Excited na dahan-dahang itinulak ni Dorcas ang dahon ng pinto ng hospital room ni Rodante. Isang araw matapos ang operasyon ng kanyang daddy ay tinawagan siya ni mommy Elaine upang ibalita na gising na ito at puwede nang kausapin. Kung kaya kahit abalang-abala sa paghahanda sa nalalapit na kasal nila ni Errol ay isiningit niya ang pagdalaw sa ama. Walang pagsidlan ang tuwa sa kanyang puso dahil sa matagumpay na operasyon kay Rodante. Mahal na mahal niya ang kanyang daddy at ayaw niyang mawala ito sa kanila kung kaya lahat ng hinanakit niya rito ay naglaho nang malaman niyang nasa mabuting kalagayan na ito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya at kung sakali mang itaboy siya nito ay malugod niyang tatanggapin. Ang mas mahalaga sa kanya ay ang kaalamang l

