Chapter 5 - Nastier

1668 Words
I adjusted my necktie before entering the hotel hall where a party was being held for the wife of one of my trusted executives. Honestly, I have no intention of attending this party. Ngunit ang nag-imbeta sa akin ay walang iba kundi si Mr. Geoffrey Garcia. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ko sa kompanya kaya noong personal niya akong ayain sa birthday party umano ng asawa niya ay hindi na ako nakatanggi. I'm already late because I had to attend a meeting before coming here. Wala din akong planong magtagal dito. “Wait for my call. Hindi ako magtatagal dito,” bilin ko sa driver bago tuloyang pumasok sa gusali. “Copy po sir Walter,” sagot niya. Sa lobby pa lang ay may hotel staff nang naghihintay para sa mga guest. “Good afternoon, sir,” halos panabay na bati nila sa akin. “I am here to attend Mrs. Alicia Garcia’s birthday party.” “It's taking place at the Sapphire Hall, sir,” sagot ng babae at itinuro ang daan patungo sa nasabing hall. Diretso akong naglakad patungo sa malawak na hall. Namataan ko kaagad si Mr. Garcia at ang asawa niya sa pinakasentro ng hall. Hawak ni Mr. Garcia ang mic at nagbibigay siya ng mensahe para sa asawa. Naglakad ako sa bandang unahan malapit sa kanila para mabilis ko silang malapitan sakaling matapos ang program. Ang plano ko ay aalis na agad oras na makita na nila ako at maiparating ko ang pagbati kay Mrs. Alicia. I was on my way to a vacant seat when the light went out. Nilingon ko ang stage at nakita kong nakasentro ang ilaw sa isang binata na sa tingin ko ay anak ni Mr. Garcia dahil sa malaking pagkakahawig ng mga ito. I stopped on my track and curiously watched him. The man is holding a bouquet of flowers. Nakasunod ang spotlight sa bawat kilos niya. Sinundan ko siya ng tingin noong humakbang siya patungo sa table na siya ko sanang pupuntahan. Bigla ay nahagip ng aking paningan ang babaeng nakaupo sa pwestong nilapitan ng anak ni Mr. Garcia. It was Loraine. Naroon din siya sa VIP table na sana ay pupuntahan ko. Wala sa loob na napahilot ako sa sintido. How come I always bump into her? I should stay away from her at all costs. I have to agree that she is incredibly attractive; otherwise, I wouldn't have paid attention to her when Eddie introduced us. But I don't like being around her. She has an effect on me that makes me feel uneasy. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon. Nang sulyapan kong muli si Loraine ay napansin kong titig na titig siya sa lalaking naglalakad patungo sa gawi niya. I suddenly feel nervous. Mukhang nahuhulaan ko na kung anong gagawin ng lalaki. He is about to propose to her! Akala ko ay magpo-propose ang lalaki kay Loraine, ngunit imbes ay ibang babae ang nilapitan nito. Nagtatakang itinuon ko ulit ang mga mata kay Loraine at noon ko napansin na halos naiiyak siya habang nakamasid sa anak ni Mr. Garcia at sa babaeng nilapitan nito. A few encounters with Loraine have convinced me that she is a tough woman. Iyong klase ng babae na hindi basta nagpapatalo. Pero bakit ngayon ay tila siya isang talunan? I looked around the room and noticed that everyone was staring at her. Hindi ako manhid para hindi mapansin ang pasimpleng tinginan sa kaniya ng mga bisita. What is happening? Maging si Mrs. Garcia ay halata ang pag-aalala habang patakbong lumapit sa anak na noon ay nakaluhod na sa harap ng babaeng katabi ni Loraine. My eyes were focused on Loraine's expressions as she watched the couple with wide eyes. A range of emotions crossed her beautiful face, naroon ang sakit, galit at pagkapahiya. Bakit? Hindi kaya may pagtingin siya sa anak ni Mr. Garcia? At alam iyon ng lahat na nandito? Bigla akong nakadama ng awa sa kaniya lalo na noong inilibot niya ang mga mata sa paligid at napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga tao. Lalong nangilid ang mga luha niya dahil doon. Napuno ang buong hall ng palakpakan at kantyawan noong tanggapin ng babae ang marriage proposal ng anak ni Mr. Garcia. Kasabay noon ay tuloyan nang bumagsak ang ilang butil ng luha ni Loraine. I felt an overwhelming urge to rescue her. I know I'm a jerk to her and I'm one of those guys she hates. But I can't put into words how I'm feeling right now. Nobody has the right to bully her in any way. Ipinilig ko ang ulo sa naisip. She is none of my concern! But then Loraine got up from her chair. Narinig ko ang pagtawag sa kaniya ni Mrs. Garcia pero nanatili siyang nakatungo. She kept her gaze fixed on the ground as she walked. Kahit hindi ko lubusang nakikita ay alam kong umiiyak siya. I don’t know what got into me. Kusa na lang humakbang ang mga paa ko para salubongin siya. Sinadya ko pa siyang banggain para makuha ang atensyon niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay noon ko nakumpirmang umiiyak nga siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. Inaasahan ko nang magre-react siya, ngunit ngayon ay wala sa mga mata niya ang tapang na dati ay naroon sa tuwing magkikita kami. Sa halip ay puno iyon ng lungkot. Narinig ko muli ang pagtawag sa kaniya ni Mrs. Garcia pero hindi niya nilingon ang ginang. Akmang lalampasan niya ako kaya mabilis ko siyang hinawakan sa braso. I'm also asking myself why I'm doing this, but I didn't want to consider the answer to my question now. “Loraine! Hija!” habol sa kaniya ni Mrs. Alicia. “Mr. Werner? I’m glad you came!” biglang salubong sa akin ni Geoffrey na kasama ng ginang. “Good afternoon! I’m sorry, I’m late,” ganting bati ko sa lalaki. Binalingan ko din ang asawa niya at inabot ang regalong ipinabili ko sa assistant ko noong isang araw. Naramdaman ko ang pasimpleng paghila ni Loraine sa braso niya na noon ay hawak ko kaya bahagya kong hinigpitan ang kapit ko sa kaniya. Sinulyapan ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakamasid sa akin. I can’t blame her though. Hindi maganda ang mga naging pagkikita namin. “Hello! You must be Mr. Werner!” bati sa akin ni Mrs. Garcia. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pasimple niyang pagsulyap sa kamay kong nakahawak kay Loraine. “L-Loraine, hija, you two knew each other?” hindi na niya napigilang magtanong. “Yes,” sa halip ay ako na ang sumagot. Iniwasan ko nang magbigay ng iba pang detalye kung paano kami nagkakilala. Napanganga si Mrs. Alicia at mataman niyang pinagmasdan si Loraine na hindi makaimik. Ramdam kong may nais siyang itanong sa dalaga pero hindi niya magawa dahil sa presensya ko. Sa halip ay iginiya niya kami pabalik sa VIP table na inalisan ni Loraine. Napansin kong pinagkakagulohan na ng mga bisita iyong anak ni Mr. Geoffrey Garcia at ang noon nga ay fiancée na nito. Panay ang pagbati ng mga kaibigan sa dalawa. Sa kalagitnaan ng mga pagbati ng mga kaibigan nila ay napansin kong lumipad ang mga mata ng lalaki sa gawi ni Loraine pagkatapos ay sa akin. Kunot-noo ko naman siyang tinitigan. What's the matter with him? He's recently proposed to his girlfriend, but his eyes are already wandering to Loraine. Ilang saglit ko pang kinausap ang mag-asawang Garcia at noong makaalis sila ay saka ko binalingan si Loraine na tahimik lang sa tabi ko. “Who is that man and why are you so upset?” “Bakit mo tinatanong? Para pagtawanan din ako?” mataray niyang sagot. Napailing naman ako. She is the only woman who talks to me in this manner. Itinuon ko ang mga mata kina Mr. at Mrs. Garcia na noon ay nagsasayaw na sa dance floor. Mayamaya ay sinabayan na rin sila ng ilang bisita maging iyong anak nila at fiancée nito. May panaka-naka pa ring sumusulyap kay Loraine pero sa tuwing titingnan ko sila ay agad silang nag-iiwas ng tingin. Si Loraine naman ay tahimik pa rin sa tabi ko at tila kaylalim ng iniisip. “Bakit ba kasi ibinalik mo pa ako dito? Aalis na ako—” Naputol ang pagsasalita niya nang ilahad ko sa kaniya ang isang kamay. “Dance with me.” Loraine's beautiful almond eyes widened, and her lips slightly opened in response to my unexpected invitation. I held my breath as I stood looking at her luscious lips. I secretly cursed myself. Stupid! Why I'm asking her to dance with me? “Sasayaw? Tayo?” nalilitong tanong niya at halata din ang kaba. “You will lose if you cry your way out of this hall.” I'm not even sure why I'm saying all of this. All I know is that I want her to accept my invitation. I expected her to say no, but she took my hand instead. Tinitigan ko siya na noon ay nakamasid din sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa habang naglalakad kami patungo sa dance floor. Muli ay naramdaman ko ang mga mata ng ilang bisita sa amin. Nang sulyapan ko si Loraine ay naroon pa rin ang lungkot niya kaya naman hinapit ko ang baywang niya papalapit sa akin. “Could you please explain what happened? And why is everyone staring at you?” Naramdaman ko ang pag-aalangan niya saka nagsalita. “Iyong lalaki kanina, s-si Gio…nagpropose siya sa girlfriend niya.” “So?” “He is my ex-boyfriend. We broke up…just six months ago.” Natigilan ako sa narinig. Nilingon ko ang lalaki na kakatwang nakamasid sa amin habang yakap ang kaniyang fiancée habang sumasayaw. So, Mr. Geoffrey has a sh*ithead son, huh? I am well aware that I am an asshole. But now I can be nastier. I'll show him how it feels to be treated like sh*it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD