Love's Plea

1230 Words

Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Errol nang makita si Dorcas na nakaupo sa sofa na tila ba talagang hinihintay siya. Kanina lang ay halos paliparin niya ang kanyang kotse makabalik lang sa kanyang condo. At ngayong kaharap na niya muli ang pinakamamahal na babae ay parang naglaho lahat ng hirap at pagod niya sa paghahanap dito. Wala ring galit o ano pa man siyang nararamdaman dahil sa biglang pagkawala ng dalaga. Ang tanging gusto lang niyang gawin ay ikulong ito sa kanyang mga bisig at huwag nang pakawalan pa. Mabilis niyang tinawid ang distansya sa pagitan nila upang mayakap si Dorcas. Sabik na sabik siya rito at ang ang presensya nito sa loob ng kanyang condo ay sapat na upang maging napakasaya niya ngayon. Tumayo naman mula sa pagkakaupo si Dorcas upang hintay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD