"You ignored me earlier at LeRepos, and now, you ignored me back there!" Panimula nito at mukhang siya pa ang galit habang tinuturo ang iniwang Backlor, "Your friends are stopping me to come near you, did you told them I'm some bad person who will harass you?"
"They are protective. They find you alarming , that's why." anas ko sa mahinahong boses.
Shouting and arguing in an angry and loud voice are not my thing. Napapagod ako agad at nahihirapang huminga dahil sa lakas ng emosyong inilalabas kapag nakikipag away. Minsan ay pinipili ko na lang maging sarkastiko o mahinahon sa mga ganoong sitwasyon.
"If they stopped you from getting near me, dapat ay hindi ka na lang tumuloy. This talk is nonsense any way." inirapan ko siya pinag krus ang mga braso sa dibdib.
"Nonsense? Hindi ko pa nga alam kung ano ang problema at hindi ko alam kung anong ginawa ko, galit at nagwo walk out ka na."
Sa haba ng litanya niya ay ang pagtitig ko lamang sa kaniya na walang emosyon sa mukha. Ang dilim ng paligid na nagbibigay ng malabong aninag sa taong nasa harap ko. Tanging ang maliit na lamp post sa hindi kalayuan mula sa pwesto namin at ang buwan at mga bituin lamang ang nagbibigay ng ilaw sa amin.
Ngunit sa dilim na iyon ay nakita ko ang expressive niyang mga mata. Kung paano niya akong titigan na may halong galit at kwestiyonableng emosyon sa kaniyang mga mata tila lito siya sa kung anong nagawa niya at bakit ako nagkakaganitong galit sa kaniya.
"Okay, look. I just want to ask why you're acting this way? It's not as if I did something bad earlier?" He's fuming mad but trying to calm down since I'm very calm but emotionless.
"It's not as if you did something bad earlier? Sure ka?" Nagiging sarkastiko na naman ako. I smiled without humor, a smile not even reaching my eyes.
"What? I was just waiting for you to get there—"
"You don't look waiting back there, though. You seem preoccupied pa nga e." I smirked, "Too busy to notice that I came in?"
"I was waiting for you back there! I was just with Vanessa who—"
"Vanessa is the name then?" I said spitting venom through my voice. Hindi nakatakas sa boses ko ang poot at galit kaya naman iba ang naging dating noon sa kaniya.
Tila walang lakas siyang itinagilid ang ulo sa akin, nag aantay ng isusunod ko sa sasabihin ko.
"What about her?"
"I don't know with you!" Maang maangan ko. Nakatitig siya sakin tila binabasa ang naiisip ko ngunit walang nakukuha. I'm emotionless when I'm mad.
"She didn't know I was there waiting for you when she entered the cafe. Lumapit siya sa akin at makikipag usap lang sana ng saglit tungkol sa kung saan—"
"While sitting on my chair, long enough to take my order and wait and get my order. Saglit 'yon?"
"I don't know why she sat there and why she stayed while I'm waiting for you!" He looked at me as if he realized what was the problem, "So this is about Vanessa."
"No, dude. Don't even involve a name in this argument. I don't care about your witch flirts."
"She wasn't a flirt—"
"A girlfriend then?" Hindi ko siya pinatapos. Nagpupuyos ang galit sa aking puso ngunit patuloy ko iyong itinatago sa mga paratang ko sa kaniya.
Tila napipigtas na ang pasensiyang inipon at inilaan para sa akin. Mariing ipinikit niya ang kaniyang mata. Ang dalawang kamay at ipinatong sa baywang at bahagyang tumalikod sa akin at huminga ng malalim.
I sighed trying to be calm and composed again. I'm not sure where my anger coming from. But seeing him so confused to even realize what he did made me mad more.
"Okay, look. I'm sorry." Sa malamlam na mata at sa malalim at mababang boses ay humingi ito ng kapatawaran sa hindi niya siguradong pagkakamali na ikinagulat ko.
"If this is about me not noticing your presense, I'm sorry. I was a bit preoccupied by the girl's questions but I wasn't enjoying a single thing of our conversation."
I remembered his laughing face while flirting with the Vanessa witch. Umiling ako at nagpakita ng nakaka pikon na ngisi.
"And I don't do girlfriends. Vanessa's parents are a stock holder from the Delborja's company. That's all."
Hindi ako nagsalita at umiwas lamang ng tingin. Naalala na naman ang mga ngiti niya kanina. Business partner lang pala, bakit ganon ang ngiti? Anong business niyo ba?
"You don't believe me?" His voice sounded hurt.
"Your statement is unbelievable. Malayo sa nakita ko." Ani ko at tinuon ang buong atensyon sakaniya, "We don't have to fight over this, okay? It's not like you owe me a lying explanation and a f*****g excuses? I don't need it and I don't need you."
"What?" Tila hindi makapaniwalang turan nito, kunot ang noo siyang nakatingin sa akin.
"I was warned by this but I did't mind at first. Dahil iba naman ang ipinapakita mo kaya nagtiwala ako?" I raised a brow, "I guess I was wrong of judging you."
"I wasn't lying!"
"Talk to your goddamn arm linking with that witch! Kung mang gagago ka na lang, huwag ako!"
I breathed in and out to calm my self. I'm spitting fire again. Sobra ang kabog ng puso ko.
"Is this the first time a girl made you feel this way? And made you do this?"
"Yes, I don't say sorry but I did it now! That's why I don't unders—"
"Then suck it up stupid jerk! You're a two timing bullshit! You think you could always get girls around you? Kneel infront of you?—"
"Where is this coming, Francy?"
"—Then guess what, I'm not like them and I'll never be like them! Mamatay na kayong mga mang gagago! At sana mauna ka!" Sa huling hiningang pagsigaw ko.
"Now! Doon ka na sa Vanessa mo! Don't get near me! Nandidiri ako sa'yo!" Buong lakas kong itinulak ang kaniyang dibdib at tinapunan siya ng masamang titig.
Nangilid ang aking luha at halos manginig ang aking labing masama ang titig sakaniya. Lahat ng poot at galit na hindi ko gustong isatinig ay ibinuhos ko sa titig saka umalis sa harap.
Bago pa ako maka alis ng tuluyan, narinig ko pa siya magsalita ng mahinahon.
"You are so heartless, Francy. You hurt me, big time."
I went inside the wash room and went inside a cubicle and that's where I cried silently.
I never felt mad like this before. I had fair share of getting cheated on but this? This made me feel less important and valuable more.
Ganito ba talaga ako kadaling palitan? Ganito ka daling saktan? Buti kung isang lalaki lang gumawa sa akin nito e! Apat na! Pang apat na!
Ano bang mali sa akin?
Tinakpan ko ang aking bibig habang umaagos ang luha sa pisngi. May grupo ng kababaihan ang pumasok kaya mas lalo ko tinindihan ang pag iyak ng tahimik.
I am not at fault. They are just stupid and heartless enough to not notice my worth. They are not worth crying for Francine Lucy! Stop it!
It's not as if I did something wrong to receive pain from men like them.
Nang makalabas ang kababaihan, ayun din ang pagkalma ko. Pilit kong pinunasan ang mga luhang tumatabing sa mga mata ko at lumabas ng cubicle.
I faced my self on the mirror. This is not me, I am more than this. I wiped my tears with water. I washed my face to lessen the redness of my nose.
Pinilit kong hindi na naman maiyak. Ilang minuto pa akong nagtagal roon upang maayos pa ang pag iisip ko. Alam kong magtatanong sila kaya kung umiyak lang ako ay baka sumali pa sila.
"Oh, saan ka pumunta? Bumalik na 'yung lalaki, ikaw wala pa." salubong sa akin ni Chris.
"Huh? Nagpahangin ako sa labas at nagpunta sa CR." Maang maangan ko.
Chris observed my movements but I did not give him a clue.
My eyes don't bloat after crying a lot. Pahuhupain ko lang ang pamumula ng ilong ko at patutuyuin ang basang pilik mata ay ayos na ulit at tila walang nang yari.
"Let's get our friends, its past 11pm already. May klase pa tayo bukas." Tinapik ko sa likod si Chris at bahagyang sinandal ang ulo ko sa kaniyang braso bago tuluyang pumunta kay Nica na nagsasalin pa ng alak.
"Let's go, baby girl. Your bed is waiting for you!" I helped her walk to her parked car.
"Ako na magda-drive sa kotse ni Nica. Passed out na rin sila Louis e." ani Chris.
"Ralph sa isa pang car. Dala niya kanya. Di tayo kasya sa kotse ni Nica." Pang four seaters lamang kasi iyon.
Sa hindi nililingon na parteng table nila Damon ay kita ko siya roon na mariin ang titig sa amin. Mahina rin ang boses nilang nag uusap sa mesa kaya hindi ko na pinansin.
"Need help, Francy?" Anas ni Cal sa akin nang tapikin ko ang mukha ni Angelo.
"Nope. Antayin ko lang si Ralph at Chris matapos alalayan si Louis, kukunin na ang isang ito." sagot ko kay Cal na akala ko ay umalis na noon.
"Boi, gising. Alis na tayo." Tinapik ko ulit ang mukha nito.
"Jen broke up with me because of you." singkit ang matang turo nito sa akin, "masyado raw tayong close e halos hindi mo na nga ako kausapin para sakaniya!"
"Oof. s**t. That hurts." Sabi ng nasa medyo malapit na bahagi ng sofa na si Cal.
I sighed. Same issues, huh. I think some of their girls were just reasoning out out of boredom because these guys are always busy. Walang ibang pwedeng issue sa pakikipag hiwalay nila, kaya idadamay ako.
"Sabi ko kasi sa'yo e! Kahit lumayo ka, kapag ayaw na nila sa akin, ikaw pa rin ang sisisihin!"
"Pag respeto sa relasyon niyo ang tawag do'n. Hindi basta pag iwas lang. Hindi niya naintindihan so I think I am at fault too." Ani ko sa mahinahong paraan at kinuha na ang bote ng vodka na yakap nito.
"Hindi. Alibi yon. Ayaw niya na sa akin. Busy ako. Dapat yon ang iintindihin niya, hindi yung pakikipag kaibigan ko sayo. Para sa future din naman namin to ah!" Medyo malakas nitong sigaw at sinandal ang ulo sa back rest.
Sinalo ko pa ang ulo nito para hindi tumama sa pader. Inayos ko ang buhok at hinanap na si Ralph nang makitang papalapit si Damon.
"Matagal na tayong magkaibigan. Bago pa si Jen ko dumating. Lumayo ka pa nga para sakaniya e! Lumalayo kayo sa amin tuwing may girlfriend kami kahit kami lang ang kaibigan niyo! Tapos mamasamain niya pa pagka kaibigan natin?"
"Nasaktan yon kaya ganon. Nagselos. Intindihin mo." Sagot ko kahit labag sa kalooban.
Naramdaman ko ang presensya sa tabi ko kaya bahagya akong umilag. Kunwari ay kumuha ng water bottle para iabot kay Angelo.
Biglang tumayo si Angelo sa gitna namin ni Damon saka ito humarap kay Damon.
"Ikaw, 'yung humabol kay Francy kanina," turo niya kay Damon, "Kung magalit ang girlfriend mo dahil may kaibigan kang babae. Walang malisya gaya ng amin. Tapos nagselos girlfriend mo. Ano gagawin mo?"
Napabaling agad ako kay Gelo sa mga pinagsasabi nito. Imbis antayin pa ang isasagot ni Damon ay agaran ang pag alma ko.
"Wag mo na patulan. Lasing yan. Di naman niya maaalala." Pag pigil ko kay Damon.
Kinuha ko ang braso ni Angelo at inalalayan paalis sa semi circle na sofa.
Makakalabas na kami sa sofa na iyon nang malingunan ko si Jenny sa malayong harap namin.
"Jen," I smiled and waved at her, "Get your boyfriend. He's drunk whining about you."
Kinalas ko ang pagkakahawak kay Angelo kaya muntikan itong tumumba buti ay nasa likod ko lamang si Damon at siya na ang humawak kay Angelo.
Lumapit si Jenny kay Angelo at hinaplos ang mukha nito bago bahagyang lumingon sa akin. I looked away and tried to make myself busy.
Nilapitan ko si Andrei na nakamasid lang sa nang yayari at walang ginagawa. He is sane as he drink water from a bottled water.
"You'll get ruffled to their complicated love story if her mind goes wild again after seeing you helping her boyfriend." He stated saka tumayo.
"Lamat, tol. Inaasikaso pa ni Ralph si Nica, sumusuka e." rinig kong sabi ni Chris.
Nakita kong pinagtulungan na ni Damon at Chris si Angelo. Andrei stood up and helped Erick up. Erick is just tipsy but he's sleepy.
"Tayo na, pare chong dude." Nag akbayan ang dalawa.
Pinulot ko ang nagkalat na mga cellphone at wallet sa mesa at binitbit iyon palabas ng LeRepos.
Nasa tapat kami ng kotse ni Nica nang mabilis na pumihit si Angelo paharap kay Damon.
"Ikaw, hindi mo pa sinasagot tanong ko." Tagilid na ang turo nito, "Ano nga gagawin mo kung nagseselos ang girlfriend mo sa girl best friend mo?"
Halos ipukpok ko ang mga hawak kong cellphone kay Angelo nang mapalingon sa akin si Damon at Jen.
I thought Damon will not answer but he did.
"I'll apologize. Explain my self and our friendship to her."
"E pano kung hindi niya maintindihan? Magulo babae, pre!"
"I'll give her time to think of it but, I'll distance my self to my friend." Seryosong sagot na naman niya.
Sinenyasan ko si Chris na ipasok na si Angelo sa loob.
"I'm willing to give up everything for my girl, Angelo." Saad niya ngunit ang mga mata ay nasa akin, "I will not let her overthink and question my love for her for another girl."
Habang nasa loob na at inaayos ang pagkakaupo ni Angelo sa loob ay hindi pa rin ito natigil.
"Tama yan, pre! Overthinker si Francy! May trauma pa sa girl best friend thing. Dapat lang unahin mo siya!"
Rinig ko palang ang pangalan ko ay nagmamadali na akong lumakad papasok sa kotse ni Ralph.
"What was that? Ba't ikaw?" Usyoso ni Erick.
"E-ewan." sagot ko at tuluyan nang pumasok hindi nililingon ang gawi kung saan si Damon na naka sunod ang tingin sa akin.
Nakabukas pa rin ang pinto dahil papasok si Erick sa tabi ko.
"T-tara na, antok na ko. Pasok na dali." Sabi ko kay Erick na kunwaring inaabala ang sarili ko sa ibang bagay.
My mind wasn't working for that whole night. I was blinded by my buried memories of being cheated on and was numb because of the alcohol.
Hindi ko tanda ang lahat ng nang yari pero natatandaan ko ang mga huling sinabi ko sa kaniya.
"You went over board. Inexplain niya naman yung side niya kahit hindi naman kailangan tapos 'di mo pa pinaniwalaan." ani Nica. Si Louis sa tabi nito ay nakataas ang hintuturo at ginagalaw ito.
'Lagot ka' Louis mouthed.
"Wala naman ngang pananagutan yung tao sa'yo tas niyurakan mo pa yung pagkatao." Si Ralph naman ngayon, "Naiintindihan naman namin na nagalit ka sa nakita mo, kaso wala namang kayo e!"
Nandito kami ngayon sa usual naming tambayan sa University at nag aantay lang ng next class.
Katabi ko si Chris at hinahagod ang likod ko.
"Grabe ka naman, Ralph! Bibig mo ah!" Pakikipag away ni Chris.
"Pero kasi isang pagkakamali lang 'yon e pero yung buong pagkatao niya na yung jinudge mo. At kung totoo man yung explanation niya, wala na, tol!" Sumandal si Ralph at umiling iling sa akin.
"He was so sure he wasn't enjoying their talks when I saw him laughing too much! He's being touched by that witch too! Ni hindi nga nila napansin na nakapasok, nakapag order at nakuha ko yung order ko e!" Pagdadahilan ko naman, "Sa tingin mo maniniwala agad ako?"
"Ikaw ang unang nakakita sa kanila, ba't 'di ka lumapit?" Tanong ni Angelo na ikinatahimik ko.
Ang mga mata nila ay nakatingin sa akin at nag aantay ng sagot kaya umirap ako.
"Kung gusto mo pala na kayo lang dalawa at hindi sumali yung babaeng yon, ba't 'di ka sumingit? 'Di ba gawain mo naman na pagiging prangka? Ba't 'di mo prinangka yon para umalis na lang sana?" Tuloy tuloy pang tanong nito. Napayuko na ako.
I was so mad that I tried to be seen and to be followed. Sinadya ko. Pero kung lumapit ako hindi nag inarte...
"Ganito lang yan e," Erick started, "It wasn't his fault. Not even the girl's fault. If they are in a some relationshit then so be it! Ano ka ba? Wala naman 'di ba? You're just a random friend in a cafe he met or he's meeting every night. That's all."
"He doesn't owe you explanation, but he did. He doesn'r owe you apologies, but he did! He even chased you!" tuloy tuloy na ingles nito, "I over heard Cal's call with that Damon. Pinipigilan ni Cal na sumunod sa Backlor dahil baka gumawa pa ng eksena. Mukhang ayos ka naman daw kaya 'wag na gambalain, but he. Still. Did."
Inipon ko ang lahat ng hangin at ibinuga iyon.
"Kung sino man dapat ang gumawa ng mga 'yon? Ikaw. You owe him an apology. Kawawa naman 'yung tao." Ani Chris at napatitig na lang ako sa kaniya saka sumusukong ibinagsak ang ulo sa mesa.
Bihira si Chris makisawsaw sa problema ng iba dahil madalas ay nakikiramdam at nagmamasid lamang ito. Nandiyan kapag kailangan mo at handang tumulong sa kahit na ano pero hindi mangenge-alam sa mga nangyayari sa buhay mo.
"Ayaw ko mag sorry." Paiyak na saad ko habang ang noo ay idinidiin sa mesa.
"Tigilan mo nga 'yan, mabukulan mo pa sarili mo." Marahang hinatak ni Nica ang buhok ko pataas upang maka upo ako nang maayos.
"Pag nag sorry ako, parang tinanggap ko lang rin na mali yung galit ko sa kaniya. Matutuwa lang 'yon dahil siya ang magmumukhang tama sa aming dalawa!"
Sa mga nagdaang pag uusap at pag tatalo naming dalawa ni Damon, alam ko at nakita ko ang pagihing competitive niya at ang pag pupumilit niyang maging tama. He argues a lot but in a fun way. But now, this isn't fun if ever he thinks he won this fight.
"E ano na ngayon? Hahayaan mo na lang? Wake up, Francy. Ikaw na nga 'yung nagkaka crush sa kaniya, ikaw pa nag papahabol." Mahabang sabi ni Chris na ikinalaki ng mga mata ko.
"Hoy! Hindi 'yan totoo! Hindi ko 'yon gusto 'no?!" Agap ko sa akusasyon nito at galit na galit kong singhal dito. Sinamahan ko pa ng hampas kaya ang mga tingin ng iba sa akin ay nakakaloko.
Ngiting aso sila Ralph, Gelo, Chris at Louis, samantang naka nganga naman sina Nica, Andrei at Erico dahil sa gulat.
"Crush mo?! OMG!" Nakatakip ang bibig na sigaw ni Nica.
"Hindi!" Giit ko pa.
"Madalas wala kang pake kung magalit ang isang tao sa'yo. Ngayon na iyang Damon na 'yan ang galit sa'yo, pinag iisipan mo pa talaga? Asan ang hindi crush do'n, aber?!"
"Hindi nga! Naging close lang ako don sa tao! Ang OA niyo naman!"
Nabalot ng malakas na halakhakan ng pito ang inuukupa namin at ang palibot nito dahil sa ingay. Ang ibang dumadaan ay napapalingon at gusto sumagap ng chismis.
Biglang ngiyaw ng kuting ang nagpatigil sa pagtawa nila.
"Uy grabe ka, Francy. Tatlong beses mong pinagkaila si Damon bago ngumiyaw ang pusa sa katirikan ng hapon! New born Saint Peter Francy!" Tawang tawa na turan ni Ralph kaya sinubuan ko ito ng turon sa bibig.
Nilingon ko pa ang Madre at Paring dumaan malapit sa amin. Biglang tahimik ng paligid at saka isa isa kaming tumayo upang magmano. Palihim ko pang kinurot sa tagiliran si Ralph dahil buti na lang hindi narinig ng mga tiga simbahan ng aming university ang sinabi nito.
My mind always flying back to my nonsense worry. Did I went overboard? I tried my best not to be harsh. I swear! Kaya nga ayaw ko sana siyang kausapin. But he insisted it, so that happened.
I sighed. Sige. Kapag nakita ko siya, makikipag usap ako at ipapaliwanag ko na rin ang inasal ko. Magso sorry na rin... Sige. Basta! Bahala na.
Halos 1am na ng Sunday nang biglang may tunawag sa cellphone ko.
"Fran, can you make pick me up?" sigaw ni Nica sa kabilang linya.
Pinakiramdaman at pinakinggan ko muna ng mga ilang segundo ang tunog sa paligid ng kabilang linya para kumiprmahin kung nasan siya.
"Natuloy kayo mag bar ngayon?"
"Iniwan na nila ako! I just kissed that tasted like a peanut brittle guy, tapos bigla na silang nawala!" sigaw nito na lumalabas ang yayamaning inner self nito.
Mayaman si Nica but she don't brag about it. Taga pagmana ng hacienda at naglalakihan wet market sa tatlong magkakaibang probinsya. Ayaw niya nga lang angkinin ang mga iyon dahil hindi daw bagay ang trabaho na iyon sa nail polish niya. But I know, she was just kidding. Ayaw niya lang ipaalam sa madla.
"Why did you kissed a peanut brittle?" sagot ko. I put my phone in a loud speaker so I can still hear her.
Kinuha ko ang isang phone at nagbook ng maghahatid sa akin sa Sirendeep. Hindi ko na pinalitan ang shorts at spaghetti strap top ko at nagsuot na lamang ng bomber jacket na hanggang hita ang haba at boots.
"I didn't know he tasted like that! Pacool cool pa siya at inarte pa na he don't kiss a good girl e lasang peanut brittle naman siya!" singhal nito, "Pwe! Allergic ako sa peanut!"
"Ako ang allergic sa peanut, hindi ikaw, Nica," paalala ko, "Stay there. I'm gonna fetch you..."
Marami pa akong binanggit rito bago pinatay ang tawag at nag antay hanggang sa makarating sa Sirendeep.
Malakas at maingay na sigawan at musika, amoy ng alak at sigarilyo, at iba't ibang tao ang bumungad agad sa akin.
I tried not to make eye contact to any of the people inside dahil baka hindi ako agad makarating sa kung nasaan si Nica.
Una ko itong nakita sa hindi kalayuang sofa, sumasayaw at gumigiling habang may hawak na baso sa harap ng isang estranghero.
Oh, shoot. Hindi pa nadala sa peanut brittle!
Patakbo na ako rito nang may humarang sa dadaanan ko. Ang lasing na si Caleb.
"Look, who's here! Francine Lucy Ignacio!" Nakamwestra itong yayakapin kaya nagpa maywang ako sa harap nito.
"Yes, Caleb Anthony Araneta? I'm busy."
"Come and sit with us first!" Iminwestra nito ang sofa kung saan maraming babae.
Ngunit sa dami nilang mga lalaki na naka upo roon, sa isa lang tumigil ang mata ko. Napakurap kurap pa ako ng ilang beses para kumipirmahin kung tama ba ang nakikita ko.
Bahagyang dumilat si Damon habang nakikipag halikan sa isang babae saka nagtama ang mga mata namin. Napako ang mga mata ko sa kamay ng isa pang babae na nakahawak sa gitnang bahagi ng pants niya.
Muling umakyat ang mga mata ko sa kanyang mukha at nakitang natigilan rin siya sa kaniyang ginagawa.
Nagunahan ang emosyon sa akin na walang lumabas sa ekspresyon ko. Mariing tinitigan ko lang siya saka naglakad palayo, papunta kay Nica, nilampasan lamang si Caleb.
"Francy! Let's chill first!" Rinig ko pa ang pahabol na boses ni Caleb na nakunod na rin ng malakas na ingay.
I pulled Nica away from the guy when she is position herself on top of the guy.
"Sorry! She's drunk! I'm taking her home!" I shouted for the guy to hear it.
"He tasted like peaches though! Why did you pulled me away?!" Pumiglas pa si Nica.
Marespeto at magalang kong pinaalis ang estranghero na mukhang nabitin. Umiling pa ito at masama ang tingin na ipinukol sa akin.
"Stay still! Hahanapin ko ang iba nating kaibigan, magpahinga ka diyan!" I put her to the sofa and gave her a water to drink.
Pumihit ako patalikod papunta sana sa dance floor nang makita si Damon doon papunta sa gawi ko kaya dumeretso ako sa bouncer upang makausap ito.
"Kuya, 'wag mo po muna palapitan sa kung sino yung kaibigan ko. Kukunin ko lang po iba naming friends." I gave the bouncer two thousand from Nica's wallet.
Lumiko ako sa ibang daan papuntang dance floor para hindi ko kailangang bumalik sa kung saan nakatayo si Damon.
Nagumpisa muna akong pumunta sa mga smoking area. Natagpuan ko roon si Andrei, may hawak na hindi nakasinding yosi.
"Tara, let's go na. Nica's drunk." I said. Ibinalik nito sa bulsa ang yosi at sumama na sa akin, "Where are the others."
"Don't know." Tipid nitong saad kaya napalingon ako rito at nahuli ang pag iwas nito ng tingin.
May problema si Andrei. Ayaw niya ipahalata o sabihin. Okay. I understand.
In our way back, we saw Erick talking to a guy. When Erick saw us, he immediately walk near us.
"Ba't nandito ka?"
"Sinusundo kayo! Hindi niyo binantayan si Nica! Ayun lasing!" Kamot ulo lamang ang naging sagot nito.
Luminga-linga pa ako, nagbabaka sakaling makita ang iba.
"I'll call their phones." Sabi ni Andrei.
"Ralph and Chris' phone is on the table. Neil went home straight with Jen. Isa na lang ang car."
"SUV dala ni Louis, kasya tayo ron." Ana Erick, "Pero syempre hanapin muna natin sila."
Nang makabalik kami sa sofa ay kita ang naka upkng Damon doon sa malayong banda kung nasaan sa Nica. Agad itong tumayo.
"Ayos na ho ba, maam?" anang bouncer.
"Not yet, kuya. We have three other friends pa."
From the sofa, I looked out, trying to see people from my view. Kita at mapagmamasdan ngunit hindi makikila. Si Neil may maayos na eye vision sa amin e.
"You can see better if you go up near the DJ." Ani ng tumabing Damon sa marahang boses.
Dali-dali akong nagtungo papunta roon at hindi na siya tinapunan ng tingin. Naramdaman ko pa ang pag sunod nito sa akin.
"Can we talk?" Marahan ulit niyang sabi. Again, hindi ko pinansin.
I stood near the DJ but not near enough to be noticed by everyone because Damon is beside me.
I spotted where Ralph and Louis first. Nasa table sila ng mga puro babae nakikipag halikan. And Chris was there near the dancefloor but not dancing. He's talking to a girl. I think that's his cousin.
Pababa na ako nang hawakan ni Damon ang kamay ko.
"Can I at least explain what you saw?"
"You don't have to. It's not as if you owe me an explanation." I said and pulled my hand away from his hold, "You can always do whatever you want. I'm not stopping you—"
"You don't care?" Nakakunot na ang noo nito.
"We're friends. And friends support each others business—"
"So it's okay to see me kissing someone because we're just.. friends?"
"Ano ba gusto mong marinig? That I'm disappointed and disgusted at you?" Pagalit at medyo pasigaw na sabi ko, napipigtal na ang pasensya.
"I just want you to voice out your thoughts! I can't understand you blank expression! Your face lingers on my mind 24/7, making me overthink what you really wanted to say with those judging eyes but blank face!" Sigaw niya rin pabalik sa akin.
"Okay. I'm disgusted and disappointed about what I saw. But what can I say when I already saw you flirting at the cafe?" I brushed my hair from the top of my head, "You know what? Just do your thing. And let's stop seeing each other."
I said it with finality. Nang hindi siya gumalaw ay nag lakad na ako pababa at nakihalo sa mga nagsasayawan. I bumped into a lot of people while Damon is following me.
I was shocked when he hold my hand carefully. Napalingon pa ako rito. Sinabayan niya ako sa paglalakad at hinarangan ako sa mga bubunggo sa akin.
"Damon! Hi!" Haplos ng isang babae sa braso nito.
I rolled my eyes. Nakita ko pa ang manghang pagtingin ni Damon doon. Tss.
I pulled my hand out of his hold but he held it tightly.
"Makipag landian ka na. I'm busy."
"No. I'm busy with you too."
Hindi niya pinansin ang babae at naglakad na kasama ko. We stopped near Chris.
"Tol, let's go back to our table. Uuwi na tayo." Sabi ko dito.
I beso his cousin kaya naman napalingon ito sa kung sinong nasa likod ko. Hinayaan kong batiin niya ito kaya tinignan ko na lang si Chris na nakatitig sa magkahawak naming mga kamay.
"Damon, the owner of Sirendeep80! What a pleasant surprise!" masayang bati ng pinsan ni Chris.
Pilit kong binitawan ang kamay ni Damon ngunit mas tumitibay lang lalo ang pagkakahawak nito.
"I-I'll be looking for Ralph and Louis. I think I saw them somewhere there." Paalam ko kay Chris na tumango lamang sa amin.
I moved away and did not hesitate to pull him away from Chris' cousin.
"Yoy are the owner of this bar?" I asked him nang magkasabay kaming maglakad.
"Yep. You don't know?" He asked back. Hindi ko ito sinagot.
"Stop holding my hand. Hindi na masikip dito." Sabi ko.
I saw him bit his lower lip and nodded to himself until he slowly let go of my hand.
I walked near Louis and Ralph who's kissing girls. The image of Damon kissing a girl too flashed on my mind. It made my tummy turn from disgust and my heart ache for some reason.
"Ralph and Louis."
"Oh, shoot!" Ralph immediately pushed the girl away from him and he stand up fixing his clothes.
Meanwhile, Louis just showed his hand facing its palm on me, saying that I should wait until he finished. I shooked my head as he continue.
"Huy! Tara na, gagò!" Ralph pulled Louis from his back collar. I looked away when I saw his tongue.
Eww.
Si Damon naman ang nakita ko nang malingon ako. Agad kumunot ang noo ko rito.
Pasuray-suray pa ang dalawang naglakad papuntang table namin.
I pulled Louis' car keys and went straight to our table. I scanned my friends sleeping on the sofa.