Priority
We're inside the conference room and the meeting just started minutes ago, two clients already discussed their own thoughts about their events.
We would work on the both events and our next meeting will be on our team's proposals. At para malaman din namin kung sinong cliente ang uunahin namin.
The clients left already and they said we would just contact them if we have the final plan, if when and how much it will cost because we just discussed the partial total a while ago.
And according to my team, we will be choosing the first client, of course. It will be in the Royal Ontario Museum.
According to Charlotte, this will be one of the biggest event so far this year. All of us should cooperate, especially me. That's why I'm freaking out right now because I feel very anxious.
"Are you sure we can do this?" Alex asked. He's one of our newest coordinator, a Canadian.
Napasulyap ako kay Charlotte para humingi ng saklolo. How can I say yes kung nag aalangan din ako? Kaya nga ba namin?!
"Of course. We have to! We have to prove to them that they chose the right company for their event. We can't fail them.." Matatag na sabi ni Charlotte at tumingin sa lahat, hindi ko alam pero mas maganda sana kung siya nalang muna ang maghahandle sa lahat.
"But this is a big event, and we are just newbies here." Sabi ni Alex at tinuro ang sarili. Kung pinoy siguro ito at close kami, nagalit ako sa kaduwagan niya. Filipinos are brave!
Pero hindi mawala ang pagtataka sa aking isip kung bakit halos lahat ng mga nagtatrabaho dito ay bago.
Tumikhim ako at agad nagsalita. "It is a concert, Alex. I know you're good on this." Sabi ko dahil nakasulat iyon sa resume niya. Of course I did a research on our team! Mahalaga iyon.
"But it is a night event, how can we put lighting on it." Sabi ni Gabrielle. She's a photographer too. Are they scared? Sana sinabi pala nila kanina para hindi namin inaccept ang cliente!
"We can, Gabrielle.." Sabi ko.
Pwede kong gawan iyon ng paraan. Kung tutuusin, mas madali lang dahil madilim. They're just scared on how to get the perfect angles.
"But I think I need someone with me." sabi ni Gab.
Ngumiti ako. "We will all go there, Gab." Sabi naman ng isa pang babae na si Elize. She was saving me, I guess?
I sighed. I know they're just tensed because it is really a big event. Ako din kasi, eh.
"Okay. Let's do it this way. All photographers will be staying with me, while the two coordinators Alex and Hailey will go with Charlote." Sabi ko at bumaling kay Charlotte. "They'll fix the budget plan, they will be needing that on our next meeting." Bumaling na naman ako sa naiistress na si Alex. "But before that, we have to know what we really need in that event so we can give them the estimated financial plan." Sabi ko. Alam kong alam nila iyon but I had to say it to lessen the tension.
They were just tensed because the event will be held beside the Museum. Who wouldn't be nervous? Big event nga, diba? Siguro nininerbyus din sila kasi alam nilang baguhan ako. And they don't trust me, alam ko iyon.
"Excuse me, I don't know where to start." Alex talked again, alam kong kinakabahan siya.
Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.
"It's okay, Alex. All we have to do is to make the event brighter, so all you have to estimate is the budget we will be using on the stage only."
Sa stage lang naman talaga ang icocover nami. Doon kami mas mag fofocus.
"I disagree."
Someone talked behind me. Agad akong lumingin sa pinto ng conference room.
It was Travis. All my team mates looked at him.
Biglang bumilis na naman ang t***k ng puso ko. We didn't ask him to come but why is he here? Kailangan ba namin ng tulong niya?
"Excuse me?" Sabi ni Charlotte na parang nainsulto sa pag disagree ni Travis.
Naglakad palapit si Travis sa amin. Wala siyang dalang papel o kahit ano. Naka casual wear din siya. Dapat ay naka event shirt siya, the blue shirt!
"I disagree with your CEO." Sabi na naman niya.
Tumingin siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin. Ibinaba ko na din ang kamay ko sa mga kandungan ko at tinitigan ang mga iyon.
"Stage? Why not all the area?"
Hindi ako nagsalita kaya siniko ako ng nasa tabi ko. Hindi si Charlotte kundi si Elize, ang ka team naming photographer. Dahil sa pagsiko niya ay napatingin na naman ako kay Travis.
Myla, you need to talk. Bulong ng isip ko.
Huminga ako ng malalim at nagtaas ng noo.
"W-Well, it's our main priority. " sabi ko.
Yes, iyon ang sinabi ni Charlotte sa akin. Mostly ay iyon ang ginagawa nila kapag night events.
Nagulat ako dahil ngumisi siya bigla. Tumayo ang mga balahibo ko.
"Excuse you. Are you really an expert to handle this?" Sabi niya.
Dahil sa sinabi niya ay napatingin lahat sa akin ang mga tao sa loob ng conference room. Napalunok ako. Pinapahiya ba niya ako? Obviously. My face heated.
"W-What do you mean?" I asked. Halos pabulong na lang iyon.
Para bang hindi ko siya kayang talunin sa mga ganitong bagay, parang ang tanga tanga ko kapag siya ang kaharap ko.
"Damn, why are you managing the company when you don't even know how to save it?"
Napanganga ako sa sinabi niya. His voice was so relaxed but it hit my heart. His words smashed my heart, again. Why is he doing this? Sa harap ng mga ka-team namin? Nakakahiya.
"Careful with your words, Mr. De Guia." Maawtoridad na sabi ni Charlotte.
Gusto kong bumuka ang lupa ngayon at kainin ako. Pinahiya niya ako sa mga empleyado. Nasasaktan ako sa ginagawa niya.
"Sorry but I have to be honest with her. Yes, I'm obviously new to LP. I don't want to work here but I need to. So I want to be completely honest." Sabi niya. What?
Kung makapagsalita siya ay parang napilitan lang siyang magtrabaho dito.
"And obviously again, I don't agree with your CEO." Ulit pa niya. Can't he just stop!?
Gusto kong isigaw sa kanya na hindi ako ang CEO pero hindi ko gagawin iyon. Mas lalong nakakahiya.
"Seriously, Miss Montero. Sa stage ka lang magfofocus? Bakit?" Tanong niya at nakatitig sa akin na para bang ako lang ang nandito sa loob ng room na ito.
"B-Because that's the agreement." Mahina ang boses ko na nanginginig pa'rin.
Wala na akong ibang sasabihin. Sinasabi ko lang kung ano ang nasa isip ko. Because it is a night event anyway.
Hinila ni Travis ang upuan sa harap namin at umupo doon. He's facing us na parang siya na ang Ceo. Iyon pala ang gusto niya, ang sambahin namin siya?
"What if we prioritize all the area?" Sabi na naman niya. It doesn't sound like a suggestion, it was a command.
Lahat kami ay halos nakatingin sa kanya. Hindi ako makapagsalita at ganoon din si Charlotte.
Wala sa sariling yumuko ako. I can't look into his eyes.
"Don't you think.. It would amaze them more when we make all the area as our priority?" aniya ulit.
Hindi na ako tumingin sa kanya pero alam kung nakatingin siya sa akin, nakikita ko iyon sa peripheral view ko. Kung sabagay ako lang naman talaga ang pinagsasabihan niya doon.
"It won't make a big change to the budget anyway. Just a little effort on it. Not just on the stage but on the audience entrance, audience seats and every area. You should be planning about this now. But what are you discussing here?" He said like a boss. Napalunok ako dahil may punto siya.
Napatingin na naman sa akin lahat ng mga empleyado at alam kong namula ako. Ito ba ang gusto ni Travis? Ang mapahiya ako sa harap ng maraming tao?
"I think he's right. We should plan about making the whole area brighter, not just on the stage but from entrance to exits." Sabi ni Alex.
Damn, ang iniisip ko lang naman ay ang budget at oras. It is a night event kaya sa stage lang ang napapansin ng mga tao. Gusto kong sabihin iyon pero wala akong lakas.
"Pero sa agreement namin, sa stage lang ang priority. Of course hindi mo iyon alam kasi wala ka." Nagulat ako dahil nagsalita si Charlotte.
Nakatingin siya kay Travis. Nagtagalog din siya kaya alam kong si Travis lang ang kinakausap niya.
"Come on. Yes, but.. walang masama kung dadagdagan natin ang effort at ayusin lahat, hindi lang sa stage ang priority. Mas matutuwa sila sa atin. And.." Tumikhim siya. "Nasa tabi ng Museum ang concert, paniguradong maraming mga tao doon. " sabi ni Travis kay Charlotte.
Mahinang tumawa si Charlote at alam kong nakakainsultong tawa iyon. Alam kong naiinis na siya kay Travis.
"Oh. Nakakalimutan mo yata, Mr De Guia. Night event ang pinag memeetingan namin, sa tingin mo ay dinadayo pa ang Museum kahit gabi na?" She asked.
Napatingin ako sa mga kasama namin, they were looking at Charlotte at halatang nagtataka kung ano ang pinagsasabi.
May punto si Charlotte kaya kahit papaano at natuwa ako.
"Excuse me, but we don't understand you. " sabi ni Elize na nasa tabi ko.
Napalingon kami sa kanya. Oo nga pala at nagtatagalog si Charlotte at Travis.
Napayuko si Charlotte. "I think we have to adjourn this meeting. Let's clear the air first." Sabi niya at tumayo.
Tumayo na din ang lahat at nagsimulang maglakad palabas. Hinintay naming makalabas ang lahat. Hindi na din kami umalis ni Charlotte.
Naiwan kaming tatlo sa loob ng conference room.
Ako, si Charlote at si Travis.
"Now, what is your problem?" Charlotte asked Travis. Naiinis na talaga siya at napapansin ko iyon sa pananalita niya.
Tumayo ako at hinawakan ang braso niya. I was trying to calm her, ako pa talaga ang may karapatang gumawa noon samantalang ako ay hindi ako makakalma?
Tumayo din si Travis. Ang dalawang kamay niya ay nasa bulsa ng pantalon niya.
He was smirking. Hindi ba siya natatakot na mawalan ng trabaho? "Come on. Stop that tone on me.." Sabi niya kay Charlotte but he was also looking at me.
"No. I am asking you if what is your problem? Pag usapan muna natin tsaka tayo mag memeeting mamaya." Kalmado at seryosong sabi ni Charlotte.
"Bakit kailangan mo silang palabasin? They are important here.." Sabi ni Travis at sumulyap sa akin kaya napayuko ako. Sabi ko nga, I'll try my best to avoid his eyes.
"No. Pinahiya mo kami sa ginawa mo. Now, tell us what you want to happen and we'll make it happen. Hindi iyong nang iinsulto ka ng ibang tao sa harap ng maraming tao. You're unbelievable, I can tell the CEO to fire you." Buong tapang na sabi ni Charlotte. Of course she can do that.
Tumawa si Travis ng mahina at naglakad patalikod. Iniwan niya kaming nakatingin sa likuran niya. "Then tell him. I'm not scared." sabi niya nang hindi kami nililingon at tuluyan ng lumabas ng conference room.
Pagkalabas na pagkalabas ni Travis ay hinarap ako ni Charlotte.
"Ganoon ba talaga siya kabastos?"
Napaupo ako dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko. Bakit ganoon na siya makipag usap ngayon?
Umiling ako. "Hindi. Sobra ang respeto niya sa akin noon. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganoon."
Naupo na din si Charlote. Sumulyap siya sa akin. "Are you okay?"
Tumango ako.
"I'm just curious, bakit parang wala siyang pakialam kung mawalan siya ng trabaho?" She asked. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa kawalan. "I can really tell Sir Zac to fire him. Kung hindi lang talaga kulang ang workers natin." Sabi ni Charlotte.
I didn't talk because I don't know what to say. Tama siya, mukhang hindi natatakot si Travis na mawalan ng trabaho. Siguro ay hindi niya kailangan ng trabaho.
Nagulat ako sa mga sinabi niya kanina. He just came in here and embarrassed me like it was just nothing to him. That was new to me, again. Was that a part of his revenge? Hindi pa ba siya tapos?
"Is he really that bad?" Charlotte asked again.
At napabulong nalang ako. "I think so."
After what happened ay nag meeting ulit kami. Wala na si Travis na bumalik. Kami kami nalang ang nagmeeting.
Napagkasunduan namin na i consider ang suggestions ni Travis. According to Alex and the other workers ay may punto daw si Travis.
I had to agree with them. The event will happen after two days at kailangan naming paghandaan iyon as soon as possible.
We went home after work. Na stress din siguro si Charlotte kaya hindi na siya nagyaya pa ng dinner. Magluluto nalang daw siya tapos sa condo niya kami kakain, syempre ay umagree ako.
I took a quick shower.
Darn! This day was bizarre. I wore my pajamas and I also cooked. I made cabbage rolls.
Pagabi na nang maisipan kong puntahan si Charlotte. Dala ang Cabbage Rolls ay lumabas ako ng Condo ko. Paglabas ko sa ko ay sinarado ko agad ang pinto ko. I was holding the tupperware on my hand.
Pagkatalikod ko ay may nabangga akong matigas na bagay. Dahil doon ay muntik ko nang mabitawan ang hawak kong tupperware. Damn! Sino ba tong nakatayo sa likod ko? Gabing gabi na, ah.