Part 49: Dinner Spotlight

671 Words
“David,” tanong ni Tita Estella habang pinupunasan ng tela ang kanyang labi, “ikaw naman. Ano ang mga plano mo sa buhay? Ano na ang mga naabot mo at gusto mo pang makamit?” Sandali akong natigilan. Hindi ako sanay na ako ang sentro ng usapan lalo na sa harap ng ganitong pamilya—mga taong may mataas na ranggo, accomplished, at tila napaka-taas ng mga narating. Pero bago pa ako makasagot, biglang sumabat si Adrian. “Let me answer that, Tita,” nakangiti siyang nakatingin sa akin, puno ng pride. “Si David, hindi lang simpleng pulis. Siya ang breadwinner ng pamilya nila. Siya ang nagpapaaral sa dalawa niyang kapatid—at ngayon, nakikita na niya ang bunga ng lahat ng sakripisyo niya.” Napatingin ako kay Adrian, nagulat pero may halong init sa dibdib. “Yung kapatid niyang babae,” patuloy niya, “Dentistry ang kinuha. Graduated na, at kasalukuyan nang nagre-review para sa board exam. At yung bunso naman nilang lalaki? Fifth year na sa Civil Engineering. Imagine that—lahat ng ‘yan, dahil sa sipag at dedikasyon ni David.” Hindi ko alam kung paano ko ikukubli ang pamumula ng pisngi ko. Gusto ko sanang pigilan si Adrian, pero ramdam kong totoo ang kanyang pagmamalaki. “At hindi lang ‘yon,” dagdag niya, tinitigan ako na parang ako lang ang tao sa kwarto. “Naging self-supporting siya nung nag-aaral pa siya ng Criminology. Kaya nga medyo nahuli sa edad ng graduation—25 na siya nung pumasa sa board at nakapasok sa PNP. Pero dahil sa sipag at tyaga, hindi lang siya naging pulis. Kumuha rin siya ng Master’s in Criminology, natapos, at dahil maganda ang track record niya, mabilis din ang promotion.” Napatungo ako, halos hindi makatingin sa kanila. Ang mga salitang iyon, ako mismo ang nagkwento kay Adrian nung nasa ospital kami—pero iba pala kapag ibang tao ang nagbabalik, may kasamang paggalang at paghanga. Naalala ko bigla—nung nasa hospital pa kami, Adrian din ang nagbukas ng kwento niya. Na criminology din siya, may master’s, at first year sa law. Pero ngayon ko lang narealize: hindi niya sinabi na top siya sa board, na summa c*m laude, na with high distinction. Ipinakita niya sa akin ang kahinaan at pagsisikap, pero hindi ang tropeo. Iba talaga siya, bulong ng isip ko. Kaya siguro mas lalo ko siyang mahal. “David,” masayang sabi ni Tita Estella, nakatingin sa akin na para bang nakakita ng repleksyon ng kanyang kabataan, “I see myself in you. Ako rin ang breadwinner ng pamilya namin noon. Ako rin ang nagpaaral ng mga kapatid ko bago ako nag-asawa kay Villareal.” Napatango si General Villareal, seryoso pero may bakas ng respeto sa mata. “Admirable. Hindi madali ang ganyang sakripisyo. At ang katulad mo, David… hindi lang basta pulis. Isa kang haligi, hindi lang ng pamilya mo, kundi ng mga taong maaasahan sa serbisyo.” Humanga rin si Kara, nakangiti at halatang inspired. “Nakakabilib ka, David. Hindi lahat kaya ang pinagsabay mong responsibilidad at ambisyon.” Nahihiya ako pero ramdam ko ang bigat ng kanilang mga salita. Hindi ko alam kung paano tatanggapin, pero sa unang pagkakataon, parang hindi ako maliit sa harap ng pamilya ni Adrian. Halos patapos na ang dinner, naglalagay na ng dessert si Tita Estella nang biglang bumukas ang pinto. “Sorry po, late ako!” sigaw ng isang batang lalaki, mga trese anyos, pawisan pa at bitbit ang gear mula sa taekwondo lessons. Agad siyang lumapit kay General at Tita Estella. “Mom, Dad, I’m home!” Pero ang sumunod na salita ang halos nagpahinto ng oras para sa akin. “Paps!” sigaw niya, diretsong yakap kay Adrian. Natigilan ako. Paps? Ang tawag niya kay Adrian ay “Paps,” habang “Mom” at “Dad” ang tawag niya sa tunay niyang mga magulang. Napatingin ako kay Adrian, naghahanap ng kasagutan. Sino si Junior para sa kanya? At bakit ganoon ang tawag niya? Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD