Selena:
Naabutan ko si Beatrice na umiiyak habang hawak ang isang bote ng alak. Makailang beses niya iyung tinungga at pagkuwan ay ibinato sa pader ang wala ng lamang bote. Napapikit na lamang ako at hindi na napigilan pa ang isa-isang pagpatak ng aking mga luha.
"Putang-ina! Ano ba'ng kulang sa akin, huh?! Binigay ko naman lahat, a! Naging mabuting asawa naman ako!" Puno ng sakit na sigaw nito at mariing napasabunot sa sarili niyang buhok.
Pagkatapos niya akong tawagan kanina at sabihin sa akin na kilala niya na ang kabit ni Enrico- ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad akong bumiyahe papunta rito sa bahay nila. Takot at kinakabahan man ay pinili kong maging matatag at harapin ang malaking kasalanang nagawa ko sa kanya.
"Bea.." umiiyak na nilapitan ko siya at mahigpit na niyakap. Duon ay mas lalo akong napaiyak habang paulit-ulit na binabanggit ang salitang 'sorry'.
Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko but I'm still hoping na pakikinggan niya ang explanation ko, kung bakit umabot sa ganito lahat.
"P-paano mo nagawa sa 'kin to, ha, Ena? P-paano mo nagawang maglihim sa akin?!" Her voice broke. I could really see that she is in pain and it's all my fault. Naduwag ako. Masyado akong nagpadala sa mga pagbabanta ni Enrico na ngayon ay umabot pa sa puntong dinadala ko na ang kanyang anak.
"S-sorry, Bea.. please patawarin mo 'ko.."
Nakaluhod na ako ngayon sa harapan niya habang patuloy naman sa pag-agos ang aking mga luha. Naninikip na ang dibib ko pero hindi ko na ininda pa yun.
"M-matagal mo ng alam, 'di ba? Na si Leslie ang kabit ni Enrico? Yung mismong kaibigan mo pa!"
Sagad sa sinabi niya yun ay napatanga ako. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig.
S-si Leslie ang inakala niyang kabit ni Enrico?
"Bea.." I was speechless. So hindi pala ako ang tinutukoy niya kanina sa call? She still didn't know na ako ang kabit ng asawa niya?
"I hired a private investigator na pupwedeng mag-manman sa bawat kilos ni Enrico and you already knew what I've found out." Mariing aniya at ibinato sa harap ko ang isang brown envelope na kinuha niya sa may ibabaw ng centre table. Nagkalat sa sahig ang mga larawan ni Enrico kasama ang isang babae... It was Leslie, my best friend.
May ilang kuha duon na kung saan kumakain silang dalawa sa isang restawran. Mayroon ring kuha kung saan magkasabay silang pumasok sa isang hotel. May ilang pictures pa na makikitang magkahawak kamay silang dalawa.
So hindi lang pala ako ang other woman niya?
Halos hindi parin ako makapaniwala sa natuklasan ko. I couldn't find the right words to say.
"Imposibleng hindi mo alam ang ginagawa ng sarili mong kaibigan, Ena. Alam mo na siya ang babae ni Enrico pero hindi ka man lang nag-abala na sabihin at ipa-alam sa akin? Para ano, para pagmukhain akong tanga?" Pinaghalong galit at hinanakit na saad ni Beatrice.
"Beatrice.." lalapitan ko na sana siya ngunit agad niyang itinaas ang kanyang kamay, motioning me to stop.
"U-umalis ka na dahil kita kailangan dito."
Nasaktan ako sa sinabi niyang yun pero inintindi ko nalang. Alam kong galit lang siya kaya niya nasabi yan but I promise, babalik ulit ako para ayusin ang ano mang gusot sa pagitan namin.
Malungkot ko siyang nginitian at akma na sanang tatalikod nang muli itong magsalita na siyang ikinatigil ko.
"And oh, don't forget to warn your bff na maghanda-handa na siya dahil dobleng sakit ang ibabalik ko sa kanya for I'm going to make her life a living hell."
(....)
PAUWI na ako ngayon sa condo ko. Hanggang ngayon ay paulit-ulit parin na nagre-replay sa utak ko ang mga salitang binitawan kanina ni Beatrice. Hindi ko alam kung seryoso ba siya dun sa mga huling sinabi niya o nadala lamang siya ng galit? Nonetheless, may kasalanan parin ako sa kanya at hindi mawawala yun.
Pagkapasok ko sa loob ng aking condo ay kaagad akong dumiretso sa kama at sa hindi inaasahan ay nabungaran ko ruon si Enrico. Nakaupo habang diretsong nakatingin sa akin. Blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Where have you been?" He said using his deep, baritone voice. He's really intimidating.
Akma ko na sanang ibubuka ang bibig ko para sumagot- nang bigla kong maalala ang mga larawang nakita ko kanina. Hindi lang pala ako ang kinabit niya dahil pati kaibigan ko ay pinatulan niya rin. Now I'm wondering, ilan ba kaming mga kabit niya? And maybe, hindi lang ako ang binuntis niya?
"I'm asking you, Selena. Saan ka nang galing?" He coldly asked.
Mariin akong pumikit at pinag-isipan kung ioopen-up ko ba ang tungkol kay Leslie?
At sino naman ako para magtanong gayong in the first place wala naman akong karapatan?
"Naghihintay na sa'yo ang asawa mo kaya kung ako sa'yo ay umalis ka na." Walang ganang turan ko at akma na sana itong tatalikuran nang bigla niyang higitin ang braso ko.
"What the hell is your problem!"
Halos mapapitlag ako sa lakas ng boses nito pero hindi ko pinahalata. Bagkus ay buong tapang kong sinalubong ang kanyang mga matang nanlilisik.
"Tapatin mo 'ko, Enrico. Ilan ba kaming mga kabit mo?!"