Mula sa kinatatayuan niya tanaw niya si Cathy na tila umiiyak habang nakaupo sa lapag at nakasandal sa dingding. Bahagya kasing nakahawi ang kurtinang tumatakip sa bintana nito kaya kitang-kita niya ang pagmumukmok ng dalaga. Gustong- gusto niya itong yakapin at aluin pero hindi niya magawa. Dahil isa ‘yon sa gusto ng daddy nito na matutunan ng dalaga. ‘Yung patatagin ang loob nito. Kung tutuusin hindi niya nga ito dapat inabutan ng pagkain para matuto itong tumayo sa sarili. Pero hindi niya lang talaga kayang tiisin na nahihirapan ito. Kaya kahit papaano inaalalayan niya pa rin ito. Dumilim na ang buong paligid. Pero tila hindi pa rin tumitinag si Cathy. Kaya bigla siyang kinabahan at agad siyang tumawid sa bahay ng dalaga. Matapos niyang sindihan ang mga ilaw sa sala, dumiretso na siy

