Kabanata 11

2778 Words
Resign Lahat ng tingin namin ay napunta kay Travis. "You just came in?" Tanong ni Travis kay Sir Zac at hindi ko alam kung guni guni ko lang pero napansin kong mukhang tensyonado si Travis. Why is he tensed? Kung kami ni Charlote ay pinapanuod lang sila, si Travis naman ay lumipat ang tingin sa akin. Agad kong iniwasan ang mga mata niya, ngunit nahalata ko ang pag aalala sa mukha niya. But why? "I don't have to be here then." bumuntong hininga si Travis at agad na lumabas. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. What did he say? Nang makaalis na si Travis ay ngumisi si Sir Zac. "Anyway, nice to meet you again, Miss Montero."  "Nice to meet you too, Sir." ngumiti ulit ako kahit medyo nalilito parin ako sa mga nangyari. Ilang oras kaming nag usap at marami rami na din kaming napag usapan tungkol sa trabaho. I showed him my presentation and he liked it. Ilang beses kong nahuli si Sir Zac na tumitig sa akin. Hindi ko alam kong namamalik-mata ako o madalas lang talaga niya akong tinititigan. Ilang oras pa ang lumipas ay lunch time na. Naglulunch na kami sa isang restaurant sa may malapit nang magsalita si Charlote. "Close pala sila ni Sir Zac, no?" Tumango lang ako at sumubo ng pagkain. That was exactly my thoughts. Nagpapasalamat ako at medyo marami raming Filipino Foods dito sa kinakainan namin ngayon, atleast ay medyo madami na akong kinakain. "Nagulat ako sa tawag ni Sir Zac kay Travis. Tingin mo, magkaano ano kaya sila?" Tanong niya at takang taka talaga ang itsura niya. "I don't have any idea at all." Nagkibit balikat lang ako. Pero iyon din talaga ang iniisip ko. "Don't worry, tatanungin ko bukas si Sir Zac." Napailing ako. "No, you don't have to do that Charlotte. Baka kung ano pa ang isipin niya." Napangiti siya. "Hindi naman siguro. Didiskartehan ko nalang." Gusto ko pang tumutol pero pinigilan ko ang sarili ko, kung sabagay ay may karapatan naman si Charlotte na tanungin si Sir Zac because Travis is also working here. Hindi iyon maghihinala. At kung tutuusin ay wala na akong pakialam kay Travis. Tinapos naman niya ang lahat sa amin kaya wala na akong dapat pang pakialaman tungkol sa kanya. "Miss Montero." Napalingon ako kay Sir Zac dahil sa biglang pagtawag niya sa akin. I am in his office and I just showed him again my presentation because he asked for it. "Sir." pormal kong sambit pero nanatili ang mumunting ngiti sa mga labi ko. He smiled, but it looks like a smirk to me. "You can call me Zac. Just get rid of the Sir. Nakakailang." Sabi niya na para bang malapit na kami sa isa't isa. Napangiwi ako. I don't know what to feel. "But, Sir.." "No buts, please." Nakangiti parin niyang angal. Natahimik ako. Ayoko pang umangal dahil mas nakakahiya. Yumuko ako at hinintay na magsalita ulit siya. I was waiting for him to dismiss me because I finished all my paper works. "You can talk to me, Myla." sabi niya sa gitna ng pananahimik ko. Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Why was he being so flirty? Ganito ba siya sa lahat ng girls dito? I mean, hindi lang dahil sa sinabi niya ngunit napansin kong madalas siyang nakikipag usap sakin at madalas pa niya ako tingnan. "What do you mean, sir?.." Napapilig pa ako ng ulo dahil sa pagkakamali ko. He said I can call him Zac. "Bakit ang tahimik mo?" He sat while watching me. Tahimik? Bakit, dapat bang mag ingay? "Hindi naman, Sir. Ngayon lang ako ganito. Pag tumatagal na, baka kayo pa ang magpapatahimik sa akin.." Nakangiti kong depensa dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sagot sa sinabi niya. "That's okay. I prefer that side of you, and I can't wait to see it." He was still smiling at me. Syempre ay tumawa din ako ng mahina, napaptunayan kong he's really flirting with me. I don't feel insulted and I don't know why but I hate it dahil ayoko sa nararamdaman ko! Ayoko dahil nagugustuhan ko ang paraan ng pakikipag usap niya sa akin. I mean.. someone can finally hear what I want to say. I hope someone will say that to me, sana iyong mas malapit sa akin. Hindi siya. "Soon, Sir." Nakita kong magsasalita pa sana siya ngunit naantala iyon dahil tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya iyon at biglang sumeryoso ang mukha. That was fast huh, nakangiti lang kanina. Kaninong tawag kaya? "Excuse me. I have to take this." He stood up, akala ko ay lalabas muna siya pero hindi pala. Lumayo lang siya sa akin ng kaunti. "Dad.." Narinig kong sambit niya. Ayoko sanang makinig pero dinig na dinig ko talaga eh. Anong magagawa ko? "He came this morning." sabi na naman ni Zac sa kausap niya. "Yes." Then, "No.. I don't think so.." Huminga siya ng malalim. "He's not that important. Don't ask for too much." Sabi niya at ibinaba na ang cellphone. Agad siyang bumalik sa dati niyang pwesto at sa tingin ko ay badtrip na siya. "You can go now, Myla. Rest for tomorrow dahil baka mawawala na naman ako for some unimportant thing that I need to do for my Dad." pag eexplain niya at napansin ko ang inis sa boses niya. "But don't worry, maybe just for a day or two. Kung sabagay, you can handle everything without me." sabi niya at nakangiti pa'rin. Tumango ako sa una niyang sinabi pero ngumiwi ako sa pangalawa. "We still need you." Sabi ko naman at tumayo. Nagpaalam na ako dahil alam kong may problema siya. Dinig na dinig ko sa naging boses niya kanina. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Charlotte. Agad siyang tumigil sa paglakad at sinenyasan ako. "Tapos na ba?" Bulong niya. Tumango ako at hinila siya paalis sa labas ng opisina ni Sir Zac. Kailangan naming umalis doon dahil baka marinig pa kami ni Sir Zac. At kailangan ko ding huminga ng maayos, for the first time ay parang ilang minuto kong pinipigilan ang paghinga ko. "We need to go home. Medyo na pressure ako." Malakas na sambit ko nang malayo na kami sa opisina ng Ceo. Nahila ko na si Charlotte pero natigil kami dahil biglang may nagsalita mula sa isang pinto ng opisina sa may kaliwa namin. "Na-pressure ka? Saan?" Napalingon kami ni Charlote at nakita naming si Travis iyon. Nakapamulsa siya at sumandal sa may pintuan. "Because you like him?" Travis asked again and he was looking straight into my eyes. Napasinghap ako sa paraan ng pananalita niya. "What?" Pabulong kong tanong. Wala akong alam sa sinasabi niya. Although inisip ko kanina na gwapo talaga si Sir Zac, nabasa ba niya ang isip ko? "What did you do inside his office?" Travis asked and I can sense anger from his voice. Nagkatinginan kami ni Charlotte. Tumitig ako kay Charlotte because I was honestly asking help from her. I don't know if I would answer Travis' question or not. Ako ba talaga ang tinatanong niya? "Mr. De Guia. What can we do for you?" Sa wakas ay nagsalita si Charlotte. "I'm not talking to you. I am talking to Miss Montero." Sabi niya at hindi niya man lang binigyan ng isang sulyap si Charlotte. He's totally being rude! Nanginig ang tuhod ko, ano bang isasagot ko? Hindi pa ba obvious na nagtatrabaho ako sa kompanyang ito? "Me?" I asked sarcastically. I am being challenged by him. "Hindi ba obvious na nandito ako para magtrabaho? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko sa loob?" I asked him back. I thanked God because I did not stutter. Magalit siya kung magalit siya, wala akong pakialam. Wala pang ilang segundo ay nakita ko na naman ang galit sa mga mata niya. "Miss Montero, don't talk to me like that.." "Then don't ask weird questions." Sabi ko at hinawakan ang braso ni Charlotte. Hinila ko si Charlote at naglakad na kami palayo kay Travis, kailangan talaga naming umalis. Tahimik akong nagpasalamat dahil hindi siya sumunod. Nang makalayo na kami ay nagsalita si Charlotte. "He is jealous, grabe iyong inggit at galit sa mga mata niya, huh." Umiling ako. "Binabadtrip niya lang ako." "I know he's jealous." Nakangiti si Charlotte. Hindi na ako kumibo, iniisip ko pa'rin ang itsura ni Travis kanina. Why the hell is he mad? Inaano ko ba siya? "Tama na ang pag iisip. Uwi nalang tayo para makapag relax na din tayo. Napakahaba ng araw natin ngayon.." Sabi na naman ni Charlotte nang marinig niya ang paghinga ko ng malalim. Pagkauwi namin ay nagshower ako at humiga na agad. Alam kong maaga pa para matulog pero gusto ko talagang humiga lang. I feel empty and tired. Ngayong nakilala ko na ang Ceo, wala na akong aalalahanin dahil mabait at pwedeng pakiusapan. Maaga nga akong humiga pero maghahating gabi na ay hindi pa ako dinadalaw ng antok. This is another symptoms of my disorder, insomnia, at nasasanay na ako. Bumangon nalang muna ako at nagbalak magbasa ng libro sa sala, I was still on the third page of the book when I heard knocks on my door. Tumayo na ako para tingnan kung sino ang kumatok. Nang malapit na ako sa pinto ay narinig ko na naman ang pagkatok. "Who is it?" Medyo pasigaw kong tanong. "Just open the door." seryosong tinig ang narinig ko. Nagtayuan yata lahat ng mga balahibo ko dahil sa boses na narinig ko. Hindi lang pamilyar kundi sobrang kilala ko kung kaninong boses iyon. What the hell is Travis doing here? Maghahating gabi na. "A-Anong kailangan mo?" Medyo naging mahina ang boses ko. Matagal bago siya sumagot. "Kailangan nating mag usap." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Anong pag uusapan namin sa ganitong oras? "It's midnight. Bukas na.." Pinilit kong pakalmahin ang boses ko. "Bakit hindi pa ngayon?" Wala na akong ibang sasabihin kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. Bahala na, alam kong hindi din siya aalis kapag hindi ako nakipag usap. I was shocked when I saw bruises in his face and.. lasing ba siya? "W-What happened to you?" Halos pabulong ko ng tanong dahil sa gulat. Yumuko siya pero agad ding binalik ang tingin sa akin. "Nothing. Don't mind me." Sabi niya at suminghap. Nakatingin lang ako sa kanya. Parang gusto kong hawakan ang mga sugat niya pero bakit ko naman iyon gagawin? Pinigilan ko ang sarili ko at hinintay ko ang susunod na sasabihin niya. "Don't talk to him." Nangunot ang noo ko. "Sino?" Wala akong clue sa mga sinasabi niya. Napapikit siya pero agad ding dumilat. "Zacary." Sino iyon? "Zacary?" "Zac." Sabi niya. Biglang luminaw sa isip ko kung sino ang tinutukoy niya. "Bakit?" I asked, syempre ay kailangan kong malaman kung bakit. "He's a playboy." Napataas bigla ang kilay ko. Ano ngayon kung playboy si Zac este Sir Zac? "So?" "Come on. You want playboys?" Tanong niya, I sensed sarcasm. He smirked. "No. I mean, wala akong pakialam kung playboy siya. It's his life. So?" Tanong ko na naman ulit. Napahawak siya sa sentido niya na para bang kanina pa sumasakit ang ulo niya. "Is that all? I'm sleepy." pag iwas kong tingin sa kanya. "Hindi." sagot niya agad. "You need to resign as soon as possible." Hindi iyon tanong kundi nakakagulat na utos. Resign? Sa trabaho? Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Resign? Why the hell would I do that? "What? You're asking me to quit my job? Are you serious?" Nagulat talaga ako sa sinabi niya. "I am serious." sabi niya at pumungay pungay pa ang mukha niya. "I am too, and I'm saying no." Matigas na sabi ko. I feel glad that I can talk to him normally now. Hindi na din ako nanginginig kagaya ng dati. "May.. don't make this f*****g hard!" he hissed. Damn, that was the endearment he used to say to me. May. Bakit ba siya nagkakaganito?! "Please go home. I have to sleep. May trabaho pa ako bukas." sabi ko at pinaramdam kong pagod talaga ako. Gusto ko ng matapos ito. "May. You have to resign, I'll recommend you a better job back to Paris. Just f*****g quit your job here." sabi niya at napakaseryoso ng mukha niya. Better job? My job here is already enough! Tsaka alam niyang galing ako sa Paris? Tinitigan ko siya ng ilang segundo. "Why?" I asked. I need to hear a rational reason! Nakita kong yumuko siya pero agad ding tumingala. "Just do it.." He really hates me, ayaw niyang makatrabaho niya ako. He hates everything about me, pati rin ang pananatili ko dito. "You hate me that much, huh?" I asked. I want to cry again. He didn't talk back, so I was right. Baka iyon nga talaga ang rason niya. Ano pa nga ba ang pwedeng dahilan? Masakit na tingin ang pinukol ko sa kanya. Kung pwede lang siyang saktan! "Sinira mo na ako. Pati ba naman trabaho ko? Hindi pa ba sapat?" Kitang kita ko ang pagtigas ng panga niya. He's really mad at me. "Just go, please." Sabi ko at sinara na ang pinto ko. I don't know but I just want to forget him, really, right now. Tama na ang sakit. Baka hindi ko na talaga kaya. I woke up early the next day kahit wala akong sapat na tulog. Like what Sir Zac told me yesterday, I need to do some paperworks while he's not around. About what Travis commanded me last night, I will never consider it, I wanted to quit my job here to avoid him but this is my dream, bakit ko isusuko? At wala siyang karapatang sirain ang pangarap ko, binago na niya ang buhay ko! I won't let him destroy my career. He broke my heart and that's enough. I hope the pain in my heart would just fade away, and my love for him as well. Ayoko ng mag isip. Dahil aminin ko man o hindi ay alam ko sa sarili ko na kahit ganoon ang ginagawa niya sa akin ay mahal na mahal ko pa'rin siya. Pero sabi ko nga, tama na. Mawawala din ang lahat ng nararamdaman ko. I just need time. "Okay ka lang ba?" Charlotte asked. She's in front of me, adjusting the hue of some images. I smiled. "Yes, I'm fine." "May clue ako tungkol kina Sir Zac at kay ex mo." "Ano?" pigil hiningang tanong ko. She came near me. "I think they're cousins, or maybe.. friends. The way they talked yesterday, it's like they've been together for so long." I nodded. I don't have any comment about it. Wala din namang mangyayari kapag malaman kong magkakilala sila. I feel so lonely again. It was all coming back to me now, ang mga ginawa ni Travis sa akin. The memories are haunting me dahil sa mga sinabi ni Travis kagabi. "Anyway, I noticed that you don't tremble that much this past few days? Ibig bang sabihin ay maayos ka na? Wala ka ng nararamadamang kakaiba?" Charlotte asked. Can she read minds? I smiled like I always do. "Okay lang ako. Sana magtuloy tuloy na para hindi na ako humanap ng psych." Buong araw kong hindi nakita si Travis. And I feel very thankful. God is listening to my prayers. Hindi ko nalang inisip kung nasaan ba siya at kung bakit palaging wala. Buhay niya iyon at wala akong pakialam doon. Mayamaya ay lumapit sa akin si Elize, isang kasamahan namin dito sa opisina. "Ma'am Montero, you're needed at the conference room." Nangunot ang noo ko. Sinong nagpapatawag sa akin doon? May meeting ba? Tumingin ako kay Charlote na lumingon din mula sa ginagawa niya sa harap ng monitor. Baka ibang officers ang nagpapatawag sa akin. Agad namang umalis si Elize kaya tinigil ko muna ang ginagawa ko at lumabas na din. Tinungo ko ang conference room. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaunting kaba sa dibdib ko. Pagbukas ko ng pinto ay naamoy ko ang kakaibang amoy. It smells like poutine? What? Mas nagulat ako ng tumingin ako sa mahabang conference room table at may mga pagkain doon. Tama naman iyong sinabi ni Elize diba? Conference room? But it's not allowed to eat here, unless the Ceo or manager asked for it. I was about to go out again when I bumped into someone. Travis. Again, I was stunned. He didn't let me talk because upon noticing me, he immediately grabbed my arm and let me sat on the swivel chair. Tahimik akong sumunod kahit na gulat na gulat ako at gustong gusto kong tumutol. I couldn't talk because I was wondering kung bakit niya ginagawa ito? Bakit pwede niyang gawin lahat ng gusto niya dito sa kumpanyang ito? I am freaking clueless about this. "I thought I would not be seeing you today because I warned you last night." Pormal niyang sabi. Napangiwi ako sa sinabi niya. Nag expect siya? Grabe. Umupo siya sa harapan ko, sa upuan ng CEO tuwing may meeting. He can seat there? He should not! "Ano na naman ito?" Tanong ko. He didn't talk, he just placed the rectangular plate infront of me. He placed different foods on it. "I just want to see you eat." Pormal na namang sabi niya. I didn't move. The more I move, the more I remember our memories when we were still together. At ayoko iyon! He was exactly like this before. Pati nga pagsubo ay ginagawa niya sa akin. I don't know but I just wanted to cry because of what he's doing right now. Pinapaalala niya ba ang mga nangyari sa'min noon? I don't know if it was real or just a part of his revenge too. Sana naman ay tama na. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD