Chapter 14 – Loraine’s resolve

1808 Words
MATAPOS ang ilang minuto ay pumarada ang sinasakyan namin sa tapat ng sikat na restaurant. Kilala ang kainang ito dahil isa ito sa pinakamatandang restaurant sa bansa. Madami itong branches ngunit ang pinuntahan namin ngayon ay ang pinaka-main branch. Luma na ang gusali kung titingnan mula sa labas ngunit nang makapasok kami sa loob ay bigla akong nanliit. Agaw atensyon ang grand staircase sa pinaka-sentro at sa paanan niyon ay may tumutugtog ng piano. The room is painted in a combination of mahogany and black. Malalaki ang bintana na sinauna pa ang disenyo. A mahogany-colored carpet accents the floor as well. Halatang hindi basta-basta ang mga nagpupunta dito. Agad kaming binati ng waiter na naghihintay at iginiya patungo sa isang table. Hindi ko maiwasan ang pagkailang sa lugar. Bigla akong nanlamig at alam kong hindi iyon dahil sa airconditioned room. Batid kong hindi ako nababagay sa lugar na ito. Sinulyapan ko si Walter na noon pala ay pinagmamasdan ako. “Are you cold?” kunot-noong tanong niya. Noon ko lang napansin na naka-halukipkip pala ako. Nahihiyang sinulyapan ko ang waiter. “H-Hindi,” tanggi ko saka umayos ng upo. Ewan ko ba kung bakit sobrang intimidating ang lalaking ito. At ngayon ay nakapanliliit din ang lugar na pinagdalahan niya sa akin. “What do you want to order?” tanong niya. Binasa ko ang nasa menu at lalo akong nahiya dahil hindi ko alam ang mga pagkain na nakasulat doon. Cannelloni with gorgonzola and ricotta. Anong pagkain ba ito? Binuklat ko ulit iyon at naghanap ng iba pa. Bruschetta al pomodoro fresco e basilico. Muli akong napakagat-labi. Pagtingin ko kay Walter ay nakakunot na ulit ang noo niya. Nahihiya man ay itinuro ko ang nasa menu dahil hindi ko naman alam kung paano basahin iyon. “Ito na lang,” mahinang sagot ko. Sinundan niya ng tingin ang itinuro ko. “What else?” “W-Wala na. O-Okay na sa akin ‘yan,” aniko. Nagbuntong-hininga si Walter saka nagsalita. “That's an appetizer, Loraine. It's just a toasted bread with tomatoes on top.” Bigla akong napahiya. Tinapay pala ‘yon! Inaasahan ko nang mapang-asar niya akong titingnan pero kakatwang ngayon ay wala ang nanlalait na tingin niya. Binalingan niya ang waiter at siya na ang umorder para sa amin. Tumango naman ang waiter saka umalis matapos makuha ang order namin. Nang kami na lang dalawa ay saka ako lalong nailang. “B-Bakit…Bakit tayo nandito? A-Akala ko ba bayad na ako sa utang ko sa ‘yo?” hindi ko na napigilang itanong. Kanina pa ako nag-iisip kung bakit siya biglang nagpakita matapos ang ilang araw na hindi siya nagpaparamdam. Bigla siyang tumuwid ng upo saka ako tinitigan. Dahil doon ay parang lumukso ang puso ko. This man has an entirely different effect on me. I'm not sure why, but he somehow manages to make me both uneasy and at ease at the same time. Despite his intimidating demeanor, just being around him is comforting. Nalilito ako sa sariling damdamin sa tuwing siya ang kaharap ko. “Actually, I don’t know,” casual na sagot niya. Nagugulohang tiningnan ko siya at naghintay pa ako ng kasunod niyang sasabihin. “I just wanted to see you.” “Bakit?” Bigla ang pag-ahon ng pag-asa sa puso ko. Hindi kaya tulad ko ay attracted din siya sa akin? “As I have said, I don't know the answer,” ulit niya sa sinabi. Matiim niya akong pinagmamasdan. “But don't get your hopes up; I still have no intention of entering into a romantic relationship,” mabilis niyang dugtong na tila ba nabasa niya ang nasa isip ko. Mabilis kong itinago ang mumunting kirot na aking naramdaman. It’s so unfair! Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa kaniya? Samantalang siya ay walang balak na makipag-relasyon. Bakit pa siya nagpakita sa aking muli? Naputol ang pag-iisip ko nang dumating ang waiter na dalang food trolley. Maingat niyang ipinatong ang mga pagkain sa table namin. Hindi ko kilala ang mga nakahain, patunay na magkaiba kami ni Walter ng mundong ginagalawan. “Don’t you like them?” tanong niya nang mapansin na nakatitig lang ako sa mga nakahain. “Ha? H-Hindi ko lang kasi kilala ang mga pagkain na ito,” amin ko. Wala naman siguro ako kailangang itago at hindi ko kailangang magkunwari sa kaniya dahil alam na alam naman niyang hindi ako mayaman na tulad niya. “Try them out. They are delicious.” Kumuha ako ng pasta at dinala iyon sa bibig ko. Tama nga si Walter. Masarap iyon. The rich flavors exploded in my mouth. How fortunate the wealthy are to be able to enjoy such a lifestyle! Sinulyapan ko si Walter at noon ko napansin na nakatitig pala siya sa akin. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa klase ng pagkakatingin niya. My heart rate accelerated, and all of my blood flowed to my cheeks. I'm not sure why, but I suddenly felt a strong desire to reach out and kiss him. Bakit may pakiramdam ako na pareho kami ng iniisip ngayon? I took a deep breath and broke our stares. It is obvious that we are attracted to each other. Hindi ko lang maintindihan kung bakit iba ang kaniyang paniniwala. Tahimik lang ako habang kumakain. Pasimple akong sumusulyap sa kaniya ngunit sa tuwina ay nahuhuli niya ako. Lalo tuloy akong nahihiya! Matapos kaming kumain ay inaya na niya akong umuwi. Napatingin ako sa kaniya nang mapansin kong pumarada na ang sasakyan sa tapat ng apartment building na tinutuloyan ko. Really? Inaya lang talaga niya akong kumain? Ano pa bang gusto mo? tanong ng isang bahagi ng utak ko. “Don't give me that look. As if you were expecting something more,” saway sa akin ni Walter. Agad akong nag-iwas ng tingin. Maging sa sarili ko ay napahiya ako dahil totoo naman ang sinabi niya. “Of course not! W-Wala akong ibang iniisip!” tanggi ko pa rin. Ngumisi lang si Walter sa akin na para bang hindi siya naniniwala. I can’t blame him. Totoo namang hindi ko ini-expect na ihahatid niya ako agad sa apartment ko. “W-Walter,” untag ko sa kaniya at nilingon niya ako. Just looking into his eyes made my heart race. I despise this heart of mine for betraying me. I was supposed to be mad at him, but I found myself attracted to him instead. Tumikhim ako at humugot ng malalim na hininga saka nagsalita. “N-Nagugulohan ako sa ginagawa mo. Hindi ko alam kung anong meron sa pagitan natin,” lakas-loob na sabi ko. Maaaring katawa-tawa dahil ilang beses pa lang kaming nagkaharap, but I have already developed a strong attraction for him. And it was so unfair! Pinagmasdan ko ang seryoso niyang mukha na tila pino-proseso ang mga sinabi ko. Pagkuway nagkibit-balikat siya. “Nothing,” sagot niya at hindi ko mapigilan ang masaktan. “We're just two people who enjoy each other's company.” Tumungo ako para itago ang pagkadismaya. It's obvious that we have different perspectives on how we feel right now. “Wala sa mga plano ko ang pumasok sa relasyon, Loraine. It is meaningless to me. I'm not a believer in marriage and love. What people experience is simply caused by a chemical in our bodies, especially if you are attracted to someone. It's similar to a drug that causes you to lose sleep and raises your heart rate. Soon, the chemical level will go down. When this happens, all of your feelings for that person will fade. You have no choice but to end your relationship with the person you thought you loved. That's a process I'm not willing to engage in at this time,” mahaba niyang paliwanag. “You talk as if you're sure about it. Na hindi totoo ang pag-ibig at mawawala din ang nararamdaman mo sa isang tao,” komento ko. Itinuon ko ang mga mata sa dalawa kong kamay na noon ay mahigpit na nakahawak sa palda na suot dahil sa tensyon na aking nararamdaman. “It was all supported by science,” sagot niya. Gusto ko mang salungatin ang sinabi niya pero hindi ko alam kung paano kaya nanatili lang akong nakatungo. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ang naririnig ko lang ay ang malakas na t***k ng aking puso. Ayaw kong tanggapin ang sinasabi niya na isang kemikal sa katawan lang ang dahilan ng nararamdaman ko sa kaniya ngayon. “Walter,” lakas-loob na tawag ko ulit sa kaniya. Naramdaman ko ang mga mata niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang titig niya. “Iyong s-sinabi mong hindi makatulog, bumibilis ang t***k ng puso…nararamdaman mo rin ba iyon ngayon?” Napansin kong natigilan siya sa tanong ko. Tinitigan niya ako ng matagal saka iniwas ang tingin sa akin. Nanatili lang siyang tahimik habang diretsong nakatingin sa kalsada at sa mga taong abala sa kani-kanilang lakad. Mukhang wala siyang planong sagutin ang tanong ko at bigla akong nakaramdam ng hiya. “N-Never mind. Pasensya na sa tanong ko. Salamat nga pala sa dinner.” Akmang lalabas na ako ng sasakyan nang bigla siyang magsalita. “Yes.” Natigil ako sa pagbukas ng pinto ng sasakyan at muli siyang nilingon. Nakatitig siya sa akin at napansin ko nang bumaba ang mga mata niya sa labi ko. “Those things are happening to me, and I feel stupid,” seryosong sagot niya. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o hindi. So, we both feel the same way. Ang kaibahan lang ay hindi niya gusto ang nararamdaman niya ngayon. “D-Do you…do you want to come to my apartment upstair?” tanong ko sa kabila ng malakas na dagundong ng dibdib ko. Halata ang matinding pagkagulat niya sa aking paanyaya. His eyes suddenly darken. Napalunok ako sa takot. Gusto ko nang pagsisihan na inaya ko pa siya. Nagalit ba siya? “You are aware of what will happen if I go with you to your unit,” aniya na ang boses ay may bahid ng pagbabanta. “Alam ko,” hamon ko din sa kaniya. Tinitigan niya ako at matapang kong sinalubong iyon. Ilang segundo kaming nagtantyahan. Sa pagkagulat ko ay bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya at siniil ng halik. Ang isang kamay niya ay dumako sa batok ko at lalo pa akong idinikit sa kaniya. Mariin akong napapikit at tinugon ang mga halik niya. Yeah, I am a fool. Sinong matinong babae ang aakitin ang isang lalaki na hindi naniniwala sa pag-ibig? Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta alam ko sa sarili ko ang nararamdaman ko sa ngayon. I like this man. At nadagdagan ang pag-asa ko sa kaalamang pareho kami ng nararamdaman. Baka sakaling mapapagbago ko pa ang isip niya. Baka sakaling magustuhan niya ako at mabago ko pa ang paniniwala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD