Kabanata 9

2721 Words
Poutine As what both of us expected, Charlotte drove us back home. But I didn't tell her what happened a while ago between me and Travis dahil nahihiya ako. We're on our way to our condo and I really feel dizzy. Pumikit ako dahil pakiramdam ko ay gumagalaw ang paligid ko, well of course gumagalaw dahil nakasakay kami sa kotse pero parang buong mundo ko ang gumagalaw. And I want to release all the food I ate today, nasusuka ako! Ito na yata ang consequence ng alak na ininum ko. "Do you want me to stop the car?" Charlotte asked. Maybe she can see how uncomfortable I am. I shook my head. "No, hindi na. Kailangan na nating makauwi agad." sabi ko at pakiramdam ko ay nagliliyab ang katawan ko dahil sa sobrang init. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang lumipas bago kami makarating sa parking space ng condo. Huminto na ang kotse at bubuksan ko sana ang pinto nang makaramdam na naman ako ng hilo. Napaupo ako ulit, alam kong hindi ako makakalakad dahil literal na umiikot ang mundo ko. Wala sa sariling tinanggal ko ang sandals ko. It was freaking five inches high heeled sandal! And I was glad that I wore the ankle strap one. Kung hindi ay baka kanina pa ako sa bar natapilok. Mukhang mali ang desisyon kong pag inum ngayon. Siguro ganito nalang ako mahilo dahil ngayon lang ako ulit uminom and it's the hardest drink on that Club. I was too brave to drink it! "Are you okay? Give me your shoulder bag. Lumabas ka na din at aalalayan kita." narinig kong sabi ni Charlotte. Umiling ako. I couldn't take it anymore, umiikot na talaga ang paligid ko. Bago pa ako mawalan ng ulirat ay narinig ko ang pagtatalo ng isang lalaki at isang babae. Naramdaman ko din na may nagbuhat sa akin? Was it Charlotte? Damn, she's strong!  Bigla akong naging komportable nang maramdaman kong nahubad na lahat ng damit ko, except my undies. Maybe Charlotte removed all my clothes dahil alam niyang naiinitan talaga ako ng sobra. Ngunit wala pang isang minuto ay uminit na naman dahil binigyan niya ako ng comforter. Pilit kong tinanggal iyon mula sa katawan ko dahil sobrang init talaga. I don't need any clothes right now if possible. Ilang minuto na ang lumipas ay naging maganda ang pakiramdam ko, mabuti nalang at hindi na ibinalik pa ni Charlotte ang comforter. Pinilit kong imulat ang mata ko dahil gusto kong magpasalamat kay Charlotte at gusto kong magpaalam para makapagpahinga na rin siya. It was a tiring night for the both of us pero heto ako at nagpapaasikaso. I slowly opened my eyes because I'm scared to feel dizzy again. Ngunit parang gusto ko ulit pumikit nang makita ko kung sino ang nakatingin sa akin. Namamalikmata lang ba ako o totoo itong nakikita ko na nasa harap ko si Travis at nakatingin sa akin? Is it really him? Siya ba ang nagbuhat sa akin kanina? Siya ba ang naghubad ng mga damit ko? Napapikit ako pero agad ding dumilat dahil kailangan kong siguraduhin kung si Travis ba ang nakikita ko ngayon. Huminga ako ng malalim at naamoy ko ang amoy alak na hininga ko. s**t! Ayaw ko mang aminin sa sarili ko ngunit parang sasabog na ang puso ko. I missed this man infront of me and I have to be honest for once. Ayokong mabaliw dahil sa kakaisip. Nagulat ako sa sarili ko dahil nangibabaw ngayon ang pagmamahal ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at pinilit kong bumangon. I have to see him if he's real. Is he? Wala akong pakialam kung naka undies lang ako, ang importante ay makita at mayakap ko siya. Nakatingin lang siya sa akin at nakapagtataka dahil wala na ang galit sa mga mata niya kagaya ng mga nakita ko noong nakaraan. O baka naman dahil nanlalabo ang paningin ko kaya hindi ko makita? Bumaba na ako sa kama at dahan dahang tumayo. I looked straight into his eyes. He didn't move but he was intently looking at me, huminga ako ng malalim at ako na ang lumapit sa kanya. Habang papalapit ako sa kanya ay parang gustong sumabog ng puso ko dahil sa katotohanan. I want him. I just want him so bad. I want him to smile at me, I want him to say he loves me. Gustong gusto ko siya. Tumigil ako nang malapit na ako sa kanya. I smiled at him sweetly. Ngumiti ako kahit ang totoo ay sobrang naninikip ang dibdib ko. I was wishing that my smile could change his mood, change his decision.. could change everything. I lifted my hand and slowly cupped his face using both of my hands, damn I missed this face. It has been months already. Wala akong pakialam kung nasaktan man niya ako, ang gusto kong gawin ngayon ay hawakan siya at halikan siya. I need him, I need his love, I need his care. Dahil sa mga nakaraang buwan na naging kami ay iyon ang bumuhay sa akin. He has given me a million reasons to live, and I want to feel his love again because right now, I feel like dying. Pilit kong inilalapit ang bibig ko sa bibig niya, at dahil matangkad siya, kinailangan kong hawakan ang batok niya para maabot ko ang mga labi niya. Then finally, I succeeded. His lips are so damn sweet and.. warm. I closed my eyes when I felt his lips on mine. Naninikip ang dibdib ko dahil sa ginagawa ko. I even wanted to cry. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na t***k ng puso ko. I really missed him so much. He's not kissing me back, at dahil doon ay parang mas nanikip ang dibdib ko. I almost forgot that he hates me. "Travis.." I whispered. I left his lips but my hand remained on his nape. "I missed you." buong pusong bulong ko, pinagdarasan na ganoon din ang sabihin niya sa akin. But to my surprise, he slowly removed my hand on his nape. He even stepped back at nang subukan kong lumapit ulit ay tinulak niya ako. "Sleep." Nagsimula siyang humakbang papunta sa pinto ng kwarto ko. Nataranta ako sa ginawa niya, aalis na ba siya? No. I need to stop him! Kaya bago pa siya makalayo ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. I don't care if I was n***d. Ang inaalala ko ay ang pag iwan na naman niya sa akin. It's so damn scary. My tears started to fall when I realized what am I doing. I am literally begging him. "Don't you miss me?" halos pumiyok na ako dahil sa hina ng boses ko. Hindi siya humarap sa akin ngunit dinig na dinig ko ang t***k ng puso niya. Mabilis din ang t***k ng puso niya, may ibig bang sabihin iyon? But I lost hope when he unclasped my hands from his waist. This time, he didn't walk away. He faced me, instead. I wiped my tears to clearly see his face. But when I did, he was insultingly smirking at me.. so I closed my eyes. His looks were like tearing my heart into pieces. Pakiramdam ko ay tinatawanan niya ang mga pinagsasabi at ginagawa ko. "You're getting wild when you're drunk, huh? That's new to me. I should've known that before, baka mas naenjoy natin ang isa't isa." aniya dahilan para dumilat ako. Nanikip na naman ang dibdib ko. Laruan talaga ang tingin niya sa akin at hindi ko na iyon mababago kailanman? Lumabas na naman ang mga mainit na luha sa mga mata ko. Ang sakit sa dibdib at lalamunan. "Iyon lang ba talaga ang tingin mo sa akin?" Halos pabulong na tanong ko. Sumeryoso ang mukha niya na kanina ay nakangisi pa. "Bakit? Anong inaasahan mong tingin ko sa'yo?" Napayuko ako, what do I expect? Ano nga ba ang inaasahan ko? "You're a judgmental piece of s**t, right? What do you expect me to think?" He asked again. He just called me 's**t'. "I never judged you, Travis." I think it was the time for me to defend myself dahil iyon ang totoo. We didn't talk about us before kaya ko pinagtatanggol ang sarili ko ngayon. I need to tell him my side of story! "Really?" He came closer to me. Hindi ko alam pero bahagyang nawala ang takot ko sa kanya. Bumalik lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "You never judged me?" he smirked again. "You called me Nerd Boy, you even talked about me with your friend inside the library. Do you think, I didn't hear you that day?" Kahit lasing ako ay inalala ko ang pagbibiruan namin ni Amy noon sa library. We were just talking about Travis, pero hindi naman ganoon ang tingin ko sa kanya. I respect him, sadya lang na nagbiruan lang kami ni Amy. It was just a simple joke! I was a teenager! Hindi na ba pwedeng magbiro? "Was that all the reason? Para paghigantian mo ako?" Puno ng hinanakit na tanong ko. "What if I say yes?" malamig niyang sabi. Gusto kong umiyak ng malakas. Sobrang sama ba ng ginawa ko para saktan niya ako ng ganito? It was just a joke! Napahawak ako sa noo ko, biglang sumakit na naman kasi iyon. Dahil sa takot na matumba ako ay dahan dahan akong humakbang papalapit sa kama at naupo. Para akong nasusuka na hindi ko maintindihan. Bumabalik ang pagkahilo ko kanina. Naramdaman kong humakbang si Travis palapit sa akin. Nanatili lang akong nakayuko. I don't know what to say to him. Kasalanan ko naman daw. Edi tanggapin nalang. I cleared my throat. "I am sorry for calling you nerd boy." huminga ako ng malalim. "Believe me but I didn't mean it. We were just joking.." I paused, wala nga pala akong explanation. Pinag-usapan naman talaga namin iyon ni Amy. "I'm sorry." sabi ko at nilingon ang puting comforter. Kahit mainit ay hinila ko iyon, I just need to cover my body.  "Thank you. You may go now." pabulong na sabi ko. Naninikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. I wanted to just lay down but I feel sweaty and sticky. Tumayo na ako at binalot ng comforter ang katawan ko. I could still feel his stares on me. He was maybe laughing at me. Sana hindi nalang ako uminum ngayong gabi. Hindi ko pala kayang ihandle ang sitwasyon kapag lasing ako. Ibang iba sa sitwasyon noon. Dahan dahan akong tumayo at naglakad palapit sa banyo. Binuksan ko ang pinto at pumasok. I know Travis was looking at me pero hindi ko na siya nilingon. I want him to go, dahil kahit mahal ko pa siya, wala din lang mangyayari dahil kinamumuhian niya ako. Isasara ko na sana ang pinto ngunit pinigilan iyon ni Travis. Nagulat ako dahil hindi ko siya nakitang naglakad palapit. "What do you think you're doing?" His serious tone reached my ears. "Gusto kong magshower.." Naramdaman kong umiikot na naman ang paligid ko. I avoided his eyes. Alam kong hindi ako makatingin sa kanya dahil sa mga napag-usapan namin.  "You can't take a shower. You're drunk." Seryosong sabi niya. Umiling ako dahil kailangan kong mag shower. Maalinsangan at kailangan kong maligo. Nanlalagkit na ang pakiramdam ko. Nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya. At dahil umiikot ang paligid ko ay hindi na ako tumutol pa. Binuhat niya ako papunta sa kama at pinaupo doon. Wala na akong lakas tumayo at bumalik sa banyo. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago huminga ng malalim. "Rest." sabi niya at tumalikod na. Naglakad siya papunta sa pinto ng kwarto ko. I saw how he went out of my room. Pagkasarang pagkasara niya ng pinto ay agad akong umiyak. Hindi ko alam pero parang nauulit ang mga nangyari noong umagang iyon. Naninikip ang dibdib ko at wala na akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Kinabukasan ay nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Agad akong naupo nang maisip ko ang nangyari kagabi. Shit s**t s**t! Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko, nalasing ako! And I even talked to Travis? What the hell? Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Sobrang tahimik maliban sa tunog ng aircon dito sa loob ng kwarto ko. Ngunit napamura na naman ako nang maisip ko ang nangyari kagabi. Damn! I couldn't even imagine myself. Why the f**k did I do that? Bakit ko ipinapahiya ang sarili ko? I breathe hard and closed my eyes. Parang ayoko na munang lumabas ngayon. But I need something for my headache! Nang maramdaman kong nasusuka ako ay tumayo ako at agad na lumabas ng kwarto. Damn this hangover! Pagkatapos uminum ng tubig ay humakbang na ako pabalik sana sa kwarto ngunit bago pa ako makapasok sa kwarto ay narinig ko ang tunog ng doorbell. "It's me.." Narinig ko ang boses ni Charlotte kaya agad kong tinungo ang pinto at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang nag aalalang mukha ni Charlote.  "Ayos ka lang ba?" Tanong niya na nakangiwi. Napahawak ako sa sentido ko. "Medyo okay naman pero sobrang sakit ng ulo ko." Umupo ako at sumunod naman siya agad. Tahimik siyang umupo sa tabi ko. "Uminom ka ng tubig. Pasensya ka na." Mahinang sabi niya. Napatingin tuloy ako sa kanya. Why is she saying sorry? Kumunot ang noo ko. "Bakit ka nagsosorry?" I asked. Dapat nga ako ang magpasensya dahil naging pabigat ako kagabi sa kanya. "Kasi.." napakamot siya sa ulo. Lalong kumunot ang noo ko. "Kagabi kasi sa sobrang kalasingan mo hindi kita mabuhat, nakipagtalo sakin si Travis. Kaya.." she paused again. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya. "Siya ang nagbuhat sa'yo papunta dito. At hindi ako nakapasok kasi ni-lock niya ang pinto mo.." Napanganga ako sa sinabi niya. Napahawak ako sa sentido ko dahil parang mas lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi niya. Oo naalala ko ang nangyari kagabi pero hindi ko maalala na si Travis pala ang nagbuhat sa akin. Akala ko ay dahil sa kalasingan ko lang iyon. "I'm really sorry." Charlotte apologized again. I smiled bitterly, I don't want her to feel guilty dahil wala naman talaga siyang kasalanan. In fact, I'll be the one to say sorry and thank you because she helped me. "Okay lang, ano ka ba. Ako nga dapat mag sorry sa'yo. Naging pabigat ako sa'yo." sabi ko. Hinawakan niya ang braso ko. "Hindi. Ako ang nagyaya kaya sorry." sabi naman niya. Tumango lang ako kasi wala akong alam sabihin. Halo halo na ang nararamdaman ko. "I think you need to rest." sabi niya at tumayo. Tiningala ko lang siya. "Ipagluluto nalang kita. Rest and then I'll bring food here later. Okay?" sabi niya. Ngumiti ako. "Thank you, Charlotte." Lumabas na si Charlotte at agad akong nagpahinga. Dito na ako sa sofa natulog dahil parang hindi kasi ako makalakad pabalik sa kwarto ko. Hang over always sucks. Hindi ko alam kung ilang oras ako natulog pero nagising ako dahil sa paggising ni Charlotte sa akin. "Wake up, you need to eat. It's almost lunch time." sabi niya nang dahan dahan akong umupo. "May niluto akong poutine. Potato dishes are your favorite right?" she asked. I got stunned because of what she said. How did she know about that? Hindi ko kailanman kinuwento iyon sa kanya dahil sinisimulan kong kalimutan iyon. Iyon ang laging niluluto ni Travis sa akin noon. If not poutine, it would be fries with a lot of gravy or ketchup. Kumunot ang noo ko. "How did you know about that?" I asked her and her face turned red. Yumuko siya at dumeretso ng upo. "Ahm. W-Wala, kinuwento mo s-sa akin noon." What? Of course, I didn't. Hindi ko iyon sinabi sa kanya, alam ko iyon. Umiling ako. "No, I didn't." wala sa sariling sabi ko dahil nagtataka ako. Nakita kong napakamot siya sa batok. "Ah eh. Ano kasi.. Si ano.. Si Travis.. " she stopped. "K-Kinausap niya ako kanina. At iyon nabanggit niya." Napapikit ako, oo nga pala. Hindi nga naman imposible iyon. But why the hell is he doing this? Bakit siya lumalapit sa akin ngayon? "Kain ka muna tapos ikukuwento ko mamaya." Sabi niya at nauna na sa akin na maglakad na pumunta sa dinning area. Kahit tinatamad ako ay pinilit kong tumayo at sumunod sa kanya. Sinabayan niya akong kumain at mukhang sarap na sarap siya. Ako din ay napapadami ng kain, naaalala ko tuloy ang mga luto ni Travis. Ganitong ganito kasi ang lasa ng luto niya. I shook my head, what am I thinking? Tumikhim si Charlotte. "Actually, Travis cooked that for you." Muntik ko nang iluwa lahat ng nasa bibig ko. "Nag usap din kami kanina at may kasalanan ako sa'yo. Pero sa tingin ko, kailangan niyang malaman ang mga bagay na iyon para tumigil na siya panggugulo sa'yo." Kinabahan ako sa sinabi niya. Anong sinabi ni Charlote? "What do you mean?" Tumingin siya ng deretso sa akin. "I told him about your condition." she paused. "That you have PTSD."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD