Chapter 4

3722 Words
"Pag naging jowa mo 'yan mare. Instant millionaire ka." Sabi ni Viviene habang inaayos ang kwelyo ng uniform. Naka video call kami ngayon ng Restarea. Ang iba ay papasok palang sa school, at ang iba naman kung hindi nasa byahe ay nasa gitna ng klase kaya hindi makasali. It's just me, Kristen, Viviene and Cara. Nakaupo ako ngayon sa tambayan malapit sa arki dep para magchismisan sa video call, nag aantay sa next class. "Ba't naman?" "Hotelier 'yan. He manage chains of hotels here in the Philippines." Singit ni Cara na nasa classroom ngunit nakatambay lang din ata. Ah kaya pala BA at HM ang tinapos. Hindi ko na isinatinig at tumango na lang. "Baka magkita ulit kami mamaya since tuesday ngayon..." bahagya kong kinagat ang ibabang labi ko para matakpan ang ngiti. Ang harot ko talaga. "Ngiting 'yan. Puta. Nakita ko na 'yan e." Turo ni Kristen sa screen. "Ngiting marupok at masasaktan na naman." "Wag ganon, Kris! Sama ng ugali neto!" Tinawanan lang nila ako. "Alam mo, mhie. Dapat magpakipot ka muna." Saad ni Kristen nang makatayo na at inaantay ang mga kaibigang makalapit. "Hindi! Mare, dapat kapag nandiyan, sunggab agad! Mahirap na makawala pa 'yan!" Kontra naman ni Viene. Akala ko'y magtatalo pa ang dalawa, buti na lang nakalapit na ang mga kaibigan ni Viviene para sunduin siya sa kanilang dorm. Umalis na din si Cara dahil may last class pa siya. We bid goodbyes. "Tara sirendeep mamaya, oh." Pag anyaya ni Ralph, "Kailangan ko ng pampatanggal ng stress." "Gago. Gusto mo lang pumunta ng langit, dadamay mo pa kami." Ani Angelo. "Gelo kasi nag girlfriend agad. Oh, ano ka ngayon?" sabi ni Andrei. "Gwapo." simpleng sagot ng huli habang nag aayos ng gamit niyang inilabas kanina para sa plates. "Pero arat, mga tol! Parang natutuyo ako na di nakakapag party for the past weeks." si Nica na nakaupo pa rin at hindi nag aayos ng gamit dahil tinatamad pa raw siya. "Ako din! Parang kulang ng gasolina 'yong dugo ko? 'Di ako makapagisip ng tama 'pag walang alak." ani Erick sabay high five kay Nica. "Ako, pass. Susunduin pa 'ko ni ate, e." Pag dadahilan ko kahit na may ibang pakay sa araw na iyon. "Others ka na. 'Di ka na masyadong sumasama." Masama ang titig ni Chris at tila nag tatampo pa yata sa akin. "Sama ako next time, promise. Pahinga muna ako." I simply said. "Kung may problema, magsabi agad ha." Paalala ni Erick kaya tinanguan ko siya saka ngumiti. Iniba ko ang topic at nagkatuwaan na hanggang sa nagpasyang pumasok na sa susunod na klase. Matapos ang isang klase ay agad na akong nagpaalam sa 8 balls na pupunta na sa LeRepos. Nang makarating doon ay abot tainga ang ngiting inilapag ko ang mga gamit sa mesang kinagawiang puntahan. Wala pa siya. Napaaga siguro ako. I ordered jasmine tea with lemon and honey. Sana 'di ako mag tae agad. 7pm na ay wala pa din siya, nagorder na ako ng dinner ko. 9:30 ang dating ni Ate. Baka natraffic or something. I'm not sure. Tuwing tumutunog ang bell ng pinto ay napapadalas ang paglingon ko rito. Ayaw ko namang magpahalatang may inaantay dahil laging nakatingin ang waiter sa akin kaya inumpisahan ko nang kumain magisa at gawin ang tinatapos na Site development plan. Napabuntong hininga ako nang matapos ang ginagawa ng 9pm na ay wala pa rin si Damon. Wow. Did he just made me wait? Napairap ako sa sarili. He didn't asked me to wait though. Ang tanga nga. Hmp! Demonyong Damon na 'yon! Ate Marian: Lapit na kami. -Kuya to Okay. Huminga ako ng malalim at ibinaon ang galit sa dibdib. Inipon ko ang mga kinalat na gamit at nagbayad na ng kinain. "Ngayon lang po umabsent yon si sir." Singit ng waiter. Napalinga-linga ako nang matanto kong ako ang kausap. "Sino?" Pagmamaang-mangan ko. "Ah! Akala ko po inaantay niyo si sir angas." He genuinely smiled. "Bakit naman?" Kunot-noo kong tanong. Mukhang nagtataray na naman siguro ang mukha ko kaya napa-atras ang waiter at mukhang natakot sa akin. I used that as a queue to remove my self. A heavy sighed exited my lungs. Kumukulo ang dugo ko. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang nagaantay. Bakit nga ba ako nagantay? Sino ba siya? It's just a simple talk and nothing more. Why did I expect that something is more than that? Pwede naman siyang magchat sa akin kung may iba siyang gagawin. Not as if he need to ask for my permission or he's required to that, but at least have some common sense! Kahit simpleng katagang makapagsasabing hindi siya makakapunta o may emergency o kahit ano pa 'yan para hindi ako nag aantay! Nagpupuyos sa galit akong nang gigigil sa pagpindot sa keyboard ng laptop. Matapos niya akong sanayin na nariyan siya ay bigla siyang mawawala! "Ginhost 'yon 'pag ganon." Ani JC sa akin habang naga-apply ng kaniyang skin care routine kahit na magpupuyat lang din naman. "Ghosted?" Ang kapal ng mukha! Hindi ko sinabi sakaniya na ako iyon. Basta nagtanong lang ako ng situation na malapit sa kung nasaan ako ngayon? "Depende pa 'yon kasi baka asyumera lang naman talaga si ate mo ghurl na meron kahit wala." Tawa ni Viviene sa kabilang linya habang nagi-scroll ng mga nag twerk sa t****k. Buti na lang ay medyo slow si Viviene at wala si Cara ay Kristen sa call ngayon dahil baka makahalata ang mga ito na ako ang pinaguusapan. Naka-video call kami ng Restarea ngayon dahil walang time magkita-kita. Kinuha ko na rin itong chance para matanong sila. "Feelingera pala kaibigan mo e! Sino ba 'yan? Si Nica?" Si Crissa. "Nope. Someone I met in a bar. 'Wag na nating pangalanan at sikreto lang daw." Pagsisinungaling ko. I was ghosted and was called asyumera at feelingera by my trusted friends. Hindi ko pa nga tanggap na nagantay ako nang ganoon katagal, tapos na-real talk pa 'ko ngayon. I said my goodbyes to them as soon as I finished my work at natulog nang may bigat sa kalooban. I admit. I was a bit asyumera at feelingera for expecting more after the simple three weeks conversation with him. 4 days per week in 3 weeks ha. Tapos mago-ghost ako nang ganoon?! I just thought there's something deep... Kaya ka natatawag na asyumera e! Thursday nang maging maluwag ang schedule namin. Wala rin masyadong gagawin ng Friday kaya naman gusto nilang magliwaliw na naman. "Tara Siren tayo. Inom." Nagaayang si Ralph. "Inom daw." Pang aasar ko. "Inom naman talaga! Pero syempre may kasama na pambababae 'yon." "Sama 'ko pang unwind. Nag away kami ni Jen." Ani Angelo. "Ang unwind sa bar ay pawang bulong ng demonyo lamang. Hindi tinatangkilik at hindi nararapat." Pag angal ko. "Opo, master. Mag iinom lang naman." Kibit-balikat ni Angelo, "Pampalakas loob bago magsorry." "Tara sama kayo?" Masayang Andrei na tumalon pa sa kinauupuan. Muntik niyang tamaan si Chris kaya hinampas siya nito sa pwet. "Pass. Gusto ko matulog." Agad kong sabi kahit ngayon din ako inimbitahan ng Restarea na magbar. Wala. Nakakatamad lang. Mga nakapagplano na sila at matutulog muna sa condo ni Nica bago aalis. Thursday. Mamimeet ko ba 'yong Demon na 'yon? Tsss. Tanda tanda na, wala pa ring pinagkatandaan. Medyo late na akong nakarating sa LeRepos dahil sa tagal ng usapan naming magkakaibigan. At tila pinag lalaruan ng buhay nang makarating ako at makita ang lalaking may kasamang babae sa usual seat. Tanginang Delborja. Sa upuan ko pa talaga! Galing sa labas ay kita ko sa glass wall ang na nagu usap ang dalawa at medyo tumatawa pang magkatabi sa upuan. Kita ko pang hinablot ng babae ang cellphone ng lalaki at nagselfie gamit iyon. Inagaw naman ni Damon at tumawa silang dalawa. Ang sakit at galit sa aking puso ang nagpakuyom ng aking kamao. Napairap na lamang ako sa nararamdaman at nagpasya na umalis na lang. Aalis na lang sana ako nang magtama ang mata namin ng waiter. Galing sa loob ay kumaway ito at malungkot na ngumiti saka nilingon ang mesa ko. Kumunot ang noo ko at nagpasyang pumasok at umorder. Hindi ako uupo at hindi ko siya lalangunin kahit malapit sa ang upuan sa counter. "Hot cafe mocha, take out. Bilis." Ani ko nang makapasok na nang hindi nililingon ang table. Matagal akong nakatayo roon at nag antay na lapitan ako ng lalaki ngunit hindi ginawa. Nakikita ko sila sa repleksyon sa salamin at patuloy lang sa paglalampungan. Napakunok ako at nangilid ang luha. "Upo ka muna, ma'am." Ani ng waiter nang makalapit ito sa counter at napansing hindi ako umuupo, "Ay kaso hindi ka pala umuupo sa ibang upuan." Tila na nanadya itong naglagay ng upuan malapit sa counter at inoffer iyon sa akin ng waiter. "Anong pangalan mo?" Medyo inis pa ring turan ko. "Ah! Julius, ma'am!" Sumaludo pa ito na tinanguan ko lang kaya umalis na ito agad. Lumayo ako nang bahagya sa counter nang may grupo ng kababaihan ang lumapit rito. Napagpasyahan kong tumawag kay Ralph. "Nasaan kayo?" "Papuntang Backlor! On the way na, mare!" Pabakla nitong turan sa kabilang linya. "Ba't backlor? Kala ko ba Siren kayo?" "Change of taste, ayaw nila ng loud music muna dahil kaka-siren lang nung nakaraang araw." Aniya na may tonong pambabae, "Let's go, mga batla! Sama ka na!" Napailing ako at tila na agaw ng atensyon ko ang announcement sa counter. "Take out, Hot Cafe Mocha for Francy!" Napalingon ako roon at tila kinabahan dahil may pangalan pa. "Nasa Lerepos ka pa rin?" "Yup. Paalis na." Pumihit ako pakanan palapit sa counter nang may mabangga ako. "Oops! Sorry! Ouch, that hurts." Tumatawa pa nitong saad ng naka bangga ko. Medyo tumalsik pa siya ng kaunti dahil napalakas ang pihit ko, medyo tumapon ng kaonti ang dala nitong inumin. At tadhana nga naman, iyong babae pa talaga ang nabangga ko. "Oo, sasama ko. Dalhan niyo ko ng damit ko diyan, kita na lang tayo sa backlor." Imbis mag sorry ay dumeretso lang ako sa counter at kinuha na ang drink ko. "Ma'am, first time 'di kayo nag dine in." Pakikipag chikahan ng babaeng nasa counter. Naramdaman ko ang init ng katawang tumabi sa akin sa counter kaya nagmamadali akong ayusin ang drink ko gamit ang isang kamay. Inilipat ko ang aking cellphone sa kaliwang banda kung nasaan ang mabangong amoy ng lalaki. "Yes po. I need to go somewhere else e." "Buti na rin po yun, ma'am. May nakaupo rin po kasi sa usual spot mo." At tila hindi alam ng babae na ang katabi ko ang nakaupo roon. "Pwede naman siyang umupo roon. I gave her enough space there..." Pakiki sabat ni Damon. Hindi ko iyon pinansin at ngumiti sa counter, "Oo, kaya next time na lang talaga." Bahagya pa akong tumawa bago pumihit sa kaliwang banda kung nasaan ang lalaki at kung nasaan ang pinto. "Mareng Francy, sunduin na lang kita diyaan. Na-wrong way si ako, nakapasok ako sa one way buti walang kasalubong at walang huli!" Tawa ni Ralph, "Lapit na ako sa LeRepos!" "Sige, I'll just wait for you outside." I said, "You brought my clothes?" Kahit wala naman ng gustong sabihin ay kay Ralph ay pinagpilitan ko pang habaan ang pag uusap para hindi makalapit ang isang ito na nakasunod sa akin. "Yes, mare! Baba ko na phone, may mga manghuhuli pala rito!" Anito at pinatay na ang tawag. "You did not went to our table." Tumayo ito sa tabi ko nakaharap sa akin habang lumilingon-lingon ako sa kalsada. Asan na ba si Ralph? Ang bagal ng kumag na iyon ayaw kong sagutin ito! "Ipapakilala kita sana sa kasama ko." Aniya at parang pinakikiramdaman ang mood ko. "Uh, no thanks. I don't like talking to people sitting on my usual spot and usual seat. But I think, you invited her so okay lang. Hindi na rin naman ako mag stay dahil may pupuntahan." Mahabang litanya ko na may ngiti sa labi ngunit blangko ang mata. "I did not invite her. Nasundan niya lang kung saan ako pumupunta—" "It's okay, you don't have to explain. It's not like you need to explain to me everything because in the first place, hindi naman akin ang table na iyon." nang makita ko na ang kotse ni Ralph ay medyo tumapang na ako. "Plus, I think you're enjoying her company while being comfortable with my favorite spot. Hindi na dapat ako maki sali pa at baka maka istorbo lang." Itinaas ko ang kamay ko upang makita agad ako ni Ralph. "What?" He exclaimed harshly, "I was waiting for you. And then you suddenly came in and headed to the counter. Akala ko mago-order ka muna kaya hinayaan kita. But the counter said take out so I—" "Ang tagal mo! Ang init ng kape mo!" Sigaw ko sa medyo malayong Ralph na kalalabas lang ng kaniyang kotse. Agad ko itong nilapitan na hindi nililingon si Damon. "Kape ko?" Takang tanong nito habang pinagbubuksan ako ng pinto. "Oo, kape mo. Oh!" Inabot ko ito roon. Inilapag niya muna sa hood at kinuha ang gamit ko saka nilagay sa likod. Inilalayan niya rin akong makapasok sa kotse niya bago isinara ang pinto. Hindi tinted ang sasakyan kaya kita ko siyang naka awang ang labing naka masid sa akin, sa amin. Umikot si Ralph bitbit ang kape niya, "Ba't mo iniwan? Kaniya ba 'to?" "Hindi. Sa akin dapat kaso tang ina niya at deserve niya 'yan kaya hayaan mo siya." Simpleng sagot ko. Tumawa itong si Ralph at ginulo ang buhok saka inayos ang gamit ko sa likod. Tiim bagang na nakatingin si Damon sa akin kaya ganoon rin ang ginawa ko. "Parang may kuryente sa mga titig niyo. Baka madamay pa ko nito ah!" Tawa ni Ralph, "Ang gwapo pa naman! Papi! Rawr!" Bumitiw ako sa titigan at nilingon si Ralph para tumawa sa kabaliwan nito. Papaalis na ang kotse nang binalik ang titigan namin ni Damon. Kita kong lumabas ang babaeng higad at kumapit sa braso ni Damon. Sa huling pagkakataon bago sila malagpasan ay inirapan ko si Damon na kita ko sa gilid ng aking mga mata ay ikinagulat niya. "Grabe! Intense 'yon!" "Tumigil ka na. Walang ibang makakaalam niyan." "Yes, mare!" Umakto pa itong sinarado ang zipper ng kanyang bibig. Nang makarating kami sa Backlor ay naroon na ang iba. Nakita ko rin na naroon si Cal na malalim ang titig sa akin na medyo gulat. Nagtuloy-tuloy ako sa restroom saka ako nagbihis ng damit. Nang matapos ay kinuha ni Ralph ang pinagpalitan kong uniform para ilagay sa kotse niya. Naupo naman ako at isinandal ang ulo sa upuan saka pumikit. Grabe pagiging thinkerbell ko ngayon, sa rami nang nirating ng utak ko baka makabuo na ako ng story. Naman kasi, Francine Lucy. Wala ka sa fictional story ha? 'Wag kang asyumera na isang fairytale ang buhay mo. 'Di ka na nadala! "Ba't ka nandito?" Tanong ni Cal kaya napadilat ako. "Bawal ako dito?" Biro ko. "Hindi. Akala ko lang busy ka sa boy friend mo." Anito. "Paano e wala ako no'n?" Tumawa ako. Malabo ngang magkaroon kung ganito ako katanga. "Manliligaw perhaps?" "Not even close, Cal." Inirapan ko siya kaya mas lalo siyang nagulat. "Huh? Gano'n kabagal si Kuya?" Doon nakuha ang atensyon ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "I thought there's something between you two dahil may mga nakakita sa inyong nag dine in sa hotel namin." He smiled displaying his dimples. "Oh, there's none." I took a shot at inisang lagok iyon. Kumuha pa ulit ako ng panibago at ganoon rin ang ginawa bago kumuha ng lemon. "You're denying him because you had misunderstanding or?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nang hindi niya tinuloy ay napabuga ako ng hangin. "There's nothing going on with me and your brother. Ayon ba ang kwento niya sa iyo o ayon ang kwento ng iba na nakarating sa inyo?" "Ayun din ang sabi niya sa'kin." He said looking up as if thingking, "Or he just wants me far from you since he knew we're friends. He's kind of possessive now so it's quite shocking." "Naibahan lang 'yon. He couldn't get me on his first to third try of getting me. Nagsawa na 'yon ngayon kaya may ibang flavor naman." Ani ko at nilantakan na ang pagkaing nilapag ni Ralph sa harap ko. Nagsi upo na rin ang iba sa 8 balls at nagumpisa nang kumain, niyayaya si Cal. "Nope, I just ate my dinner kanina. Laro na ko." Paalam nito. Huling lingon ko rito ay may kausap ito sa cellphone. Gamit ang buong lakas ay naglaro kami ng beer pong na ako pa ang nag ayos. Magka partner kami ni Nica at si Angelo at Andrei naman ang magka partner. "Girl power!" We shouted. "A power!" ani ng dalawang A ang unang letra ng pangalan habang ginagaya ang tono namin. The game was close. Walang nagmimintis sa pag hagis ng bola. Tequila ang laman ng pulang baso at lagpas sa kalahati ang laman noon kaya lasing kung lasing talaga. "Umiikot na paningin ko, may class pa tayo bukas!" I shouted. "Wag kang mag alala, sagot kita!" Ralph winked at me. Hindi na ito umiinom dahil napasabak na ako. Kailangan kasi ay laging may tatlong hindi lasing pag ako ang lasing. Samantang dalawa lang ang dapat ang hindi lasing, ako at isa pa, pag ako ang walang tama. Mas matino raw ako gumawa ng desisyon kaya kailangan ng tatlong utak para tapatan ang akin. Tawa kami ng tawa nang nagmintis na si Gelo. "Tatlo na lang 'yung baso ba't anim ulit!" mura nito sabay turo sa katabi ng baso, mistulang may nakikita pang ibang baso roon. "Siraulo, doble na paningin mo!" Tawa ni Nica. Hawak nito ang bola inilapit pa nito sa mata niyang isa lang ang nakabukas. Mistulang inaasintada ang pagshoot nito. "Ang tagal!" Sigaw ni Andrei. Pati ang ibang table ay nakatayo at nakatingin na sa amin upang makipagtawanan. Maski ang grupo ni Cal ay nandito rin nakaupo sa sofa namin dumadagdag sa ingay. "Wag kayo magulo nagco-concentrate ako e!" Medyo palyado na ang boses na turan ni Nica na hanggang ngayon ay tinatantya pa rin ang baso. "Isa na lang 'yan, Nica! Baka naman!" Ani ko habang tumatawa sa itsura nito. Nang di kinayanan ay kinuha ni Nica ang kamay ko at nilapag doon ang ping pong ball. "Nakakahilo pala. Shit." Tinatawanan at kinakantiyawan siya ng marami nang umupo na 'to sa tabi ni Erick at sumandal na, "Ang taas ng tagay!" "Weak ka lang e! Tignan mo 'ko, ang lakas pa!" Nagtawanan ang mga nakikinig kay Angelo, e siya nga ang unang nagmintis ang pag shoot. Napalingon ako sa camera na hawak ni Chris. Nagvi-video ito simula pa kanina para sa vlog namin. Kumaway ako. "Okay! One versus two ha!" Sigaw ni Craig. Lasing na rin ito at ang ingay na. Namumula ang pisngi at dibdib nito sa kalasingan at sa kung ano pa ang ginawa kanina. Pilit kong inasintada ang nagiisang cup sa gitna. Ginugulo pa ako ni Andrei at kung ano ano ang pinag sasabi nang ihagis ko ang bola. Nang sumakto itong lumusot sa baso ay naghiyawan ang mga nanonood. Tumango tango ako, nagyayabang sa pagkapanalo. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng spaghetti crop top ko at iniangat ang sa bandang balikat. Gawaing nagyayabang. "Ang yabang," mura ni Andrei habang tumatawa, "Di pa 'yan lasing kaya ganiyan!" Tawa lang ang iginawad ko at kinuha ang isang inumin sa tatlong baso para sa laro. Nagumpisa silang mag ayos ulit ng mesa nang lumapit sa akin si Chris. "Kaya, ate?" Pag tanong nito, hawak pa rin ang camera at nakatutok sa amin. "Kaya pa! Kahit isang round pa nga e!" Hindi ako mabilis tamaan sa mga ganitong alak unless it's beer. Doon lamang ako mabilis malasing. Pero mga tequilla and other liquors are my safe lalo pag naglilikot ako at pinagpapawisan. Tipsy but still fine, ayun lang at hindi nalalasing ng sobra. Naupo ako nang kinausap ako ni Adi. We laughed together after he told me what happened while I was playing beer pong. "Hayaan mo sila, Adi. All they can do is stare at my body." Maangas kong sabi na ikinatawa ni Adi. "Yeah. That's my nasty girl!" Aniya at inakbayan ako. Hinayaan ko naman ito dahil nasanay na sa mga itong ginagawa iyon. They're not touching me in any parts of my body. Akbay lamang at wala ng iba. They know their place and they know their limitations. Nagulat ako ng biglang napasigaw ng aray si Adi at nawala ang braso nitong naka akbay sa akin. Ang nalingunan ko sa likod ay imahe ni Demon na hawak ang palapulsuhan ni Adi. "Bro, that hurts!" Adi cursed loud. But not loud enough to get everyone's attention. "Hands off." Tiim bagang nitong saad kaya tinanggal naman ni Adi iyon ngunit nakatabi pa rin sa akin. "Are you okay?" Hinawakan ko ang palapulsuhan niyang hinihimas niya. "Yep." He simply said at hinayaan akong sipatin 'yon. Nagulat ako nang may tumigil na emahe ng lalaki sa harap ko at hinila ako patayo. "Kuya, don't make a scene!" Sabi ni Cal at pinipigilan ang kuya niya. Na alarma rin ang mga kaibigan kong lalaki at palapit na sa amin. Ang ibang tao ay hindi pa rin napapansin ang tensyon sa gawi namin. "I'll just talk to Francy. You don't have to worry." Saad ng Demonyo habang hawak pa rin ang palapulsuhan ko. "Why? I don't know you." Bawi ko sa kamay ko at umalis doon. Alam kong pipigilan nila itong lumapit sa akin kaya nagawa ko pang kumuha ng water bottle at lumabas sa parking lot para roon mag sober up. I can hear loud moans from a far, and some bouncing cars due to whatever activities they are doing inside. Dumeretso ako sa.kotse ni Ralph at sumandal sa hood. Nanginginig sa kulo ng dugo ang aking katawan kaya patuloy ang inom ko ng tubig. Staring at the night sky, counting the stars, I'm calculating how far it is to go there. It will take a lot of time, right? More than a life time. Nakaramdam ako ng lalaking tumabi sa akin, nang maamoy ko ang naka kaakit nitong amoy ay alam ko na agad kung sino. Huminga muna ako ng malalim bago ko inilapag ang water bottle sa hood at saka tuluyan ko itong hinarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD