Bigla nalang itong nawalan ng malay.Sa labis na pagkataranta niya ay dinala nila ito agad sa pinakamalapit na hospital.Ang akala niya ay simpleng pagkahimatay lamang iyon dahil pagod lang siguro ang kanyang kapatid. Masigla pa naman ito kaninang umaga at bago pumasok sa eskuwelahan.Pero ayon sa doctor na sumuri kay Glenda ay kailangan nitong dumaan sa series of tests. "Bakit,Doc?Seryoso po ba ang sakit ng kapatid ko?" nag-aalalang tanong niya sa doctor. Naroon sila sa isang regular room ng hospital kung saan kasalukuyang nagpapahinga ang kapatid niya. Hanggang ngayon ay hindi parin ito nagkakamalay. "I think it's something serious pero sa ngayon ay hindi pa tayo puwedeng gumawa ng conclusion.Kailangan muna niyang maeksamin ng husto bago ko masabi kung ano ang kalagayan niya,"paliwanag

