Guwapong-guwapo tingnan si Gio sa suot nitong puting long sleeve na tinernuhan ng asul na maong na pants. Nakasuot pa ito ng shades na lalong nagpa-guwapo rito. Nanlaki ang mga mata niya na tila hindi makapaniwala. Naglakad ito papalapit sa kanya at akmang hahalik sa pisngi niya nang bigla niya itong sampalin sa mukha. Napangiwi ito at napahawak sa pisngi. “Why?” kunot ang noong tanong nito. “Hobby mo na ba talagang pag-tripan ako, ha? Sabi mo hindi tuloy ang flight mo?” Natawa ang binata. “Gusto lang naman kitang i-surprise.” “Nakakainis ka! Lagi ka na lang ganyan. Surprise na nga ang pag-alis mo pati pagdating mo surprise pa rin. Hindi ka na nakakatuwa, ha!” aniya atsaka siya muling sumakay sa kotse at iniwan niya ito. Napahimas na lang sa batok si Gio saka napangiti. “Hay! Nagsus

