Bahagyang naaliw sa mahuhusay na fire dancers si Dorcas habang pinapanood ang mahuhusay na pagsayaw ng mga ito sa dalampasigan ng Boracay. Mahigit isang oras na siya sa isa sa mga bar dito pero parang ayaw pa niyang bumalik sa hotel room na tinutuluyan dahil lalo lamang siyang nalulungkot kapag napapag-isa. Isang linggo na siya rito at nalibot na yata niyang lahat ang mga bar dito. Pansamantala niyang pinalitan ng ibang sim card ang kanyang cell phone upang hindi siya ma-kontak ng pamilya lalo na ni Errol ngunit palagi naman niyang tinatawagan si manang Eloy upang kumustahin ang mga magulang. Limang araw na siya sa estrangherong lugar na ito pero wala pa rin siyang planong umuwi. Habang tumatagal ay lalong lumalala ang kalungkutan niya ganoon din ang kanyang acid reflux. Alam n

