Janice's POV
Nakailang pikit na ako at pinipilit na makatulog, pero paulit-ulit lang akong napapadilat at napapabuntong hininga sa tuwing magbabalik ang imahe ng mga mata ni Samael sa isip ko. Para akong binababangungot ng gising.
Kanina pagkabukas mg elevator ay nauna siya sa akin lumabas at nakuha pang imuwestra sa akin ang daanan, para akong isang reyna at siya ay kawal lang na gusto akong pagsilbihan at alalayan. Seriously?!
Gusto kong magtanong kung bakit sa dinami-rami ng maaring kuning bagong bodyguard ni Uncle Alex ay bakit siya pa! Pero hindi maari dahil wala naman nakakaalam na magkakilala na kami ni Samael noon pa.
Paano ko rin naman sasabihin ang tungkol sa amin, sa harap ng fiance ko? No way!
"Can't sleep?"
Pasimple akong huminga ng malalim nang mabilis nawala ang lamig na dala ng aircon nang hagkan ako ni Kiel mula sa likod ko. Nagulat akong gising pa siya, halos isang oras na rin siguro nang magpasya kaming matulog matapos magkuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari sa amin buong araw.
Ganito kami lagi ni Kiel, sa gabi binabawi ang mga oras na hindi namin nalalaan para sa isa't isa. Masyado kasi siyang abala sa pagma-manage ng kompaniya ng pamilya niya at ng sariling business, pati business ni Uncle ay siya rin ang umaasikaso. Dalawang taon na nang tamaan si Uncle ng heart attack kaya nakiusap ako sa kaniyang tulungan muna si Uncle dahil wala itong anak na tutulong dito, siyang naging dahilan rin para ma-postponed ang kasal namin. We're about to get married 2 years ago, and now we're 6 years engage.
Nagulat pa nga ang mga kaibigan namin dito sa Los Angeles nang malaman na nagpaplano na kaming ikasal 2 years ago, minsan kasi ay iniisip nila na wala naman na kaming ituloy ang kasal dahil bukod sa pagiging workaholic ni Kiel ay abala rin ako sa sarili kong career bilang artist. Mas madalas kasi akong tumambay sa pottery and painting place ko kaysa asikasuhin at magpakaasawa kay Kiel. Unfortunately hindi sila nagulat nang malaman nilang na-postponed ang kasal.
I love Kiel, kahit na nagmula lang kami sa fix marriage ay natutunan ko na siyang mahalin, 2 years ago.
Which makes me feel guilty because while I'm here laying with him on the bed, somebody's inside my brain and I can't just take him away.
Humarap ako sa kaniya nang hindi inaalis ang pagkakapalibot ng braso niya sa baywang ko. Tumitig siya sa akin matapos isiksik ang braso niya sa ulo ko para maiunan ako roon. Kusa ko nang iniangat ang ulo ko para doon at pinagmasdan din siya.
"Did I woke you up?"
Ngumuso siya at nagkibit-balikat. "Ganyan ka kapag may iniisip. Tell me, what is it?"
Ngumiti ako nang walang laman at hinimas siya sa panga niya at pinagmasdan iyon. I can't look at him straight with Samael was on my mind.
"Just an idea for my arts."
Natawa siya sa sinabi ko kaya napabalik ang mata ko sa kulay tsokolate niyang mga mata. Somehow with his smile, I forgot Samael's image.
"Hanggang sa pagtulog kalaban ko ang art, seriously. Be with me tonight, and every night, okay." Napapikit ako nang angkinin niya ang labi ko na kaagad kong sinuklian.
Madalas siyang ganito, full support siya sa lahat ng ginagawa ko, sa passion ko, sa pangarap ko, pero gusto niya kapag kami na lang dalawa ay sa kaniya muna ako. Wala naman akong reklamo dahil naiintindihan ko naman siya. Siyempre pareho kaming abala sa trabaho at hangga't maaari ay ayaw namin mawalan ng oras sa isa't isa.
"Not sleepy yet?" tanong niya habang hindi pa rin tinatantanan ang pagpapaulan ng halik sa labi ko. Natatawang inilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya na ikinatigil niya.
"Kiel, 'wag mo na 'kong sabayan sa puyat ko, may meeting ka pa bukas."
Tinanggal niya ang daliri ko at inilagay ang kamay ko sa may batok niya. "I can't sleep with you moving and move, and move and take a deep breath or two."
Natawa ako at bahagya siyang kinurot sa balikat. "Okay, I won't move."
Pinaningkitan niya ako at ngmisi. "Or I'll make you move."
"What-noooo!" napatili ako nang pumaibabaw siya sa akin at sinimulan akong halikan sa leeg ko.
2 years ago kasabay ng pagpapasya naming ituloy na ang kasal na pinag-usapan ng magulang namin ay nagpasya na rin kaming mag-lived in, na siyang mas madali para sa aming schedule. Noong hindi pa kami nagsasama ay umaabot sa mahigit 24hours na hindi kami nagkikita o nagkakasama, kaya mas mabuti na rin itong magkasama kami sa bahay at least kahit abala kami ay sa tuwing gabi ay magkasama naman kami.
Nagising ako sa paggalaw ng kama at ang namulatan ko ay ang bumabangon na si Kiel. Kaagad siyang napatingin sa akin, siguro nang mapansin niyang gising ako.
Mas niyakap ko ang kumot na tumatakip sa katawan ko ang nginitian siya. "Hi."
Yumuko siya sa akin at hinalikan ako sa labi. "Good morning." Inalis niya ang hiblang humaharang sa mukha ko. "I have a meeting, come with me?"
Ipinahinga ko ang kamay ko sa balikat niya. "Sasabay lang ako dahil makikipagkita na muna ako kay Lorraine bago pumunta sa art gallery."
Tumango siya. "Okay, let's shower."
Handa na siyang tumayo nang bahagya akong umiling nang natatawa. "Mauna ka na, hindi tayo matatapos kung magsasabay pa tayo."
Tumawa lang siya at hindi na nakipagtalo. Nauna na siyang maligo at sumunod naman ako sakto pagtapos kong ayusin ang kama ay tapos din niya sa paliligo.
Pagkalabas namin ng kuwarto ay handa na ang almusal kaya pagtapos kumain ay tumuloy na kami sa pag-alis. May dalawa kaming kasambahay at sila na ang umaasikaso ng lahat ng gawaing bahay. Hindi ko kinalakihan ang kahit anong gawaing bahay, maski pagluluto. Lumaki ako sa isang malaking mansyon kung saan hindi ko kailangan matuto kaya walang problema. Ang iniisip ko lang ay ang laging sinasabi sa akin ni Uncle, na dapat minsan ipagluto ko rin ang mapapangasawa ko dahil tiyak na magugustuhan niya iyon. Naisip ko na mag-practice pero wala pa rin akong oras kaya hindi ko pa nata-try.
"Saan kita ibaba? Sa bahay ba ni Lorraine?"
Tumango ako. "Yup!" Siya ang nagmamaneho at wala rin siyang dalang bodyguard. "Uhm Kiel, what do you know about Uncle's new bodyguard?"
Saglit niya akong binalingan at kaagad na itinuon ang atensyon sa daan habang nagmamaneho.
"Well, okay lang. Bakit?"
Umiling ako. "Just trying to make a conversation?" I lied. Makikipagkita lang ako sa pinsan kong si Lorraine dahil kailangan ko ng makakausap tungkol kay Samael, at si Lorraine lang ang nakakaalam ng tungkol sa lalaking iyon. Pero pagtapos ay pupuntahan ko si Uncle at doon ay sigurado akong makikita ko uli si Samael a.k.a Bernardo, at hindi ko alam kung paano ko uli siya haharapin.
Matapos ng meeting kahapon ay umuna nang umuwi si Uncle para makapagpahinga, and of course kasama ni Uncle ang bodyguard niya, kaya naman hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap o makita uli si Samael.
"He's a soldier, he was recommended by Uncle's friend, he's 29 years old and single, he has a good background."
Napangiwi ako sa sinabi niyang 'single' raw. Does he really has to mention that?
"Good, at least alam kong safe si Uncle sa kamay niya," sabi ko kahit alam ko na ang mga detalye na sinabi niya.
Hininto niya ang sasakyan at bahagyang humarap sa akin. 20 minutes away lang ang bahay ni Lorraine kaya naman kaagad kaming nakarating. Hinalikan niya ako sa labi kasabay ng pagtanggal niya ng seat belt ko.
"You are over-protective again."
Nagpeke ako ng ngiti. Oo nga't inaamin ko na minsan over-protective ako pagdating kay Uncle. Wala siyang asawa't anak na aasikaso sa kaniya kaya naman ako ang gumagawa niyon, but! Hindi iyon ang dahilan ng pagtatanong ko pero mabuti na rin na isipin niyang iyon lang iyon.
Alam kong kailangan kong sabihin sa kaniya ang dati naming kaugnayan ni Samael bilang mapapangasawa ko siya, pero hindi pa ako handa, at hindi ko rin alam kung paano.
"Yes I am," tanging nasabi ko na lang saka nagpaalam na sa kaniya at bumaba ng sasakyan.
Hinintay ko lang siyang makaalis bago kumatok na. Alas otso na kaya naman alam kong gising na si Lorraine. Sinabi ko rin naman sa kaniya pupunta ko kaya wala siyang magagawa kundi bumangon.
Napangisi ako nang sa maliit na salaming bahagi ng pinto ay nakita ko siya at patungo na para pagbuksan ako.
"What's the news?" bungad niya sa akin pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Naiiling na pumasok kaagad ako at naupo sa puting sofa na kaharap ng bukas na TV. Mukhang nanood siya habang nagkakape dahil naroon pa ang kape sa tini table sa gitna ng magkakaharap na sofa, at siya rin nangangamoy sa full air-conditioned na bahay.
"I saw Samael."
"What!" nanlalaki ang singkit na mga mata at may matilis na boses niyang bulalas. Like what I expected.
Sinabi ko sa kaniya ang buong kuwento na ikinatango niya. "You feeling like you're betraying your fiance because you are thinking of him this whole time since yesterday?"
Bagsak ang balikat na tiningnan ko siya. Yes I admit, she's right.
Tumabi siya sa akin at umiling. "Normal lang naman na magulat ka na nagbalik siya sa buhay mo bilang bodyguard ng Ninong mo, at normal lang na gustuhin mo siyang kausapin, dahil wala naman kayong matinong closure. But it isn't like you're fantasising him... Or are you?"
"No!" Pinaningikitan niya lang ako na parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Naiirita na naihagod ko ang buhok ko nakabagsak lang. "God, no! I was with Kiel whole time since I met him again, okay? There's no way I could think of him or fantasised him!"
Humalakhak siya. "Defensive! But yes, you love your fiance, and I hope he loves you too."
Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. Inaamin ko na minsan ay iniisip ko kung mahal nga ba ako ni Kiel. We started as a fix marriage and I fell, unfortunately he's in love with someone else when our relationship started, and I'm not sure if I'm enough to erase that girl in his heart.
Lahat iniisip na perfect couple kami, halos lahat naiinggit sa amin, pero iyon ang ikinatatakot ko. Because no one's perfect in this world, unless it isn't real.
Matapos namin mag-usap ni Lorraine ay nagpasya na akong magpunta sa bahay ni Uncle bago magtungo sa inaayos nang museum na binili ko. Ang art gallery na iyon ay nakatayo na mula noon 2000's pa at ang may-ari ay nagpasyang ibenta iyon dahil sa kawalan ng interest sa art ng mga tagapagmana na anak. Napagpasyahan kong bilhin iyon para hindi mapasara. Iyon ang unang art gallery na napuntahan ko sa Los Angeles kaya naman mahalaga iyon sa akin.
"Why you didn't tell me that you'll be here, sana ipinasundo kita," sabi ni Uncle pagkaupo ko sa harap niyang upuan sa garden. Madalas siyang nandito para lumanghap ng sariwang hangin, kailangan niya iyon.
"Its okay, I'd just took the cab. Hindi rin naman ako magtatagal."
"Pupunta ka pala sa Fordsite, bakit hindi ka nagdala ng sasakyan?"
Napangiti ako. Minsan napapatanong ako kung puwede ba akong magmana sa Ninong ko kahit hindi ko siya kadugo, dahil kung gaano ako ka-over-protective ay ganoon din naman siya. He's like a father to me, like a real one. Lumaki ako sa alaga ng babysitter, ang mga magulang ko masyadong abala sa kompaniya, minsan pakiramdam ko mas mahalaga ang business kaysa sa akin. Mabuti na lang nandito ang Ninong ko na siyang mas may oras pa para sa akin kaysa sa sarili kong mga magulang.
"Don't worry, kaya ko namang magpa-service."
"No commute for billionaires daughter and fiancée," paalala niya na ikinatango ko ng walang nagagawa, pero natigilan ako nang may tinawag siyang pangalan. "Bernardo!"
Pinigilan kong lingunin si Samael na alam ko nang papalapit sa likuran ko. Gusto ko siyang ignorahin na muna dahil hindi pa ako handang kausapin siya uli, pero paano kung naririto na siya?
"Yes, Sir?"
Nanlamig ako nang marinig ko ang may kalakihan niyang boses. Para bang hindi ko iyon narinig kahapon lang dahil hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako.
"Puwede bang samahan mo muna si Janice sa Fordsite?"
"Uncle," agaw ko sa atensyon niya at hinawakan siya sa kamay. "I'm okay, just let me use one of your car so I can drive by myself. Isa pa wala kang kasama."
"Janice, I have 2 new bodyguards, and Ford will be with me while Bernardo will be with you today, and in fact you're not good with cars."
Naitikom ko ang bibig ko. Tama naman siya. Gusto kong sabihin na magpalit na lang kami kaso baka mapaghalataan niya masyadong ayaw ko lang makasama si Bernardo. Paano ko ito tatanggihan?
"Bernardo please take good care of her, okay? She's one of the person I want you to protect," bilin ni Uncle na hindi ko na napigilan. Binalingan niya ako at pinisil ang kamay ko. "Don't worry, mabait 'yan. Pinoy rin' yan sadyang nakuha lang ang genes ng Nanay niyang foreigner."
Walang nagagawa pumayag ako. Nagpaalam na muna si Bernardo para kunin ang kotse at hihintayin niya na lang ako sa labas. Saglit na nagkuwentuhan muna kami bago ako sumunod kay Samael. Naabutan ko siyang nakasandal sa gilid ng sasakyan habang pinupunasan ang sunglasses niya.
Hindi ko na kailangan na magsalita dahil mukhang naagaw ko kaagad ang pansin niya. Isa sa skills niya ang pagkakaroon ng matalas na pakiramdam. Can't blame him.
"Samael Bernardo huh."
Dumiretso siya ng tayo at sinuot ang sunglasses niya at ipinasok ang case sa bulsa ng tux niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero hindi ako nag-abalang pumasok doon, sa halip ay pinagmasdan ko lang siya habang nakahalukipkip.
Hindi ko alam kung saan ko ngayon nakukuha ang lakas na loob na kausapin siya kung kanina lang ay halos ipagsigawan ko na hindi pa ako handa, na ayoko pa. Pero alam ko wala akong matatapos kung wala akong sisimulan. Kaya naman alam kong kailangan ko na 'tong simulan uli upang matapos na.
"Why are you here?"
"Because your Uncle hired me?" Sinara niya ang pinto nang mukhang na-realize niyang wala pa akong balak pumasok.
Nilibot ko muna ang paningin ko bago. Nasa labas kami ng mansion ni Uncle at good thing ay wala sa tapat namin ang security na madalas nandito. Siguro nag-break na muna o iniikutan ang bahay?
Nang masiguro kong walang tao ay nilapitan ko siya, hindi iniinda ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.
"Do you know that I'm here? Please tell me that you're not here because you're following me," mahina pero may riin kong bigkas.
Nakita kong nangunot-noo siya sa itaas ng sunglasses niya. Pinigilan ko ang sarili kong pagmasdan siya pero hindi ko magawa. Gusto kong tanggalin ang sunglasses niya niya nang makita ang mukha niya nang buo, ngunit ang huling gusto kong mangyari ay muling manumbalik ang alaala ng nakaraan namin.
"Why would I choose to stay here if I know that staying here means watching you falling in love with your fiance?"
***
A/N: Sorry po sa matagal na paghihintay. I'm dealing with my writers block few weeks na, and it makes me decide na i-delete iyong first chapter ko, one of my way to fight my writers block, unfortunately it really happens sometimes, masakit na magtapon ng chapters (lalo na sa aming mga manunulat) pero kailangan para sa ikauusad ng storya. So, thanks for reading!
Ps. Sorry po sa mga nakabasa na ng first chapter na nai-post at na i-delete ko. Sa mga new readers, welcome! ❤️❤️❤️