Gio is the worst! How could he humiliate me in front of his family and friends? Alam niyang kahit papaano ay mapapahiya ako sa proposal na iyon! I feel so rejected! Really? Dalawang taon kami pero hindi niya naisipang mag-propose sa akin. Pagkatapos sasabihin niya sa harap ng marami na kay Mary ay sigurado na siya! Na si Mary ang babaeng nais niyang pakasalan! Hindi man direkta, pero para bang sinabi na niyang hindi ako sapat para sa kaniya. Hindi ako iyong tipo na papakasalan…
I promise I'm going to make him regret what he did! Ano bang kulang sa akin? Gusto kong magwala sa galit pero alam kong lalo lang akong magiging katawa-tawa sa harapan ng marami.
Alam mo kung ano ang hinihiling niya na hindi mo ibinigay! sagot ng isip ko.
Ipinilig ko ang ulo. Itinuon ko na lang ang mga mata kay Walter na ngayon ay nasa harapan ko. His deep blue gaze is fixated on me. His hair is perfectly gelled, and his suit screams wealth. His well sculpted face complements his sensual lips. Iyong labi niya na tila ba palaging nakasimangot. Even though he appears to be stern and dangerous, I know he has the ability to capture any woman's heart in this room. Hindi naman talaga maikakaila na gwapo siya. Sa tingin ko ay may lahi siya, halata naman sa apelyido pa lang niya. Iyon nga lang at mukha talaga siyang seryoso at snob, pero lalo iyong nagpadagdag sa appeal niya. And suddenly this extremely attractive, cold-hearted man is looking at me with concern. Bagay na hindi ko iniisip na makikita buhat sa kaniya. But right now, in this hall surrounded by Gio’s family and friends, pakiramdam ko siya lang ang aking kakampi. Makailang beses akong kumurap para pigilin ang luha. Sa pagtataka ko ay isinama niya ako pabalik sa VIP table. Iniwasan ko ang nagtatanong na mga mata ni tita Alicia nang mapasulyap siya sa magkahawak na kamay namin ni Walter. Hindi ko alam na kakilala din pala ni Walter ang pamilya ni Gio. Nagulat pa ako nang pagkatapos niyang kausapin ang mga ito ay inaya niya akong sumayaw.
Ano bang nangyayari sa lalaking ito? I know I should have said no pero hindi iyon ang ginawa ko. Pakiramdam ko kapag umalis ako ngayon sa party na ito, it will leave me wondering. Wondering how the other guests will talk about me. Will they be sorry for me? Or will they think I'm pathetic? Pagtatawanan ba ako lalo nila Mary at Gio?
I wanted to stay.
Gusto kong makabawi kay Gio at Mary!
Will Walter help me?
Sinulyapan ko ang gwapong lalaki sa harap ko. Gusto ko sa kaniyang magtanong pero inabot ako ng hiya. Kaya noong inalalayan niya ako sa gitna ng dance floor ay hindi na ako tumanggi. Something about him makes me want to obey him.
Bahala na! Mas gugustuhin ko na lang mapahiya sa harap ni Walter kaysa sa harap ng buong pamilya ni Gio! I want to redeem myself. Ayokong magmukha lalong kawawa. That’s why I’ll stay with Walter tonight. Sana lang ay makisama siya!
Perhaps it was the music or the mix of feelings I was experiencing, but I found myself telling Walter about how Gio broke me. Nakapagtatakang matiyaga siyang nakinig sa akin. Wala ang ano mang panghuhusga sa kaniyang mga mata. Hindi ba at ayaw na ayaw niya akong makasalamuha?
Asan ba iyong Walter na nakilala ko? Iyong masama ang ugali! Siguro ay naaawa siya sa akin ngayon. May puso din naman pala ang isang ‘to!
“He broke up with you because you won’t sleep with him?” tila amused na tanong niya matapos kong magkwento sa kaniya.
Matapang kong sinalubong ang mga titig niya. “Alam mo naman sigurong nagsasabi ako ng totoo…i-ikaw ang nakauna sa akin,” aniko. Bigla ay tinitigan niya ako lalo. “A-Anong tinitingin mo diyan? Totoo naman ang sinasabi ko—”
“Yeah, I know,” seryoso niyang sagot. Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi hanggang sa aking tainga.
“Loraine, that Gio is a bastard. It's a good thing you broke up. Do you want to give him a taste of his own medicine?” pagkuwan ay tanong niya.
“Ha?” tanong ko kahit pa nga iyon naman talaga ang gusto kong gawin.
Nagulat na lang ako noong hapitin niya ako sa baywang. Bahagya pang tumama ang noo ko sa dibdib niya at nalanghap ko agad ang mamahalin niyang pabango. That was a very manly scent! I'm not sure what's going on with me, but my body reacted on its own. I felt like burying my nose in his chest. Kaya nagulat na lang ako noong bigla siyang bumulong sa punong tainga ko.
“Stay still,” aniya. Nagtayuan yata lahat ng balahibo ko sa katawan nang tumama ang mainit niyang hininga sa aking balat. Napanganga ako at lalong bumilis ang t***k ng aking puso nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa aking tainga at bumaba iyon sa aking leeg. Bahagya lang iyong lumapat sa aking balat pero sapat iyon para maghatid sa akin ng kakaibang pakiramdam.
At kakaibang init...
“W-Walter,” saway ko sa kaniya. My breathing becomes heavy. Hindi ko kailanman ginawa ang bagay na ito! Flirting with a man in front of many people! Pero bakit ngayon ay ginagawa ko sa piling niya?
“Shh. They're staring at us,” saway niya sa akin. Hahanapin sana ng mga mata ko si Gio pero agad akong pinigilan ni Walter. “Don’t look at him.”
Hindi ba at ito na nga ang gusto ko? I want to show Gio that he is not the only man in the world! Na hindi ako apektado ng ginawa niyang marriage proposal kay Mary sa harapan ko pa mismo!
“Why are you doing this? Didn't you say you'd never touch me again?” tanong ko. My mind is a mess and I find it hard to focus because of his small kisses.
“Yeah. That is my rule. Nothing changes,” bulong niya.
So hindi pa rin pala nagbabago ang isip niya?
Sinaway ko ang sarili. Ano ba itong naiisip ko? As if I wanted him to change his mind for me. I locked my gaze on his. Why is this man so difficult to read? What am I doing flirting with him when I know I should avoid him?
And what’s with his rules? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya!
“One of your rules is that you shouldn't fu*ck the same girl twice, right?” Hindi siya sumagot kaya muli akong nagtanong. “Will you break your own rules for me, then?” Alam kong mapanganib ang ginagawa ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili.
“Loraine, rules are rules,” sagot niya matapos sandaling matigilan.
“Do you know what goes through my head when Gio kneels in front of Mary? I said I would sleep with the first man I’ll see--”
“What kind of reasoning is that?” Magkadikit ang kilay niya at tila asar na tiningnan niya ako.
Mapait akong tumawa. Anong problema niya? I bet he had slept with many women without even asking the reason why they are sleeping with him.
“If you’re not up to it then I’ll find someone—”
Natigil ako sa pagsasalita dahil biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Napansin kong nagbabaga ang mga mata niyang nakatingin sa akin. What’s with him? We are not even close for him to act this way!
“Don't you dare test me,” mapanganib niyang banta. His eyes shine with desire.
“Puro ka na lang banta, Walter,” pang-aasar ko pa. I looked at him as a range of emotions flashed across his face.
“Fine!” pagkuwan ay bulalas niya. Nagulat ako nang bigla niya akong hapitin. Nanlaki ang mga mata ko nang sa gitna mismo ng dance floor ay sakupin niya ang labi ko. Parang tinambol ang puso ko. Hindi ko naman sinabing halikan niya ako dito mismo!
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko nang maghiwalay ang aming mga labi. Pero para namang balewala sa kaniya na nasa gitna kami ng dance floor dahil bahagya lang siyang ngumisi sa akin.
“W-We are on the dance floor. Everyone is watching—”
“I don't care! Let them watch. Isn't this what you wanted? Let Gio see what he's missing,” bulong niya at muli akong hinapit at hinagkan sa balikat. Mariin akong napapikit. Hindi ko na alintana ang mga tao sa paligid. His hands traveled from my waist to my butt.
“W-Walter—”
“That's more than enough for a show. Let’s get out of here,” sa huli ay sabi niya. Napatitig ako sa seryoso niyang mukha.
Ano ba itong pinasok ko?
Bahagya kong inilibot ang mga mata at nakita ko si Gio na nag-aapoy ang mga mata habang nakatingin sa akin. Panay din ang sulyap sa amin ng mga kamag-anak niya. Tama nga lang na umalis na kami dito ni Walter. I am sure no one wanted me here after what I’ve done. And honestly, I don’t care anymore!
Napalunok ako ng laway saka tumango. Tipid namang ngumiti si Walter.
Iyon lang at magkahawak-kamay kaming lumabas ng hall. Wala kaming pakialam sa mga mapanghusgang mga mata ng mga kamag-anak ni Gio na nakasunod sa amin ng tingin habang naglalakad patungo sa exit ng hall.