Ikaw ang nagmistulang pangarap
Sa panahong ika'y aking kayakap
Ikaw ang naging inspirasyon
Sa panahong wala na akong matunton
Mga bagay na naging masaya
Ito'y palaging naaalala
Sa bawat pag-taas ng araw
At kahit sa pagbungad ng bulalakaw
Sa mga araw na nakasama ka
Hinihiling ko na sana
Ito'y tatagal at mananatiling katabi ka
Ngunit nung dumating na
Ang araw kung saan ikaw ay bumitaw na
Naaalala ko pa kung ano ang iyong pangarap
Kung saan magkasabay nating aabutin ang mga bituing kumikislap
At yung mga mahihigpit at komportable mong yakap
Kasabay nun ang hanging malamig na ating nilalasap
Ngunit ito'y mararanasan ko na lang sa aking alapaap.
Lahat ng mga pangarap
Ito'y tuluyang naging alapaap
Dahil ika'y sumuko't iba ang iyong nahanap
At ako'y iyong nilisan
Pinaramdam mo sa akin ang salitang nasasaktan.
Ilang taon akong tumakas
Kumawala sa alapaap kong mapangahas
Ngunit kahit ilang pilit akong pumiglas
Ako'y laging kumakalas at nawawalan ng lakas
Alapaap kong walang patutunguhan
Sana ikay tuluyan ng maglaho't ikay lumisan
Dahil tuluyan mo lang sinisira ang aking isipan
Sana ay alapaap ko'y tuluyan ng makalimutan.