Janice's POV
"What's wrong?" tanong ni Samael na mukhang natunugan ang pamomroblema ko kaya napabaling ako sa kaniya.
Kabababa ko lang ng tawag kung saan kausap ko ang bar manager. Sa kalisangan daw ay halos wala nang malay si Kiel. Hindi naman nila matawag na lang ng cab dahil regular customer nila ito kaya alam nilang milyonaryong business man, hindi safe. Kaya sa halip ay tinawagan nila ko galing sa speed dial ni Kiel.
"My boyfriend is drunk," sabi ko habang sapo ang noo. Naalala ko nang magpaalam siya sa akin kanina na male-late siya ng uwi, pero sabi niya kasama raw niya ang kaibigan niya. Asan na?
"I'm sorry Sam, I was about to treat you for dinner but..." hindi ko mahanap ang salita ko.
"It's okay, lets fetch him."
Tumango na lang ako. Ilang bilin sa security guard ang ibinigay ko bago kami tuluyang bumaba ni Samael sa basement kung nasaan ang parking lot.
Kanina sa tawag ay sinabi na sa akin kung saan bar naroon si Kiel. That's 45 minutes away from our home, and 1 hour away from where I and Samael from. Kaya nagulat ako na regular customer siya roon. Seriously? Madalas siya sa bar nang hindi ko alam?
Bigla ko tuloy naalala nang ang bati sa akin ng nagpakilalang bartender kanina bago agawin ng manager ang tawag. He called me Janella? Why? There is only possible, and that is Kiel's mentioning her name, name of his ex love.
Hindi ako puwedeng magkamali, after long six years since the last time I met her, I'd never forgot her name. She's Janella.
Napahawak ako sa may dibdib ko nang makaramdam ako ng kirot doon. Does this all means it isn't done yet? Am I still need to compete with his past? Minsan napapatanong ako kung anong kulang sa akin, kung bakit lahat ng tao sa paligid ko ay gustong-gusto ako na halos magkandarapa sila para lang hingin ang kamay ko sa magulang ko, bagay na nakikita nila sa akin na hindi nakikita ni Kiel. Bakit napakahirap sa kaniyang mahalin ako?
Everything was good between Kiel and I before our parents decided for fix marriage. We're childhood friends and best friends at the same time. Nagkalapit kami dahil kay Uncle dahil pareho kaming inaanak nito. Naroon kami pareho nang kasalukuyang hinaharap ni Uncle ang problema tungkol sa asawang may cancer at hindi manlang siya nabigyan ng anak. Hanggang sa tuluyang nawala si Aunt Zarah, at naroon pa rin kami sa tabi ni Uncle. It was more than 10years ago at mas napalapit kami ni Kiel sa isa't isa.
Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nagbago na magkaibigan lang kami. Siguro dahil bata pa ako noon at tanging paghanga lang ang alam kong maramdaman. Madalas din namin pag-usapan kung may nagugustuhan kaming tao sa school o classmates namin. Until one day he told me that he met a girl and thinking if he could court her, kaso mas bata pa raw sa akin kaya hindi na muna. Until he turned 20, and he was about to ask her to be his girlfriend on her 18th birthday, but something happened.
Naaksidente ang ama ni Kiel na naging dahilan ng pagkabulag nito. Dahil doon ay nanganib ang kanilang shares at ang puwesto bilang presidente ng ama ni Kiel. Kung sakali na ipu-pursue ng ama ko ay kaya niyang palitan ang Dad ni Kiel dahil napabayaan nito ang kompaniya. Kiel isn't ready to take ove his father's place yet, he still had to learn and to have a bachelor degree before taking his father's place.
Dahil doon nagkaroon ng kasunduan sina Kiel at Dad. My father would help him to manage their company for a while but in exchange he have to marry me.
Sumama ang loob ko noon kay Kiel nang nalaman ko mula kay Dad ang kasunduan. He should've ask me first before agreeing to Dad, but he didn't. Then he'd talk to me by himself and told me everything, he asked me to said yes to my Dad for his sake, so I did. Hindi ko natiis ang best friend ko.
Back then alam ko na noon na may mahal siyang iba, pero nangako siya sa akin na kakalimutan niya si Janella at ibabaling sa akin ang buong atensyon at pagmamahal niya. But where is it? Bakit pumapasok nanaman si Janella sa buhay namin?
"Janice, are you okay?"
Mula sa bintana ay napatingin ako kay Samael sa front seat. Nakita ko sa rear view mirror ang mata niyang nakatingin sa akin, nag-aalala.
Ngumiti ako, sana lang ay hindi niya mapansin na wala iyong laman. "I'm fine. Malayo pa ba?"
"Not too long."
Tumango na lang ako at nagpasyang tumawag muna sa bahay ni Uncle para makumusta ang kalagayan niya. Ayokong pagdudahan o pagtaniman ng sama ng loob si Kiel. Kung ano man ang sakit at pagkabagabag na nararamdaman ko ay ayokong i-entertain.
Nang nalaman kong gising pa si Uncle mula sa maryordoma na sumagot ng tawag ko ay siya na ang kinausap ko. Siniguro ko kung nakainom na siya ng gamot at kung ayos lang ang pakiramdam niya. Nang sabihin niyang wala siyang nararamdamang masama ay sunod niya akong kinumusta at si Samael na alam niyang kasama ko.
"Tell him to go straight home alright? He can take a rest later, okay."
Tiningnan ko si Samael na panay lang ang paggalaw ng mga mata sa daan at ng kamay sa manubela. Hindi naka-speaker ang phone ko pero hindi malabong naririnig niya ang boses ni Uncle dahil sa katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Very fond of him, huh?" tanging naging komento ko.
"We've been together for only a week, but I like him. Him being brave doesn't show any violence, and he has a warm hand, Janice."
Napatango ako. Sa katunayan napansin ko nga ang pagiging kalmado niya. Gentle and humbleness. Hindi siya nagsasalita at nakikialam kung hindi kailangan. He seems really know where his place. And warm hand? Yes he have, but not on me. I just saw it the way he spoke to other staff he met at the gallery, including Candice.
Nang mapansin kong bumagal ang pagpapatakbo ni Samael ng sasakyan ay kaagad kong hinanap kung nasaan kami, at nakita ko kaagad ang logo ng bar na sinabi ng manager kanina. Nagpaalam na ako kay Uncle at sinabing ako na ang bahala kay Samael.
Saktong pagbaba ko ng tawag ay siyang pagbukas ni Samael ng pinto sa tapat ko. Lumabas ako sa civic at inayos ang laylayan ng dress na suot ko. Hangga't maari ay ayokong magsuot ng maiigsi o revealing na damit sa ganitong lugar kung saan alam kong maari akong mabastos.
"Hindi na ako nag-park sa basement para madalian lang tayo," sabi niya habang nakatingin sa ibaba ng logo ng bar kung nasaan ang pinto niyon. Tumango lang ako at hinayaang umuna siya sa akin. Kinausap niya ang security sa may pinto para ibilin ang sasakyan para kapag may nagreklamo.
Iginaya niya ako sa loob matapos makipag-usap sa black American na guard na sa tingin ko ay siya ring bouncer ng bar. Kaagad na bumungad sa amin ang maingay na tugtugin at ang madilim na ilaw mula sa disco ball.
"Maybe I can find him by myself and you can just wait for us at the car?" halos isigaw niya sa akin para magkarinigan kami sa gitna ng dumadagundong na musika.
Umiling ako. "It's okay, nasa counter lang naman daw si Kiel," halos sigaw ko sa kaniya at tinapik siya sa balikat at nagtuloy ng lakad sa gitna ng nagsasayawang mga tao. Hinawi niya naman iyon para hindi ako mabangga ng mga nagwawalwal na mga tao, hinarang din niya ang ibang lalaki na sumasayaw sa tapat ko as if inviting me to dance with them. Napansin ko ang ilang babae na nagbigay atensyon din sa kaniya pero siya naman ay parang bulag na hindi pinansin ang mga ito.
Napailing ako. That's why I hate having a bodyguard. I don't want anyone to protect me when I know that I can protect myself specially in this kind of situation where I don't really need a protector. But can't blame them if they want to assure that I'm safe. Maraming kaaway ang mga magulang ko dahil sa negosyo, marami na rin kasi itong pinabagsak na tao at kompanya. Tuso ang ama ko, kaya naman hindi nakakapagtaka kung isang araw ay may magtatangka sa akin. Idagdag pa na ang mapapangasawa ko ay isa ngayon sa successful young businessman in this industry. Dahil sa ayoko ng may mga nakasunod sa akin ay hindi ako kumukuha ng personal bodyguard ko. Kung hindi galing sa ama ko, bodyguard ni Kiel o ni Uncle ang naka-duty para samahan ako. Nasanay na sila sa akin kaya hinahayaan na lang nila ako.
Napabuntong hininga ako nang makalagpas kami sa dance floor at kaagad kong nakita ang counter. Kahit nakatalikod at nakayukyok ay nakilala ko kaagad si Kiel. Nasa counter ang blazer niya at ang puting long sleeve niya na lang ang suot niya.
Hahakbang na ako nang abutan ako ni Samael ng puting panyo. Kaagad ko iyon tinanggap at pinunasan ang pinagpawisan kong batok dahil sa init sa dance floor at ang lagkit sa braso ko nang madikit ako sa ilang taong umiinom kahit sumasayaw.
Nagtuloy ako sa paglalakad at nilapitan si Kiel. Mula sa may likuran ay sinilip ko ang mukha niya habang hawak siya sa balikat. Kunot-noo itong nakayukyok ang pisngi sa kaniyang braso na nakapatong sa counter.
"Happy birthday, Janella." Napaangat ako ng tingin sa bartender na hula ko ay siya ring kausap ko kanina sa phone. Hindi ko masyadong nakilala ang boses nito pero base sa tono niya ay siya iyon.
Ngumisi ang bartender. "He keep on mentioning that it's your birthday so I know it is. Wanna drink?"
Sa halip na sumagot at hiyain ang sarili ay umiling na lang ako. Anong mukhang ihaharap ko kung ipagkakalat ko pa na ang sarili kong mapapangasawa ay may ibang pangalang binabanggit habang wala ako. Maski si Samael na nasa likuran ko ay hindi ko magawang tingnan kahit nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Ayokong makitang kinakaawaan niya ako.
"I'm just new here by the way, but guess what, I already know you now because of him. He really want to see you, Janella. Give him second chance, he deserve it."
"You're new? So let me advice you about being bartender. Don't do gossip, that wasn't part of your job."
Napatingin ako kay Samael nang siya na ang kumausap sa tsismosong bartender nang may peke at nananakot na tingin na mukhang umubra dahil napataas ng dalawang kamay ang bartender at napangiwi.
Hinawakan ko sa braso si Samael para pigilan, pero sa halip na tingnan ako ay binalingan niya lang si Kiel at sinimulan na isabit ang braso nito sa balikat niya.
Mabilis na binayaran ko ang bills ni Kiel at isinabit sa braso ko ang blazer ni Kiel saka umalalay sa kabila nito at sabay na kaming nilabas si Kiel. May iminuwestra sa amin ang isang bouncer na nakasalubong namin kung saan ang isa pang exit kung saan hindi na namin kailangan dumaan sa dance floor.
"I think his car is on basement. Baka nandoon din ang bag and case niya," sabi ko nang makapa ko sa bulsa ni Kiel ang kaniyang car keys.
Kinuha iyon ni Samael sa kamay ko at nagpasyang siya na ang kukuha niyon at sinabing ibibilin niya na lang sa guard at ipaalala ko kay Kiel na kunin bukas.
Ilang minuto ang lumipas ay nakabalik din siya. Sa loob ko na ng sasakyan hinintay si Samael habang si Kiel ay nakasandal at nakapatong ang ulo sa balikat ko.
Pagkapasok niya sa sasakyan ay inilagay niya ang briefcase at bag ni Kiel sa tabi niya sa front seat kasama ng car keys.
"The guard will take care of his car. Now we're going."
Tumango lang ako at pinagmasdan ang kamay ni Kiel na nakapatong sa may hita ko. Suot niya roon ang couple ring namin. It was his gift on our second anniversary. Kinuha namin ang petsa ng anniversary namin sa araw nang opisyal akong pumayag sa deal nila ni Dad.
I can't believe that we go that far, 6 years in a row, but he never fall in love at me the way he should be. But here I am, loving him in a way that I never thought I could be. It sucks.
Napapikit ako nang mariin upang pigilan ang pangingilid ng luha ko. Pilit kong itinulak papalayo ang bawat katotohanan na kumkatok sa aking isipan. Ayokong umiyak. I can't.
Iminulat ko ang mga mata ko at saktong tumutok iyon sa mga mata ni Samael na kitang-kita ko sa rear view mirror. Kita ko ang pag-aalala niya pero alam kong pinipigilan niyang magtanong. Para bang nirerespeto niya ang espasyo na kailangan ko. I appreciate that.
Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita. "Janella was the name of his ex love, Sam." Ako na ang nagkusang sumagot sa alam kong tanong sa isipan niya.
Narinig ko siyang tumikhim at bahagyang napailing. Pasalit-salit ang tingin niya sa rear view mirror at sa windshield.
"Maybe he misheard him, maybe he means Janice, not Janella. Sounds like, right?" he said as if he's hoping.
Napailing ako. "But today's isn't my birthday."
"Janice, he's just drunk that's why he said something else. Maybe that talkative bartender just mocked him or what, but that couldn't mean anything," he again said, cheering me up.
I smiled bitterly and stare at Kiel's face. "That's the point, Sam. Drunk person would never act or tell lies."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, senyales na sumusuko na rin siya sa pagbibigay ng pag-asa sa akin na napakahirap abutin. Naging tahimik ang byahe namin pauwi. Itinuro ko ang address at daan sa kaniya. Pinapasok din naman kami kaagad ng guard sa entrance ng village nang nagpakita ako sa bintana.
Pinagbuksan din kaagad kami ng kasambahay at siyang nag-alis sa mga harang at nagbukas ng pinto sa mga daanan namin para maipasok ng maayos ni Samael si Kiel sa kuwarto. Kinuha na rin nila ang mga gamit namin na naiwan sa civic.
Nang maihiga niya si Kiel sa gild ng king size bed namin ay binalingan niya ako.
"So, should I wait you to drive you home?"
Awang ang bibig na dahan-dahan akong umiling habang yakap ang sarili. "It is my home, actually. We're lived in."
Napataas siya ng dalawang kilay at napatango. Mukhang hindi niya iyon inaasahan. Tumango lang uli ako bilang tugon.
"So, I'll just go ahead."
"Or maybe stay here for a while. Lucy cooked for dinner," pagtukoy ko kay Lucy na kakapasok lang na may dalang bowl na may lamang tubig at face towel. Iniutos ko iyon sa kaniya kanina habang papaakyat kami ng hagdan.
"No its alright, I'll have my dinner at home."
"Sure?"
"Yeah."
Tumango na lang ako at sinabi ang bilin ni Uncle na iuwi na lang ang civic sa kaniyang bahay at bukas na bumalik sa mansion ni Uncle.
Binilin ko kay Lucy na ihatid siya palabas na kaagad tinugon nito.
"After you," sabi ni Samael habang iminuwestra ang daan sa pintuan kaya nauna na si Lucy. "Goodnight, Janice," sabi niya bago ako tinalikuran. Palabas na siya ng kuwarto nang tawagin ko siya kaya napalingon siya sa akin. Nanatili ako sa gilid ng kama nakatayo at nakatingin sa kaniya.
"Thank you for today. I'll tell tomorrow to Uncle how great you are to be with."
Walang laman siyang napangiti at umiiling na humarap siya sa akin at saka humalukipkip. "Don't tell anything to Mr. Williams. You know your Uncle, he'll easily assume for something and expect us to get along with. This day is over and let's not make any reason to be together again at least one day. Next time I'll request Ford to be with you instead of me."
Napaawang lang ang bibig ko at hindi mahanap ang tamang salita na dapat kong sabihin. I know what he said was the out come of what I told him. I don't know if I should feel great that I won't have to be with him again, or feel bad because I was the one reason why he's doing this.
"Your boyfriend is very one lucky with you, Janice. You are true faithful and he should be grateful for that." Tumalikod na siya at ang tanging nagawa ko na lang ay maibagsak ang mga mata sa lapag. Pushing my brain to avoid the pain that slowly getting in through me, with the reality of my faithfulness being wasted because Kiel isn't to me.
Bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto ay lumingon uli siya kaya muli akong napatingin sa kaniya.
"And you're welcome." Tuluyan na siyang lumabas at ako naman ay nanghihinang napaupo sa tabi ni Kiel na mahimbing na natutulog na. Ilan beses din siyang nagising kanina pero wala siyang lakas at paulit-ulit lang din na nakakatulog marahil sa sakit ng ulo.
Ako naman ay heto, hindi alam kung paano aalisin ang ultimong bato na nakadagan sa puso ko na hindi ko na mabilang kung ilan, o ano ang dahilan. I just wish that I could easily push them away so I can recharge myself.