Chapter 5

2988 Words
Janice's POV Pagkatapos kong magluto ng sinigang para kay Uncle ay nagpasya akong lumabas muna sa garden para gumawa ng tawag. Tinawagan ko si Candice para sabihing hindi na muna ako makapapasok kaya siya na muna ang bahala sa gallery. May tiwala naman ako kay Candice. Matalino siya at magaling makipag-usap. Alam kong hindi niya pababayaan ang trabaho at kaya niyang i-handle iyon nang wala ako. Nang sabihin ko rin naman sa kaniya ang dahilan ko ay hindi na rin siya nagreklamo. Alam niya kung gaano sa akin kahalaga si Uncle. Alam niyang first priority ko ito kaya naiintindihan niya kung hindi ko maiwan si Uncle sa ganitong kalagayan. Matapos ang tawag ko kay Candice ay si Kiel naman ang tinawagan ko na mabuti na lang ay nasagot niya kahit alam kong abala siya sa trabaho niya. Doon ko lang nalaman na hindi niya pala alam ang nangyari kay Uncle. Hindi niya rin daw alam na nagbasa pala ng mga dokumento kahapon si Uncle na maaring ikinapagod niya. "Don't worry I'll visit him later and tell him to not worry about the company." "And please assure him na hindi niya kailangang mahiya sa iyo. Don't worry kung nahihirapan ka na, tutulong ako sa pagha-handle ng company ni Uncle." Narinig ko siyang bumuntong hininga. Alam kong nababasa niya nanaman ang pag-aalala sa boses ko. Hindi ko iyon maitatago. Kahit siya ay aware siya na mas priority ko si Uncle higit sa kahit ano. Minsan na nga rin siyang nagtampu-tampuhan dahil iniisip niyang mas mahalaga sa akin si Uncle kaysa sa kasal nang sabihin ko sa kaniyang ikansela na muna ang kasal para makapag-focus siya sa pagtulong kay Uncle sa negosyo noong unang beses itong na-stroke. Buti na lang at kaagad niyang naintindihan na gusto kong alagaan ang matanda haggang buhay ito. "No, I can handle it, don't worry. And I'll assure him, I promise." Tumango lang ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Kahit papaano ay magiging kampante na siguro si Uncle kung si Kiel mismo ang kakausap sa kaniya. "Babe, sorry nga pala kung umalis ako kanina nang hindi ka ginigising..." Natigilan ako sa sinabi niya. Gusto kong sabihin na mas mabuti nang ganoon nang sa ganoon ay makakuha ako ng pagkakataon para huminga at hawiin ang bigat ng dibdib ko buhat ng mga nangyari kagabi, pero hindi ko magawa. He doesn't have any that I need it. Ni hindi ako sigurado kung natatandaan ba niya ang mga nangyari nang sunduin namin siya sa bar. All I sure is he knows that he screwed up. "It's alright, puyat din naman ako kagabi, e, kinailangan ko rin ng mahabang tulog," I lied. "So, see you later? Let's eat dinner later, I'll fetch you." "No, hindi ko pa iiwan si Uncle. May dala rin akong sasakyan," kaagad kong pagdadahilan. "Kita na lang tayo mamaya sa bahay." Nang nanahimik siya sa kabilang linya ay ako na ang kusang nagpaalam at pinaalala na lang sa kaniyang mag-lunch. Mukha namang walang nagagawa na umoo na lang siya at pinatay na ang tawag. Pinagmasdan ko ang cellphone ko pagkababa niyon. Isang araw lang, kailangan ko ng kahit isang araw para magawa uli isantabi ang problema ko sa relasyong ito. Umaasa ako na lilipas din ito kagaya ng mga panahong sobrang aware ako na hindi ako ang mahal ni Kiel. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nalaman kong mahal pa ni Kiel si Janella. Huling beses kong narinig na sa bibig niya mismo ang pangalan ni Janella ay noong nag-away kami 4 years ago. Kinuhestyon ko siya kung bakit parang hindi siya masaya. Doon ay ipinaalala niya sa akin na hindi niya naman ginusto ang umalis ng Pilipinas at maging boyfriend ko, pero wala siyang choice. Umiyak ako noon hindi dahil sa hindi ako mahal ng taong mahal ko, kundi dahil ayoko rin naman ang makasal sa taong hindi ko mahal pero pinipilit kong huwag iparamdam sa kaniya iyon. After all ay naipit lang naman ako sa kasunduan ng magulang namin at ni Kiel. May iba akong gustong makasama. Mula niyon ay nagbago si Kiel. Nakipag-ayos siya sa akin at sinikap na maging mabuting nobyo sa akin habang wala pa kami sa wastong edad ng pagpapakasal. Hindi niya na binanggit si Janella at halos makalimutan kong nage-exist pa ito. Nang magdesisyon kaming magpakasal ay buong akala ko mahal niya na ako, dahil ako mahal ko na siya niyon, pero parang isang abong tinangay lang ng hangin ang lahat ng akala ko sa loob lang ng isang gabi. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa hangin nang mapapikit ako at nilanghap ang amoy ng sinigang na sumasama sa amoy ng mababangong bulaklak sa hardin ni Uncle. Nakangiting nilingon ko ang dumaan sa likuran kong alam kong pinanggalingan ng amoy. Nagulat ako nang makita kong si Samael iyon. Pero sa halip na ignorahin ay tinawag ko siya kaya napaharap siya pabalik sa akin. May hawak siyang tasa na siguradong naglalaman ng sinigang. "Masarap?" Ngumuso muna siya at nagkibit-balikat na tuluyang humarap sa akin. "Hindi na masama para sa first timer," sabi niya at tiningnan pa ang iniinom. "How did you know that it was my first time?" "I should know, because your Uncle said that many times." "Gising na siya? At natikman niya na?" Naupo siya sa tabi ko sa long wooden bench na inuupuan ko. "Yep, we thought you leave." Napailing ako. Pagkatapos ko kasing magluto ng sinigang uy lumabas na kaagad ako sa pag-aalalang hinihintay ako ni Candice. Tulog pa niyon si Uncls kaya hindi na ako nagpaalam. Hindi ko naman alam na nagising na pala siya, o sadyang matagal na akong nakatambay rito kaya hindi ko napansin ang oras? "I won't leave without saying goodbye, Sam." Nanliit lang ang mga mata niya sa akin at hindi na kumibo. Pasimple akong ngumisi. Mukhang tinamaan siya sa sinabi ko. Dinungaw ko na lang ang tasa niya para muling mag-isip ng sasabihin upang pahupain ang awkwardness na dala ng huli kong sinabi. "Sabaw lang?" Napansin kong walang ibang laman iyon. Kaya pala sa tasa siya umiinom, ni walang kubyertos na dala. Napatingin siya sa akin mula sa malayo saka tumango. "Yeah, hindi ako mahilig sa masabaw." Umingos ako. Karamihan nga sa American na kilala ko ay hindi nga mahilig sa masabaw at masarsa. Siguro kaya paborito ng mga dayo ay iyong adobo kahit sawang-sawa na ako roon. "Masarap kaya!" "I just don't like the taste of wet veggies and meat," kunot ang mukha niya na para bang napakapangit ng lasa ng pinag-uusapan namin. "Buti na lang wala ka sa Pilipinas, kundi itinakwil ka na nila." "Dapat ba kapag Filipino mahilig sa masabaw?" "No!" natatawa akong umiling. "But sinigang is one of the famous Filipino food there. God! Gaano ka na ba katagal wala sa Pilipinas?" "Since High school?" "Tagal na ha! Kaya pala wala ka nang alam na pagkaing Pinoy. You should try more Filipino foods." "Like?" sabi niya na mukhang sinasakyan lang ako. "Sinigang sa Hipon, sinigang na bangus, salmon sinigang, and-" "Ha-ha-ha," he sarcastically laugh at me and I just looked at him innocently. "Do you mean I should try more sinigang foods?" Tumawa lang ako sa kaniya. Natigilan lang ako nang unti-unting nawala ang pagtawa niya nang walang tunog at tiningnan ako ng seryoso. "How are you?" "What?" "Kanina malalim ang iniisip mo, then I realised that everything's wasn't good last night. How are you?" Nagpilit ako ng ngiti sa kaniya. "I checked Janella's social media last night, and I saw a lot of post on her timeline, greeting her for her birthday." Naaalala ko pa kung bakit doble-doble ang sakit na nararamdaman ko. Dahil alam kong hindi ako nagkamali ng duda. Sana nga mali ako, hindi ko na lang sana napatunayan na tama ako. Ang kaso sapat na ang mga nakita ko sa social media niya para makonpirma na si Janella nga ang tinutukoy ni Kiel. Its sucks. "Janice..." Pinilit kong 'wag mawala ang ngiti ko na iniliingan siya. "No, I'm fine. I just need a confirmation that's why I checked her, and now that everything's clear, its fine." "How's that fine?" mapait niyang bulong sa hangin. Nagkibit-balikat ako. "I don't know! Can we just talk about something else? I-" hindi ko mahanap ang sasabihin ko. Basta ang alam ko lang ay ayoko nang pag-usapan ang mga bagay na alam kong magbubukas lang ulit ng emosyon na pilit kong iniiwasan. Magaling akong magtago ng nararamdaman ko, magpanggap na ayos lang ako kahit hindi. Iyon ang paraan ko para mawaksi ang mga bigat sa dibdib ko. Pero kapag kinakausap ako tungkol doon ay pakiramdam ko bibigay ako. The next thing I knew is that I'm failing to hide my sadness and heartaches. "Sure," kunot-noo niyang sabi at tumango. "But just want you to know that you don't have to pretend in front of me. I won't judge your feelings." Mataman niya akong tiningnan. Tumango ako. "I know, but somehow I can't. All I want is to pretend and hide. I don't know, but I feel like I am weak when I'm crying," dinaan ko sa tawa ang pangingilid ng luha ko. Ang totoo ay ang bigat-bigat, ang sakit-sakit sa puso na alam kong hindi ako mahal ng taong mahal ko at mapapangasawa, pero wala manlang akong magawa para isalba ang sarili ko. Para kahit papaano ay mabawasan ang sakit. Para akong ano mang oras ay sasabog pero sa tuwing sasabog ako ay ako lang din ang makakarinig ng mga salita, sakit at luhang lumalabas sa akin. Gustong-gusto kong sabihin na pagod na ako, pero pakiramdam ko walang makikinig sa akin. Minsan kahit ilabas ko ang hinanain ko ay ipaparamdam lang nila sa akin kung alin ang mga dapat kong ipagpasalamat, na magiging okay rin ang lahat. But that's not actually what I need, and what I want. All I need is to let myself cry, but I don't feel it right. I want to be strong in front of anyone but when I cry once, I know they will always see me as that, and I don't want to. "It's okay to be weak, I am weak sometimes. I'm not strong all the time. But Janice," tinitigan niya ako at marahang ipinahid ang daliri niya sa pisngi ko. "Imagine taking good care of an old man which isn't your biological father, giving him hope and strength when he's feeling down and weak. And having these family issues in your whole life, plus 6 years in relationship with doubt?" Umiling siya at pinagmasdan ako. "Crying right now doesn't mean you're weak, you're crying because you've been strong in a long time and you need just at least this time to rest, and someone to be strong for you, at least just once." Napangiti ako, wala nang halong pagkukunwari. Ang sarap sa pakiramdam na may makaintindi sa 'yo kahit hindi mo sabihin ang nararamdaman mo. Ang iintindi sa akin, iyon ang pinaka kailangan ko ngayon. "Thank you," sabi ko at kusa ko nang pinunasan ang luhang tuluyang tumakas sa mga mata ko. Ngumiti lang siya at muling uminom sa sabaw ng sinigang. Bahagya pa akong natawa nang mabasa ang asim sa mukha niya. "By the way, malansa ba ang sinigang na bangus?" Nagulat ako sa pag-iiba niya ng topic. "No! Masarap 'yon, gusto mo?" tanong ko kahit na alam kong ayaw niya. "No thanks!" tumayo na siya na hindi itinatago ang pagkawala ng interes sa sinigang. He really don't like it. "I remember, your Uncle wants to eat his lunch with you, come it when you're ready," sabi niya at tumalikod na sa akin. "Sam!" Nilingon niya ako nang nakataas ang kilay. Tumayo ako nang hindi inaalis ang mata sa kaniya. Naaalala ko pa ang huli kong balita sa kaniya, at siya ring sumisilip sa utak ko na pilit kong itinataboy mula nang magkita kami ulit. "I know we don't have a good end, and a good new start. I said a lot of things yesterday that maybe sounds so rude to you, but Sam I just want you to know that... I-" huminga ako nang malalim kasabay ng isang hakbang ko papalapit sa kaniya. Habang siya ay nakatingin lang at nakikinig sa akin. "I'm really glad that you came back, that you are here, alive." Kumalabog ang dibdib ko nang sabihin ko iyon. Para bang libo-libong emosyon ang kusang lumabas mula sa kasuluk-sulukan ng puso't isipan ko. Ngumiti siya sa akin nang walang laman. "Like I promised. Thank you." Pagkasabi niya niyon ay tumuloy na siya papasok. Huminga muna ako nang malalim nang makaramdam ako ng liwanag sa puso ko. Kahit papaano ay gumaan iyon. Hindi lang dahil sa nailabas ko kahit papaano ang kagabi ko pa dinidibdib, pero dahil din kahit papaano ay nawala ang pader namin ni Samael sa isa't isa. At nasabi ko rin sa kaniya ang gustong-gusto kong sabihin sa kaniya sa tuwing ini-imagine ko noon ang pagbabalik niya. Kahit na minahal ko na si Kiel ay gusto ko pa rin siyang makita, hindi para ibalik ang dati pero para masigurong ligtas siya. I just want to see him alive. Saglit na muna akong nagpalipas ng ilang minuto upang ibalik ang composure ko saka pumasok na uli sa loob ng bahay. Doon ay naabutan ko nga si Uncle na nasa living room. Mabuti na rin at may lakas na siya ulit na bumangon. I silently thanked Samael when Uncle treat me like how he used to. Dahil doon ay na-realize kong wala siyang sinabi kay Uncle tungkol sa pinag-usapan namin. Idagdag pa na panay sabi si Uncle na dapat daw matikman ni Kiel ang luto ko. First time iyon kaya sigurado raw siyang matutuwa si Kiel. Dahil doon ay nasiguro ko rin na hindi sinabi ni Samael sa matanda ang tungkol kay Janella. Napapailing na lang ako sa tuwing ipinagmamalaki ni Uncle ang luto ko habang mukhang sarap na sarap siya habang nagla-lunch kami. Sa totoo lang kung hindi naman dahil sa tulong ng cook ni Uncle ay hindi ko naman iyon maluluto ng maayos. Nang una kasi ay hindi pantay-pantay ang hiwa ko sa gulay at karne, tinuruan lang ako kung paano, pati ang pagbabalat nga ng r****h ay nahirapan pa ako. Ang cook din ang tumulong sa akin kung paano tatantyahin ang seasonings at kung paano malalaman kung luto na ang karne at ibang sahog nito. Cooking isn't easy, even when you have a tutorial. I'm just really grateful that Uncle likes it. Buong araw kong sinamahan si Uncle sa kaniyang bahay. Nang mag-alas sinko na ay nagpaalam na akong may aasikasuhin ako kaya kailangan ko nang umuna. Siniguro ko lang na maayos na ang lagay ni Uncle at ibinilin nang mabuti sa mga mapag-iiwanan ko sa kaniya. Matapos ay umalis na ako. Ang totoo ay gusto ko lang makausap si Lorraine. Sinabi ko kanina sa kaniya sa text ang kaunting mga nangyari at sabi niya ay magluluto siya ng dinner at gusto niyang marinig ang kabuuan ng kuwento. Pumayag na ako dahil sinabi sa akin kanina ni Kiel sa text na dahil hindi ko siya masasamahan sa dinner ay sumama na siyang mag-dinner sa mga katrabaho niya sa kalapit na restaurant. Sana lang ay doon talaga ang punta niya at hindi sa bar. Ayoko man magduda pero nahihirapan akong maniwala dahil sa nalaman ko lang kahapon na suki pala siya sa bar, at nagsinungaling siya tungkol sa kaibigan daw niya na kasama niya. Pinilit ko na lang iwaksi ang pagdududa ko ang nag-reply na tumuloy na siya. Nang makarating ako sa bahay ni Lorraine ay saktong tapos niyang magluto ng pasta. Habang hinihintay namin maluto ang marinated chicken na isinalang niya sa oven ay ikinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari kahapon. Mula nang sabihin ko kay Samael na umiwas na hanggang sa bar at sa pag-uusap namin kanina ni Samael, kung paano niya pinagaan ang loob ko at kahit papaano ay nawala ang pader sa paggitan naming dalawa. "Okay, maybe I was wrong that I advised you to tell him about that," sabi niya na inaalala ang sinabi niya sa akin kahapon over the phone. "No! Kahit naman hindi mo sabihin iyon malamang iwasan ko pa rin siya, rude pa rin 'yon." "But the point is, baka hindi ninyo naman kailangang iwasan ang isa' t isa?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. "Please, 'wag mong sabihin na kaya nagbago ang isip mo dahil sa issue namin ni Kiel? Alam mong hindi ko ibabalik sa kaniya ang ginagawa niya sa akin, right?" "Of course not!" mabilis niyang tanggi. "I know that you're not like that. But Ja, Samael is still Samael you knew before you agreed to that engagement. He's not just a typical ex to you, Janice. He once your friend, your protector. Your relationship with him don't have to end just because of a goodbye!" Nag-isip ako habang nakatanga sa platong nakahanda sa mesa niya sa kusina na kinapupuwestuhan namin. "How's Kiel? It feels and seems wrong..." "Hindi mo naman siya lolokohin. Puwede mo sa kaniyang sabihin kung sino si Samael sa past mo, at ibase mo sa magiging reaksyon niya kung ano ang dapat mong gawin." "Paano kung hindi ko magustuhan ang magiging reaksyon niya?" Mula sa harapan ko ay umupo siya sa katabi kong upuan at hinawakan ako sa balikat para iharap sa kaniya. "Sa katunayan nasa 'yo naman talaga ang desisyon. Bakit hindi mo isipin o alalahanin ang nakaraan ninyo? 'wag mo siyang itanggi sa puso' t isipan mo, sa loob mo. Saka mo isipin kung gusto mong basta na lang itapon ang pinagsamahan ninyo o itago iyon kahit ang pagkakaibigan ninyo lang." Napabuntong-hininga ako habang isa-isang binabalikan ang nakaraan kung nasaan naroon siya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD