Luha

156 Words
Isang butil ang iniingat-ingatan, Isang patak ang kinailangang lumisan, Sapat na siyang magpapagaan, Sa 'di maatim na nararamdaman. Isang tao ang naging dahilan, Taong pinagmalupitan ang nararamdaman, Taong sumira sa natitirang kabaitan, Taong minahal ng walang alinlangan. Ngunit siya rin ang unang lumihis, Unang humakbang papaalis, Na sa puntong 'di mahabol sa bilis, Na sinabayan ng luhang tumutolo ng labis. Sa kalagayang 'di mapalitan ng kasiyahan Sa puntong di inaakalang Hindi lang isang butil ang lilisan Na sa puntong 'di na ito matigil dahilan ng kalungkutan. Nagtuloy ang mga luha sa pag-agos Hanggang sa makawala sa gapos Hanggang sa mapagtantong, Hindi na ako ma-ayos. Pinilit ibalik ang luhang kumawala Pinilit ininda ang sakit na nadarama Sinanay sa hapdi ng kaniyang ginawa Hanggang tuluyan nang nakaahon mula sa baha. Iwinaksi sa utak at isipan Natuyo ang luhang sinaktan Bumalik sa ayos ang nararamdaman Ngunit sa 'di inaasahan, Minumulto na naman ng nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD