bc

'Wag TULAran

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Isang pamamaraan,

Isa itong uri ng salysayan,

Magulong talastasan

At kahindik-hindik na tala-salitaan

Ibig nitong ihayag

Isiwalat ang 'di katanyag-tanyag

Mga nasasaktang pahayag

Tungo sa layong maglayag

Kinamumuhian ang nararamdaman

Sa hindi ito kayang suklian

Ngunit sa 'di mapigil nitong kagustuhan

Ang ipilit ang mali sa katotohanan

Ps. 'Wag tularan.

chap-preview
Free preview
Luha
Isang butil ang iniingat-ingatan, Isang patak ang kinailangang lumisan, Sapat na siyang magpapagaan, Sa 'di maatim na nararamdaman. Isang tao ang naging dahilan, Taong pinagmalupitan ang nararamdaman, Taong sumira sa natitirang kabaitan, Taong minahal ng walang alinlangan. Ngunit siya rin ang unang lumihis, Unang humakbang papaalis, Na sa puntong 'di mahabol sa bilis, Na sinabayan ng luhang tumutolo ng labis. Sa kalagayang 'di mapalitan ng kasiyahan Sa puntong di inaakalang Hindi lang isang butil ang lilisan Na sa puntong 'di na ito matigil dahilan ng kalungkutan. Nagtuloy ang mga luha sa pag-agos Hanggang sa makawala sa gapos Hanggang sa mapagtantong, Hindi na ako ma-ayos. Pinilit ibalik ang luhang kumawala Pinilit ininda ang sakit na nadarama Sinanay sa hapdi ng kaniyang ginawa Hanggang tuluyan nang nakaahon mula sa baha. Iwinaksi sa utak at isipan Natuyo ang luhang sinaktan Bumalik sa ayos ang nararamdaman Ngunit sa 'di inaasahan, Minumulto na naman ng nakaraan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
438.9K
bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
5.9K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
556.7K
bc

Just Another Bitch in Love

read
43.3K
bc

Worth The Wait

read
204.7K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook