Habang abala si Gio sa pagluwas sa Maynila, naging abala rin si Cathy sa paggawa ng kung ano-ano kasama ng mga bata. Minsan naisipan niyang sumama sa mga ito na mag-igib at mag-deliver ng tubig sa bahay-bahay. Alam niyang hindi ganoon kadali ang ginagawa ng mga bata pero hindi niya akalain na sobrang hirap pala. Dahil ang haba ng kalsadang binaybay nila para lang maihatid ang tubig. Isang galon lang ng mineral water ang bitbit niya pero tagaktak na ang pawis niya. Bukod sa pagod sa mahabang paglalakad ramdam niya na rin ang sakit ng namumula niyang kamay. “Grabe! Ang hirap pala ng ginagawa niyo,” hinihingal na sabi niya habang naglalakad sila pabalik sa bahay. “Hindi ka lang po sanay, Ate Cath,” natatawang sabi ni Toto. Dahil sa pagod nakaramdam ng gutom ang dalaga kaya inaya niya ang

