CHAPTER 4

634 Words
"PLEASE welcome—our dearest governor, Gov. Enrico Deogracia..!" Kanya-kanyang palakpakan ang mga tao matapos ianunsyo ng emcee ang huling judges at yun ay walang iba kundi si Enrico. Pagkapasok palang nito sa school ay agad na siyang dinumog ng mga tao na halos karamihan ay mga babaeng teenager na gustong magpa picture at makipag kamay sa kanya. Mabuti nalang at may mga bodyguards siya na nakapalibot sa kanya kaya kahit papaano ay maayos itong nakarating sa reserved seat niya. "Tsk. Mga babaeng kulang na lang ay maghubad sa harapan ng asawa ko para lang mapansin." Ang rinig kong usal ni Beatrice na halatang inis. May school pageant ngayon na ginaganap at isa si Enrico sa mga naimbitahan na mag judge dito sa wellington high. Ayoko sanang sumama dito pero masyadong mapilit itong si Beatrice. Gusto daw niyang bantayan ang asawa niya kaya siya nandito ngayon pero hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong isama. "Para na rin ma enjoy ka at kahit papaano ay makalabas-labas ka naman, hindi yung maghapon kalang na nakakulong dito sa condo mo." Yan ang sinabi niya sa akin kanina. Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin na sa may harapan ng stage dahil ilang minuto nalang daw at magsisimula na- pero bago yun ay nahagip pa ng mga mata ko si Enrico na ngayon ay diretsong nakatingin sa akin. Sa klasi ng mga tingin na ipinupukol niya sa akin ay para bang sinasabi niya na.. 'im watching you.' Lihim nalang akong napalunok at nag-iwas ng tingin. "Selena? Ikaw na ba 'yan?" Biglang may lumapit sa akin na isang lalaki kaya agad akong napatingin rito. Pinasadahan ko ito ng tingin and he's somewhat familiar to me. Matangkad at moreno. "It's me, Jordan. Naging kaklase mo 'ko ng hayskul." Ang medyo nahihiyang sabi nito at napakamot pa sa kanyang ulo. Right. I remember him. Nanligaw siya sa akin dati pero binasted ko sa kadahilanang ayaw ko pang pumasok sa isang relasyon at pukos muna ako sa pag-aaral ko. Pero kahit pa ganoon, na binasted ko siya ay naging mabait parin ang pakikitungo niya sa akin at minsan pa nga ay nagtutulungan kaming dalawa sa mga proj at assignments namin. "Kumusta ka na? Sorry hindi agad kita namukhaan." Nakangiting usal ko at nakipag kamay sa kanya. "Who is he, Ena?" Biglang singit ng kapatid ko kaya sabay kaming napatingin ni Jordan sa kanya. "Ah, siya si Jordan. Kaklase ko nung hayskul. Jordan, ito naman ang kapatid ko, si Beatrice." Agad namang nagkamayan ang dalawa at pagtapos nun ay muling tumingin sa akin si Jordan. "Ahm.. p'wede ba kitang yakapin? If that's okay? Na-missed lang kasi talaga kita.." nahihiyang aniya. Yakap lang at wala din naman sigurong masama- or so I thought. Bago pa man ako makasagot, ay mabilis na akong nayakap ni Jordan and for some reason, ay kaagad akong napatingin sa gawi ni Enrico. Ramdam ko ang matatalim na tingin nito sa aking gawi at hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pag igting ng kanyang panga, halatang nagpupuyos ito sa galit. Kinabahan ako at tila wala sa sariling naitulak ko si Jordan na halatang nagulat pero kalaunan ay apologetic na ngumite. "Sorry, Selena.. na carried away lang ako." Hindi ko siya magawang sagutin at nag iwas lang ako ng tingin. Ilang segundo lang ay biglang nag vibrate ang cell phone ko na nasa loob ng aking bulsa. I opened it at tumambad sa akin ang isang mensahe na galing kay Enrico. My body starts trembling upon reading his text message. “He touched you and I swear, I'm going to kill that idiot. And you, get ready for my punishment later.” Mariin akong napapikit kasabay ng pagtulo ng aking luha. Impyerno na naman ang dadanasin ko sa mga kamay niya. "Hey, sis? Ayos ka lang ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD