Chapter 2

3394 Words
Janice's POV "Hello, gorgeous," bati sa akin ni Candice na siyang Assistant Curator ko nang hindi sa akin nakatingin, kundi kay Samael na nasa likuran ko, nakahalukipkip at suot pa rin ang sunglasses niya kahit nasa loob na kami ng building. As usual. Pinigilan ko ang sarili ko na umirap at sa halip ay ngumiti ako ng pilit. Awkwardness from our conversation earlier was still there. Kanina nang sabihin niya ang mga katagang binitiwan ay hindi na ako nakaimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko at ang dapat kong maging reaksyon, kaya sa halip na magsalita ay nilagpasan ko siya at pumasok sa civic na dala namin. Good thing he didn't try to open up the topic again. Hindi niya rin ako masyadong kinausap, bukod sa pagtatanong kung saan kami eksakto pupunta at kung saan ang parking lot, bukod doon ay hindi na siya umimik. Buti na lang din dahil ayoko na uli marinig ang sinabi niya. Yes I know that I'm the one who confronted him, but he shouldn't said that as if he hates seeing me happy and in love with my fiance. That's crazy. "Bernardo, stay here. You don't have to follow me anywhere," I said casually. Kung may talento man ako bukod sa art ay iyon ang mag-handle ng mga bagay na hindi ako komportable. Professionalism is my specialty. Tumango ako kay Candice nang tumango lang si Samael sa akin. Kaagad kong niligaw ang atensyon sa lahat ng detalye na kailangan ko kay Candice tungkol sa inaayos na venue ng magaganap na art gallery event sa next Saturday. This is the first art gallery event that will happen here since I purchased this place, and I can't deny how excited I am but nervous at the same time. I want this all to be perfect. Mabilis na sinagot ni Candice ang lahat ng tanong ko saka niyakap ang notebook niyang hawak at muling nilingon ang pinanggalingan namin. Nagtatakang napatingin din ako at doon ay nakita ko si Samael, nasa likuran ang mga kamay habang nakatingin sa walls kung saan nakakabit ang ilang painting na gawa mismo ng mga beterano at tanyag na artist sa America. Bigla ko tuloy naalala kung paano niya dati sa akin ipakilala ang arts. Yes, he love them. "Who's that hottie guy, by the way?" Candice asked, pushing her blondie hair aside of her shoulder. Binawi ko ang mga mata ko mula kay Samael at kibit-balikat na tiningnan ko siya. "Samael Bernardo, my Uncle's new bodyguard," I answered and smiled at her suspiciously. "You like him?" Papasok na kami sa elevator na magdadala sa amin sa floor kung nasaan ang mga kikitain kong artists na magiging kabilang sa mga art na idi-display sa event. Dalawang floor ang sakop ng art gallery ko, 17th and 18th. Sa second floor ay naroon ang opisina ko at locker room ng mga empleyado at iilan pang spasyo kung saan nagaganap ang bidding. Habang sa 17th floor ay naroon ang mga iba't ibang art painting na nakasabit sa dingding, at ang mga nakatayo at naka-display na sculpture sa bawat pasemano. Karaniwang bukas ang 17th floor 3days a week para sa mga gustong sumilip at mamili, at once a month ay plano naming magbukas ng huge art gallery event, a 3day event na magaganap nga sa susunod na linggo. Doon ay ibebenta ang naglalakihan at espesiyal na mga arts, at ang setup niyon ay sa second floor. Puno ang schedule ko ngayon dahil bukod sa mga artists ay kakauusapin ko rin ang iba't ibang tao na magha-handle ng arrangements. Mula sa music, foods, invitations, decorations at guests. "Well he's handsome, I'm single... Is he?" Naalala ko ang sinabi kanina ni Kiel sa akin. "He's single." Humalukipkip siya. "Is it okay for you if I'll date him for the event? Maybe on the last night?" "Seriously? You two just met today, right?" "So?" "I don't think he'll ask you for that." Ngumisi siya sa akin at inayos ang buhok kong kumakawala sa half knot na ayos nito at inikot iyon sa daliri niya para kumulot ang bandang nasa may tainga ko. "Who says that I'll wait him to ask me? I'm thinking to invite him myself," sabi niya at pumasok na sa elevator na kakabukas lang. "So is that okay, Miss Janice Villenueva?" Walang nagagawang pumasok na rin ako sa elevator. Sakto namang pagkaharap ko sa may bakal na pinto ay natanaw ko si Samael na nakabaling sa amin. Napahinga ako ng malalim. "Sure," nasabi ko na lang pagkasara ng pinto. Ilang oras ang lumipas habang pinag-uusapan ang buong arrangements. May mga binago, pinalitan at nadagdag sa naunang plano na good thing ay naiayos din at makakapagpahinga na rin muna kami. Snack lang ang kinain namin at plano naming mag-late lunch na lang ni Candice nang pagbaba namin sa first floor ay naabutan namin si Samael na nasa banda pa rin kung saan namin siya iniwan. Hindi niya na suot ang sunglass niya. "Let's ask him to join us for lunch!" excited na bulong sa akin ni Candice. Medyo masama atang best friend ko ang kinuha kong assistant curator, mas nasusunod pa sa akin. Gusto kong awatin siya pero wala na akong nagawa nang matutunog ang takong na nilapitan niya si Samael na siyang dumiretso ng tayo nang mapansin na nandito na kami. "Do you like the place?" narinig kong tinatanong ni Candice nang lapitan ko sila. Napansin kong napatingin sa akin si Samael pero kaagad din binalik ang mata kay Candice na nakahalukipkip at halos titigan siya sa mukha. "Well, the combination of white bricks and tiles, and the wooden materials fits perfectly for an old historical theme of the whole place," anito habang nililibot ang paningin sa paligid. Napangiti ako. Proud. Ako ang nag-desgn nito. Matapos ko kasing bilhin ang art gallery na 'to ay nagpasya akong bigyan ng new makeover ang lugar. Hindi ko naman masyadong inalis ang naiwang marka ng dating may-ari, pero sapat na para ipaalala sa mga dati nang empleyado rito na iba na ang may-ari at ang boss nila. Nang bilhin ko ito ay hindi ko na tinggalan o pinalitan ang mga naunang empleyado nito. Binigyan ko sila ng choice kung gusto na rin nilang umalis o i-renewed ang contract nila sa akin, at good thing ay mas pinili nilang mag-renewed na lang, tanging ang assistant curator lang ang pinalitan ko. For me the assistant curator is more important for my trust, that's why I chose someone I know for the job instead of the first Assistant Curator here. Bukod doon ay wala nang natanggalan ng trabaho kaya naman hindi naging mahirap para sa akin ang proseso ng bagong simula ng negosyo. Bukod sa pag-aayos ng new interior designs ay wala na kaming masyadong kinailangang gawin, kaya after of one month closed ay nakapagbukas na kami. Martes ngayon kaya nakasara ang art gallery. Walang tao rito bukod sa mga naglilinis dahil general cleaning nila ngayon at sa amin ni Candice. Nakaalis na rin ang mga nakausap namin kanina. Inaya namin na sumabay na sa amin sa lunch ang huling naka-meeting namin pero tumanggi ito dahil may lunch date raw ito. Siguro kaya naiinggit na rin si Candice dahil halos lahat ng nakakasalumuha niya ay may love life. She's 3years single now. Bukod sa mga fling ay never pa uli siya nagka-boyfriend official kaya hayan, natutong gumawa ng first move sa mga lalaki. Samael wasn't the first man she tried to flirt and made a first move, but they all end up being just a 'fling' instead of being official. "Well the design was made by our Curator, Janice," pagmamalaki sa akin ni Candice, saka muling binalingan ang halos mapa-angat ng kilay na si Samael nang sabihin iyon nito iyon. "Anyway, have you eat lunch? Let's go lunch with us." Ngumiti lang si Samael, doon ko lang na-realize na hindi pa nga siya kumakain. "Sam, you should've eat without us. What if we ate early and you just didn't notice because you're here and we're at the other floor?" He cleared his throat and look at me straight. "Ma'am my job is keeping my eye on you, not a driver who'll just wait and sit until you need to go home or go somewhere else. I can't just stay where you want me to wait or stay away from you when you want, Ma'am." Napatitig ako sa kaniya. With that few words I realised that I treated him wrong. Yes he's right, somehow I insulted his job and treat him as my driver instead of a bodyguard. "O... Kay. So let's eat in nearby restaurant?" Candice askes as if she's trying to cut the tension between me and Samael. Tumikhim ako at binalingan siya. "Let's go." Umuna na ako sa paglalakad at naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin. Should I apologise? God! I'm supposed to be good at this, but how if I'm really not comfortable with him? I felt bad for Kiel, he didn't know that I'm with Samael, the guy I used to be with. It's feels wrong. Sa halip na umimik ay nanahimik na lang ako, nagsasalita lang ako kapag kinakausap ako ni Candice na sobrang bihira lang naman dahil mas abala siya sa pagkuha ng atensyon ng nagmamanehong si Samael. Sa civic na dala na namin kami sumakay papunta sa pinaka malapit na restaurant sa museum. 10 minutes away lang naman pero ayaw kasing maarawan ni Candice, takot umitim, kaya nagsasakyan na kami. At si Candice ay nakuha pang tumabi kay Samael sa front seat at mukhang tinotoo na lalandiin ang lalaki, kaya heto ako, nagmumukhang third wheel. Pagkarating namin sa restaurant ay sinabi ni Samael na uupo siya sa ibang table, pero makulit si Candice at pinilit siyang umupo sa table na inokupa namin. Nang hindi makasagot ay ako na ang nagsabi sa waiter na sumalubong at nag-assist sa amin na table for 3 ang kukunin namin. Magkatabi kami ni Candice habang magkaharap naman sila ni Samael, na dahilan para gustohin kong pagsisihan ang naging pasya ko dahil nabo-bored na akong magmistulang third wheel. Knowing Candice I know she's enjoying this because she used to be third wheeler around me and Kiel. But Kiel is not here and I'm stuck with this two birds who's now casually talking, or flirting? I don't know! Ewan ko ba kung magaling lang makipag-socialise si Samael o talagang kumakagat na siya sa patibong ni Candice kaya nakikipag-usap siya rito na may halong mapang-akit na ngiti. Pero inaamin ko na may parte sa akin na masayang nakikita siyang ganito. Magmula kasi nang magkita kami sa building ni Kiel ay parang ang lamig-lamig niya. He can look at me straight on my eyes but the cold is there. At least ngayon nakikita ko siya walang nararamdamang yelo sa paligid namin, ngumingiti siya, at ayos na ako roon kahit hindi na para sa akin. "Why are you still wearing your sunglass? Take it off, I want to see your eyes," kumurap nang tatlong beses si Candice habang nakapangalombaba at nakatingin kay Samael. Napapailing at nakangiting tinanggal nga iyon ni Samael at bumungad ang asul niyang mga mata. With that eyes I know Candice will be more attracted to him. Sobrang bagay iyon sa halos perpekto niyang ilong hanggang panga, idagdag pa ang maganda niyang itim na kilay na lalong nakakapagdepina sa mga mata niya. I remember, I also fell with that eyes. "Well, this is part of my uniform. To fool everyone that I wasn't looking, so the bad guys don't have any idea if their target is secured." Candice snatched the sunglass from his hand and wear it to herselfl. "Now I'm pretending that I'm not looking at you," Candice said as if it was a joke because they both laugh. Halos mapailing na nagpaalam na muna ako para magpunta ng restroom. Pagkapasok sa restroom ay saktong walang tao. Humarap lang ako sa malaking salamin sa may sink at pinagmasdan ang sarili sa salamin. I wasn't comfortable with him, and I'm not comfortable seeing him flirting in front of me with my best friend, and that's annoying! Why should I feel this way? Maybe because he's cold at me but sweet with others? I don't know. But all I can think is Kiel. I shouldn't be with Samael, specially now that Kiel didn't have any idea that the man who made his mark of my life is back. Napatingin ako sa bag kong ipinatong ko sa gilid ng sink nang mag-ring ang cellphone ko doon. Nang kunin ko iyon at tiningnan kung sino ay napabuntong hininga ako nang makita kong si Kiel iyon. "Babe," bati ko na halos mamaos pa dahil sa muli kong pagbubuntong hininga. "Hey Babe, are you okay?" basa ang pag-aalala niya sa kaniyang boses, siguro nang matunugan niya kaagad ang problemado kong tono. "Yes, I'm just tired and hearing your voice is I guess what I need." It wasn't a lie. I don't like the feeling of being Samael around me, and Kiel's voice is enough to brought me back again. "Well, you should have called me first then." "I just don't want to disturb you. How's your meeting, by the way?" Nagsabi lang siya sa akin ng ilang detalye bago tanungin ang nangyari sa meeting ko with some organisers and artists. Pagkatapos kong sabihin ang ilang detalye at sinabing katatapos lang namin ay narinig ko siyang bumuntong-hininga. "So hindi ka pa kumakain?" Napangiti ako nang maramdaman ko ang concern niya. "I'm at the restaurant now with Candice, no worries." Ilang bilin pa ang binigay niya tungkol sa pag-aalaga ko sa sarili ko bago siya nagsabing may aayusin pa siyang papeles. "By the way, male-late ako ng uwi. I'll be with my friends." Umoo na lang ako bago na kami tuluyang nagpaalam at binaba ang tawag. Hindi nagtagal ay napagpasyahan kong tawagan na si Lorraine para sana humingi ng advice. "Well if you're really not comfortable with him, then tell him. Para siya na ang magkusang umiwas," kaagad na sabi ni Lorraine sa kabilang linya matapos kong ikuwento sa kaniya ang tungkol sa sagutan namin kanina ni Samael sa harap ng bahay ni Uncle at ngayon na iniwanan ko silang naglalandian ni Candice sa mesa. "Isn't that rude?" "Couz, siya na ang nagsabi kanina na hindi niya tatanggapin ang trabaho kung alam niya na kapag nag-stay siya riyan e makikita ka niyang masaya at in love sa fiance mo, it only means hindi rin siya komportable. So tell him, para alam ninyo na mutual kayo, at hindi ka na rin mahirapan na umiwas dahil iiwas na rin siya sa 'yo." Napahinga ako nang malalim at napatango kahit alam kong hindi niya ako nakikita. She's right. Siguro pareho nga kami ng nararamdaman ni Samael, siguro kaya malamig din siya sa akin. Baka kailangan nga na pag-usapan na namin ito ng maayos. Nang ma-realize ko na natatagalan na ako roon at napapatingin na sa akin ang ilang mga bagong pasok lang sa restroom ay nagpasalamat at nagpaalam na ako kay Lorraine. Pagkalabas ko ng restroom ay kaagad na napansin ko si Samael na nakasandal sa pader sa gilid ng restroom. Dumiretso siya ng tayo nang makita niya ako. "What are you doing here? You shouldn't be here, people might think you are a maniac," mahina lang ang boses ko pero siniguro kong maririnig niya. "You're taking too long! Paano kung may nangyari pala sa 'yo?" Naibuka ko lang ang bibig ko pero wala naman akong masabi. He's in his bodyguard mode again. Sa halip na magsalita ay naglakad na lang ako pabalik sa mesa namin. Mukha naman naagaw ng tunog ng boots ko ang pansin ni Candice na abala sa kaniyang cellphone kaya napatingin siya sa akin. Naroon na ang mga ini-order namin, oone of the sign how long I took before coming back. Yeah right. "What took you so long?" she asked sipping in her iced tea. "Boyfriend calls," sabi ko lang na ikinangisi niya as if kinikilig. Nang maupo na rin si Samael sa kanina niyang upuan ay nagsimula na kaming kumain. Sa aming tatlo ay si Candice ang pinakamadaldal, kung ano lang ang maisipan niyang ikuwento at sabihin ay sinasabi niya. Isa pang nabanggit niya ang tungkol sa relasyon namin ni Kiel, kung kailan siya ang third wheel. It was as if she's encouraging us to do a double date. Now it's makes me wonder if she already invited him for the event, if he accepted it and will come? Ayoko na munang isipin. Mas gusto ko na lang mag-focus sa event kaysa isipin kung may date ba ang best friend ko. Mabuti na nga lang abala sa pagkain ang ibang tao sa paligid namin kaya walang nakakapansin sa mga kuwento ni Candice. Can't blame them, masasarap ang pagkain nila dito kaya naman maski ako ay abala rin sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na kaming bumalik sa museum. Nagulat pa ako nang si Samael na ang nagbayad ng kinain namin. "No, Sam, it's my treat," sabi ko pagkaaalis ng waiter na kumuha ng bayad namin. "Hindi ako nagpapalibre sa babae," tanging sabi niya at umuna nang tumayo. Tatayo na rin sana ako nang bahagya akong hilahin ni Candice at bumulong. "He offer to pay my bills," kinikilig niyang sabi at tumayo na rin. Laglag ang pangang tumayo ako. So sabit lang iyong bills ko? Is it a date? Last time I checked its not. Hindi na lang na ako kumontra at hinayaan sila. Nang makabalik sa building ay saktong dating ng ilan pang artist na magiging guests sa event. Iyon ang pinagkaabalahan ko. Matapos ay tiningnan ko rin ang lahat ng dapat tingnan na papeles at ang accounts. Inabot ako ng gabi roon, nauna na si Candice umuwi dahil may dinner pa raw sila ng parents niya. Pagkalabas ko ng opisina ay naabutan ko si Samael na nakaharap sa walls at may tinitingnan na painting. Ang painting na tinitingnan niya ay may imahe ng isang sundalo, halos nakapantay ito sa babaeng nakaluhod sa madilim na kalangitan. Hindi kita ang mukha ng dalawang nasa imahe. I wonder if he gets the meaning. "Janice Villenueva," narinig kong binasa niya ang nakasulat doon na pangalan ng nagpinta. "You're not just a Gallerists, you are also an artist." Halos magulat ako nang kausapin niya ako, at alam niyang nandito ako kahit hindi ako binabalingan. Huminga muna ako ng malalim bago siya nilapitan. Tumayo ako sa tabi niya at tumitig lang din sa painting. "Candice asked me to join your event," makaraan ng ilang minutong katahimikan ay siya na ang pumutol niyon. Binalingan ko siya, saktong nakatingin din siya sa akin kaya napaiwas kaagad ako ng tingin. "Are you in?" "I'm not sure, yet." Humarap ako sa kaniya habang siya ay nanatiling nakatagilid sa gawi ko at nakabaling lang ang ulo sa akin. "Are you comfortable with this? Because I'm not." "Janice, I'm just doing my job." "I know," I said closing my eyes. "But I have a boyfriend and he doesn't have any idea that I was with you this whole day, he doesn't have any idea who are you in my life, in my past." Humarap siya sa akin, magkasalubong ang kilay na parang gulong-gulo. "What do you want then?" Nasapo ko ang noo ko bago siya direktang tingnan sa mga mata. "I don't want you to do your to me. This day is over, and I can't be with you again." Pinagmasdan niya lang ako at hindi nagsalita. Gusto kong bawiin ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Tinitigan ko lang siya hanggang hindi niya binibitiwan ang tingin sa akin. Kung hindi pa nag-ring ang cellphone ko ay hindi ako lalayo. Nang makita kong si Kiel iyon ay napatingin ako sa wristwatch ko. Quarter to 9. Siguro ay hinahanap niya na ako. "Babe-" "Hello, is this Janella?" Nangunot-noo ako nang ibang boses ang nasa kabilang linya, and Janella? "Excuse me? No! Who's this, where's my boyfriend?" "Uhm sorry, Ma'am. The owner of this cellphone is now very drunk at the counter," mabilis na paliwanag ng boses lalaki, sapat na paliwanag kung bakit maingay sa kabilang linya. At saan naman nanggaling ang pangalang Janella?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD