"Exam nga e. Magreview ka!" Singhal ni Chris at tinutukan siya ng triangle.
Nakapangalumbaba ako na palipat lipat ang tingin sa kanila. No one asked why I'm sad or looking indifferent but I know they noticed. They're just giving me space and moral support by letting me do things alone.
It's finals and I'm sure the restarea knew about it. I have dance covers on my drafts na nilalapag ko lang kapag busy at walang time mag cover ng bago. I'm doing live on t****k while I do my plates.
"Punta na lang tayo ng Backlor tas gawa na lang tayo ng pakulong game." Sabi naman ni Nica, "For vlog purposes na rin."
"Ikaw? Ano plano?" Tinanguan ako ni Felix.
"Wala. Focus muna sa presentation natin saka ako magplano ng walwal." Sabi ko.
We're having our presentation tomorrow. We have Architects coming over to be the judge. It's me, Ralph, and Felix. Ang tinuturing ng mga faculty members ng Arki department na bermuda triangle.
From Damon Delborja:
I never see you anywhere. Your prof said you have presentation for today. Good luck!
"As expected from the bermuda triangle." Our prof said cheekily, "We call the three of them bermuda triangle. They are the most outstanding students of our university."
"Oh really? No wonder, they were exceptionally great." The guest Architect said.
"You three are ready for the field. Title na lang ang kulang and you're good to go." The other one said.
"Actually, mas magiging magaling pa sila kaysa sa mga Architect sa mga private company." They all nodded.
"Sigurado ako ay mabilis na matatanggap sa kumpanya ang mga ito." Puri naman ng isa pa.
I was just suppressing a grin because it might look awkward but really, I feel so much better now after all the nervousness earlier. Sobra ang tiniis kong kaba kahit na mukha lang itong wala lang sa akin.
"Gagi, kinilig ako." Ani Louis at kunwari pang kinilig.
"Nagtayuan balahibo ko pre! Tignan mo!" Itinuro pa nito ang braso kay Louis at sa akin.
"Either natatae ka lang o nilamig ka sa aircon." Sabi ko at hinawi ng braso nito.
Palabas na kami ng room nang tawagin ako ni sir Jim.
"May nagpapabigay." iyon lang ang sinabi nito at tumalikod na.
It's a post it note.
'Can we talk? Anywhere you want, you choose. -DIDelborja'
Ang ganda at ang linis ng penmanship nito kaya alam ko na agad sino ang nagsulat.
"Nuyan?" Nakislip si Ralph kaya agad ko itong itinago sa bulsa ko.
"Secret."
To Damon Delborja:
Don't disturb my prof.
From Damon Delborja:
I was just trying to reach you. Let's talk please
I gulped after I read his message. Tama pa ba ang mga nang yayari? I sighed out of frustration.
What to do?
While 8 balls are laughing and joking around, I was silently fixing my things. I put it all inside my bag neatly.
"Tara! Sirendeep!" akbay sakin ni Erick.
Agad nandilim ang mata ko nang maalala ano ang nakita sa Sirendeep80.
"Backlor na lang." Sabi ko.
"Oh tara tas laban tayo sa dart! Vlog na natin!" Pag anyaya ni Ralph na sinang ayunan ng lahat.
We went to the locker area where we put some of our things. May mga damit rin ako doon na pang gala.
Naki sakay na lang ako kay Louis nang magpunta na kami sa Backlor.
"Mag aral ka na kasi magdrive para sayo na yung kotse na pinaghahatid sayo." Ana ni Louis.
"Binili ni Kuya 'yon para sa akin pero hindi 'yon akin." Aniko. Totoo naman.
Ayaw ng Kuya Vincent ko na nagco-commute ako ng gabi o sa kung saan pupunta. Para rin kay Mama iyong kotse dahil paghatid sakin ay naiiwan din naman ang kotse at driver sa bahay.
May crosswind si papa, may montero at motor si Ate Margie, may honda si Ate Marian, may ranger raptor at motor si Kuya vincent, at may toyota sa amin ni mama. Their husbands are their drivers, ako sina mama at papa lang ang may driver na hired ni Kuya.
"Bawal mo idrive?"
"Bawal ata. 'Di ako sure."
"Sayang convoy sana tayo next time."
Nang makarating kami ay nagumpisa na agad ang oagv-vlog ni Nica. Ito at si Andrei ang may hawak ng dalawang camera.
"Welcome to our playground, this is 8 balls and you are now watching our life after a hectic schedule!" Intro ni Nica, "We will be chilling and playing among ourselves here in Backlor!"
"Ano ba gagawin natin for today?" Andrei. Kumaway lang ako sa camera at pumasok na.
Wala pa masyadong tao at mga nagda-dine in pa lamang ang mga narito.
"Guess the bill tayo. Ang apat na pinaka malayo ang hula, sila ang magbabayad." Suhestyon ng mayamang si Chris.
"Libre mo ko pag ganon, par." Bulong ni Ralph kay Chris na rinig sa camera.
"Di ba sila yung nasa youtube?" Rinig kong bulungan.
Nasa gilid ako banda at hindi pa nakakaupo nang may kumalabit sa akin. I look at the girl who's grinning infront.
"Pwede po magpapicture?" Sabi nito. Nakita ko pa ang pagtutok ni Andrei ng camera sa akin.
"Iba talaga pag sikat!"
Kinuha ko cellphone ng babae at itinapat sakaniya. Hindi ako kasama sa frame at yung babae lang pipucturean nang batukan ako ni Nica.
"Sira ka! Magpapapicture daw! Sayo!"
"Ah! Sabi kasi papicture, kala ko inuutusan lang ako!" I said it in a joking way which made their ours and their table laugh. Pati ang mga nakarinig ay nakitawa rin.
We took a pic together and then with us all saka na siya umalis ngunit may mga sumunod pa kaya habang nag aantay ng order na hindi namin tinignan ang presyo ay nakipag picture muna kami sa iba.
We laughed and talked about our days on our vlog, including nonsense jokes, non stop bickering and teasing while enjoying ourselves.
Nang dumating na ang order ay nagsimula na kaming kumain.
"7k, matakaw mga babae natin." Hula ni Chris.
"Wow, ha! Sinong naka-6 cup ng rice?" Nica na ready na sakalin ang huli, "3k lang hula ko."
"4,5k aken." Taas kamay ni Ralph, "Chris, ikaw bahala sakin ah?"
"6k akin." Angelo.
"Five-thousand two-hundred and thirty-five point seventy-five pesos." Erick na bumida.
"3,3k naman sakin." Me as I looked at Louis for his respond.
"4k, naniniwala akong mababa lang bill natin." Louis
"5,5k ang akin naman." si Andrei saka ito ngumisi sa amin.
Nang mailabas ang resibo ay 3, 528 ang nakain namin lahat lahat.
"Okay sino yung mga ang laki ng hula?" Si Nica tuwang tuwa.
"Gagi. Kala ko ang lakas natin kumain." Kamot ulo si Chris.
Labag man sa kalooban ay naglabas ng pera sina Chris, Angelo, Andrei, at Erick para bayaran ang mga kinain.
Sa pagtawa dahil sa mga asaran at biruan namin habang nagkakatuwaan ay nakita ko sila Caleb, Craig, Cal, at Damon na nakaupo sa di kalayuan.
Nagkatitigan kami ni Damon habang siya ay bumuntong hininga. Iniwas ko ang tingin sakaniya nang higitin ako ni Gelo para sa turn ko sa dart.
"Si Damon, nandiyan." Bulong ni Andrei.
"Pake ko?"
"Kausapin mo lang naman." Aniya.
"No, thanks."
"The last time we talked, kala ko pa naman makikipag usap ka na sa kaniya." Inakbayan niya ako nang matapos ang turn namin.
"Hindi na... Di na kailangan." kinurap-kurap ko ang aking mata upang pigilan ang nagbabadyang luha.
Why am I getting emotional?
I looked up slightly, isinandal ko ang katawan kay Andrei. Medyo lasing lang ako at malapit na ang period kaya emosyonal.
Hinigit ako ni Andrei palayo doon nang bahagya nang makita ang ayos ko.
"Ayan. Kung kinakausap mo na kasi, e di sana may closure na kayo."
"Siya naman itong gago e. Ayos na, Drei, e. Gusto ko na makipag usap kaso..." pumatak ang luha kahit anong pigil ko.
"Hush. Napapansin na nila." Bulong nito sa akin.
"Nakita ko siya may kahalikan nung sinundo ko kayo sa bar." Rinig ko ang lutong ng murang pinakawalan niya.
"Shhh. Did you asked why he did that?" Umiling ako sa tanong niya.
He made it look like we're having normal conversation. Siguro ay napapalingon na ang 8balls sa amin.
"Damon stood up. Wipe your tears, baka pumunta yon dito."
I wiped my tears as fast as I can and laughed as if nothing happened.
"Hoy kayong dalawa! Nagti-team up na naman kayo ah!" Sigaw ni Ralph.
"Bad influence talaga 'yan si Andrei! Kala mo ang bait pero inaahas 'yung pinakamagaling satin sa dart." ani Erick.
"Nagtatanong lang technique e! Panget niyo kabonding!"
We laughed and laughed. Napansin naman namin ang pagkalma ng table nina Damon at pinanood lang kami mula roon hanggang matapos at umuwi.
Lerepos might be one of the place I hated after that happened but I cannot deny the fact that I missed their food. Kaya naman nagpunta ako roon ng Wednesday.
Consisten ang pagchat ni Damon sa akin at ang bigay nito ng Note na pinapaabot kay Sir Jim. I sat on my table when I found it empty. Oh, wow. I missed this.
I ordered foods and drink that I missed.
"Tagal niyo, maam, hindi nagpunta dito." pakikiusyoso ng waiter, "Sabi ni sir Damon, nagkaproblema daw kayo."
Napalingon ako dahil doon. Ano nga ulit ang pangalan ng waiter na ito? At bakit siya updated? Chismosong Damon. Balak pa atang ipaalam sa lahat ang nangyayari. Sana pati kagaguhan niya'y ikinikwento niya. Ano na kaya ang nalalaman ng waiter na ito?
I am enjoying my food so much. Tinignan ko ang aking phone kung may text si Damon, ngunit kanina pang tanghali ang huling mensahe nito.
"Sir Damon! Ay! May kasama. Sayang." Mula sa excited at malakas na sigaw nito ay humina sa mga sunod na kataga.
Napatingin ako sa gawing pinto at nakita siyang naka uwang ang bibig at nakatigil sa pinto. I saw his eyes widened and gulped when he noticed I'm looking back at him.
Is it so shocking to see me here?
Isang ulo ng babae ang sumungaw at nagpa asiwa ng kalamnan ko. So he's with someone. I looked down on my finished food.
Alis na lang ako. Tapos naman na. I drink my blueberry fruit tea nang mapansin ko ang palapit ng mga ito. I fixed my things at medyo inayos na din ang kinainan.
Baka dito rin sila uupo. Fave spot nila ang spot ko e. Nakakahiya naman para sa kanilang dalawa.
"Francy..." He breathed out, "You're here."
"Yeah."
"Is she the kid you're telling me about, Dame?" Maarteng pananalita nito at kita ko sa gilid ng aking mata ang paglingkis ng braso nito kay Damon.
Kid? Dame? Aba, punyeta.
I smirked when he removed her hanf and sat infront of me.
"You're going? can we talk first?" Maingat niyang tanong. I looked at him deeply and switch my eyes to the girl trying to sit beside Damon.
"Next time na lang. I'm busy." I said.
"But at least, let me introduce you to her."
Napaupo ako nang walang lakas. I almost rolled my eyes. I breathed out. Paano ko ba sasabihin ayaw ko nang hindi isinasaksak ang tinidor sa babaeng ito?
"Francy, this is Vanessa, a friend from—"
"Friend, Dame? I didn't know we're friends." Halakhak nito, "We're ex lovers. Nice meeting you."
Libre naman magmura sa utak. Putang ina talaga.
I shook her hand with a cold stares. "Nice meeting you."
"We were never a thing, Van." tila hirap na hirap na si Damon.
"Ano ka ba! It's okay to tell the kid about it. I think she's old enough to know adult stuffs." She giggled.
"Tapos na ba? I'll get going."
"Nako, Francy. I think you have a crush on Damon." She laughed hysterically. Nakatayo na ako nang mag salita ito.
I looked at Damon and he has this shocked expression.
"Sorry to pop your bubbles, kid, but his parents wanted a mature woman. Not someone—"
"Shut up, Vanessa! I did not even invite you here! Wala kang karapatang pagsalitaan si Francy nang ganyan!"
I smirked and looked straight into the woman's eyes.
"Swollow your insecurities, old hag. Kahit naman anong sabihin mo, mananatiling ex ka na lang e." I looked at her head-to-toe, "And no wonder why you became his ex. Hindi ka naman kasi papasa bilang mature woman."
Nagmamadali akong umalis nang marinig ko ang singhap sa favorite spot ko. Hiyang hiya ako nang makita ang paligid na marami pala ang nakikinig.
"You go, girl." Rinig ko sabi ng isa nang mapadaan ako, tila proud sa ginawa ko.
From Damon Delborja:
I'm sorry for what happened earlier. Let's talk please Francy. Let me fix this.
He wants it fixed but he made it worse. I shooked my head in disbelief.