Pakanta-kanta pa si Gracia habang nag-aayos ito nang isang pumpon nang bulalak para sa mama ni Zen.Inimbitahan kasi siya nito kanina na ipagluluto raw sila ng kanyang Mummy kaya naman naisipan niyang bigyan ito ng bulaklak. Habang abala siya sa pag-aayos ay hindi niya namalayang may isang babae ang pumasok sa kanyang flower shop.Inakala ni Gracia na costumer nila ito.Kaya tinigil niya ang kanyang ginagawa at hinarap ang babae. "Good afternoon po,Ma'am," magalang niyang pagbati."May I help you?"tanong niya nang mapansing nililibot nito ang kanyang mata sa loob ng kanyang flowershop. Tinignan niya nito mula ulo hanggang paa na animo pinagmamasdan at tinatantiya ang kanyang pigura.Hindi man siya kagandahan ay may panlaban naman siya dahil may taglay rin siyang karisma. Hindi siya sinagot

