Chapter 2

4040 Words
"May naging boyfriend ka na ba o ka-fling lang? If meron bakit di nagtagal?" Pagbasa ko sa comments sa aking live. "Mapanakit ka, SeriousG ha. Char," sabay tawa. "Dinodogshow niyo ba 'ko?" Nagtatawanan na sa comment section ng aking live nang pagisipan ko kung ikekwento ko ba. Kakaunti lang ang mga nakakaalam tungkol sa mga naging kafling ko dahil hindi ako proud sa mga iyon. "Uhh hindi pa ako nagkakaboyfriend pero may mga naging ka-fling. Madami din at iba iba." Pag amin ko. Maraming nange-echos sa comments at nanghihingi ng chismis. Ang karamihan dito ay nagtatawanan, ang iba naman ay tila biruan lang ang ipinunta rito, a may mga mukhang napadaan lang, ang iba ay patuloy lang sa pagcomment ngunit walang pake sa pinag uusapan, may mga iba rin na puro papuri at pag hanga ang comment at ang karamihan ay ang pag comment ng mga tanong at pag sagot din sa mga sinasabi ko. "Mga marites tong mga to! Hindi naman pang headline ang lovelife ko 'no!" I scrolled down to see more comments but all of them are all being marites tonight. Sana pala ay hindi ako naglive ngayon. Ayaw ko ng topic. "Sige ano ba gusto niyong malaman?" I read one comment, "kwento mo naman samin kahit maiksi lang bawat isa sa naging ka-fling mo." Kumunot ang noo ko at umirap. "Sinasabi ko na sainyo, hindi ito something na dapat pagusapan." Ngunit hindi pa din nila ibinababa ang topic na iyon. 1.7k na ang nanonood sa live ko at lahat ng iyon ay nagkakatuwaan lang sa comments. Okay. Biruan lang naman siguro ito 'di ba? "Oh sige. Send planet, mags-start ako magkwento ng aking karanasan sa mga naging ka-flings or nanligaw sa akin pero hanggang doon lang," saad ko na feel ko ay ligtas ako, "Alam ko naman na hindi kayo titigil hangga't—AAAAAHHH!!" Gulat na gulat ako nang may nagsend nga ng planet. At ang mga hunghang kong manonood ay natuwa lamang sa nang yari at natawa sa aking reaksyon. "Biro lang 'yon uy! Ang bilis niyo naman!" Ngunit ang mga fans ay hindi na magka ugaga mag comment ng 'spill the tea' o 'pengeng tsaa'. "Okay. Ito na. 'Yung unang guy, hindi ko gagawing specific but he's very loving. After a month, sa sobrang loving niya ay minahal niya din pati kaibigan kong babae. At ayun, sila nagkatuluyan." I stopped for e few seconds to read the comments. Halo-halo ang naging reaksyon ng mga tao. May mga nanghihingi ng pangalan nito, may tumatawa, may galit, at may nalungkot dahil nakarelate. Natawa ako. "Pangalawa naman, he said he likes me. As in dikit nang dikit. Ako naman na hindi pa sure sa nararamdaman at ayaw ko din naman iignora, nagpe-play safe lang ako. After three months, at the end of the story, tatlo pala kaming nililigawan at sa iba't-ibang department lang," irap ko. "And you know what's upsetting about it? May common denominator kaming tatlo! Maliit na morenang magaling sumayaw!" "Sabi sainyo panget na topic to e. Naiirita na tuloy ako." Itinawa ko ang kulo ng dugong nararamdaman ko. I adjusted my cellphone. Nasa loob ako ng kwarto ngayon at dito nagse-set up ng live ko. Inilapag ko ang siko ko sa mesa kung saan nakalapag ang cellphone at nagpangalumbabang nagpatuliy. "Pangatlo, my last fling. Eto pinayagan ko talaga manligaw kasi he confessed. He's very gentle and sweet, I admit. Gentleman at caring. Siguro three months na rin siyang nanliligaw nang malaman kong may girl bestfriend siya..." I stopped to look at the comment section. Mga nagwawala na ang mga ito ngayon. Pinagmumura na ang mga lalaking nakilala ko. At kina-cancel na agad itong huling fling ko. "Ekis sa may girl bestfriend." Natawa ako, "Ekis talaga! Hindi ko pa alam yon nung time na yon. May mga kaibigan din akong lalaki at close kami kaya sa tingin ko naman ay okay lang magkaroon ng kaibigan na opposite gender." "Months after monghs lagi siyang nagseselos sa mga aports ko. Kilala niyo sila 'di ba? Oh, ayon, lagi niyang pinagseselosan ang mga iyon at ang iba pang makita niyang kabiruan ko. Pilit ko rin naman pinapaintindi na parang same lang yon. May girl bestfriend siya, may mga aports akong lalaki. No feelings attached gaya ng kaniya." "Hanggang sa five months na siyang nanliligaw. Hindi naman kasi kami madalas magkasama kaya late ko na lang napapansin na ekis pala talaga sa may girl bestfriend kahit anong sabihin ko. At the end of the story? I told him to start looking at his girl bestfriend thoroughly. That there's more into their bond that is more than a friendship." I breathed in and and breathed out smoothly not making an exagerating sound. "Two weeks from the time I confronted him, a friend of mine saw him and his girl bestfriend holding hands and kissing each other in a mall." I smiled. Bakit ko nga ba ulit kinailangang ikwento ito sa madla? Mga kaibigan ko nga, hindi alam ang buong kwentong ito e. "It's okay. I find it more fulfilling and real. Magiging kontrabida lang ako sa lifetime love life na maaaring maumpisahan nila kung hindi ako sumingit ng gano'n." Pagpapaintindi ko sa mga galit sa comments, "It's not his fault. He's just not aware of his feelings for his friend, that is why. Someone must tell him. Kahit ako pa na nililigawan niya." "I don't hold grudge against these guys, but you know, nasaktan pa rin ako at nagkaroon pa rin ito ng epekto sa pagkatao ko. I have to accept the fact na they meant to be with me." "Pampalubag loob sa lahat ng ito. I learned a lot from them. At parang heaven sent na rin na hindi na sila hinayaan ng Panginoon na pumasok pa sa buhay ko tapos saka aalisin dahil... kung ganoon nga ang nang yari, baka mas na-attached pa ako." Wow. I didn't cried. Ang mature ko tignan. "Nakakaloka naman ito." Tumawa ako nang malakas, "Oh ayon. Hanggang dun lang." "For sure after no'n ay may mga nanliligaw sa'yo." Napaisip ako, "Mayroon naman pero hindi ko na masyadong iniintindi. Hindi rin naman sila gaanong nakakalapit dahil maraming kaibigan ang nakapalibot sa akin." Puro kaibigang lalaki pa na pinaghihinalaan nilang may gusto sa akin. Kadiri lang talaga. Pag tropa, tropa na lang talaga. "Oh siya sige! Tapos na ang break time at ang question and answer time!" masayang saad ko, "Sayaw ulit tayo. Send yatch, one song request. Dali!" Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa mapagod na ako at in-end na ito. Nakakakuha din ako ng pera galing sa paglalive at pagpost ng dance cover ko kaya hindi ko pinoproblema ang pera. Agad-agad akong nakareceive ng iba't ibang sumbat na mensahe galing sa mga kaibigan ko. Galit na galit ang mga ito sa akin ngayon dahil wala silang alam sa mga kinwento kong iyon. Ang 8balls ang nakakaalam ng tungkol doon sa dalawang huling lalaki ngunit hindi buo ang istorya. Ang naunang lalaki naman ay ang mga junior at senior high school friends ko lang ang nakakaalam ngunit ganoon din, hindi alam ang buong istorya. "Hays. I think I digged my own grave for doing this." I took a selfie pouting in front of the camera and posted it on my IG. FrancI8 'My friends are mad at me for telling my viewers the whole story after I kept it from them for years now ?' Roseycheeks: fake friend RalphAguas8: Di kita kilala sino ka ba Nicanitch8: Hu u po? May kwento rin ako, 7balls na lang pala kami CrissaMoxx: jan ka na sa new friends mo. Alis na tayo @Roseycheeks @ChaseJaneT @JCDelamerced.KARINAofficial @KristenSaldarriaga @Michelle @_Juniancarax @viviene.sauce @Queencybeth FrancI8: mahal q pa din kau kahit tinatakwil niyo q huhu dala ako melkti sa meet up At ang mga nakicomment ay pawang ginawang katatawanan na lamang ang comment section. Hindi sineryoso ang pagtatakwil at paglimot sa akin ng mga kinilalang kaibigan. Napapakita ko ang mga junior highschool friends na tinatawag namin Restarea at ang 8 balls sa aking t****k live o mga dance covers. Ang iba sa kanila'y kilala na din naman sa social media dahil sa mga path na tinatahak. Kinabukasan ay agad akong bumangon kahit two hours lang ang tulog para makapasok sa school. Hinahatid ako ni Papa at ng driver ni Papa sa santolan para makasakay ng LRT. Nica: gurl, crush ka daw nung bball player ng UST. Nakita mo ba sa IG mo? Nica Veron Cruz sent a photo. It's a screen shot of my IG post with a comment of a basketball player from UST. 'You look pretty when you pout crush' To Nica: Sino yan? Ba't 'di ko kilala? From Nica: Bball player nga! Diba mahilig ka sa ganon! Chance na yan gagi Iignorahin ko na sama ang mensahe niya nang magsend na naman ng photo si Nica. From: Nica GAGA KA GHURL DAMON DELBORJA NAGCOMMENT Nica Veron Cruz Sent a Photo. Damon.Delborja: u have a nice taste, pre What?! Damon Delborja? DAMON INIGO DELBORJA KAGABI?! Malakas ang pintig ng puso at nanginginig na pinatay ko ang cellphone ko at lumabas ng LRT. "Nica!" Pakunwaring iyak ko, "Siya yung blueberry cheesecake!" "Francy, tigilan mo na kaka-blueberry cheesecake ha! Hindi yon mag gaganon sa kahit na kanino, hindi 'yon nageeffort!" Pagalit ni Louis sa akin habang nakatutok sa sentido ko ang dulo ng kaniyang T-square. "Saka nababalita 'yon na bakla." Natatawang saad ni Erick. Huh? Bakla? "Hoy grabe sayang naman!" Nica "Laging nambababae 'yan kaya hindi 'yan bakla." Ani Angelo. "Flirt lang tas ikakama. No attachment. No commitment. Pure sex." "Kilala mo?" Tanong ko. "Oo, sabi ng girlfriend ko." "Hala. Kabahan ka na, Gelo. Ba't alam ng gf mo 'yan." Andrei habang nakaturo ang hintuturo kay Angelo. "Tanginamo, wag ako." "Rumors lang naman 'yun 'di ba? Goods lang 'yan, unless nahuli natin." Ani Nica. "Anong tsaa?" Singit ni Ralph na late at nakasukbit pa ang bag. Sabay sabay kaming napalingon sa kaniya. "Pupunta daw tayong Sirendeep 80. At dahil late ka, ikaw ang taya." Kanya-kayang piglasan sa pagkakabilog ang aming grupo at iniwan si Ralph na tulala sa harap ng table ko. "Bente lang pera ko, puta." Serendipity. Sirendeep 80. At 8pm, siren starts and deep and wild music plays. A place with a chance of getting the happiness and the good things you want. "Tara na pasok sa Siren dali!" "Uy KKB ha!" Sigaw ni Ralph. "Angelo, hinay sa paginom, ikaw magda-drive." Paalala ko kay Angelo. "G lang. Chill shots lang tayo ngayon." Nang makakuha na kami ng aming tatambayan, nagsiwalaan na ang mga ito. May mga kanya-kanyang dalang girlfriend, at ang iba ay nasa dancefloor lang. We ordered drinks for us, and some chips. Naguusap kami ni Angelo nang lumapit ang girlfriend nito at dumagdag lang siya sa kachismisan ko. Nang masyado nang magulo ang usapan namin at medyo nahihilo na ako, naisipan ko sumayaw muna. "Dancefloor muna ko. Pampatanggal amats." I sipped my last shop on my drink before kissing Jenny goodbye. We're not as rich as the people dancing and getting wild here but we know how to go with the flow. Some are classy, some jerk and bitchy. Different state in life but still, some undeniably awful. May pangalan at kayamanan, pero class at maturity, wala. Tuwing may mga nakakasalubong na kakilala ay napapatigil ako at saka magpapaalam hanggang sa makarating sa dancefloor. I dance. Going with the rhythm of the music. I closed my eyes and feel the beat and used my hands and body to flow with it. When I opened my eyes, there are alot of people dancing with smiling and laughing with me. When the music played in a different beat. A sexier one. We had fun sexy dancing. Natatawang lumapit sa akin si Nica and we sexy dance infront of each other, sometimes touching each others body. "Baka akalain sa'tin bisexual tayo." Natatawang bulong ni Nica sa tainga ko. "There's nothing wrong with being bisexual, pero baka hindi na tayo jowain ng mga lalaking 'to." Tawa ko. We dance with other guys and other people hanggang sa hindi ko na makita si Nica. Hooking my arms around Calebs' neck while swaying with the music. "Angas mo talaga sumayaw." Ani Caleb. Sinuklian ko siya ng ngiti at nakihalo pa sa iba. We laughed and cheered for the woman giving Craig a bodyshot on the dancefloor. "They're crazy." "Pag tinayuan 'yan. Mawawala 'yan bigla." Saad ni Caleb sa sarili na narinig ko. "Wag naman sana. Mukhang inosente si girl." Nagpatuloy ang tawanan namin hanggang sa mapatingin ako sa oras. Two fifty-three am na. We have class at twelve noon. I bid my goodbye to Caleb and Lance to go back to our seat. Nang makarating ako ay nando'n na si Andrei at Ralph nakaupo. "Asan si Angelo?" "Nasa smoking area kasama jowa. Maglalaplapan panigurado. Di naman 'yon nagyoyosi e." Nakapikit na sandal ang ulo sa back rest ng sofa sagot ni Ralph. Uminom ako ng isang shot at aalis na ulit. "Hanapin ko yung iba, uuwi na tayo. 'Wag na kayo umalis." Latur on, we got to go home complete. Si Chris ay kinailangan pang hatakin ni Erick upang mailayo sa kahalikan. At si Nica ay nakapatong na sa hindi ko kilalang lalaki. Hilo pa ako nang makapasok kami sa school. "Sino bang nakaisip magparty ng friday tas may pasok ng saturday?" Angal ni Chris habang hinihilot ang sentido. "Ikaw, bobo." Ani Louis na tulala. "Sa susunod, turuan na natin magdrive si Francy para siya na magdrive sa'tin. Hirap magpigil uminom ng madami." Reklamo ni Angelo. "Buti si Francy, hindi nalalasing." Tahimik lang akong nagmamasaid sa kanila at pinapakiramdaman ang sarili. Hindi naman nga, tipsy lang kanina at kulang lang sa pahinga. "Basta wag na Friday para marami pang time humanap ng babae. Bitin e." Si Erick na nakatulala. "Naguusap kayo ng ganyan sa harap ng simbahan. Ang galing niyo rin." Saad ko habang umiinom ng tubig sa tumbler ko. "Masusunog na 'yang mga 'yan." Saad ni Nica na nakikiinom sa tubigan ko. "Ang kalbaryo pagkatapos ng maligayang gabi." Natatawang pagupo ni Ralph. "Sige na. Punta na ko sa LeRepos." It's five thirty in the after noon when I came inside the Lerepos. Punuan na agad ito. I guess this is the saturday routine of cafe. Sa ilang buwan ko ring pamamalagi dito ay laging ganito kaya lagi akong maaga. I put earphones on and turned the music on with my old songs. Very far from the genre of my t****k covers. Luminga ako sa paligid at wala iyong Damon. Now that I realized, nasanay na pala akong laging nakatingin ito at ang paborito nitong pwesto ay may ibang nakaupo. Balik sa dating gawain ay nagsketch akk ng ideya kong disenyo para sa peoject. It looks to stiff, I scratched it. Now this looks too formal for a hotel, I torn it. Hmmm, this looks good but not unique as it should, but I'll keep this. A hand clunching its fist on the table as if knocking on it. I removed my earphones and looked up. Damon Delborja. He's here! Naalala ko ang reply niya roon sa comment ng isang basket ball player. "Can I share a seat with you? There are no other available seats anywhere." I look around and saw some people staring at us. Of course, sikat na dating basket player nga pala ito ng La salle. "Maghanap ka sa iba." Medyo galit ang pag sabi ko noon. "But I don't have anyone I know from the people here aside from you." Pagdadahilan niya. "Hindi rin naman kita kilala." "Please?" He raised his eye brows, pleading. I raised an eye brow too, nagtataray. "I'll buy you blueberry cream cheese if you let me sit here." He bargained, "I promise, I won't disturb you." Hindi ko na napakinggan ang mga sinasabi niya at nagfocus na agad ang utak ko sa blueberry cream cheese. I took my scratch papers and put it inside my bag. Itinabi ko din sa aking side ang ibang gamit na nakakalat at inilapit ko ang empanada at grapes shake sa tabi ng laptop. "Thank you." I look up again. Nagkatinginan kami. Nang hindi siya bumitiw sa tinginan ay pinagsalubong ko ang kilay ko at ako na ang umiwas ng tingin. "What do you like for dinner?" He smiled. Why is he talking to me? "Aside from blueberry cream cheese, of course." Tinignan ko siya at inignora na pagkatapos. I put my earphones on. His strong arms extended to pull the earphones off. I inhaled exagerately and bit my lip to stop my anger. "I want to order food for you, too. Since you let me seat with you," aniya sa isang malalim na tinig, "The waiter said, you didn't let anyone seat with you when they asked so..." "So you think you're special?" "So I think we can be close." He smiled again. Playboy smile. Paiihiin ka sa kilig. Sawa na ko sa ganiyan. Nabiktima na ako niyan. "Do you like pasta? Or sizzlings?" He said while looking at the menu from here, "Maybe I can just order anything I find tasty, huh." "What are you doing?" "Treating you dinner?" "Aren't you suppose to mind your own business since I let you seat with me?" "You can continue your work while I order for us." He looked at me straight with a serious face now until he stood up to order. To: Rose Andito si gwapong guy. Umupo sa same table sakin kasi wala na ibang table Ililibre daw ako ng food tih Mamsh is this love??? Magreply ka yawa! Nang hindi ito agad nagreply ay nagfeeling busy na ulit ako kahit pinagmamasdan ko ang lalaki sa gilid ng mga mata ko habang siya ay nasa counter nago order. Nang makaupo ito sa harapan ko ay nagfocus ulit ako kunwari. "I find you interesting." "Why?" "They say a lot of bad things about you but you have lots of friends. That says the otherwise you know." I raised my eyebrow at him. "So are you here to conduct a research about me?" "Masama daw ang ugali mo but I saw how you treat others, even the people you don't know personally." Inignora ang sarcasm na tanong ko. "Chismoso ka po, kuya?" Tanong ko. If I estimated it right, ang malapit ang edad sa akin na Delborja ay iyong two years ang agwat sa akin, which is the Delborja I am close with. Ay wait. Are they sibs or couz? At ito... hindi ko alam. Seven? Five? Three? Imposible ang three years ha. "Kuya, huh." Madilim na itong nakatitig sa akin habang ang ngisi ay nandoon pa rin. "Five? Seven years? Ba ang agwat mo sa'kin? I'm not sure po." "You now know then." He stated, "But, it's only four years. And no, I'm no chismoso." "Okay po." Aalis na ito pag nainis. Sana hindi... charot landi talaga. His vained arms are resting on the table while he leaned back and pushed his lower body near the table, spreading his legs wide. I can see it. The table is a freaking glass. Pasimple akong pumikit ng mariin at winaksi ang nakitang bukol sa pantalon nito at tumingin sa mata ng binata nang magsalita ito. "What are you doing?" He asked trying to be interested with my business. Akala ko ang tinutukoy niya ay ang pag check ko ng kaniyang katawan. Him looking at my laptop looks like he is curious of what I'm doing. Although I was sketching my design earlier, I switched it to a math problem. Let's see what he can do. "Trying to solve a math problem I cannot understand." I said sounding defeat. Mabilis siyang tumayo at tumabi sa akin sa bakanteng upuan sa tabi. Nanginginig akong umusog at halos tumayo at lumipat din sa malayong upuan. Bat ang bilis?! "Let me see?" He leaned nearer to me and to the screen. Bahagya akong umusod, parang napapaso madikit lang kaunting bahagi ng katawan sa akin. "W-what was your course a-again?" "Business Administration. I also took hospitality management." I raise an eyebrow, "Now taking law in UP." Bakit ang dami? Five years lang naman ang agwat ah? Oh, wow. f**k the two years for senior high school. Hindi siguro siya inabot noon. "Ah. This is engineering math. Malayo sa kinuha mo—" He took my pen and start scribbling on my sketchbook. "Try me." He winked at me. Huli ko na nang mamalayan ang ayos namin kung hindi pa dumating ang nakangising waiter. My left hand resting on the table and the right hand on my thigh leaning on to the sketchbook trying to listen and look at the procedure. While his left hand is resting behind me, on the back rest of my chair, and the right hand is scribbling on my paper. Head near me, and our cheeks are almost touching. Agad akong nailang at lumayo nang bahagya. Umupo ako nang maayos at tiniklop ang laptop para sa pagkain. Sumandal muna ako sa upuan upang pagbigyan ng espasyo ang waiter sa paglalagay ng pagkain. Nakaramdam na ng kaunting sakit ang leeg ko kaya't tumingala ako saka ko naramdaman ang mainit na balat na tumama sa batok ko. Sinundan ko iyon ng tingin at napatingin sa lalaking nakatingin din sa akin. "How's my math skills?" "G-good." I stuttered after my loud heart beats. I am woman. I am confident and proud. But my voice is betraying me damn it! "Enjoy your food, ma'am and sir." Ngiti ng waiter bago umalis. "You ordered a lot." I stated. "I don't know which one you like, you didn't told me." "You bought all the foods I ordered from the past months..." napakurap ako at napatigil sa pag galaw. I felt the heat from his arms on my nape, the reason I sat straight. I looked at it. "Stalker ka?" "I'm not!" Giit niya agad naka-kunot na ang noo. "Ba't mo alam?" "I saw you every other day!" "You can see me, fine. But observe what I always order, that's on another level!" "Napansin ko lang. Let's eat." He looked away and start preparing my food. "My friend saw you replying on my IG post." Naningkit ang mata kong nakatutok sa kaniya. "Dave is a friend. I replied to his comment." "He is talking about me you know. He has a crush on me." "Don't trust that guy. He always have a crush on everyone." "And you don't? You are a player yourself. Huwag din ba kita pagkatiwalaan?" Tinaasan ko siya ng kilay. He put down the fork and look at me. "I don't two time girls and I don't give commitments." "Will that suppose to make you feel less of a playboy?" Nagkatitigan kami. I crossed my arms on top of my chest. "No, but just so you know, we're different." He said seriously. Nagpatuloy siya sa pag aayos ng aming pagkain. "I don't like guys like you. Matanda na pero walang pinagkatandaan. Off age na, but still, naglalaro pa rin." Umiling ako habang iniipon ang kanin sa kutsara. "Boys like you takes time to put up in a serious relationship. Ends up hurting lots of women." Umiling ulit ako, "Definitely not my type." "I don't hook up with girls expecting for commitments." Maliit na boses na sabi nito. Hindi siya nakikipaglandian sa virgin, period. "And if they do, you'll leave them. Am I right?" He looked at me seriously, not wanting to answer. "Reason why I don't want to fall in love. Baka sa kagaya mo pa? Sayang pagpapa-aral ng magulang ko kung magpapakatanga lang ako sa mga kagaya mo, right?" "Most of men usually go to this phase of their lives. Some are just stupid enough to cheat, disrespect and hurt women. Those are the ones you should never fall in love with." Seryosong sagot nito, buong atensyon ay nasa akin. "Fell inlove with a changed man. A man ready for commitment and life time relationship. A loyal and trustworthy. Who truly and deeply loves you more than you do. And a man who respects you and your decisions." "Yeah, you have a point right there. But that won't change a thing sa perception ko about men like you. Still, not. My. Type." Sagot ko ng diretso sa kaniyang mga mata at nagpatuloy na sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD