Chapter 13 – Increasingly hopeful

2218 Words
ANG LAHAT ng pag-asa ko na muling makita si Walter ay nawala nang apat na araw ang lumipas ngunit wala man lang akong nabalitaan sa kaniya. Dumaan ang araw ng Sabado at Linggo at hindi ko maipaliwanag ang pagkainip na nararamdaman ko. Kakatwang isipin na wala man lang akong alam tungkol sa kaniya. Ni hindi ko alam kung saan ba siya nakatira, ang cellphone number niya o social media account. I tried searching him on social media pero wala akong nakita na account niya. Gusto ko nang sabunutan ang sarili dahil aminado akong apektado ako. Alam kong walang basehan ang nararamdaman ko sa ngayon dahil ni hindi siya nangako na magkikita kami ulit. Ang katunayan, natapos na ang pagbili niya ng equipment sa amin ngunit ni anino niya ay hindi ko na namataan. Maging sa email ay ang staff na lang niya ang nakipag-usap sa amin. Iniisip ko na baka iniiwasan na niya ako. Tulad nang sinabi niya noong una ko siyang makilala, I shouldn’t expect a call from him. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa computer screen. Sa gilid ng mga mata ko ay namataan ko si Mary na dumating sa opisina. Agad siyang ngumisi pagkakita sa akin. Hindi lingid sa kaalaman ko ang mga ipinagkakalat niya tungkol sa akin. Mainit na mainit ang balita na pumayag akong maikama ni Walter para lang makuha ang deal. Labis ang galit ni Jean kay Mary at kung hindi ko siya napigilan ay malamang nasabunutan niya ang babae. Wala naman akong magawa para linisin ang pangalan. “What’s up? Why are you so depressed? Hindi ka na ba kinausap ulit ni Mr. Werner?” Nagulat na lang ako na nasa harapan ko na si Mary. “Well, tapos na kasi iyong deal kaya tinaguan ka na. Umasa ka naman na may mas malalim pang motibo sa iyo,” dagdag pa niya. “Anong kailangan mo?” malamig na tanong ko imbis na patulan pa siya. “Pakipapirmahan kay boss itong leave form ko, magbabakasyon kami ni Gio,” aniya na halata ang pang-iinggit sa boses. Pinagmasdan niya ang magiging reaksyon ko pero tamad na inabot ko lang ang papel buhat sa kaniya. “May kailangan ka pa?” tanong ko nang hindi pa siya umalis sa harap ko. “I didn’t know that you are stupid, hahulog ka sa patibong ni Mr. Werner,” aniya. Tinaasan ko siya ng kilay kahit pa nga alam ko sa sarili kong tama siya. “Alam mo Mary, wala kang alam sa buhay ko. Tigilan mo na ang mga ipinapakalat mo tungkol sa akin! Wala kang narinig buhat sa akin noong inahas mo si Gio.” “Hah! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko inahas si Gio? Gusto na niyang makipaghiwalay sa iyo bago pa man ako dumating. Hindi ka maka-move on? Siguro akala mo ay magseselos siya sa inyo ni Mr. Werner. Desperada ka masyado.” “Ang totoo, naaawa ako sa iyo Mary,” sagot ko. Mataray na tiningnan niya ako pero hindi siya nagsalita. Ako naman ang nakakalokong tumingin sa kaniya. “Ako ang natatakot na baka ikaw naman ang iwanan ni Gio, eh! Lalo pa at mukhang siya ang hindi pa nakaka-move on sa akin. Sa tingin ko nga, isang oo ko lang ay agad siyang babalik sa akin.” Pulos kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ko. Si Mary ang naunang magbato ng masasakit na salita at hindi ko ako magpapatalo. And I’ll hit her where it hurts. Alam ko ang insecurities niya kahit hindi man niya aminin. Alam kong natatakot siyang bumalik sa kaniya ang ginawa niya sa akin. “Excuse me! We are getting married! He proposed to me in front of you!” asik niya at batid kong narinig siya ng kasamahan namin dahil sa taas ng boses niya. Namula din ang mukha niya dahil sa galit. Nginisian ko siya. “He did that to make me jealous. Baka sakaling tanggapin ko siya ulit—" “How pathetic! Hindi ko alam na mataas pala ang bilib mo sa sarili! Nakakahiya ang mga sinasabi mo! Umaasa ka pa rin na babalikan ka ni Gio,” aniya saka tumalikod at nagtungo sa kaniyang desk. Alam kong napikon siya sa sinabi ko. Inilibot ko ang mga mata para tingnan ang mga katrabaho namin ngunit agad silang nag-iwas ng tingin. Napapailing na itinuon ko na lang muli ang atensyon sa trabaho habang si Mary ay nakasimangot sa pwesto niya. Hawak niya ang cellphone niya at panay ang pukol niya ng masasamang tingin pero umakto na lang akong hindi siya napapansin. Mayamaya ay dumating si sir Val kung at dumagsa na ang mga utos niya sa akin hanggang sa hindi ko na napansin si Mary. Mag-isa akong kumain ng tanghalian dahil ngayon ang unang araw ng leave ni Jean kasama si Eddie. Panay ang send niya sa akin ng pictures nila ng nobyo. Nakakaramdam ako ng inggit sa dalawa pero masaya ako para sa kaibigan ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses umiyak si Jean sa mga lalaki noon. Kaya masaya akong nakilala niya si Eddie. Lumipas ang maghapon ko sa opisina at hindi na si Mary nagtanggaka akong lapitan man lang. “Allright! Isang araw na naman ang lumipas! Good job guys! Uwian na!” masayang bulalas ng kasamahan ko sa Department matapos uminat. Napasulyap ako sa orasan at napansin kong pasado alas singko na pala kaya nagsimula na akong kalapin ang mga gamit ko. Magkakasabay na kaming naglakad patungo sa biometric machine. Palabas na ako ng gusali noon nang biglang may pumigil sa braso at malakas akong hinila. Halos mawalan ako ng balanse sa ginawa ng kung sino mang humila sa akin. Nalingunan ko si Gio na galit na nakatingin sa akin. “Ano bang problema mo?” inis na tanong ko sabay hila sa braso ngunit lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. “Anong sinabi mo kay Mary?” tanong niya. Bahagya pang gumalaw ang panga niya dahil sa tinitimping galit. “Oh? Nandito ka para awayin din ako dahil sa sinabi ko kay Mary? Siya ang nagsimula!” inis din na sagot ko. “Ang tanong ko ang sagutin mo! Alam mo ba ang ginagawa mo? Nag-aaway kami ngayon dahil sa sinabi mo sa kaniya! Really, Loraine? Sinasabi mo sa kaniya na hindi pa ako maka-move on sa ‘yo? Ikakasal na kami—” “Bakit siya apektado? At bakit ba ako ang pinoproblema n’yong dalawa? Kahit magpakasal kayo sa harapan ko, wala akong pakialam!” asik ko din. Napansin kong biglang natigilan si Gio. Marahil dinadaya ako ng aking paningin dahil nabasa ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata. “Talaga? Eh bakit kung anu-ano ang inilalagay mo sa isip ni Mary? Na parang gusto mo kaming sirain?” Hinila ko ang braso buhat sa kaniya at pagak na tumawa. “Ako pa ngayon ang gustong sumira sa inyo? Alam mo Gio, akala ko matalino ka! Hindi mo ba nakikitang wala na akong pakialam sa inyo kaya sana naman ay tigilan na ninyo ang pandadamay sa akin sa mga drama n’yo!” “Dahil sa Mr. Werner na iyon ba kaya wala ka nang pakialam? I can’t believe you let that man ruin you! Ginamit lang niya ang deal para makuha ka niya. At nagpa-uto ka naman!” Hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinabi niya. Parang isang sampal sa akin iyon. Ang masakit ay alam ko sa sarili kong tama siya. Pero kahit na anong mangyari ay hindi ako aamin sa kaniya na apektado ako. “Wala kang karapatang makialam sa mga desisyon ko! Akala mo ba ay hindi ko alam ang mga tsismis na ipinapakalat ni Mary tungkol sa akin at kay Walter? Pagkatapos ay siya pa ang ipinagtatanggol mo!” “Dahil ikaw itong gumagawa ng issue, Loraine!” katuwiran niya at parang nagpanting ang aking tainga. Paano niya nasabing ako ang gumagawa ng issue sa pagitan namin? Tinitigan ko siya at hindi ko itinago ang matinding pagkadismaya. Siya naman ay tila natigilan sa paraan ng pagtingin ko sa kaniya. “Ewan ko sa ‘yo, Gio. Bahala ka na sa buhay mo! I’m so sick of dealing with you.” Tumalikod na ako at naglakad palayo ngunit muli siyang nagsalita. “You’re sick of me now? Why? Dahil ba sa Werner na ‘yon? Niloko ka lang niya! Ginamit ka lang! Asan ba siya ngayon? Hindi ka na binalikan matapos ka niyang makuha!” Natigil ako sa paghakbang. Gustong gusto ko siyang balikan at sampalin. But doing so would imply that he is correct in his assumptions. Pilit kong kinalma ang sarili at hindi na siya nilingon lalo pa nang maulinigan ko ang boses ni Mary na lumapit sa kaniya. “Babe, why are you talking to her? Sabi ko naman sa’yo ay okay na ako. Kaya ko naman siyang pagpasensyahan,” aniya sa malambing na tono. Halos manginig na ako sa inis pero mas pinili kong humakbang palayo. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kanila nang isang unipormadong lalaki ang lumapit sa akin. Agad ang pagbilis ng t***k ng aking puso nang mamukhaan ko siya. Kilala ko ang lalaking ito. Siya ang driver ni Walter! Hindi ko maintindihan ang biglang pagtalong ng puso ko nang tumigil siya sa harap ko. “Miss Loraine, ako po ang driver ni Mr. Werner,” pakilala niya sa akin. “Gusto po kayong makausap ni Sir,” magalang na paalam niya sa akin sabay abot ng cellphone na hawak. Nanginginig pa ang kamay ko nang tanggapin ko iyon. “H-Hello?” Hindi ko naitago ang kaba sa boses. “Do you have any plans tonight?” tanong ng pamilyar na boses sa kabilang linya. He sounds so confident and bossy kahit pa nga nagtatanong lang naman siya sa akin. “Wala naman.” Pilit kong itinago ang excitement. Nag-aalalang nilingon ko sila Gio at Mary na nakamasid pa rin sa akin. “Then would you join me for dinner?” Napanganga ako sa direkta niyang tanong. “A-Are you sure?” nag-aalangang tanong ko. “What kind of question is that? Do you think I'll come here to fetch you if I'm not sure?” Nahuhulaan ko nang nakakunot na naman ang noo niya. “I…I mean—” “I am starving,” putol niya sa sinasabi ko. Inaaya ba niya ako o inuutusan? “O-Okay,” sagot ko kahit pa nga nag-aalangan ako. “Great! Nandito ako sa sasakyan sa harap mo.” Napatingin ako sa harapan ko at namataan ko ang itim na sports car. Bigla ay bumaba si Walter buhat doon at nilingon ako. Parang saglit na tumigil sa pag-ikot ang mundo gayundin ang pagtibok ng puso ko. Literal na nakanganga ako habang nakatingin sa kaniya. Gosh! What a beautiful man he was, and how I miss him! Sh*it! Masama ito! aniko na napahawak sa dibdib. “Miss Loraine?” untag sa akin ng driver at saka lang ako natauhan sa pagkatulala. Mabilis kong itinikom ang aking bibig na kanina pa yata nakanganga. Nagtatanong ang mga mata ko na tumingin sa kaniya. “Tayo na po,” magalang na akit sa akin ng lalaki kahit pa nga halatang pinipigil niya ang matawa. “O-Okay,” napapahiyang sagot ko. Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad palapit kay Walter. Siya naman ay nakatitig lang sa akin at nang malapit na ako sa kaniya ay muntik pa akong madapa dahil sa pagbigay ng tuhod. Mabilis naman niya akong nahawakan at nang tunghayan ko siya ay nakakunot na ang noo niya. “You are so clumsy,” komento niya. “P-Pasensya na.” Nilingon ko ang daan para sana sabihin na natapilok ako pero nakagat ko na lang ang labi nang makita kong pantay na pantay iyon at wala man lang anong lubak. Napatingin ako sa kaniya nang bigla niyang buksan ang pinto ng sasakyan. Really? Ipinagbubukas niya ako ng pinto? Pasimple akong tumingin sa paligid at batid ko ang mga patagong sulyap sa amin ng mga katrabaho ko ganoon din sina Gio at Mary. Pihadong lalong iinit ang usapan tungkol sa akin. “I told you, I am starving. And I hate wasting my time,” bulong ni Walter na tila naiinip kaya inirapan ko siya. At sinong nagsabi sa kaniya na magpunta dito? Kahit pa nga masaya akong makita siyang muli. Pero inip niya akong tiningnan kaya mabilis na akong sumakay. Umikot naman siya sa driver’s seat at doon pumwesto. “Asan ang driver mo?” tanong ko. “You mean, Roy? Nasa kabilang sasakyan,” aniya. Noon ko napansin ang itim na SUV na nakaparada kasunod ng sinasakyan namin. “Ready?” nakangisi niyang tanong na tila ba nang-aasar. Bigla kong naalala noong huli siyang nagmaneho kaya mabilis kong inabot ang seatbelt. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya. Tinitigan ko siya dahil doon. He seemed in a good mood today. Gwapo siya kapag seryoso siya, pero mas lalo siyang gwapo kapag ganitong masaya siya. “Stop staring,” saway niya. Hindi ko malaman kung galit ba siya o nahihiya lang. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi kaya mabilis kong inalis ang mga mata sa kaniya. Ano kayang dahilan at pinuntahan niya ako? I don’t want to get my hopes up, but I am starting to wonder if he is somewhat interested in me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD