Chapter 1

3151 Words
Bagsak ng malakas na ulan ang tanaw galing sa aking kinauupuan. Le Repos Cafe. Basa ko sa nakabaligtad na sticker na naka paskil sa glass wall ng cafe. Ilang metro lamang ang layo ng tambayan na ito mula sa universiy kung saan ako na aaral. Minimalist ang disenyo ng loob nito at tila isang tipikal na cafe lang ito kung titignan sa labas ngunit papasa ito bilang restaurant. May offer silang dinner tuwing alas otso na ng gabi. Maraming mesa na tila ba handa sila sa maramihang tao na tatambay. May sound insulation din sila na nagbibigay kadahilanan bakit hindi gaano kalakas at kulob ang boses ng mga taong kumakain sa loob. "Grabe. Lagi talagang maulan birthday ko." Bulong ko sa sarili ko habang tinititigan ang ulan sa labas. Habang nagaantay sa aking ate ay ang paglapag ng pansit at blueberry fruit tea sa mesa katabi ang laptop ko. "Ikaw yung nasa t****k 'di ba, ma'am?" saad ng waiter. "Ah, opo. Nood ka ng live ko bukas kuya. Sasayaw ako." bahagyang plug ko sa sariling account. "Architecture po pala course mo, ma'am. Buti napagsasabay mo pagti-t****k at pag-aaral mo." chika ni kuya waiter na hindi pa din pala umaalis sa gilid ko. I took a bite of my pansit before smiling. "Yes po. Namamanage naman po ang time." "Hectic ng buhay mo, ma'am. Lalo siguro kung may jowa ka na." Ngisi nito. Mabuti na lamang ay may tumawag sakaniya sa likuran ko kaya't mabilis ding umalis ang waiter. Mabilis kong pinulot ang phone ko nang tumunog ito. From: Ralph Boii, ano natapos mo sa FP? Tingen ako ASAP To: Ralph Ground palang, tol. Easyhan mo muna yan! HAHAHAHHAHAH Ngiting-ngiti ako nang mapansing may pares ng matang nakatingin sa akin. Mabilisan kong pinasadahan ang mukha niya. We locked eyes for a second but he didn't look away. I did. Foreign looking face, deep brown eyes, long eyelashes, thick eyebrows, and bowshaped pink lips. Overall look? Manly playboy. He looks dashingly... handsome. Woah! Girl, chill! I almost laughed at my mind's craziness. Bihira ako magwapuhan sa lalaking maputi. Madalas ay mga manly moreno ang tipo kaya naman iba talaga ang dating ng lalaking ito. Kilala ko 'to. Baka nakausap ko na dati? Sabagay pogi, baka nakita ko na sa kung saan. Pinagkibit balikat ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Pero bakit siya nakatingin? I slightly reached my hair and combed it. Bahagya ko ring pinunasan ang mukh gamit ang kamay na kaka-alcohol lang dahil bakamay dumi ako sa mukha. Inayos ko na lang din ang aking uniform, baka lang naman may mali. Nang lingonin ko ito ay nakatingin pa rin kahit may cellphone na itong hawak sa kamay. Tila nagtitipa ng mabagal ang kamay nito nang masulyapan ko. Agad din akong umiwas, kunwari napalingon lang sa banda niya. Anong problema, pogi? Ganda ko ba? I searched Rose's name on messenger. My overthinkerbell friend na kachikan ko tuwing may pogi. To: Rose May pogi dito sa LeRepos malapit sa school. Myghad sis hotty BWAHAHAHAHHA From: Rose Naka-unif? Taga-saan? Moreno ba? Ganon mga type mo e! HAHHAHAHAHHAHA Sabi ni ate mo sayo magantay ka diyan. MAG ANTAY LANG! HINDI MAGHANAP NG POGI! To: Rose Di teh maputi toh hehe change of heart BATBA! HAHAHHAHAHA jojowain ko to! From: Rose Magtigil ka! Birthday na birthday mo, lalaki inaatupag mo! Yan ba wish mo? Malanding to HAHAHAHAHHAHA I laughed at it. Oo nga pala. Wish. Hmmmm. What's my wish? Nakabukas ang laptop, hawak ang mouse sa kanang kamay, at nilalaro ang fruit tea sa kaliwang kamay, napatitig ako sa inuulang madilim na kalsada. Good grades. Makapasa sa boards once I take it. Good health for my friends and family especially my parents. Guidance and protection. Ano pa? World peace. Saka? Boyfriend na bestfriend. Yung 2-in-1. Para di na ko maghahanap ng iba. Natawa ako sa iniisip. Extrovert na tiktokerist na mayroong maraming kaibigan, pero walang best friend... funny. Sa dami kong kaibigan wala akong mapagsabihan ng sama ng loob at problema. Wala. Basts gusto ko lang na 'yung mga tao sa paligid ko ay patuloy lang na maging masaya. Alam ko naman kasi na palagi akong nandito para sa kanila kapag nagka-problema sila e. From: Rose Paguwi mo vc tayo w/ ghurls. Celeb natin bday mo. Bihira ka na magpakita. Akala namin 9 na lang kami e. Charot HAHAHHAHAHAHHAH Nine girl friends in Juinior Highschool, eleven friends in Senior Highschool, seven friends in my department, and many more friends in other universities. I met a lot of people but I haven't met that one friend na pagkakatiwalaan ko sa lahat. I'm assuming he is also my boyfriend that's why. Na-traffic lang siguro. O, kaya ay nagpapa mature muna para pag dating sa akin ay kasalan na. Diyos ko mahabagin, Francy! Nasa kasalan ka na agad, masyado kang makasalanan! I shooked my head and pouted. Sana nga yung maging boyfriend ko, siya na din maging bestfriend ko. Para na rin magkaroon na ako ng kakampi rito sa mundo 'to. Malaking liwanag sa kalsada galing sa malakas na kidlat ang nagpabalik sa akin sa realidad. "Kidlat." saad ko. Mabilis kong tinakpan ang aking tainga at nagumpisang magbilang hanggang sampu nang kumulog sa pagbilang ko ng apat. "Ang lakas." Nginig sa takot na turan ko. "Ma'am" "AY HOTDOG!" malakas na sigaw ko kaya napatakip ako ng bibig. "May nagpapabigay po ng blueberry cheesecake sa'yo hehe." Inilapag nito ang isang pabilog na cake sa harap ko. 'Happy Birthday!?' "Walang pangalan? Sinong nagbigay?" Hindi ko pa sinasabi sa live ko sa t****k ang tungkol sa birthday ko kaya bakot may magbibigay? "Bawal po e hehe." mabilis nitong itinulak ang cake palapit sa pagkain ko at dali-dali itong umalis sa gilid ko. Dalawang beses pa itong lumingon sa gawi ko nang maglakad na ito papalayo. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay nahihiyang ngumiti at tumakbo na. Napalinga-linga ako sa paligid at wala akong ibang nakitang nakatingin maliban sa lalaking iyon na umiinom ng kape at ang mga mata'y nasa akin. I want to confront but that may sound boasting, flexing and assuming. Ayaw kong magmukhang kahiya hiya sa mindong ito. Birth day ko pa naman tapos... "At sa tingin mo naman 'yung pogi na 'yon ang nagbigay ng cake na 'yan?" saad ni ate Marian, "kahit birthday mo, hindi ko itotolerate ang kahibangan mo ha." Hagalpak ang tawa ko at ng asawa ni Ate dahil sa sinabi nito habang nasa kotse kami at kakasundo lang nila sa akin. Naikwento ko ang nangyari at dahil ayaw ko siyang bigyan ng paborito kong cake, ganiyan ang mga pinagsasabi sa akin. "Nalaman mo ba kung ano pangalan?" Tanong ni Ralph kinabukasan nang naglalakad kami hawak ang scale model na mistulang gina-gwardiyahan namin dahil hindi pwedeng mabunggo. "Hindi e." I pouted. "Basta pogi! Pag nagkaroon ako ng oras susubukan kong idrawing siya baka kasi kilala niyo. Sobrang gwapo!" "Ilusyonada ka 'yun 'yon! Tama si ate mo!" Sigaw ni Louis sa malayong gilid ko, "Oh, ang lumapit sa scale model namin, basag bungo ha!" Nagtawanan ang mga nakarinig. Natawa din ako at kinabahan dahil baka may nakarinig na pari o madre sa paligid. Kilala kami sa buong university bilang '8 ball'. Ang mga faculty members ng architecture department ang nag pangalan sa amin nito. Ako, si Ralph at Louis naman ang tinatawag nilang 'Bermuda Triangle'. At ang lima, Nica, Andrei, Chris, Angelo, at Erick ang tinatawag naman nila na 'Magic Five'. Hindi namin alam kung saan nang galing ang mga iyon pero base sa mga sabi sabi ng mga kaklase, malamang daw ay pinag chismisan daw kami sa faculty kaya nagkaroon kami ng mga ganoong titulo. Nakakatuwa man na may ganoon kami school dahil mas nakilala kami ngunit iba rin ang pressure na hatid nito. Parang laging may mga matang nakasunod, hindi malaman kung nag aantay ng tama o ng kamalian sa bawat kilos at galaw. "Tara inom after nito." ana ni Andrei habang nag uunat ng upper body. "Tara sa condo ni Nica. Magpaalam na kayo." Paladesisyong saad ni Chris na sipa ang inabot kay Nica. "Sa backlor na lang tayo, 'wag na sa condo. Magpapainom ako sa saturday e." Singit ko. "Magpapainom kasi sa wakas, pogi na nanligaw sakaniya!" Malakas na halakhak ni Erick. "Erickson niyo pasmado dila." Tawa-tawang sabi ni Angelo. Inilapag ko ang gamit ko sa desk at nilingon si Erick. "Iinom tayo, si Erick hindi invited!" Nagsigawan ang mga ito at nagpatuloy kami sa asaran kahit may mga ka-block na nakakarinig. "Totoo naman ah! Panget naman talaga mga nanligaw sa 'yo!" Tumayo si Erick at nakapamaywang na tumayo sa harap ko. He looks manly to look gay but how he stand up right now is spitting a gay impact. "Wala naman akong sinabing mali ka ah!" Laban ko rin. "Di ba? Pangit na nga, mga manloloko pa?" "Sobra! Sa ugali na nga lang babawi, sumablay pa!" At dahil doon ay nag apir kami. Sa aming walo ay dalawa lang kaming babae at lahat na ay lalaki. Dahilan kung bakit lagi kaming nai-issue sa kahit kanino sa mga ito. Nasanay na lamang kami sa dalawang taong pagkakaibigan. Binabalewala at ipinagpapatuloy ang pagkakaibigan. Madaming gustong sumali ngunit hindi rin nagtatagal. At marami rin namang nagpapakita ng paghanga sa amin. Isa nga siguro sa rason kung bakit hindi ako naliligawan ay dahil sakanila. Lagi kaming may mga kasamang lalaki at sorang lapit pa sa isa't isa. We are not achievers but we are all responsible. Mga officer ng organizations na Architecture related. At pure hearts of dedication for our passion. Iyon lamang pero mas sobra pa doon ang friendship na nakikita nila sa naipo-post namin sa youtube account namin. Ang mga biruan, tawanan at kulitan namin sa mga ipinopost ay nagpapakita ng masiyahing buhay namin sa Architecture life. Nasa 970k plus na din ang subscribers at pawang mga experience at mga kalokohan lamang namin ang nandoon ngunit tinatangkilik at pinapanood ng mga tao. Naiibahan siguro sila sa pakikitungo namin sa isa't isa. "Ayusin mo yung roof, Chris. Tabingi." bulong ni Angelo nang dumating na ang prof na magtitingin sa aming gawa. Mabilis niyang inayos yon pati na rin ang pagkakapatong ng second floor at third floor. Natatanggal kasi iyon ayon sa kagustuhan ng professor namin para mapakita ang mga furniture sa loob. Mabilis ko ding kinuha ang flashdrive na naglalaman ng files ng digital ng aming proposed design. Hawak din ni Ralph ang mga manual drawings na gawa. Sa groupings na ito ay apat lamang kami nina Angelo, Ralph, at Andrei ang magkakasama. At ang apat ding natira ang magkakagrupo. "Pag tayo ibinagsak neto..." "Ano? Sige, ituloy mo." Hamon ko sa nagaangas-angasang si Ralph. "Iiyak ako." "Kailangan talaga nating magcelebrate. Biruin mo 'yon? Ngumiti si Architect Jastril sa mga gawa natin!" Tuwang-tuwa na si Ralph, "Maiiyak ako sa tuwa." "Ang drama. Kala mo ang liit ng katawan." Si Ralph ay hindi katangkaran ngunit maganda ang pangangatawan dahil alagang gym at protein shake. "Totoo, 'tol. Sabi pa niya kanina, 'as expected from the 8 balls'." gaya ni Louis sa aming prof, "Nakakakilabot yon pre!" Di makapaniwalang turan ni Louis at ipinapakita pa sa amin ang kanyang balahibo na tumaas daw. Itinapat pa ito sa mukha ko na muntik pang pisain ang ilong ko kaya agad kong hinampas. "Parang ang taas ng expectations nila satin." Kinuha ko ang pineapple juice sa aking harapan na nakapatong sa table habang nakatambay kami rito sa Backlor B. Backlor B? Likod ng parlor, Billiaran. Back, Likod. Lor, parlor. B, billiaran... napailing ako. Hindi talaga ako makapaniwala sa babaw ng pangalan na yon. Gandang-ganda pa naman ako. Pinuri ko pa ang may ari dati na ang angas ng pangalan nito tas ayon pala ang ibig sabihin. Naglalaro na sa malayo sina Angelo at Nica. Habang pumalit naman sa'kin sa dart si Chris. I don't play billiards. I don't play doesn't mean I can't because I don't know how. It's just that I don't want to. Sumasama lamang ako dito para sa foodtrip at sa pakikipagpustahan sa ibang mga lalaki sa dart. Pati na rin sa inuman, syempre. "Kung hindi tayo masyadong busy, niyaya ko na kayo sa Sirendeep 80s e. Para nakapagbar sana tayo ngayon." Andrei. "Kung libre mo naman, sure why not, daddy Andrei." Tawa ni Ralph nang itaas ng huli ang gitnang daliri nito. "Ayaw ko don. Playboy daw ang may ari no'n 'di ba? 'Yung laging may tinetable na babae." Chika ko na narinig ko lamang sa mga kakilala. Hindi ko naman kilala kung sino ang may ari pero hinusgahan ko na. Kahit dalawa lamang kaming babae sa grupong ito, hindi ramdam ito dahil sa pagiging chismoso nila. Mahihilig sa maiinit na tsaa kaya laging dikit sa amin. Minsan ay inaakala ng ibang tao, bakla ang isa sa mga ito sa sobrang dikit sa amin. "Nalaman mo lang hobby ng mayari, hinusgahan mo na pati bar niya." Nagkibit balikat ako sa tinuran ni Ralph. "Judgemental Francy forevs!" Aniya ng kararating na Angelo at straight na tumayo habang naka-krus ang mga braso nito sa dibdib. "Parang tanga." Irap ko. "Tanga ka daw!" Andrei. "Pigilan niyo 'ko! Babangasan ko 'to kahit babae 'to! Pigilan niyo 'ko!" Sigaw ni Angelo habang nagpupumiglas mag isa dahil wala naman humahawak at pumipigil sakaniya, "Huy! Pigilan niyo 'ko sabi e!" "Bahala ka diyan, tangnamo!" Gigil na pinulot ni Andrei ang beer sa harap at nilagok iyon. Backlor B is a billiard pub na may mga inumin. Mayroong mga sofa set dito sa bawat table na pwedeng upuan ng mga magkakasama. Masyado itong magarbo at tago para puntahan ng kung sino lamang. Pang may budget lang 'din ang pagkain at pagtambay dito. Madalas kami rito dahil hindi gaano punuan at kakilala ko ang may ari. "Francy! Musta! Tagal niyong di nagpunta dito ah." Nakipag high five sa akin si Roscoe at nagisa-isang lapit din ang mga kaibigan nito. "Ngayon lang lumuwag sched e. Kayo?" "Letting off some steem as always." Ngiti nito na pag silip ng dimples nito. "Sana all letting off steem lang ang tawag sa mga pub na ganito." Ana ni Nica. "Talo?" Tanong ko kay Nica. "Dinaya ako ni Angelo!" "Sinisi mo pa 'ko. Weak ka lang e!" "Tara isang game!" Panganyaya ni Craig, kaibigan ni Roscoe. Bale lima silang lalaki. Close kami sa mga mayayamang ito. Gradute ng Lasalle, Ateneo at UP. Ang iba ay sa Brent pa ata. Pero hindi ito mga mayayabang o poging-pogi sa sarili. Sakto lang at parang normal na tao kung umasta. Mga ganitong tao naman talaga ang gusto kong kasama. Iyong hindi mo makikita ang pagkakaiba ng estado sa buhay. Naki-upo sila sa aming table at nagorder pa ng madaming inumin. Kunot noo ko silang tinignan. "Ba't nandito kayo?" "Pass ako sa shawty ngayon, Francy. I'm busy for tomorrows meeting." Ana ni Caleb, "We're all busy tomorrow so..." Tango lamang ang naiganti ko. Iwas babae ang table na ito lalo't nakaupo ako rito. Ang mga babaeng madalas tumambay dito ay kilala ako bilang masungit at matapobre at ayaw ko ng may ibang babae sa table. Well, okay lang naman sa akin iyon. Maglaplapan pa ang mga ito sa harap ko, wala akong pake. Kaso ang mga kaibigan naming lalaki ay hindi kumportable sa gano'n, lalo't kapatid na ang turing sa amin. Madalas ay lumalayo o sa ibang table nambababae ang mga ito at hindi dinadala sa table kung nasaan kami. Nakapaglive na ko kanina sa t****k ko habang nasa school nakatambay. Tumanggap lamang ako ng random dance challege at nakipagtawanan na sa mga manonood. Sa mga sumunod na araw ay parehas lang ang nangyayari. Papasok sa univ at uuwi sa bahay o sa condo ni Nica, tatambay sa backlor o sa sirendeep 80 at sa ibang bars, o nagpasundo kay Ate tuwing TThS sa Le Repos. Inurong ko ang tempura plate ko nang magseryoso sa pageedit sa CAD. Masyado na akong tutok nang maramdaman ang titig na ito. Lagi na siyang nandito? Or TTHS lang din siya? Nakakailang ang pagtititig niya e. Sinubukan kong lingunin ang lalaki at nginitian ko. Halatang ang gulat sa kanyang mga mata, ngunit lumamlam din nang mapunta ang mga mata nito sa akin labi. Kumunot ang noo ko nang hindi niya iniwas ang tingin sa akin kaya't tinaasan ko siya ng kilay, nagtataray. At ang blangkong mukha ng lalaki ay unti-unting lumiwanag at ngumisi. Hawak ang ibabang labi na pinaglalaruan ito upang maitago ang ngising lalong ikina-kunot ng noo ko. "Ano bang problema no'n? Nakakairita naman." Galing sa aking ginagawa ay muli kong nilingon ito. He flashed a friendly smile this time. Lumakas ang kalabog ng puso ko. Gayon pa man ay ang pagkabagabag sa akin ng mga kinikilos niya. Hindi ko na matiisan at tumayo ako at lumapit sa lalaking ito. "Anong problema mo?" "Nothing. Just admiring my beautiful view." May ngisi sa labing turan nito sa malalim na boses. "Staring is rude don't you know?" I spoke in english. Englishero, malamang ay Lasalle to or NU. "I said, I'm just admiring the view. You can continue your work now. Don't be disturbed by me, please." He flashed another friendly smile. Ngiting hinding-hindi ko pagkakatiwalaan sa sobrang ganda. It looks dangerous and alarming. Parang hindi totoo at tinatago lamang ang tunay na anyo. Galawang fuckboy. "I can't concentrate when someone's staring at me. Don't be rude," kunot noo ko siyang tinignan with a disgust look, "I don't even know you." "Damon Iñigo Delborja, nice—" "I don't care, I didn't ask!" Mahinang sigaw ko dito at umalis na sa harap niya. Completely bad mood ay inumpisahan ko na ulit ang ginagawa ko. Hindi ko rin maintindihan bakit ganon ang inasal ko e mabait naman akong nakikiusap sa mga tao kapag may ganoong insidente. Marami nang nakakakilala sa akin sa t****k dahil sa dami ng followers at sa pagkalat ng t****k covers ko at sa pagv-vlog sa youtube. Never pa akong umasta ng gano'n sa tao kahit anong badtrip ko. Sakaniya lang talaga. Damon Iñigo Delborja is it? Is he the Delborja of ADMU or the graduate Delborja of UP? He looks old so, UP? Getting immersed with what I'm doing, I saw a manly vained arms put a cup on my desk near my laptop. "Blueberry cheesecake frappe as peace offering." Mula sa pagkakaupo ay tiningala ko ang lalaking naglapag nito. Nakapamulsa na ito ngayong nakatingin sa akin. Matangkad at matipuno ang pangangatawan. Matanda na siguro 'to. Way older than me. Ibinaba ko ang tingin sa drink na dala nito at sinipat iyon gamit ang kaliwang kamay. Shet mukhang masarap. Hindi ko pa natitikman ang version na ito ng LeRepos. Bukod pa sa iniisa-isa ko pa lamang ang mga blueberry drinks dito ay mahal ang blueberry cheesecake frappe nila. "Don't worry wala iyang lason. If your tummy hurt, its the bar tender's fault. If you fell in love with me..." He tilted his head on the other side with a smile on his face. "I take full responsibility."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD