Kabanata 12

3245 Words
Jealous "Eat," he commanded. I slowly picked up the spoon and fork. Tahimik kong sinimulan ang pagkain, I don't want to say anything. I just don't want to disobey him dahil ayokong nakakarinig ng kung anong insulto sa kanya. Besides, nagugutom na din ako at gusto kong kainin ang mga luto niya. Siguro naman ay sariling luto niya ang mga ito. He's not eating, he's just merely looking at me. But I know he's just here to watch me eat. Go on, bulong ng isip ko. Hindi ko siya sinulyapan pang muli buong magdamag. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin at tahimik din akong kumakain. Kung hindi siya sa akin nakatingin ay sa cellphone naman niyang hawak niya. Hindi ako naiilang ngunit sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sa akin ito, at hindi ko alam kung paano siya humingi ng permiso para kumain dito. Nang matapos na akong kumain ay kinailangan kong magsalita. "I'm done. Thank you for the foods." I formally stated. I stood up. Ngunit hindi pa ako nakakatayo ng maayos ay nagsalita siya. "Sit. Kakakain mo lang." I immediately sat down again kahit kasasabi lang niya iyon. Sabi ko nga, I just want to obey him. "So, have you decided?" He asked after a minute. Kumunot ang noo ko pero agad ko rin narealize kung ano ang sinasabi niya. Ang pagreresign ko. Nagsimulang uminit ang ulo ko. "Pinakain mo lang ako para tanungin 'yan?" I asked coldly. Hindi ako makapaniwala na ang kinain ko pala ay suhol niya para magresign ako sa trabaho ko dito. Nakita ko ang pag igting ng panga niya ngunit agad din siyang ngumiti, and his smile was very insulting. "Pagmamagandang loob ang tawag diyan." Nagkibit balikat siya. "But if that's what you think, ikaw ang bahala." Lalo lang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Gustong gusto talaga niyang magresign ako. Naninikip na naman ang dibdib ko dahil sa naiisip ko. Mabuti nalang at hindi na ako nanginginig katulad ng dati. Siguro ay dahil nag uusap na din kami kahit hindi matagal pero malaking tulong yata iyon sa akin. Ngumiti ako ng mapakla. "You're really doing your best to get rid of me. Why?" I looked at him straight although I was scared. Nakita kong umiwas siya ng tingin. Tumigas din ang panga niya na parang pinipigilang magalit. Come on Travis, look at me! "This is for your own good, Miss Montero." Pormal niyang sabi. Nasaktan na naman ako sa pagiging pormal niya, hindi pa ako sanay. Sanay ako sa dating siya.. ang pekeng siya. He used to call me May, baby, my sweetheart, my princess. Pinilig ko ang ulo ko. It's not the right time to think back those memories. It's useless. "My own good? Why? When did you start caring for me?" Puno ng hinanakit na tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang nagbibigay tapang sa akin ngayon. Nakita ko na naman ang pag igting ng panga niya. "You don't have to be here, mas maganda ang opportunities mo sa Paris!" He hissed. "How did you even know that I worked there?" Humalakhak siya. "I heard it from the employees, of course." Nag iwas siya ng tingin. Napahiya na naman ako sa sinabi niya. I swallowed hard. I closed my eyes. "I don't want to resign. I can't find any other job and I don't even understand why do you want me to quit my job? Paanong ikakabuti ko iyon?" Hindi ako makapaniwalang naniniwala akong para sa ikakabuti ko iyon. Saang banda? Nakita kong umiling siya na parang sumusuko siya sa pangungumbinsi sa akin. "Miss Montero, I promise to give you better job if you quit your job here." He stood up. "That's all." Aniya ay nagsimula ng maglakad palabas ng conference room na ito. Sinundan ko siya ng tingin. Hanggang sa makalabas na siya ay nakatingin parin ako sa pinto. I don't know why he's doing this. He promised me a job. Pero paano kapag nagresign ako ay wala pala? Paano kapag gusto lang niyang sirain ang buhay ko? No, I will not resign. Why am I even considering his idea anyway? Hanggang sa umuwi ako sa condo ay naiisip ko ang naging pag uusap namin ni Travis. Ngumiti ako ng mapakla, akala ko magsosorry siya kanina dahil sa mga sinabi niya kagabi, iyon pala ay para kumbinsihin ako. Bakit ba kasi ako umasa? Malaki ba akong sagabal sa kanya? Sa kompanya? O ayaw na ayaw niya talaga akong makita araw araw sa opisina? Napakaraming tanong sa isip ko. Kinabukasan ay maaga parin kami ni Charlotte. Hindi namin alam kung papasok ba si Sir Zac o hindi pa kaya mas inagahan namin ang pagpasok. Nag aayos ako sa harap ng monitor ko nang ipatawag kami ni Charlotte ng Ceo. I was right, pumasok nga si Sir Zac. We immediately went to his office, he was seriously standing infront of his table. Nakatitig lang doon sa lamesa niya. "Good morning, Sir." It was Charlotte. "Good morning po." Mahinang bati ko din. "Please take a sit." He said formally and I'm not used to it dahil ibang iba siya kahapon. "I'm sorry but I have to say this." Sabi niya, at bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Bakit ganoon siya magsalita ngayon? Sinulyapan ko si Charlotte sa tabi ko ngunit wala siyang naging reaction kaya ibinalik ko ang tingin kay Sir Zac. "Miss Montero, gusto ni Tito Leo na bumalik daw kayo sa Paris, kasama si Charlotte. Mas kailangan daw kayo doon." Napayuko si Sir Zac pagkatapos niyang sabihin iyon. Nagkatinginan kami ni Charlotte, alam kong kagaya ko ay nagulat din siya. "How could that be, mas kulang po tayo dito, Sir." Tanong ni Charlotte nang makabawi na siya. Nakita kong sobrang nababagabag ang itsura ni Sir Zac. "I know. I really want you both here, but the owner is asking for your help. Maybe dahil alam nilang magaling kayo." paliwanag ni Sir Zac ngunit hindi parin ako kumbinsido. "Sir, iyon po ba talaga ang dahilan?" Charlotte didn't hesitate to ask. Nakita kong umiwas ng tingin si Sir Zac. Kakakilala lang namin ngunit sa tingin ko ay nagsisinungaling siya dahil sa ikinikilos niya ngayon. "I am sorry for the both of you. Kung ako lang ang masusunod, hinding hindi kayo aalis dito." Sabi niya. I sensed his sincerity. I don't know what to think. If they really need us there, bakit walang sinasabi si Chad sa tuwing nagchachat siya sa akin? "Kaano ano niyo po si Travis De Guia?" Wala sa sariling tanong ko. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong tanungin kung ano ang nasa usip ko. Alam kong may kinalaman dito si Travis, hindi ako tanga. I waited for his answer, kapag nakumpirma kong close friends sila o kaya naman ay magpinsan, alam kong si Travis ang dahilan nito. "He's one of our photographer here, right? Nothing more." Ngunti hindi ako kumbinsido. Alam kong may mali. "Ang bilis naman ng pangyayari." Malungkot na sabi ni Charlotte. We're here inside a restaurant. Katatapos lang naming magdinner at hanggang ngayon ay gulat parin kami sa mg nangyari. "Oo nga. Wala pa nga akong ilang buwan dito ay aalis na tayo agad." Hindi ko ito naisip kailanman. Should I say bye to Toronto? "They're not reasonable. I don't understand." Sabi na naman niya at umiling. Kagaya ko ay nagtataka din pala siya. Ngunit muli akong natigilan nang maisip ko si Travis. Paano niya nagawa iyon? Did he convince the manager, the owner? But how? I don't know. Paanong pinapabalik ako sa Paris, at isasama ko pa si Charlotte? Charlotte's job here is way better!! "Bakit?" Charlotte noticed that I was bothered too. Umiling ako. Ayokong sabihin sa kanya ang nasa isip ko. Maybe Travis asked Zac to do this. I need to talk to him. I need to ask him, kahit alam kong medyo impossible. "Kung pupunta tayong Paris, anong magiging trabaho ko doon?" Kahit ako ay walang maisagot sa tanong ni Charlotte kaya tinitigan ko lang siya. Kung may kinalaman dito si Travis ay alam kong maguguilty ako para kay Charlotte. Nadadamay siya dahil sakin! Pagkauwi namin sa Condo ay naisipan kong tawagan sa skype si Chad. "How are you? It's been weeks already." Iyon ang salubong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. "Yes. It's been weeks pero pinapabalik na kami diyan sa Paris. May alam ka ba tungkol dito, Chad?" "Ha? What are you saying?" Hindi nga niya alam. Napapikit ako at nagsimulang mag kwento. Sinimulan ko sa muling pagkikita namin ni Travis. I trust Chad so much kaya kinukwento ko sa kanya lahat. And yes, I told him everything. At tama ako dahil wala nga siyang alam sa mga nangyayari. "Sa tingin mo paano nagawa ni Travis na kumbinsihin si Tito Leo? Tsaka magkakilala kaya sila? I have to ask Tito Leo." Sabi ni Chad. "No no. Don't do that, Chad. I'll wait for your Uncle to email me or call me." Pinatay ko na agad ang tawag. Nakapagdesisyon na ako. I need to see Travis, I have to ask him why. Hindi pwedeng mawalan si Charlotte ng trabaho dito, mas maganda ang trabaho niya dito! Agad akong lumabas my condo ko at huminga ng malalim. Pupuntahan ko siya, I know Travis is just here in this building! Magkatabi lang ang unit namin at malakas ang kutob kong nasa loob siya ng condo niya. Nang makarating ako sa labas ng pinto niya ay huminga muna ako ng malalim. But I didn't think twice, I pressed the doorbell beside his door. I was hoping for a stronger Myla this time. I pressed the doorbell for several times, and then finally, a girl opened the door, not Travis. Napaatras ako sa nakita ko, tumitig ako sa taong nasa harapan ko. At first akala ko ay nagkamali ako ng pinuntahan but then kumurap ako nang mamukhaan ko kung sino ang nasa harapan ko. Siya iyong babaeng kasama ni Travis noon sa bar. Siya iyong sinabi ni Travis na magiging asawa daw niya, siya iyong fiancee ni Travis? O baka asawa na niya? "Yes?" Sabi ng babae. Nakataas ang kilay niya sa akin and I don't know why I got tongue-tied. I did not expect to see a girl in Travis' condo unit. I cleared my throat. "I want to talk to Travis." Iyon naman ang pakay ko, eh. She smirked. "Why? What do you want from my fiancè?" Parang sinaksak na naman ang puso ko ng ilang libong karayum. Fiancè? Ibig sabihin ay hindi pa sila mag asawa? "I just want to talk to him. I'm his.. officemate." I introduced myself dahil alam kong hindi niya ako kilala. Sino nga ba ang makakakilala sa akin? I was just her fiancè's playmate. "Oh, sorry to say but we're busy right now. Wala siyang oras sayo.." Hindi pa ako nakakapagsalita nang bigla niyang isara ang pinto. Muntik nang tumama ang pinto sa mukha ko kaya napapikit ako. Uminit ang ulo ko ngunit nangibabaw ang sakit sa dibdib ko. Hindi na yata ako magtatagumpay. I avoided the pain but it keeps following me everywere. Wala na bang katapusan? I feel so frustrated. Hindi dahil sa ginawa ng babae kundi dahil sa sinabi niya. Fiancee talaga siya ni Travis? I still can't believe it. Bumalik ako sa loob ng condo ko and I grabbed my wallet and keys. I need to be alone tonight, I can't handle frustrations. I think it's better this way rather than sleeping. I decided to go to the Club, the same place where Charlotte brought me before. Alam kong mali na hindi ko sinabi kay Charlotte ang pupuntahan ko pero mas ayokong gambalahin siya. Baka mapilitan pa siyang samahan ako. I have the Company's car with me, anyways. I won't get drunk so I can drive. Gusto ko lang talagang mapag isa. I sat on the bar area and I ordered drinks. I ordered Margarita for a change. Habang umiinom ako ay naisip ko ang mga nangyayari. May posibilidad na mawalan ako ng trabaho. My Parents asked me to stop working but I just can't, hindi dahil sa pera ngunit dahil ito ang gusto kong gawin. I took photograph  because I want to capture angles, I want to shoot beautiful places. Pero parang mawawala na iyon. Magtatrabaho na ba ako sa wine company ni Dad? Ilang minuto akong nanatili sa Club at nararamdaman ko na din ang pagiging tipsy ko. Minsan ay maingay ang music, may pagkakataon namang sweet music lang. Naisip ko tuloy. What if I'll just go back to the Philippines? Ipinilig ko na naman ang ulo ko. No. I need to work. Naiisip ko lang na tumigil na dahil sa pagod ko but I really want to work. Wala sa sariling tumingin ako sa dance floor. A lot of guys and girls were dancing. They were happy and free. They are very lucky. I sighed. Oo at malaya din ak, pero bakit hindi ko magawang maging masaya? Ano pa bang kulang? Naisip ko na naman ang babae ni Travis. Tumango ako. So they're really engaged? If that's so, maybe that's the reason why he wants me to go back to Paris. Because his fiancee's here. Maraming pumapasok sa isip ko at naguguluhan ako! Nasasaktan ako. Gusto ko munang makalimutan kahit ilang oras lang. I didn't plan on drinking too much pero habang tumatagal ako ay parang gusto ko pa. Nang pakiramdam ko ay marami na akong nainum, naisipan kong sumayaw. I think I need to do this. Gusto ko ding malaya kagaya ng mga nagsasayaw.  I want to be happy and free, not just free but happy. And the best thing to be happy is to free yourself from toxic people. I stood up and wore my mini sling bag. I could not walk straight but I atleast I reached the dance floor. Alam kong medyo lasing na ako dahil nagsimula nang gumalaw ang mga bagay bagay dito sa loob ng Club. Well, I don't care anymore. Sabi ko nga, gusto kong maging malaya. I moved my body like what the other girls were doing. Sa bawat pag indak ko ay lumalapit ang mga gwapong nilalang na nasa paligid ko. Bakit ba ang gwapo ng mga tao dito? Bakit sa Pilipinas ay hindi ganito ka gwapo ang mga tao. I don't mean anything but the guys here are literally hot. O lasing lang talaga ako? Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko. Tuloy tuloy parin ako sa pag indak. Hanggang sa hindi ko namalayan na tumigil ang mga tao sa pagsasayaw at halos lahat sila ay nakatingin sa stage. Nagiging maingay din sila na para bang nagagalit sila. Anong meron sa stage? Anong nangyayari? Tumingin din ako sa stage. The Djs' were talking. And then I saw someone very familiar, very familiar person sa harap nila. Si Travis. What the hell was he doing at the stage? Bakit siya nasa stage? Travis was talking to the Djs. Wtf?! Damn, masyadong mainit para isipin siya ngayon. Siguro ay imahinasyon ko na naman ito? Kahit kailan talaga ay nakikita ko siya. Huminga nalang ako ng malalim, uuwi nalang ako. Doon nalang ako sa Condo, doon nalang ako sasayaw. I walked out from the dance floor. I went to the bar area and whispered Thank you to the bartender. He's very cute by the way. Lumabas na din ako dahil hilong hilo na ako. It was freaking suffocating inside! Nakakasuka. Paglabas ko ay nakita ko ang guard na nakatingin sa akin. The guard even talked to me. "Est ce que ça va?" Kumunot ang noo ko. Maybe he was talking in french, I can't understand. I need Charlotte beside me! Mas alam niyang magsalita ng french. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko siya naintindihan. Kahit pa noong buksan ko ang kotse ko ay nakatingin parin siya sa akin. May problema ba siya? Kinumpas ko ang kamay ko. "I'm okay." I said. Sinenyasan ko siya na umalis na pero nakangiti pa'rin ako ng malawak. "Elle va bien. Elle est ma petite amie." may biglang nagsalita sa likod ng gwapong guard. Nagulat ako dahil nakita ko si Travis doon. Damn, paano niya nalamang nandito ako? Umalis na nga ako sa loob para hindi ko siya makita. So ibig sabihin hindi siya imahenasyon lang? Tsaka ano iyong sinabi niya sa guard? Tumingin siya sa guard at nag usap sila ng hindi ko parin maintindihan. I was about to enter my car but he grabbed my arm. I groaned! Bakit ba lagi siyang nakasunod sa akin? I closed my eyes because I feel dizzy again, naramdaman ko din ang mabilis na t***k ng puso ko. Napaka unfair na puso ito. Dinurog durog na nga, hindi pa nagtanda. "Move. I'll drive." aniya. Dumilat ako. "Ano?" I asked kahit narinig ko naman. Gusto ko siyang asarin ng bongga dahil naiinis ako. "I said, move. Ako ang magdadrive." ulit niya. Napahalakhak ako ng hindi ko alam ang dahilan. s**t, lasing na nga ako. Nakakabaliw. "What's funny? Ako ang magdadrive." I sensed anger in his voice. Tumahimik ako bigla sa pagtawa, sa tingin ko ay galit nga siya. Lumipat ako sa passenger's side, binuksan ang pinto at pumasok. Sumakay na din siya, he fixed his seatbelt. He also fixed my seat belt. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko pero uniwas ako dahil sa iniisip ko. And yes, I almost forgot, he will marry the girl that I met a while ago. Or is he married already? Wala sa sariling sinulyapan ko ang kamay niya, there's no ring in his finger. Hindi pa siguro sila kasal. He stared at me before starting the engine. "What do you think you're doing?" I heard him talk. Putcha naman, huwag muna akong kausapin! Nahihilo ako. I didn't talk, I was still mad kaya lang ay natatawa ako ng hindi ko alam ang dahilan. Hindi mawala wala sa isip ko na baka kinausap niya na ilipat ako ulit sa Paris. Inisip ko din ang nakita kong babae sa Condo niya kanina. Bakit ba siya nandito? "I am talking to you, May." I faced him. "Stop calling me that name." seryosong sabi ko. Iniinis talaga niya ako! Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Ilang minutong natahimik, mabuti nalang at hindi na naman siya nagsalita pa. Naramdaman ko na pinagpapawisan ako. Damn, nararamdaman ko na talaga ang epekto ng alak. Tatanggalin ko na sana ang suot kong Cardigan nang biglang abutin ni Travis ang aircon at pindutin iyon. Nakaramdam ako ng lamig. Well, thanks for the aircon. Sumandal na ako headboard ng upuan, hangga't pwede ay iniiwasan ko na ang mga tingin ni Travis. "You went to my unit a while ago." I was wrong, dahil hindi pa pala siya tapos sa kakadakdak. I didn't answer his question. "Will you please talk to me?" Aba! Sino bang nagsabing ipagdrive ako, tapos kung hindi kakausapin, magagalit? Naramdaman ko ang paghina ng takbo ng kotse. He stopped the car so I faced him. You want to talk to me, fine! I unbuckled my seatbelt and looked at him. At nagulat ako sa sarili ko dahil walang naging reaksyon ang katawan ko, kaya ko naman pala siyang harapin ng ganito. "What do you want us to talk about?" He looked at me too. "Bakit ka umiinom mag isa? You should've called your friend, she's just one step away! Tsaka bakit ka nga ba umiinom? Are you celebrating? For what?!" Tuloy tuloy niyang tanong, he looked so mad. Parang gusto ko tuloy humalakhak ng malakas. His face was freaking red, at iyon ang gusto kong tawanan. Tumawa ako pero agad ko ding pinigilan. Tinakpan ko pa ang bibig ko dahil baka mapahalakhak ako ng malakas at magalit na naman siya. "Stop laughing. I'm serious, Myla." sabi niya. Tinawag niya akong Myla kaya alam kong galit siya. Mas lalo kong tinakpan ang bibig ko sa takot na matawa ako ng malakas. Tangina naman, para na akong tanga nito. Huminga muna ako ng ilang beses bago ako humarap sa kanya nang hindi natatawa. "Nothing. I just want to be alone tonight." "Alone?" napabuga siya ng hangin. "Alone, Myla? A lot of guys were dancing with you. You were not alone!" Napakunot noo ako. Ano bang pakialam niya? Sumeryoso ang mukha ko, gusto ko siyang bulyawan. "So? Bakit mo ako pinapakialaman, Travis? What is it to you kung umiinom ako? Ano sayo kung may mga kasayawan akong mga lalaki kanina? You don't care about me! So why are you acting like this now?" "Because I'm jealous, Myla!" sigaw niya. "Yes, I am f*****g jealous, May. I don't want to see you with that assholes!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD