Janice's POV
I woke up with the two pairs of eyes staring at him. Kahit gising na ay hindi ko pa rin mamulat ang mga mata ko sa kaalaman kung kaninong mga mata iyon.
Kagabi pagkatapos linisin at bihisan si Kiel ay hindi ko makuhang matulog sa tabi niya. Pinilit ko, sinubukan ko, pero hindi ko magawa. Naaalala ko ang sakit na buhat ng mga sinabi niya sa bartender. So he wants a second chance? He still want to see her? And what if they'll meet again? What about me? What will happen about us?
Malayo pa ang posibilidad ay nasasaktan na ako, hindi ko siya matingnan. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay iiwan niya ako. Pakiramdam ko niloloko ako. At ang mas masakit ay ang taong alam kong hinding-hindi ako magagawang saktan ang siyang rason ng hapdi ngayon sa puso ko.
Mabilis na kumalabog ang puso ko nang maramdaman ko ang mga daliri ni Kiel sa may noo ko at hinawi ang buhok na bahagyang humaharang sa mukha ko.
Sa kagustuhang magpahinga ay nahiga ako sa sofa na nakaharap sa gilid ng kama. Doon na ako nakatulog at nakagugulat na mas naging komportable akong matulog doon kaysa sa aming kama kung nasaan naroon siya.
Hindi ko pa rin matatanggi na sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ay higit na mas mahal ko siya. Mula noong bata kami ay minahal ko na siya bilang kaibigan, at mas pinatibay iyon ng anim na taon naming pagsasama at mas minahal siya ng higit sa kaibigan. How I wish we feel the same way.
Kahit hindi ko imulat ang mga mata ko ay alam kong madaling araw pa lang dahil dinig ko pa ang katahimikan ng gabi at tanging paghinga lang naming dalawa ang maririnig sa buong kuwarto.
"Stupid of me," narinig kong halos hangin lang na bulong niya at sumubsob sa gilid ng ulo ko.
Nag-aalalang iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan siya. Hinawakan ko siya sa may ulo niya kaya muli siyang napaangat ng mukha.
"Hey," tanging nasabi niya nang makitang gising ako.
Mapupungay ang mga mata na hinimas ko ang pisngi niya nang nagpilit siya sa akin ng ngiti. Should I stop him pretending that everything is okay between us, or should I ask him to fool himself while I'm fooling myself that I'm okay.
"Iniwan ka ng kaibigan mo?" halos mamaos kong tanong. Naikagat ko ang loob ng pisngi ko nang ma-realize kong ako pa ang nagbibigay sa kaniya ng ikakatwiran niya. As if I am begging him to lie instead of admitting that he have to be wasted because he's missing her so much.
I feel so stupid because I still love this man even when I'm hurting.
"I'm sorry," he said with a fake smile.
Umupo ako at siya ay nanatiling nakapantay sa akin sa gilid ng couch. Suot niya pa rin ang puting sando at itim na boxer short na sinuot ko sa kaniya kanina.
"Next time call me instead if you need."
Sa halip na sagutin ay hinalikan niya ako sa labi. Hindi iyon nagtagal pero nanatiling magkadikit ang noo namin habang hinihimas niya ang pisngi ko. Kahit medyo madilim dahil lampshade lang ang tanging ilaw namin ay kitang-kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Unfortunately I know very well that I'm completely not enough to take away those sadness.
"When I woke up without you, I got scared that you finally gived up on me, because I screwed up."
Umiling-iling ako at hinimas siya sa may batok, umaasang madarama niya sa pamamagitan niyon ang lambing ko.
"You know that I won't." Hinalikan ko siya sa labi, magaan lang iyon pero alam kong mararamdaman niya ang pagmamahal ko. "Because I love you," I whispered.
Sa halip na sumagot ay muli niya akong hinalikan. Bawat hinga namin ay lalong lumalalim ang kaniyang halik, hanggang sa namalayan ko na lang na nakahiga na kami sa kama, magkatabi.
Pinigilan ko ang mapahikbi. Tahimik kong ipinagpasalamat na may kadiliman sa kuwarto kaya hindi niya nakikita ang luha sa gilid ng mga mata kong hindi ko na napigilan.
This is the reality. I locked up with the man who can't love me, and I'm in love with him.
Nagising akong mag-isa sa kama. Nang tingnan ko ang oras sa standing clock na nakapatong sa bedside table ay nakita kong alas otso na ng umaga. Marahil nakaalis na rin si Kiel dahil alas siete ang karaniwan niyang alis ng bahay.
Sumandal ako sa headboard ng kama. I feel like stupid. Tinatanggap ang katotohanan na hindi ako mahal ng mapapangasawa ko, pero hindi ko naman siya binibitiwan.
Ako pa ba 'to? Kasi kung ako pa ito, bakit hindi ko magawang mahalin ang sarili nang higit sa pagmamahal sa kaniya?
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon dahil sa isang text. Nang tingnan ko iyon ay nalaman kong si Candice at nagpaalala sa akin na bukas ngayong araw ang gallery kaya kailangan kong pumasok.
Kahit walang gana ay bumangon na ako at nag-ayos. Imbes na intindihin ko ang problema ko kay Kiel ay mas gusto kong pagkaabalahan ang trabaho. Alam ko namang kahit ano pa ang nararamdaman namin ay hindi mababago ang desisyon ng magulang namin. Matutuloy pa rin ang kasal.
Minadali ko ang paliligo pagtapos reply-an si Candice na papasok ako.
White sleeveless blouse ang ipinares ko sa white cotton pants ko. Balak ko itong patungan na lang ng itim na blazer para mas magmukhang pormal.
Habang inaayos ko ang mga gamit kong dadalhin ay napansin ko ang puting panyo na nasa shoulder bag ko. Ito ang panyo na iniabot kahapon sa akin ni Samael.
Napabuntong-hininga ako nang maalala ko ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Aware ako na masuwerte sa akin si Kiel dahil mas pinipili kong maging matapat sa kaniya sa kabila ng pagdududa ko sa nararamdaman niya para sa akin. Pero aware din ako na kaya niya iyon nasabi ay dahil sa iniiwasan ko siya para kay Kiel, habang si Kiel ay may hinahanap pang iba.
Somehow I'm thanking that he reminds me to give an importance for myself. Sana lang ay magawa kong protektahan ang sarili ko kahit mahal ko si Kiel.
Umiling-iling ako at pilit iwinaksi ang mga gumugulo sa isipan ko. Marami akong trabaho ngayong araw kaya hindi puwedeng ituon ko ang atensyon sa mga isiping magbibigay problema sa akin.
Inayos ko na lang uli ang gamit ko. Mga alam kong kakailanganin ko ang ipinasok ko sa aking bag kagaya ng notebook, pens, wallet at ilang pang retouch sa manipis na makeup na ini-apply ko sa akin.
Ilalagay ko pa lang ang cellphone ko sa bag nang mapahinto ako dahil sa ring niyon. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Uncle doon. Na-text ko na ang driver namin ni Kiel na kunin ang kotse ni Kiel sa bar, kaya naman tanging si Uncle na lang ang aasikasuhin ko bago magpunta sa gallery.
Araw-araw ko nang routine ang bisitahin si Uncle. May sakit na siya kaya naman madalas na siyang manghingi ng atensyon na willing naman akong laging ibigay.
Sinagot ko ang tawag habang palabas ng kuwarto. Nasalubong ko pa ang isa sa housemaid namin na nagpupunas ng pasemano sa gilid ng pinto at sinabing luto na ang almusal. Tinanguhan ko lang iyon at nagbigay ng atensyon sa tawag.
"Uncle, good morning."
"Uh, Miss Janice..."
Natigilan ako sa may hagdanan nang makilala ko ang boses sa kabilang linya. Samael?
"Sam!"
"Yeah. Good morning, Miss Janice, but your uncle asked me to call you. He wants you here."
Binundol ng kaba ang dibdib ko. Kabisado ko si Uncle. Kahit na gusto niya ako o kami ni Kiel makita ay sinisikap niya pa ring hindi makaistorbo sa amin, puwera na lang kung may kailangan siya o masama ang pakiramdam.
"What happened? Is he okay?"
Ang kanina dahan-dahan kong lakad ay naging mabilis. Nagdire-diretso ako sa parking lot sa tapat ng bahay namin, dala ang susi ng sasakyan ko.
"He's fine now. But he really want you to visit him."
"Just tell him that I'm coming." Binaba ko ang tawag at kaagad na pumasok sa sasakyan. Inilagay ko lang ang bag ko at cellphone sa tabi kong upuan at pinaandar ang sasakyan palabas ng parking lot. Ang housemaid na ang nagsara niyon kaya nagtuloy-tuloy na ako.
Kahit na malakas ang kabog ng puso ko dahil sa pag-aalala ay pinilit ko pa rin ituon ang utak ko sa daan. I can't help myself but to worry.
Nang makarating sa mansion ni Uncle ay mabilis akong pinapasok ng security at sinabi ng maryordoma na nasa kuwarto si Uncle.
"Did you call the doctor?"
Mabilis na sinabi sa akin ng punong-kasambahay na ayon sa doctor ay tumaas lang daw ang blood pressure ni Uncle, at kung hindi raw namin susubukang pababain ay maari daw itong atakihin sa puso na ayaw namin mangyari. Nagbigay lang daw ng ilang payo ang doctor saka binilin na tawagan kaagad ito kapag hindi pa bumaba ang blood pressure nito sa loob ng isang oras.
Pagkapasok ko ng kuwarto ay kaagad napalingon sa akin si Samael na nakaupo sa gilid ng kama at nakatalikod sa pinto. Si Uncle naman ay nakangiting tumingin sa akin. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard, habang ang mga paa ay nakapatong sa unan, dahilan para mas tumaas ang binti nito na alam kong makatutulong para bumaba ang kaniyang dugo.
Mapupungay ang mga mata na naupo ako sa tabi niya sa kama. Umusog naman si Samael upang bigyan ako ng space.
Hinawakan ko ang kamay ni Lolo at hinipo ang kaniyang noo. "Ano pong nararamdaman ninyo?"
Nanlumo ako nang mapansin kong hindi nawawala ang ngiti niya. Nakangiwi siya na tila hindi magalaw ang mukha o ang labi.
"Masakit ang ulo ko, nahihilo. Nasusuka 'ko," daing niya na lalong nagdagdag ng pag-aalala ko.
"Kumain ka na po ba?"
"Oo, pero hindi ako makarami."
Binalingan ko si Samael na nanonood lang sa amin. "Ano ba'ng nangyari? Bakit inaatake si Uncle?"
Dismayadong umiling siya. "Pagkarating ko kaninang alas seis ay sinabi lang sa akin na tulog pa siya. I got worried because he usually waking up early so I check him here. Sakto pagkapasok ko ay dumaing siya sa akin, hindi makasigaw o makagalaw para tumawag ng tulong."
Napahinga ako ng malalim. "Thanks God you check him."
"Mrs. Gil told me that he work yesterday, got me more worried."
Napatingin uli ako kay Uncle na napailing dahil nilaglag siya ni Samael pero mukha namang hindi masama ang loob.
"Uncle, 'di ba sinabi na ng doctor na bawal kang ma-stress o mapagod," may pakiusap sa tono ko.
"I'm sorry. Nahihiya na kasi ako kay Kiel. Marami na siyang trabaho, gusto ko lang siyang tulungan."
"Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na ako nang bahala? Kung gusto ninyo ako na ang aasikaso niyon? Please 'wag ninyo nang suwayin ang bilin ng doctor."
"Iyon nga, e, kung ikaw ang aasikaso lalong matatagalan ang kasal. Kung hindi dahil sa akin edi sana bumubuo na kayo ng pamilya ngayon."
"Pero Uncle!" Hindi ko na alam kung paano pagagaanin ang loob nito. Naiintindihan ko ang concern niya, pero mas nag-aalala ako sa kaniya.
"Sam please tell her that I'm fine. I just want to see her."
Nangingiting napailing si Samael. "Janice, we already called his doctor and he said that we don't have to worry because his blood pressure is on balance now. That happened between 6AM and 7AM. It is now almost 9AM."
Napanguso ako. "Then you should have called me that time!"
"Which I asked him not to, Janice. Alam kong ginabi na kayo kagabi kaya alam kong pagod ka. Nagulat nga ako na sa ganoong kaaga ay si Samael pa ang nahingan ko ng tulong, e."
Napatango na lang ako. Hindi nagtagal ay iniwanan na kami ni Samael. Nag-usap lang kami saglit ni Uncle bago ko napansin na inaantok pa siya. Siguro dahil sa sama ng pakiramdam. Hindi ko siya iniwan hanggang sa makatulog siya. Hindi nagtagal ay lumbas na rin ako ng kuwarto niya. Iniwan ko iyon na bukas para madaling madinig kung sakaling dumadaing siya.
Sinabihan ko ang mga kasambahay na sa susunod ay tawagan ako kung makita nilang nagtatrabaho si Uncle. Dapat din oras-oras ay sinisilip nila si Uncle dahil silent killer ang sakit ni Uncle, at ayokong i-imagine ang maaring mangyari kung hindi kaagad iyon maagapan.
Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Doon ay napansin ko si Samael na nakatingin sa cellphone at kumukunot ang noo. Nakatayo siya sa gilid ng lababo habang tumitipa. Napatingin lang siya sa akin nang maramdaman niyang nakatingin ako.
"Is... Everything okay?" hindi pa ako sigurado kung dapat ko ba siyang pansinin nang tanungin ko iyon. Malinaw pa sa akin ang nangyari kagabi. We both want to avoid each other.
"Uh... May I ask?" sa halip ay tanong niya.
Tumango lang ako habang binubuksan ang ref at kinuha ang pitcher ng tubig.
"You grew up in Philippines, right? You know Sinegang?"
Kumuha ako ng baso sa gilid ng sink na kinapupuwestuhan niya. Dahil doon ay hindi sinasadyang napasilip ako sa cellphone niya. Nasa YouTube app siya at may ni-search na hindi naman ma-search.
"Sinigang? Oo. Bakit?"
"Mr. Williams requesting that food. He wants soup because he can't eat much, so..."
Napatango ako. Napaisip ako kung sinong magluluto niyon. May cook naman si Uncle ng mga Filipino dishes na gusto niya, ang kaso umuwi sa Pilipinas nitong nakaraang buwan ang cook niya. Ang sabi ko kumuha na ng bagong Filipino cook para hindi niya mami-missed ang mga pagkaing Pinoy, ang kaso wala pa raw maibigay ang agency.
"Ikaw ba magluluto? Alam mo ba ang sinigang?"
"A soup with meat and cabbage, right?"
Halos maibuga ang iniinom ko sa sinabi niya. Seriously? Hindi ko mapigilang pagtawanan siya na kumukunot-noo lang sa akin.
"That's Nilaga, Sam!" naiiling kong sabi, pinupunasan ang labi kong nabasa.
Tinitigan niya lang ako saglit, mayamaya ay napangiti nang mukhang nakuha niya ang pinagtatawanan ko.
"Sorry, akala ko iyon 'yon," sabi niya na pinagtatawanan din ang sarili.
"No! Sinigang has water spinach, r****h, and other veggies you want to put, like eggplant, okra and of course with meat."
"Don't laugh! It's been a long time since the last time I ate Filipino foods! Wala pa akong alam sa mga pagkain noon," reklamo niya pero natatawa rin naman.
"But you're laughing too!"
Kinagat niya lang ang labi niya at yumuko para itago ang mukha. Napapailing na nilagay ko ang pitcher sa mesa at binalingan siya.
"So you'll do the cooking? Is that still part of your job? Something that I'm not aware of?"
Ngumuso siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Sana, kaso wala akong ma-search na recipe sa Internet."
Nangunot-noo ako. That's impossible! Ang dami kaya ngayon mase-search sa Internet!
Nagtatakang dumungaw ako sa cellphone niya. Siguro kaya hindi siya naka-formal attire ngayon dahil balak niyang ipagluto si Uncle. Naka itim lang siyang long sleeve ngayon na di-butones at itim na pants. Inaamin kong mas bagay sa kaniya iyong ganitong kasuotan lang. Hindi siya nakakailang kasama. Specially wala ang shades niya.
Natawa ako nang makita ko ang nakalagay sa search bar niya. Akala ko na-misheard ko lang ang bigkas niya sa sinigang, may pagka-slang pa siya. Iyon pala ay iba talaga ang basa niya rito.
"You can't search it because its 'Sinigang' not 'Sinegang' okay?" Natatawang kinuha ko iyon sa kamay niya at ako na ang nag-search.
Kunot ang ilong na kumamot siya sa isa niyang kilay. "Mr. Williams said Sinegang!"
"Because you two are both slang, okay?" I said, still laughing.
"Stop making fun of me!" nanliliit ang mga mata niya pero hindi ko makuha kung napipikon na siya o ano. Gayun pa man ay hindi naman ako natatakot na mapikon siya. Ewan ko kung bakit.
"I'll cook na lang, baka paasimin mo pa ang nilaga."
"Stop!" natatawa niyang sabi. Ilan minuto kaming nagtawanan habang pinapanood kung paano lutuin ang sinigang sa YouTube. Pinagtatawanan ko siya sa tuwing naglalagay ng sahog ang nagluluto at walang cabbage doon.
Nang matapos kaming manood ay nagkatinginan na lang kami at nagpasiyang ako na ang magluluto. First time ko rin naman kaya ayos lang. At least alam ko kung may mali sa lasa.
"By the way, thank you for making sure that Uncle is fine," sabi ko na ikinakibit-balikat niya lang. "Look, I don't care if that's just part of your job or something, but it means a lot to me and I thank you for that."
Naitikom niya muna ang bibig at pinag-cross ang braso niya sa may dibdib bago sumagot.
"Kanina akala niya mawawala na siya, and he was scared not because he's scared for himself, but he's scared that he'll die without seeing you, because he's scared for what will happen to you. He don't want to see you cry or hurting, because he used to see a brave girl who grew up in his watch. That's you." Binalingan niya ako nang may maliit na ngiti. "I didn't saved him, you saved him. Because an old man like him, without children and wife, he don't have anyone to hold on to. If you weren't by his side all time and make him feel that's he's loved, he'll stop living."
Ngumiti ako para pigilan ang luhang nais kumawala sa akin. "He's the best father I ever have, Sam. My life didn't change even after you left."