CEO
I slowly shook my head.
"No, you did not, Charlotte.." natatawa kong sambit dahil hindi ako makapaniwalang sinabi talaga niya iyon, nakaramdam ako ng kaunting pagkainis sa kanya.
"Kailangan niyang malaman, para tumigil na siya sa mga ginagawa niya sayo. I know he's bothering you."
Napayuko ako dahil masyadong advance ang pag iisip ko, Travis will surely pity me. I am sure of that! He even cooked my favorite potato recipe! How insensitive he is!
I don't want it! I want him to cook food for me because he loves me and not because he pity me. Magkaibang magkaiba iyon!
"Pero.."
Napaisip ako. Hindi na dapat ako kumukontra, maganda naman ang intensyon niya. I stood up and smiled at her.
"Okay, fine."
Her face turned red and serious. No, she don't have to feel guilty at all.
"Pasensya ka na kung nakialam ako, ha? He asked me if how were you and I told him the truth, syempre sinabi ko ang kalagayan mo para tumigil na siya sa pang gugulo sa'yo."
I bowed down my head, sana nga ay tumigil na si Travis. Masyado nang masakit ang mga sinabi at ginawa niya sakin.
Pagkatapos naming mag-usap ni Charlotte ay umalis na siya dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho. Kailangan ko din namang pumasok but I really don't feel well. But Charlotte said it's fine because we already finished one big project, may karapatan daw akong magpahinga.
Buong araw lang akong nagkulong sa condo dahil sa hangover. I called Chad and told him what happened. At first, he didn't believe me but when I told him every detail, pinaliguan niya ako ng mura. I was glad that he's always ready to hear me. Well, I don't know who else could understand me. Siya lang.
It was almost dark when I received a call from Charlote. Sinabi niyang gigimik daw sila kasama ang mga co workers namin dahil hindi daw sila lumabas kagabi.
Charlotte wanted to invite me pero alam daw niyang may hang over pa ako. She's right, ang lakas pala ng ininum ko kagabi. I really didn't expect that. Ibang iba ang timpla sa Pilipinas.
And again, I took a nap after her call.
Nagising lang ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Hindi naman iyon masyadong malakas pero nagising parin ako, sanay na akong mag isang natutulog kaya madali akong nagigising sa mga kaunting ingay lang.
I immediately opened my eyes and got up. Yes, our building is secured but I'm still scared. Alangan namang si Charlotte, I know they went out to party!
Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko.
I loudly cursed when a man entered my room without any warning. I wanted to scream loud but when I saw him, my heart started to beat loud again.
Travis was holding two paper bags. Anong ginagawa niya dito?
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ko, hinila ko ang roba kong nakalapag sa sofa at agad kong isinuot iyon.
Nagulat din ako nang makaramdam na naman ako ng panginginig ng kamay ko. Akala ko ba ayos na ako? Maayos naman ang pakikipag usap namin kagabi, why am I being like this again?
Do I need to get drunk before talking to him?
"How did you open my door?" wala sa sariling tanong ko kahit nanginginig ang boses ko. That was the first question that crossed my mind.
"I ordered foods. We'll eat here." Binalewala niya ang tanong ko.
Napakunot ang noo ko, bakit ba niya ginagawa ito? Ito na ba iyong inaakala ko kaninang umaga? He began to pity me?
Umiling ako. "I'm fine." tumikhim ako para hindi niya mahalata ang panginginig ng boses ko. "Kaya kong magluto.."
Kung kagabi ay gusto ko siyang yakapin, ngayon ay gusto kong mawala siya sa paningin ko. I'm not comfortable because I know he can hurt me anytime. At iiwasan ko iyon habang maaga pa.
Napansin kong tumingin siya sa mga kamay ko. It's because my hands are trembling! I tried to control the trembling of my hands but I just couldn't.
I avoided his gazes.
"No, we will eat here." pinal niyang sabi at kagaya ng lagi kong naririnig, napakaseryoso ng boses niya.
He approached me so I stepped back. I don't know why I'm scared of talking to him, I thought I can handle him, mukhang hindi pa pala.
"Why are you so scared of me?" I don't know but I heard a bit of frustration in his voice.
He stood up straight in front of me.
Umiwas ako ng tingin dahil bakit ko sasagutin iyon?!
"I won't do anything to you.." halos pabulong na sabi niya at alam kong nakatingin siya sa akin.
Nagulat ako nang hawakan niya ang dalawang kamay kong nanginginig.
"Damn. Why are you trembling?" Halos pabulong na sambit niya na parang hindi naniniwala sa mga nakikita.
I tried to pull back my hand but he was holding it tight, hindi masakit pero hindi ko alam kung bakit ako tumigil sa pagpupumiglas. He has a huge effect on me, especially his touches.
Nagulat ako nang dahan dahan niyang halikan ang dalawang kamay ko. Tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko parin kayang makipagtitigan sa kanya ngunit nang tumingin ako sa mga mata niya ay parang kumalma ang pakiramdam ko.
He's looking at me too.
"You asked me last night if I missed you." halos pabulong na sabi niya. "Of course baby, I missed you so much." sabi niya at lumapit ang mukha niya sa mukha ko.
Halos hindi ako makahinga nang maramdaman ko ang labi niya sa mga labi ko. He's now kissing me! His lips started to move ngunit nang maalala ko ang sinabi ni Charlotte kaninang umaga ay tinulak ko agad siya.
No, he didn't really miss me. He pity me. That's the truth!
Alam kong nagulat siya sa ginawa ko kaya kumunot ang noo niya.
"S-Stop please. If you're doing this because of what Charlotte told you, just stop. Huwag mo na akong kaawaan.." mahina kong sabi pero kumunot ang noo niya.
"What?" he said like he was so clueless about what I just told him.
"Yes, I have a disorder but you don't have to pity me. "
Nanubig ang mga mata ko. I feel useless right now. I knew he would do this to me because of what she found out. And yes I prepared myself. Buy why do I still feel so broken?
Lumiwanag ang mukha niya na para bang naintindihan niya.
"Oh yes, I know that. Your friend told me this morning." he paused. "But that doesn't mean I pity you." detalyado niyang sabi ngunit iba ang nababasa ko sa mga mata niya. And he sounded very.. sarcastic.
"Then why are you doing this?" I asked.
I have to be sure. At kung sasabihin man niyang mahal niya ako, alam ko sa sarili kong maniniwala ako. But I doubt he would say that.
Yumuko siya ngunit agad ding bumalik ang tingin niya sa'kin.
"Because I am the reason why you got that stress disorder. And.. " He cleared his throat. "Charlotte asked me to do this to you. Aren't you happy?" nakangiwi niyang sabi na halos pumiga sa dibdib ko.
Charlotte asked him to do these things?
Mas lalo lang akong nasaktan sa sinabi niya. He is doing this because someone asked him to do so? That's stings!
My tears started to fall.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya tinuro ko ang pintuan kahit nanginginig ang kamay ko. I want him to go out right now.
"What?" painosenteng tanong ni Travis. Where are his common sense?
"J-Just go, please." sabi ko and I started sobbing. I just can't stop myself, naninikip ang dibdib ko at gusto kong humagulgol ng malakas.
Kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakita kong nakatingin pa'rin siya sakin. He was about to say something but he chose to close his mouth.
After a while, he turned his back on me, at kahit sa pagtalikod niya ay nasaktan ako. It's all coming back!
Naglakad siya palabas at nang maisara na niya ang pinto ay humagulgol ako ng malakas.
I sat on the floor because of frustration. I was right, he can hurt me anytime he wants.
The next day, I talked to Charlotte. I told her what happened.
"What? I didn't ask him to do such thing. I asked him to back off." Punong puno ng katanungan ang mukha ni Charlotte.
"But that's what he said,"
Kumunot lalo ang noo niya. "Wala siyang alam isagot kaya iyon ang sinabi niya. I didn't asked him to do that. I asked him to leave you because he's obviously stressing you." Deretsong sabi ni Charlote. Alam kong naiinis na siya.
I nodded, he never changed a bit. He obviously did that to hurt me again.
"He really said that?" hindi makapaniwalang tanong ni Charlotte. "He's really a douche bag. Dinadamay pa talaga ako sa kalukuhan niya." Charlotte's face was burning red.
"Pasensya ka na Charlotte. Nadadamay ka pa sa gulong ito." I sincerely mumbled.
"Okay lang kung tungkol sayo. Pero siya, nakakainis na, huh."
Hindi na ako ulit nagtanong tungkol kay Travis. Ayoko na munang guluhin ang utak ko at si Charlotte, masyado nang nakakahiya.
"Anyway, bukas pala ang balik ni Sir Zac. Akala ko nga ay next week pa. We have to be there. And I have to introduce you to him, hindi ka pa yata binabanggit ni Sir Leo sa kanya." sabi ni Charlotte na nagpakaba sa akin.
Paano kapag hindi ako magustuhan ng Ceo?
I nodded. "Anyway, Charlotte. How is Sir Leo related to the Ceo?" I asked.
"Sa pagkakaalam ko, Sir Zac's father and Sir Leo are really good friends. Maraming shares ang daddy ni Sir Zac sa LP kaya ginawang Ceo ang anak niya. That's what I know." sabi ni Charlote.
Kahit hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya ay tumango lang ako, hindi ko din naman kailangang malaman.
"Is he nice?" tanong ko. Kailangan kong malaman para makapag handa ako.
"Okay lang. He's nice, but I think but he's not that serious about his job. Bago pa kasi.."
Nalito man ako ay tumango ako, Isa lang naman ang hinihiling ko eh, sana nga ay magkasundo kami. "Hope he'll like me." nakangiti kong sabi.
Natahimik si Charlotte at kitang kita ko ang malagkit niyang tingin sa akin.
"What?" tanong ko.
"You're hoping? Syempre naman magugustuhan ka ni Sir Zac."
Humalakhak ako.
"It's not what you're thinking.." Hindi ko kasi naisip iyon kailanman.
I don't want to enter any relationship after what happened. Huwag nalang muna. What the hell? Why am I even thinking about it?
I woke up early the next day because I'm excited and nervous to meet the Ceo. Kinakabahan ako ngunit napaghandaan ko naman ang lahat. Well, I have to. I need a good feedback from him.
I fixed the presentations for this week dahil kailangang may ipresenta ako sa kanya ngayon pa lang. Hindi naman sa nagpapasikat ako pero kailangan niyang makita na mahalaga talaga sa akin ang trabahong ito.
Maaga kaming pumasok ni Charlotte at ganoon din ang mga ibang katrabaho namin. Hindi ko inasahan na makita ko si Travis ngunit hindi din imposible na makita ko siya dahil baka hanapin siya ng Ceo.
"Are you ready?" tanong ni Charlotte.
Agad akong tumango. "Oo naman." sabi ko. Hindi ko alam pero wala akong nararamdamang kaba.
I'm not wishing for anything, ang gusto ko lang ay magustuhan ako ng Ceo bilang empleyado, wala ng iba.
"Mukhang hindi ka naman kinakabahan. Tara na sa office ni Sir."
"Akala ko wala pa siya?"
Nakita kong ngumiti siya. "Maaga daw, eh."
Nangunot ang noo ko. So mas maaga pa pala siya sa amin? That's impressive. Akala ko ba hindi siya masyadong seryoso sa trabaho?
"Well, tara na." sabi ko.
Nauna na siyang maglakad kaya agad akong sumunod. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa opisina ng Ceo ay nakatingin ako kay Charlotte. She was smiling the whole time.
"Why are you so happy?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala. Feeling ko kasi ay magugustuhan ka talaga niya. You're hoping din naman, diba?"
I smirked. "Dapat lang, no." bulong ko. Iba ang iniisip ni Charlotte sa iniisip ko, malayong malayo.
Ilang sandali pa ay nasa labas na kami ng opisina ni Sir Zac. Charlote knocked and we immediately enter the office.
Ang inaasahan ko ay nakatayo ang Ceo o di kaya ay nakaupo na nakaharap sa amin. But I was wrong, dahil nakaupo siyang nakatalikod at may kausap sa telepono. He's busy already? Impressive again.
Nilingon ako ni Charlotte. "Later. May kausap." bulong niya at tinuro ang nakaupong prinsipe este Ceo.
Tumikhim pa si Charlotte pero hindi pa lumilingon ang CEO. Napansin kong kahit malayo siya sa amin at nakatalikod ay matangkad siya. Medyo may kalakihan din ang katawan niya.
At dahil may kausap nga siya sa cellphone niya ay dinig na dinig ko din ang mahinang pagtawa at pananalita niya. I can hear his sexy masculine voice. What the.. Sexy? What am I thinking?
Mayamaya ay unti unting humarap ang Ceo. Nagulat ako dahil napakaaliwalas pala ng mukha niya. Iba ang naglalarong itsura niya sa isip ko kanina. And he's handsome, there are no doubts. Kung nakilala ko siguro siya sa ibang pagkakataon ay baka masasabi ko sa sarili kong ang hot niya, pero ngayon, I just can't because he is our boss.
Sa una ay hindi niya kami napansin dahil nakatutok ang buong atensyon niya sa kausap niya pero nang tumingala siya ng kaunti ay kitang kita namin ang gulat sa mukha niya. He didn't expect us? Kumatok naman si Charlotte, ah?
"W-Wait. I'll call you later." sabi nito agad sa kausap at ibinaba ang cellphone na hawak, nilapag niya iyon sa mesa at agad na tumayo. I was right, matangkad nga siya.
"Charlotte.." sabi niya ngunit sa akin siya nakatingin.
"Good morning! Sir Zac, nice to see you again. I am with someone. She's from Paris Branch. Sir Leo asked her to stay here." Deretsong sabi ni Charlotte.
He nodded, dahan dahan siyang lumapit sa amin at inilahad ang kanang kamay sa akin. "Hi. I was expecting you. It's a pleasure to finally.. meet you, Miss?" pambibitin niya.
"Myla Montero. Nice to meet you too, Sir Zac."
Nakita kong lumawak ang ngiti niya at napatunayan kong mas gwapo pala siya kapag ngumingit. He reminds me of someone at hindi ko na kailangang isipin kung sijo iyon.
"Oh, Nice name. By the way, I am Zac Lacsamana."
Yumuko ako dahil kitang kita ko ang pag-ngiti ni Charlotte na nasa tabi ko, she's making this situation awkward.
Bumalik ang tingin ko kay Sir Zac.
"Nice to meet you, Sir."
Bago pa ulit magsalita ang Ceo ay biglang bumukas ang pinto na nasa tabi namin.
Napalingon kami lahat sa pumasok.
Si Travis. Pero bakit siya nandito? He didn't even knock.
Humahangos siya at halatang pagod na pagod. Tumakbo ba siya papunta dito?
"Hey bro! What are you doing here? I was about to call you." mas nagulat ako sa sinabi ni Sir Zac.
Bro? What did he mean by that? Close ba sila?