Second year college noon si Guia at fourth year college naman siya. Nang masangkot ito sa isang gulo sa school. Malakas ang ulan noon at madulas ang kalsada nang makatanggap ng tawag mula sa school ang mommy niya na nakipag-away daw ang dalaga. Kaya nagmamadali ang mga itong sumugod sa school. Pero hindi na nakarating ang mga ito sa school nang mabangga ang sinasakyang kotse ng mga ito sa isang puno sa gilid ng kalsada. Dead on arrival sa ospital ang mga magulang nila. Mula noon naging mailap na siya sa kapatid. Kahit hindi niya tuwirang sinasabi, ipinaramdam niya rito ang sama ng loob niya. Nagbago ang maganda nilang samahan. Hanggang sa tuluyan na ngang nawasak, nang magpasya si Guia na tumira sa bahay nila sa Canada. "Speak up, Kuya. Bring it on! I know you hate me that much. Come

